Skip to playerSkip to main content
-Signal number 2, nakataas sa Metro Mania dahil sa Bagyong Opong; storm surge warning, nakataas din

-INTERVIEW: ROEL MONTEZA
EARLY WARNING OFFICER, PDRRMO LEYTE

-2, sugatan sa pagbagsak ng puno sa isang tindahan kasunod ng malakas na hangin at ulan/ Ilang punong bumagsak dahil sa hangin, humambalang sa ilang kalsada

-Bagong tournament format, ipatutupad sa NCAA Season 101 na magsisimula sa October 1/ 5 veteran at 3 bagong courtside reporters para sa NCAA Season 101, ipinakilala na

-Oil price adjustment, posibleng ipatupad sa susunod na linggo

-Ilang puno na may mahahabang sanga, pinutol na/ Mahigit 8,000 pamilya sa Albay, inilikas na/ 136 rolling cargo, stranded sa Pio Duran Port

-Ganda ng Sarangani, tampok sa "Biyahe ni Drew" sa bagong time slot sa Linggo, 6:10pm sa GTV

-INTERVIEW: BENISON ESTAREJA
WEATHER SPECIALIST, PAGASA

-Malakas na ulan, naranasan sa Las Piñas; mga bahaing kalsada, binabantayan

-241 residente sa Obando, lumikas na; Bulacan, nasa wind signal #2/ Obando, Bulacan MDRRMO, patuloy ang monitoring sakaling may kailangan pang i-evacuate na mga residente

-Evacuees, nabagsakan ng kisame ng isang simbahan sa kasagsagan ng Bagyong Opong/ Ilang bahay at eskwelahan, nalubog sa baha dahil sa pag-ulang dulot ng Bagyong Opong

-Ilang lumikas at nanatili sa evacuation center, nagkasakit/ Ilang biyahe sa Port of Danao, kanselado dahil sa masamang panahon

-Ilang Kapuso stars, tumutulong sa pag-repack ng relief goods ng GMA Kapuso Foundation

-Mahigit 20 bahay, nasira dahil sa lakas ng hanging dala ng Bagyong Opong; ilang puno, natumba/ Supply ng kuryente sa Samar Island, apektado dahil sa malakas na hangin

