Skip to playerSkip to main content
-Sen. Escudero, itinangging sangkot siya sa katiwalian sa flood control projects matapos idawit ni dating DPWH Usec. Bernardo

-Lalaki, patay matapos saksakin ng isa pang lalaki dahil umano sa selos/ Kinakasama ng biktima, itinangging nakarelasyon ang suspek

-Kotse, nasira matapos mabagsakan ng malaking bato mula sa bundok sa Brgy. Gibon/
8 barangay sa Mangudadatu, Maguindanao del Sur, lubog pa rin sa baha/ Mahigit 97,000 pamilya, apektado ng baha sa 24 na bayan sa Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, at SGA ng BARMM

-Noel Bazaar na magdiriwang ng silver anniversary, magbubukas na sa Oktubre

-P17.45B dredging project sa Marikina River, inaasahang makatutulong sa problema sa baha/ Ilang taga-Marikina, umaasang matatapos agad ang dredging sa ilog para hindi na sila bahain/ Nabawasan na ang mga binahang lugar nitong mga nagdaang bagyo, ayon sa ilang opisyal ng barangay

-Sinkhole sa Bangkok, 50 metro ang lalim; mga malapit na residente, pinalilikas

-Super Typhoon Ragasa o Super Bagyong Nando, nanalasa sa Hong Kong, Macau at Taiwan/ Ilang bahay at sasakyan sa Taiwan, lubog sa putik kasunod ng Super Typhoon Ragasa

-Red Alert, itinaas sa Eastern Samar bilang paghahanda sa Bagyong Opong/ Food packs at rescue vehicles, inihanda sa Eastern Samar sakaling kailanganin; mga bahaing lugar, binabantayan/ Mga klase sa lahat ng antas, suspendido sa Samar Provinces at ilang lugar sa Leyte dahil sa Bagyong Opong

-NCAA, may bagong logo para sa Season 101/ Philippine Sports Association, magiging katuwang sa bagong season ng NCAA; ilang Olympic sports, idinagdag sa Season 101/ NCAA schools, nagpasiklab na agad sa Pep Rally/ Mapua, ready nang depensahan ang Men's Basketball Championship/ San Beda University, nagpasiklab sa kanilang Pep Rally/ Mga atleta ng Emilio Aguinaldo College, ready na para sa NCAA Season 101

-INTERVIEW: BENISON ESTAREJA
WEATHER SPECIALIST, PAGASA

-Baha sa Sitio Cabo sa Brgy. San Miguel, 4 na buwan nang hindi humuhupa/ Ilang residente, inabandona na ang kanilang bahay dahil sa baha

-Mga residente sa 36 na bayan sa Camarines Sur, pinalilikas na/ Camarines Sur na nasa signal number 2, maayos pa rin ang lagay ng panahon/ Pag-aayos sa mga linya ng komunikasyon at preemptive evacuation, kabilang sa mga paghahanda sa Camarines Sur para sa Bagyong Opong/ Lagay ng panahon sa Naga, Camarines Sur, maayos pa; ilang establisyimento, sarado para makapaghanda ang mga empleyado

-Rep. Teodoro sa 3 reklamo na inihain laban sa kanya: "Malisyoso at hindi totoo"

-Ilang dagdag na characters, makakasama ni "Ciala Dismaya" sa kuwelang hearing sa "Bubble Gang" this Sunday

