00:00Thank you very much.
00:30Thank you very much.
01:00Thank you very much.
03:04Laffy nagkasalubong sa intersection ang dalawang sasakyan sa National Highway ng Lungsod.
03:09Sa kuha ng CCTV, kitang nakabukas ang blinkers ng ambulansya.
03:13Huminto ang isang motorsiklo na nasa kasalubong na linya.
03:17Pero nang lumiko ang ambulansya, nagtuloy-tuloy ang isa pang motor.
03:21Bumaba ang driver ng ambulansya pero kalauna'y umalis din.
03:24Basis sa investigasyon, umuwi sa kanilang bahay ang rider pero binawian ng buhay kinabukasan.
03:31Wala ang pamilya ng biktima ng aming puntahan.
03:34Ayon sa kanyang kapitbahay at kaibigan, nakita niyang may mga pasa ang biktima
03:38at masakit ang katawan nang umuwi pagkatapos ng aksidente.
03:43Isa sa ilalim pa sa autopsy ang labi ng biktima.
03:46Ginahanap rin ng mga otoridad ang driver ng ambulansya.
03:51Nasa siyam na milyong pisong halagaan ng iligal na droga
03:54ang nasabat sa operasyon sa Davao City.
03:57Sa Bybas Operation sa barangay Matina, Pangi,
04:00nakuha sa aristadong sospek ang mahigit isang kilo ng hinihinalang syabu.
04:05Ayon sa pulisya, inaalam pa kung saan nakuha ng sospek ang supply ng iligal na droga.
04:10Mahaharap sa reklamong paglabag sa comprehensive dangerous drugsack
04:14ang sospek na tumangging magbigay ng pahayang.
04:17Ito na ang mabibilis na balita.
04:24Nalaglag sa service road mula sa Santolan Flyover ang isang closed van
04:28matapos bumangga sa poste ng ilaw kanina ang madaling araw.
04:32Base sa investigasyon, binabagtas ng closed van ang northbound lane
04:35ng maaksidente.
04:37Sa lakas ng impact, natumba ang poste.
04:40Ilang oras namang naiwang nakatagirid ang closed van.
04:43Ayon sa nakasaksi, isang rider ang tumulong sa driver na makalabas sa closed van.
04:48Hinahanap pa ng mga otoridad ang driver na umunoy tumakas.
04:52Pasado alas 5 na umaga nang mayalis ang closed van sa kalsada.
04:59Gumangga naman sa mga barrier ng EDSA bus carousel sa Cason City
05:02ang isang dump truck kanina rin madaling araw.
05:04Nagdulot yan ang pagsikip sa daloy ng mga sasakyan.
05:08Nataggal ang truck sa kalsada matapos ang tatlong oras.
05:10Ayon sa driver ng truck, nakaidlip siya habang nagmamaneho.
05:16Walang sugatan sa insidente.
05:21Matapos ang investigasyon sa SOSE o Statements of Contributions and Expenditures noong election 2022,
05:28dineklarang ng COMELEC, walang nilabag sa batas si Sen. Cheese Escudero
05:31at ang kaibigan niyang kontraktor na si Lawrence Lubiano.
05:35Si Lubiano ay ang presidente ng Center Waste Construction and Development Incorporated,
05:39isa sa top 15 ng contractors na pinangalanan ni Pangulong Marcos
05:43na nakaakuha ng karamihan sa mga flood control projects sa bansa.
05:47Sa SOSE na isinumitin ni Escudero sa COMELEC,
05:49dineklara niya ang 30 million pesos na kontribusyon ni Lubiano sa kanyang kampanya.
05:54Ang depensa ni Lubiano, personal na pera niya ang ibinigay sa kampanya ni Escudero.
05:59Sa resolusyon ng COMELEC Political Finance and Affairs Department no PFAD,
06:03sinabi nitong kahit pa presidente ng Center Waste si Lubiano,
06:06hindi siya ang Center Waste.
06:08Base na rin daw sa mga nilabas na desisyon ng Korte Suprema noon,
06:12ang isang korporasyon ay may iba o hiwalay na pagkatao sa mga opisyal o stockholder nito.
06:18Wala rin daw naging ebedensya na nagamit si Lubiano ng Center Waste para mandaya o dayain ang gobyerno.
06:23Iba yung entity na korporasyon, iba yung entity na tao.