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00To be continued...
00:30...hanggang Cubao. Para po yan maiwasang matumba o mapinsala ang mga billboard ng malakas na hangin, ngayong nasa signal number 2 ang Metro Manila.
00:41Kaugnay po sa Bagyong Opong, alamin na natin ang kasalukuyang sitwasyon dyan sa Leyte.
00:46Kausapin po natin si Ruel Monteza, ang Admin Aid at Early Warning Officer ng Leyte PDRRMO.
00:54Magandang umaga po sa inyo, sir.
00:56Magandang umaga po, ma'am, at sa lahat ng nanonood na mga programa natin.
01:02Opo, ano ho ang update natin? Ano ho ang lagay ng panahon dyan?
01:06Sa ngayon po, ngayong oras na to, medyo nagpakita na yung araw, pero pandalian lamang, pero wala ka na kaming ulan.
01:13Kagaya, di pa kaya tagagay at saka kanina, madaling araw.
01:17Okay, at ilan po ang naitala ninyo na mga naapektuhang pamilya?
01:22In 12 municipalities, there are 490 families and 1,686 individuals who evacuated.
01:34I see. Pero yung mga ating kababayan ba, nawalan ho ng tubig?
01:39O kaya, yung supply po ng kuryente nyo sa lugar, kamusta?
01:44Kagabi, dalawang kooperativa dito sa amin, yung LECO 2, LECO 3, and LECO 4, na wala ng power.
01:54Pero ngayon, na-restore na po lahat.
01:56Okay, at doon po sa mga nasa Lantaho, ano ba yung bayan, mga bayan na pinaka-apektado po ng bagyo?
02:04Lalo na yung mga binaha siguro, sir?
02:07Yung mayroon lang tayong isa, 2-3, 5-6 na barangay na medyo apektado sa plant.
02:16I see. At gano'ng kataas o tumaas yung baha dyan?
02:19Ni-level lang po.
02:21I see.
02:21Ni-level.
02:22Pero sa ngayon po, humuho pa naman na o humuho pa na ang mga ito?
02:26Yung iba sa baybay at sa Ormo, hindi pa. Parangay sa Ormo.
02:31Alright. Sige po't makikibalita. Pumuli kami sa inyo at sana po ay maging nasa mabuti kayong kalagayan lahat dyan.
02:38Thank you po sa inyong oras.
02:40Okay po.
02:41Yan po naman si Mr. Ruel Montezang, admin aid at early warning officer ng Leyte PDRRMO.
02:47Ito ang GMA Regional TV News.
02:55May inita balita mula sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
03:00Nawasak ang isang tindahan sa Sambuanga del Sur matapos mabagsakan ng malaking puno.
03:06Sara, may nasaktan ba?
03:08Rafi, hindi bababa sa dalawa ang sugatan sa pagbagsak ng puno.
03:13Damay sa insidente ang mga nakaparadang motorsiklo sa loob ng tindahan sa Barangay Poblasyon sa Dumingag.
03:20Batay sa embesigasyon, nangyari yan kasunod ng malakas na ulan at hangin na dulot ng habagat at bagyong opong.
03:27Sa clearing operations, pinutol na rin ang dalaw pang puno na posible rin umanong matumba.
03:32Sa National Highway naman sa Barangay Montela, sa bayan ng Aurora.
03:36Humambalang sa isang lane ng kalsada ang isang punong nabual dahil sa malakas na hangin at ulan.
03:42Nagsagawa na ng clearing operations ang mga otoridad.
03:45Isang puno rin ang nabual at humambalang sa bahagi ng kalsada sa Barangay Gapasan sa Bayan ng Suminot.
03:52Walang naiulat na sugatan.
03:53Bagong season, bagong tournament format. Yan daw ang dapat tabangan sa Season 101 ng National Collegiate Athletic Association o NCAA na magsisimula na sa Oktubre.
04:10Kilala rin din ang mga courtside reporters sa Sports Bites Hatib ni Katrina Son.
04:14All set na ang lahat para sa NCAA Season 101 na magsisimula sa Oktubre 1.
04:22Sa media launch, binida ng NCAA Management Committee members ang bago format para sa games.
04:28Dati kasi pagka sa elimination, naka 10 to 12 weeks, alam na eh. Hindi pa tapos, alam na kung sino yung papasok sa Final Four.
04:36So itong bagong format, ang hirap i-determine.