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:30Pagkwestiyon ni Escudero, bakit puro senador ang itinuturo?
00:34Nasaan daw sa mga aligasyon si Ako Bicol Partilist Rep. Zaldico, dating House Speaker Martin Romualdez at mga kasabot-umano nila.
00:43Haharapin daw ni Escudero ang mga paratang at maghahain ng reklamo laban kay Bernardo.
00:48Sa halos tatlong dekada raw niya sa public service, hindi siya kailanman nasangkot sa korupsyon.
00:54Susubukan namin kuna ng pahayag si Ako at Romualdez na binanggit ni Escudero.
00:59Pero dati na nilang itinanggi na sangkot sila sa anomalya.
01:05Ito ang GMA Regional TV News.
01:11Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
01:15Patay ang isang lalaki matapos saksakin ang isa pang lalaki sa Bacolod City.
01:20Sara, anong dahilan ng apananaksak?
01:24Rafi Celos ang tinitingnang motibo sa krimen.
01:27Batay sa embesigasyon, nilapitan at sinaksap ng sospek ang biktima habang nasa labas ng bahay ng tiyahin ng kanyang kinakasama.
01:36Nagtamo ng sugat sa dibdib ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.
01:40Hinala ng mga polis na karelasyon ng kinakasama ng biktima ang sospek.
01:45Itinanggi naman ang babae na naging nobyo niya ang sospek.
01:49Pinagahan na pa ang sospek.
01:52Sa Nabas, Aklan, isang kotse ang nabagsakan ng malaking bato na mula sa bundok.
01:58Basag ang isang headlight at UP ang harapang bahagi ng sasakyan na nasa barangay Gibon noon.
02:04Ligtas naman ang pamilyang sakay ng kotse.
02:07Posibleng nahulog daw ang malaking bato dahil sa malakas na hanging dulot ng paparating na bagyo.
02:13Lubog pa rin sa baha ang walong barangay sa Mangudadato, Maguindanao del Sur.
02:17Lumikas na ang ilang pamilya dahil sa pagtaas ng tubig.
02:21Bukod sa residential area, napinsala rin ang baha ang ilang taniman at isang fish port.
02:26Sa assessment ng Bangsamora Disaster Risk Reduction and Management Council,
02:3124 na bayan sa Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte at Special Geographic Area ng BARM
02:37ang apektado ng pagbaha.
02:39Epekto yan ang masamang panahon na kaugnay sa mga nagdaang bagyong Mirasol at Nando.
02:44Halos 100,000 pamilya sa mga nasabing lugar ang nasa lanta.
02:48Nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa iba't ibang ahensya
02:51para mahatiran sila ng tulong.
02:5691 days na lang, Pasko na.
03:03Celebrating its silver anniversary, tuloy pa rin makakasama ng mga kapuso ang Noel Bazaar.
03:09Narito po ang aking report.
03:14This is the season of giving and shopping.
03:18Pwede nang simulan ng pamimili ng panregalo dahil next month,
03:23magbupukas na ang ultimate shopping destination.
03:26Ang Noel Bazaar.
03:28Now on its 25th year, kapartner pa rin ang longest running bazaar in the metro,
03:33ang GMA Network at GMA Kapuso Foundation.
03:3625 years of Noel and 75 years of GMA just proof that in our ever-changing world,
03:49some partnerships are really meant to last and become stronger through time.
03:54Over 500 participating merchants ang lalohok sa ipat-ibang venues.
04:00Maraming pagpipilian mula fashion finds, accessories, toys, home essentials at local products.
04:08Sa October 17 to 19 sa Full Invest Tent Alabang ang kick-off.
04:13Lilipat naman sa Crystal Pavilion, Okada, Manila from November 14 to 16.
04:19November 26 to 30 sa World Trade Center.
04:22At balik sa Full Invest Tent Alabang sa December 18 to 21.
04:25For the Okada run and for the World Trade Bazaar run,
04:30we have our, of course, very popular GMA Kapuso Foundation's Celebrity Ukay Ukay booth.
04:37However, at the Full Invest Tent, yung kick-off at saka yung finale mangyayari sa, ano, sa Full Invest Tent,
04:45we also have a special booth that offers direct donation to unang hakbang sa kinabukasan.
04:52Sa media conference, present ang ilang kapuso ambassadors ng Noel Bazaar na sina-sparkle artist Sky Chua
04:59at Kapuso B-Pop Group Cloud 7 na ready na raw ang personal items na kanilang idodonate at ipao-auksyon.
05:08We're really, really, really excited po na makita lahat ng aming mga fans
05:11and lahat ng mga shoppers sa mga venues and dates ng Noel Bazaar.
05:15I'm always happy to help out, especially nung nalaman ko yung backstory ng Noel Bazaar,