06:30Kung baga kahit ako nagtatrabaho sa COMELEC, may sarili akong pera.
06:34Yung COMELEC may sarili siyang ano.
06:37Unless ginamit po ng, it will work this way,
06:41kung ginamit ng Center Waste si Mr. Lubiano para makapag-donate.
06:46So basically, if it's a board, wala naman naghanap sila ng ebidensya noon.
06:53Like a board resolution, allocating 30 million pesos to donate to ganito.
07:00Wala po.
07:01Wala eh.
07:02Sabi pa ng COMELEC, si Lubiano raw bilang tao ay walang record na kontraktor ng gobyerno.
07:06Ang nag-contribute po as declared by Senator Escudero ay Mr. Lubiano.
07:16So si Mr. Lubiano po, doon na rin sa certification ng DPWH ay hindi kontraktor ng gobyerno on his own.
07:25Wala rin daw ebidensya na ang kinontribute ni Lubiano ay galing sa Center Waste.
07:29Sabi ng COMELEC, wala rin daw silang nakitang sumobra ang gastos ni Escudero noong 2022 elections.
07:35Nag-inhibit si COMELEC Chairman Erwin Garcia sa investigasyong ito dahil minsan siyang naging election lawyer ni Escudero.
07:42Sa kabila ng pag-clear ng PFAD, may nakabinbin pang kaso kay Escudero na isinampan ng mga grupo ng abogado at ilang individual nito lang buwan.
07:50Iba pa raw ang investigasyon na ito base sa magiging ebidensya.
07:53Ayon naman kay Escudero, pinagtibay ng desisyon ng COMELEC ang matagal na raw nilang ginagawa
07:58na mahalagang transparency, honesty at pagsunod sa alituntunin.
08:02Mananaig daw ang katotohanan kapag tama ang proseso.
08:06Naglabas naman ng show cost order ang COMELEC kay Sen. Rodante Marculeta.
08:10Kaug na ito ng pagdideklara niya sa kanyang sose na zero ang kanyang natanggap ng campaign contributions
08:15samantalang mahigit 112 million pesos ang kanyang expenditures.
08:20Sinabi naman ni Marculeta sa isang panayam na ito'y dahil humiling ng privacy ang kanyang mga campaign donors.
08:25Kinukumpa na rin ng COMELEC ang mga nagastos ni Marculeta noong eleksyon sa kanyang salay nitong Hunyo
08:30na nasa halos 52 million pesos.
08:33Nagsabi na si COMELEC Chairman Garcia na mag-i-inhibit siya sa deliberasyon kay Marculeta
08:37dahil nagkaroon daw sila ng professional relationship noon ng senador.
08:42Niko Wahe, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:45Isa pang mainit na balita pinapagpasa ng Sandigan Bayan 5th Division ng mga karagdagang dokumento
08:58si Sen. Jingo Estrada kaugnay po sa kanyang motion to travel.
09:03Kabilang sa mga hinihingi ng Korte ang detailed itinerary, booking tickets, affidavit of undertaking
09:08at authority to travel ni Estrada.
09:11Sa motion ni Estrada, sinabing babiyahi siya sa Japan mula December 26 hanggang 31.
09:17January 5 to 15 naman sa Norway, Iceland at Austria.
09:22Ayon sa prosekusyon, walang necessity to travel si Estrada.
09:26Hinihiling din daw ang presensya niya para sa embisigasyon ng ICI kaugnay ng flood control projects.
09:32Kabilang si Estrada sa mga inisuhan ng Immigration Lookout Bulletin Order
09:36matapos idawit sa questionabling flood control projects sa Bulacan.
09:40Itinanggi na ni Estrada na sangkot siya sa usapin.
09:43Bago nito, isa rin si Estrada sa mga kinasuhan kaugnay sa umano'y maanumalyang paggamit ng PIDAF
09:49kung saan siya inisuhan ng hold departure order.
09:52Kabilang dyan ang graft case na nakapending pa sa Korte.
09:56Malaya si Estrada mula pa noong 2017 dahil out, on bail o nakapagpiansa.
10:02Kinukuha pa natin ang reaksyon niya kaugnay sa utos ng Sandigan Bayan ngayong umaga.
10:10Kabilang niya kaugnay sa pupu kuma
10:21Kabilang niya kaugnay sa uto nglar faus.
Comments