04:39It would really be consistency over complacency. So I hope that all the teams are really preparing for all the games because every game would count.
04:51Dapat din daw abangan ng pag-officiate sa mga games ngayon season. Ang mga team, puspusan na pag-ensayo at maghahanda.
04:58Before we were underdogs and now we got our chip on our shoulder. Challenge yun to do better from last year and to keep us going talaga.
05:05Kasabay ng opening ng NCAA Senior Basketball, ang pagsisimula rin ng Juniors Basketball.
05:11It's a challenge for us to prepare. You need to really, mas maging refine yung training namin.
05:21Ang courtside reporters ngayong season ay kombinasyon ng mga nagbabalik at mga bagong pangalan.
05:27Well represented rin ang bawat patch, simula nang i-cover ng GMA ang NCAA noong season 97.
05:33Returning courtside reporters si na Chantal Laude at Tatima Reyes.
05:39Patuloy ang NCAA journey ni Nafo Del Agua, Lysel Galpo at Christine Sanagustin.
05:45New courtside reporters si na Aaron D, Tatiana Austria at Bianca Tagarda.
05:51Katrina Son nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:56Ito na po ang abiso sa mga motorista.
06:03Dagdag bawas ang inaasahang pag-alaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
06:09Sa estimate po ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy,
06:13batay sa kanilang 4-day trading,
06:15nakikitang may pagtaas ng halos 80 centavos per liter sa gasolina.
06:21Roll back naman na 5 centavos per liter ang inaasahan sa diesel at halos 40 centavos per liter sa kerosene.
06:31Posible pang magbago po yan depende sa kalakalan ngayong biyernes.
06:35Ayon sa DOE, nakapagpapataas sa presyo ng geopolitical o yung geopolitical risk,
06:41bunsod po ng banta ng Amerika sa mga bansa sa Europa na tigilan ang pagbili ng enerhiya mula sa Russia.
06:48Nag-papababa naman sa presyo ang muling pag-export ng Iraq ng krudo patungong Turkey.
07:02Libo-libong pamilya ang inilikas sa probinsya ng Albay, Bunsun ng Bagyong Opong.
07:06Ang live na sitwasyon doon sa ulat on the spot ni JP Soriano.
07:11JP?
07:11Rafi, bukod sa ilang puno na tumumba sa ilang bahagi ng bayan dito sa Ginubatan
07:22at sa isa pang bayan sa may ligaw ay sa Kabutihang Palad, Rafi,
07:26wala namang mapaminsalang epekto ang Bagyong Opong dito sa probinsya ng Albay.
07:32Gayunpaman, sinamantala pa rin ng mga otoridad sa Daraga, Albay,
07:36ang pagkakataong ito para putulin yung ilang sanga ng puno na nakalitaw na nagbabantang mahulog
07:43para sakaling sumamana naman ang panahon, e hindi na nga ito magdulot ng anumang problema.
07:48Sa pinakalitas na advisory mula sa Albay Public Safety and Emergency Management Office,
07:53wala pong naiulat na matinding pagbaha at pag-agos ng lahar.
07:57May ilang puno nga na naiulat na tumumba pero gayunman ay hanggang kagabi umaabot na sa mahigit 24,000 na individual
08:04o katumbas ng mahigit 8,000 pamilya ang inibigas na bahagi ng preemptive evacuation.
08:10Kabilang na po yung mga residenteng nakatira sa Barangay Mabinit sa Legaspe City
08:14na nasa loob ng 6-kilometer permanent danger zone ng Mayon Volcano
08:18pero wala nga pong nangyaring anumang pinangangambahan na banta ng lahar.
08:24Bitpit nila yung kanila mga gamit, pati na rin yung ilang damit.
08:27Ayon sa ilang residente, bukod nga sa malakas na hangin na pangamba nila,
08:30e yung baka nga huwag naman sana pag lumakas ang ulan ay umapa o magkaroon ng lahar.
08:38Wala pa rin pong pasok sa Albay, dito sa probinsya ng Albay,
08:42kahit po tumila ang ulan at bahag yung nakikita natin gumaganda ang panahon,