05:21partners pala sila ng Kapuso Foundation.
05:24So, talagang may matutulungan tayo pag pumunta tayo ng Noel Bazaar.
05:29Kabilang din sa Kapuso Ambassadors si Carla Abeliana, Jillian Ward, Rian Ramos, Ashley Ortega,
05:35Tim Yap, Eze Martinez at 24 Horas Chica Minute host, Ia Arellano.
05:41May appearances at performances din mula sa Kapuso stores.
05:45May mga mabibili rin gamit ng inyong favorite celebrities and GMA Integrated News Anchors.
05:52Hiling namin po sabihin sa Noel Bazaar, nakashopping ka na, nakatulong ka ba?
05:55Dahil yung pagka pupunta ka bumisita sa event, nag-shopping sa ukay-ukay or sa ating mga local merchants,
06:03nakakatulong din po talaga ito sa mga projects of Kapuso Foundation,
06:08lalong-lalo na sa pagpapatayo ng schools, tsaka yung mga disaster relief programs din po.
06:13Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:20Isang marikina sa mga lungsod sa Metro Manila na madalas bahain tuwing may bagyo.
06:24Kaya ngayong paparating ang bagyong opong,
06:26umaasa ang ilang residente na makatutulong ang ginagawang dredging sa Marikina River
06:31para makatulong sa problema sa baha.
06:33Balita natin ni E.J. Gomez
06:35Gaya ng ilang lungsod sa Metro Manila, madalas bahain ang ilang lugar sa Marikina kapag may bagyo.
06:45Oras kasi na umapaw ang tubig sa Marikina River, babahain na ang mga kalapit barangay nito.
06:52Isa sa mga flood control efforts ng Marikina City ang P17.45 billion pesos na Pasig Marikina River Channel Improvement Project.
07:01Ayon sa Marikina River Park Authority,
07:04nasa 50 to 55 meters ang orihinal na lapad ng Marikina River
07:08na magiging 80 to 100 meters kapag natapos ang ginagawang widening.
07:13Bahagi rin ang proyekto ang dredging na nasa humigit kumulang 3 meters.
07:18Kapag natapos ang flood control project,
07:20halos doble raw ang magiging water capacity ng Marikina River ayon sa Marikina LGU.
07:26Hiling ng mga low-lying areas gaya ng Barangay Malanday
07:29na pinakamalaki at isa sa mga unang binabaha sa Marikina,
07:34agad na matapos ang proyekto para hindi na muling lumubog sa baha ang kanilang lugar.
07:39Sa baha namin noon, talagang hindi safe.
07:45Kasi nga, konting ulan lang, baha talaga sa mga kabahayan, pumapasok na yung tubig.
07:52Yung nagkaroon po kami ng dredging, yung widening,
07:54wala na kami na-experience na gano'n.
07:58Nabawasan na rin daw ang mga lumilikas na residente nitong mga nagdaang bagyo at pagulan
08:03dahil naibsa na mga pagbaha sa barangay.
08:06Gaya ng Malanday, madalas ding problema ng barangay tumana ang baha.
08:11Malaking bahagi kasi ng barangay ang nasa tabi ng Marikina River.
08:15Noong time noong undoy, grabe isang dubog na barangay ang aming barangay.
08:22Ngayon, maraming progreso dahil ultimo ang barangay namin.
08:26Kahit konting ulan, ay hindi gano'n nangangamba ang marami sa amin.
08:31Dahil nabawasan ang pumapasok na tubig dahil mayroong mga gravity wall,
08:37may mga pumping station, widening ng ilog.
08:40At gano'n din ang pagpapalawak ng mga kanal at nagkakaroon ng underground tunnel
08:47ng water na dinadaanan ng mga tubig kanal.
08:50Sabi ng Marikina River Park Authority,
08:53Setiembre na karaang taon pa sinimulan ang malawakang dredging at widening ng ilog.
08:58Isang taon makalipas, mas lumawak na ang ilog.
09:01Ilang bahagi rin ng mga isinarang kalsada ang bukas na sa mga residente at motorista.
09:06E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:12Dito sa Pilipinas, pinaghahandaan na ng mga taga-Eastern Visayas ang epekto ng papalapit na bagyong opo.
09:18At may ulat on the spot si Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
09:22Fem?
09:22Rafi, simula kaninang madaling araw, panakanakang pagulan ang nararanasan dito sa ibang bahagi ng Eastern Visayas,
09:35lalo na dito sa Eastern Samar.
09:37Pero ayon sa PDRMO head ng Eastern Samar,
09:40na mas dapat hindi makampanti ang mga residente dahil nakakatakot kung tahimik lang at walang pagbabadya ng bagyo.
09:47Ang linaw pa ng dagat, may mga kunting pag-alun.
09:54Pero ayon sa mga residente ng Burunggan City, Eastern Samar, na normal lang ito sa kanilang lugar.
