00:00Mark, isang Roro vessel ang tumagilid habang nasa Real Port sa Quezon.
00:0658 ang sakay niyan.
00:11Bago mag-alauna ng madaling araw, kanina ng unti-unting tumagilid ang MV Virgen Peña, Francia.
00:18Nangyari yan habang nagdidiskarga ng mga kargamento ang Roro na galing sa Pulillo Island.
00:24Na-rescue naman ng Philippine Coast Guard ang 40 pasahero kabilang ang dalawang sanggol, pati na ang 18 crew ng
00:32barko.
00:33Ayon sa marina, tatlo sa mga pasahero ang nasugatan.
00:36Dahil daw sa lakas ng alon, napatid ang talo na kumokontrol sa barko.
00:42Siguro tale, no?
00:44Kumokontrol sa barko dahilan kung bakit ito tumagilid.
00:47Pinag-aaralan pa kung paano maisasal ba ang tumagilid na Roro at inaalam kung may tumatagas na langis mula rito.
00:55Dahil sa pangyayari, pinasuspindi na rin ni Transportation Secretary Vince Dizon sa marina ang Passenger Ship Safety Certificate ng Barko.
Comments