08:47aabot po sa 136 rolling cargos ang stranded sa Piyo Duran Port, sa Piyo Duran Albay
08:54dahil hindi pa rin makabiyahe dahil para matiyak na wala nga pong anumang sakonang magaganap
09:00dahil nga nasa Pilipinas pa rin ang bagyong opong.
09:04At yan muna ang latest. Balik muna sa'yo, Rafi.
09:07Maraming salamat, JP Soriano.
09:09Mas pinaagang time slot pero tuloy pa rin sa paghahatid ng exciting adventures
09:16ang ating favorite biyahero.
09:19Ang next destination, tiyak na mabibighani ka nga ni.
09:24Heto ang patikim ng biyahe ni Drew.
09:29Mga kasama natin si Ashley Rivera, a.k.a. Petra Mahalimuya,
09:34dito sa Salangani, Biajeros.
09:35Narito siya sa mundo ng mga tao.
09:42Para mag-enjoy kasama natin, Biajeros.
09:49Pakita mo, pakita mo kung sino ka.
09:50Yan!
09:51Ay, ay, ay!
09:52Oh!
09:53Ula, lakas ah!
09:55Dito sa Salangani, hindi mapapaaray ang bulsa.
09:59Sa halagang 10 piso.
10:01May kanin at ulam ka na.
10:02Saan ka pa?
10:03Mmm, hop!
10:05Ready?
10:05Pag-init pa nga eh.
10:09Actually, malaking bagay na maginit yung kanin, no?
10:11Matatagpuan daw sa Salangani ang pinakamalinis na ilog sa buong Mindanao.
10:16Yan ang Bangi River.
10:20Hindi lang natin basta pupuntahan ang ilog na ito.
10:24Dahil magpapadulas tayo rito.
10:28First time ko.
10:29And I'm sure this will be the last.
10:32Ang saya ko.
10:33Sobrang nag-enjoy ako as is.
10:39Ready na ba kayong mabighani ng Saringani?
10:41Hingi po tayo ng update sa lagay ng panahon at kinaroroonan ng Bagyong Opong.
10:55Kausapin po natin si Benison Estareja, ang weather specialist mula sa pag-asa.
11:00Maulang araw, Mr. Benison.
11:04Yes po, maulang araw, Ms. Connie.
11:05Ano po ang pinakahuling update na natin tungkol sa Bagyong Opong?
11:09Nasaan na po ito ngayon?
11:12Sa ngayon po, nasa coastal waters na po ng Ferrol, Sarongblon,
11:16ang sentro nitong si Severe Tropical Storm Opong.
11:19Taglay pa rin ang hangin ng 110 kmph malapit sa gitna
11:22at may pagbukso hanggang 150 kmph na po.
11:26At kumikilos pa ka Luran or Westward at 35 kmph.
11:29So bahagya itong bumibilis sa ngayon.
11:32Nagkaroon tayo ng landfall dito po sa may Eastern Summer kagabi.
11:36And then kaninang madaling araw sa may Masbate.
11:39Afterwards, a few hours na po actually dito lamang sa may Romblon.
11:42At sa mga susunod na oras, pakunta na po ito ng Mingoro Island.
11:45Okay, so tatlo ang beses na pag-landfall po nito, tama?
11:50Bali po, tatlo po bin siya.
11:51Tapos dalawang beses po sa may Masbate at dalawa sa Romblon.
11:54Ayun, okay. At ano po yung mga lugar na kasalukuyang nasa ilalim ng storm signal warning sa mga susunod na oras?
12:03Base po sa ating data bulletin, signal number 3 sa Batangas, Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.
12:11Gayun din sa northern portion of Aklan at Caluya Island.
12:14Signal number 2 naman sa Southern Zambales, Bataan, Southern Pampangas, Southern Bulacan.
12:20Metro Manila nakataas pa rin po ang signal number 2.
12:22Gayun din sa Rizal, Cavite, Bukong Laguna, Southern Quezon, signal number 2, Southern Camarines Sur, Albay, Susugon, Masbate, Calamian Islands and Puyo Islands.
12:34Signal number 2 rin sa northern Antique, Resofaclan, northern Iloilo, maging sa northern Negros Occidental, extreme northern Cebu,
12:41kabilang ang Bantayan Islands, extreme western portion ng northern Samar at extreme western portion ng Samar.
12:47Signal number 1 naman po, dito sa Pangasinan, Resof Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, southern portion of Aurora,