10:00Nararanasan man simula kaninang madaling araw ang paunti-unting pagulan, pero hindi pa damang hangin.
10:05Pero ayon kay Engineer Thomas Kampumanis, PDRRM officer ng Eastern Samar, na ito ang kinatatakutan nila.
10:14Kaya naman simula kaninang alas 5 ng umaga, naka-red alert status ka ang buong probinsya.
10:20Ibig sabihin, nakahanda na lahat ng departamento ng mga LGU at ang mga ahensya sa health, BFP, kapulisan at iba pa.
10:28At kahapon pa lang, nakahanda na itong mga gamit para sa rescue operation.
10:3224 oras na nakamonitor ang mga personal ng Eastern Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management sa mga munisipalidad hanggang sa barangay.
10:42Mga rescue vehicle ang naglilibot na sa mga barangay.
10:46Samantalang minomonitor ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection ang sitwasyon ng mga ilog at ng karagatan.
10:53Naka-pre-position na rin ang mga food packs o food assistance.
10:56Inihahanda na ang sako-sakong mga bigas at kahon-kahong canned goods.
11:00May mga hygiene at family kit din.
11:03Binabantayan na rin ang mga flood-prone at landslide-prone areas, lalo na sa 6 na munisipalidad ng Eastern Samar na nakataas ang Storm Signal No. 2.
11:13Naka-alerto na rin at nakahanda na ang kagamitan ng mga kawani ng Philippine Coast Guard ng Eastern Visayas
11:19at ng 801st Infantry, Bantay at Gabay Brigade, 8ID at Philippine Air Force para sa operational readiness at agarang aksyon kung may mga emergency dulot ng typhoon o pong.
11:30I-diniklara sa buong Samar Island at sa ilang lugar ng probinsya ng Leyte na walang pasok sa lahat ng antas dahil sa banta ng bagyong opong.
11:38Samantala, Rafi, dahil sa pinalakas ng bagyong opong, ang hanging habagat.
11:45Kaya ayon kay OCD-8 Regional Director Lord Barod Toricarion na mahigit sa 500 na pamilya sa lalawigan ng biliran ang pinalikas dahil sa halos walang tigil na ulan simula pa kahapon.
11:57At kahit hindi pa masyadong ramdam dito ang bagyong opong sa Samar Island, pinalalahanan na ng OCD-8 ang mga residente dito na huwag makampante at agad na lumikas kung mararamdaman na ang lakas ng hangin at ulan dala ng bagyong opong.
12:12Inaasahan na mararamdaman ang lakas ng ulan at hangin ngayong hapon o kaya ngayong gabi.
12:17At yan muna ang latest mula rito sa Eastern Samar. Rafi?
12:20Maraming salamat at ingat kayo dyan, Femarie Dumabok.
12:27Ready na ang NCAA School sa pagpasok ng Season 101 kung saan idinagdagang ilang Olympic sports.
12:35Bukod dyan, ipinasilit na rin ang bagong logo para sa new season, ang Sports Byte sa tid ni Martin Javier.
12:44New look for a new era. Ang dala ng bagong logo para sa NCAA Season 101. Napili ito sa NCAA Logo Making Contest.
12:54Well, it connotes dynamism and the infinity sign means that it's a continuous commitment, continuous development.
13:09Present sa event ang NCAA Management Committee at ilang kinatawa ng Philippine Sports Commission.
13:15Kapilang ang PSC Chairman na si Patrick Gregorio.
13:19Formal na rin nilagdaan ang partnership ng NCAA at PSC.
13:23NCAA has agreed to adopt and present new Olympic sports as new sports in the NCAA calendar.
13:33Initially, boxing, golf, shooting, and weightlifting.
13:41Full force rin ang suporta ng mga estudyante sa pep rally ng ilang NCAA schools.
13:47Building greatness ang misyon ng host school at men's basketball defending champions Mapua University.
13:55Ready na rin ang Mapua na dipensahan ang kanilang basketball championship.
14:00Nag-champion sila so ako, gutom rin ako na mag-champion kasama rin sila.
14:04San Perala!
14:06One, four!
14:08Rally with the champions naman ang naging tema ng pep rally sa San Beda University.
14:14This season, we are planning to be more united. Hindi lang basta overall championship. Individual magiging champion rin kami.
14:22Nagkaroon rin ang live performance ang mga teams, kabilang ang San Beda Lady Red Spikers at San Beda Red Lions.
14:29At nagtapos ito sa isang ceremonial bonfire.
14:37Mainit naman ang naging pagtanggap ng student body sa mga atleta ng Emilio Aguinaldo College.
14:44Alab-heneral ang kanilang naging tema para raw sa mainit na pagpasok sa season.
14:50Ito na yung season na kailangan na namin makuha yung goal namin. So talagang pinagandahan po namin ito.