12:55natitirang bahagi ng Pampanga at ng Bulacan, maging dito rin po sa natitirang bahagi ng Quezon,
12:59Camarines Norte, Resof Camarines Sur, Catanduanes, northern portion ng Palawan, Resof Antique, Resof Iloilo and Guimara,
13:07signal number 1, maging sa central portion of Negros Occidental, dilagang bahagi ng Negros Oriental,
13:12northern and central Cebu, northern Bohol, rest of northern Samar, rest of Samar, eastern Samar,
13:20signal number 1 na lamang, maging sa Biliran, Leyte and Southern Leyte.
13:24I see. At ito ho, meron ba bang posibilidad na lumakas pa ang bagyo?
13:28Base po sa ating kinakauling track, within the next 24 hours, possibly manatili pa rin ito as a severe tropical storm.
13:37So most likely po nasa 100 to 110 kilometers per hour pa rin ito during its passage sa Mimindoro Island hanggang makarating po ng West Philippine Sea.
13:45So paglabas ka ng par, bukas ng umaga o tanghali, dun pa lamang siya magsisimulang lumakas ulit as a typhoon.
13:50I see. Pero meron din ho tayong nababalitaan kanina umaga na between 4 p.m. mamaya hanggang 8 p.m. daw ay inaasahang maaring lumakas ang ulan sa iba't ibang bahagi po ng bansa,
14:03lalo na dito sa Metro Manila. Ganyan pa rin po ba ang ating prediksyon?
14:08Yes po, base po din sa ating huling assessment, mamayang hapon, pinakamalapit ang sentro nitong si Bagyong Popong dito po sa Metro Manila.
14:16Ito yung time po saan nasa Mimindoro Island po itong bagyo.
14:18So for Metro Manila, we're expecting pa rin naman, halos consistent po yung mga light to moderate with attack natin.
14:25Ganyan din sa mga kalapit na lugar dito sa Central Zone and Calabar Zone.
14:28But dun sa may parting Mindoro, binabalaan na po natin sila dahil dun pa lamang papunta yung pinakamalalakas na hangin at ulan sa mga susunod na oras.
14:35Sabi niyo po kanina ay bukas maaring umalis na po ito sa ating bansa, tanghali o umaga.
14:43Sa mga susunod na oras o araw po pala, ano ba ang ating aasahan?
14:47Pagkaalis itong bagyo, sabi niyo ba? Aaring lumakas pa ito bago tuluyang makaalis?
14:51Yes po, kahit pasabihin natin na lumalakas ito habang nasa West Philippine Sea, lumalayo naman po siya.
14:59So we're expecting that most of Saturday and Sunday ay fair weather conditions sa man po ang iiral sa malaking bahaan din na bansa.
15:06And possibly hanggang sa katapusan po ng September, wala naman tayong panibagong susunod na bagyo sa loob ng ating par.
15:12However, meron po tayong minomonitor ng cloud clusters sa ngayon.
15:15Kung mapapansin po nila, sa rightmost side, sa labas ng par, meron dyan cloud clusters.
15:19Hindi natin nilululaw na may mapubuo dyan na low pressure area.
15:22At sa mga unang araw na Oktubre, posibili po itong maka-prekto dito sa may silangang parte ng bansa.
15:27Marami pong salamat sa inyo pong oras.
15:29Yan po naman si Mr. Benison Estareja, ang weather specialist ng pag-asa.
15:36Nakataas pa rin ang signal number 2 sa Metro Manila dahil sa Bagyong Opong.
15:40Sa Las Piñas, minomonitor ang mga kalsadang madalas bahain.
15:44May ulat on the spot si Marisol Abduraman.
15:47Marisol!
15:52Rafi, malakas na ulan ang naranasan dito sa Las Piñas kanina.
15:55Kaya mga polis, maagang nagbantay sa bahagi ito ng Zapote Road.
15:59Wala na halos makita sa daanan kanina sa bahagi ito ng Skyway sa Paranaque sa lakas ng ulan,
16:12dakong alas 10 ng umaga.
16:13Kaya ang bahagi ito ng Bacor sa Las Piñas, Gaterdeep na ang baha.
16:17Buti na lang Rafi at agad tumigil ang ulan kaya hindi na binaha ang Zapote Road.
16:21Nakadalas ang binabaha tuwing masamang panahon, hindi kaya ay may bagyo.
16:24Kaya ang lamyebro ng Las Piñas Police maagang nagbantay dito mismo sa ating kinaroonan
16:29para mabilis doon nilang mamonitor ang sitwasyon dito.
16:33So far Rafi, sa mga oras na ito, ambun na lamang ang ating nararanasan.
16:37Pero gayunpaman, patuloy pa rin na nagbabantay dito ang mga polis kung sakali naman daw
16:41na magkaroon ng malakas sa pagulan dahil ito nga usually Rafi ang ating kinaroonan ngayon.
16:45Ito yung unang-unang binabaha dito sa Las Piñas.
16:48At sabi nga ng mga polis, kapag binaharo itong Zapote Road,
16:50e automatic, tumatas na rin ang tubig sa ilampang lugar dito sa syudad.
16:55Rafi.
16:56Maraming salamat, Marisol Abduraman.
17:00Dahil nasa signal number 2 at madalas problema po ang baha sa Bulacan,
17:04lumikas na ang ilang residente sa bayan ng Ubando.
17:08May ulot on the spot si Maris Umal.
17:10Maris?
17:11Koni na nito ako ngayon sa Ubando Stadium kung saan inilikas ang mga residente rito.
17:21Ginawang evacuation center ito para sa mga inilikas ng mga residente ng Ubando Bulacan
17:26bilang paghahanda sa Bagyong Opong.
17:31Kasunod nga ng pagbuhos ng malakas na ulan kahapon,
17:34nagsagawa na ng pre-emptive evacuation
17:36ang lokal na pamahalaan sa mga residente sa barangay Salambaw alas 3 kahapon.
17:40Ito kasi ang barangay sa may coastal area na katabing-katabi lang na Manila Bay
17:45kaya lubharaw delikado kung mananatili ang mga residente roon
17:48oras na humagupit na rito ang Bagyong Opong.
17:51Pero dahil pre-emptive evacuation pa lang,
17:53sa ngayon ay nasa 68 na pamilya o 241 na individual pa lang ang naririto.
17:58Dito may kanya-kanya modular tent ang mga pamilya
18:00para komportable silang makapanatili
18:02habang binabayo ng ulan at malakas na hangin ang kanilang lugar.
18:06Nakaabang naman ang MDRRMC sa iba pang barangay
18:09kung saan kailangan din palikasin ang mga residente.
18:12Ang mga residente sinabing nadala na raw sila sa mga nakaraang bagyo
18:16kaya di na sila magsasawalang bahala
18:17kahit di pa ganoon kalakas sa ngayon ang ulan at di pa naman binabaha.
18:25Nakakatakot po gawa po kasi na malakas po yung hangin ang bahay po namin
18:29gawa sa mga light materials lang, madali pong masira, madali pong mawasak po ng hangin.
18:36Kaya po lumikas po kami.
18:45Pony, siniguro naman ni Mayor Deng Valeda
18:47na naririto ngayon na may sapat na pagkain para sa mga evacuees.
18:51Meron ding doktor at nariyan din ang Bureau of Fire Protection
18:54para magbigay ng assistance sa mga evacuees dito.
18:56Yan muna ang pinakasariyong ang sitwasyon
18:59mula pa rin dito sa Ubondo, Balakan.
19:00Balik sa'yo, Pony.
19:01Maraming salamat, Mariz Omali.
19:05Nahulugan ng kisam ang ilang evacuees
19:07na nananatili sa isang simbahan sa butuan na masbate
19:10sa kasagsagan ng panalalan sa bagyong opong.
19:12Halos nawala ng kisam ang Parish of Immaculate Conception
19:15matapos itong bumagsak.
19:17Ang ilang evacuees, kanya-kanyang salban ng mga gamit.
19:21Nagliparan din ang mga bubong muna sa ilang parte ng simbahan
19:23dahil sa malakas na hangin.
19:26Inaalam pa ang bilang ng mga sugatan.
19:28Binahari na ilang lugar sa Kalbayog, Samar
19:31dahil sa epekto ng bagyong opong.
19:34Sa ilangkuhan ni U. Super Gerald Montes Claros
19:37nalubog sa bahang ilang bahay sa barangay San Polikarpio
19:40pati na ang isang paaralan
19:42kasunod ng naranasang pagulan.
19:47Nagkasakit na po ang ilang residenteng lumika
19:50sa Bogo, Cebu.
19:52Ayon sa City Health Officer,
19:54nagkakaubo at sipo na ang ilan sa kanila.
19:56May lagnat na rin daw ang iba,
19:58particular na yung mga bata.
20:00Namahagi naman ang gamo at sa ilka nila
20:02ang lokal na pamahalaan.
20:04Ang ilang lumikas,
20:05bumalik na sa kanilang mga bahay kanilang umaga.
20:08Sa pantala ng Danao City,
20:10kanselado na rin ang ilang biyahe.
20:13Kaya ang mga stranded na pasahero
20:15nananatili rin muna sa evacuation center doon.
20:18Kakiisa ang Kapuso Stars sa GMA Kapuso Foundation
20:27para matulungan ang mga kababayan nating apektado ng bagyo.
20:32Tumutulong sa pag-re-repack ng relief goods
20:34sa Kapuso Foundation si sparkle artist Ralph Miyako.
20:39Kasama niya ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines.
20:42Sa mga nais maging kabahagi sa pagtulong,
20:48maaaring magdeposito ng donasyon
20:49sa bank accounts ng GMA Kapuso Foundation
20:52o magpadala sa Cebuana, Luwilier.
20:57Pwede rin online via Gcash,
21:03Shopee,
21:05Lazada,
21:07Globe Rewards,
21:09at Metro Bank Credit Card.
21:12Ang inyong donasyon po ay 100% tax deductible.
21:16Mahigit dalawampung bahay na sa Northern Samar
21:22ang nasira dahil sa bagyong opong.
21:24At may ulat on the spot si Femarie Dumabok
21:26ng GMA Regional TV.
21:28Fem?
21:32Rafi, dahil sa lakas ng hangin
21:34nadala ng bagyong opong
21:36ayon sa PDRMO head ng Northern Samar
21:39na dalawampung kabahayan
21:40ang nasira sa tatlong bayan ng Northern Samar.
21:43Malakas ang pagbayo ng hangin
21:49na dala ng bagyong opong
21:50na bumabaybay sa gitna ng mga bayan
21:52ng Northern Samar
21:53bago ito tumawid sa Luzon area.
21:56At dahil sa dala nitong lakas na hangin,
21:58ayon kay Josh Itchano,
21:59Northern Samar PDRMO head
22:01na mahigit sa dalawampung bahay
22:02ang totally damaged sa tatlong bayan.
22:05Ang mga bahay ay gawa sa light materials.
22:07Kinokonsolidate pa ng Northern Samar PDRMO
22:10ang totally damaged talaga
22:12ng mga bahay na nasira ng bagyo.
22:14Pasalamat na lang nila
22:15na walang naitalang namatay,
22:17injured o missing.
22:19May mga puno ding napatumba ng bagyo.
22:21Tulad na lang nitong 60-year-old
22:23na puno ng kay Mito
22:24sa barangay Makiwalo
22:25sa bayan ng Mondragon.
22:27Nadaganan at nasira nito
22:28ang isang makina
22:29na gamit sa isang litsyon business.
22:31Pasalamat na lang nila din
22:32na hindi ito natpatumba
22:34o hindi ito natumba
22:35sa kanilang bahay.
22:36Natumba rin ang ilang maliliit na puno
22:39sa May Bonifacio Street
22:40sa bayan ng Katarman.
22:41Tumamba din kaninang umaga
22:43ang maraming sangang naputol
22:44at nagkalat na mga dahon sa daan.
22:47Kaya naman puspusan sa paglilinis
22:49ang mga kawanis sa government agencies.
22:51Dahil sa lakas ng hangin,
22:53apiktado din ang supply
22:54ng kuryente sa Summer Island.
22:56Nakaranas ng power interruption
22:57sa ilang lugar
22:58tulad nilang dito
22:59sa bayan ng Katarman.
23:01Kaya generator set
23:02ang gamit
23:03ng halos lahat
23:04ng business establishment
23:05rito sa Katarman.
23:06Rafi ayon kay
23:09Northern Summer PDRMO head
23:11na paliwanag
23:14ng NGCP
23:15na nagsasagawa lang sila
23:16ng preemptive maintenance
23:18upang malaman
23:19kung may posibleng
23:20hazard
23:21o impact
23:22ang hazard
23:22na dala ng bagyong
23:24si Opong.
23:25Samantala,
23:26pangako naman
23:26ng NGCP
23:27na sa loob ng araw
23:28na ito
23:28may babalik
23:29ang kuryente.
23:30Dahil sa power interruption
23:32may problema din
23:34sa network
23:35sa signal
23:36ng network
23:37ng mga cellular phones
23:38dito sa Northern Summer.
23:40Rafi?
23:41Maraming salamat
23:42Femarie Dumabok.
Comments

Recommended