14:57Martin Javier, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:05Update po tayo tungkol sa Bagyong Opong at sa epekto niyan sa lagay ng panahon.
15:09Kausapin po natin si Mr. Benison Estareja, ang weather specialist mula po sa pag-asa.
15:15Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hari, sir.
15:18Good morning po, Ma'am Tony.
15:20Nasaan na po ang Bagyong Opong ngayon at lumakas pa huba ito habang papalapit siyempre sa ating bansa?
15:27Sa ngayon po itong si Bagyong Opong ay nasa severe tropical storm category pa rin
15:30at patuloy na lumalapit dito po sa may eastern portion of Visayas and Bicol.
15:35Nasa 335 kilometers po ito silangan ng G1 Eastern Samar
15:38at meron pa rin taglay na hangin na 110 kilometers per hour malapit sa kitna
15:42at may pagbuksong 135 kilometers per hour kumikilos west-northwest sa Belize na 20 kilometers per hour.
15:49Saan ho kaya at kailan posible itong mag-landfall?
15:57Possible po itong magtungo dun sa coastal waters po ng northern Samar.
16:02Bukas yan ang madaling araw.
16:03But then we are also considering na malawak po itong Bagyong.
16:06Nasa 430 kilometers yung radius niya from the center up until dun sa outermost part ng Bagyong.
16:11So maraming lugar sa eastern Visayas and then Bicol Region pagsapit bukas ng umaga.
16:16For the rest of Friday, maapektuhan dito po directly itong Mimaropa, Calabar Zone, Metro Manila,
16:21hanggang sa may Central Zone, hanggang sa makalabas po dito sa may West Philippine Sea sa madaling araw po ng Sabat.
16:26Dahil ho nasa dagat pa ito, inaasahan nun natin maaari pang kumuha ito ng lakas, hindi ho ba?
16:33Ano ang expected natin na dami ng ulan kaya nabubuhos po mula po kay Ongpong?
16:40Tama po, no? Habang ito ay nasa may karagatan pa, posible pa itong bahagyang lumakas
16:44at yung aasahan nating rainfall, posible po na pinakamarami sa susunod na 24 oras
16:49dito sa mga probinsya ng Sorsogon, hanggang dito sa may Masbate, Northern Summer, Summer, Eastern Summer,
16:56pinakamalita po yung 200 millimeters, and possible yung wide-stread ng mga pagbaha
17:01at yung pag-apaw na ating mga kailugan doon, and possible din po yung pagguho ng lupa sa mga bulogundok na lugar.
17:06At dito naman po sa Metro Manila, we're expecting, kasi mula po bukas ng tanghali,
17:11hanggang sa Sabado ng tanghali, mataas ang tsansa ng mga pagulan na malalakas,
17:15lalo na po sa Friday afternoon hanggang evening, same goes for most of Calaberson and Central Israel.
17:22Malalaman na ba natin this early kung meron na po tayo mapapagkumparahan
17:25na dating bagyo in terms of yung lakas at lawak po nito?
17:31Pagdating po dun sa lakas niya, may kukumpara natin ito kay Bagyong Glenda way back 2014,
17:36kung saan naapektohan din itong Cabiculan, Calaberson, Metro Manila,
17:40at lumabas din ito sa may West Philippine Sea.
17:43Pero yung behavior nitong si Glenda at yung magiging behavior nitong si Bagyong Opong naman po
17:47is magkaiba naman given na itong si Bagyong Opong,
17:51nakakonsentrate talaga yung dami ng ulan doon sa mga dadaanan niya mismo.
17:55Whereas si Glenda meron ding effective po ng habagat or enhanced southwest monsoon
17:59sa ilalim na parte po nito.
18:00Speaking of epekto nito sa hanging habagat,
18:04mas marami po tayong mga areas pa na uulanin.
18:08Kahit na sa ngayon, even now, di ba naka-signal number one na po tayo dito sa Metro Manila?
18:13Ganon pa rin po ba?
18:15Yes, yung assessment po natin doon sa mga areas na dadaanan,
18:18yung mga binanggit natin kanina, inulit natin,
18:20then Eastern Visayas, Bicol Region, Calabarzon, Mimaropa,
18:25tapos dito rin po sa Metro Manila and parts of Central Luzon,
18:28possible yung signals number three, up to number four,
18:30lalo na yung bago mag-landfall po itong si Bagyong Opong.
18:33Habang yung ibang lugar, hindi rin natin iro-rule out na magkakaroon ng mga pag-ulan.
18:37Yung affected po ng southwest monsoon,
18:39dito sa may Palawan, sa may Western Visayas,
18:41Negros Island Region, even dito sa pabte po ng Cebu and Buhol.
18:45At doon sa Hilagang Pakti naman ng ating bansa, may aasahan din po ng mga pag-ulan at pag-bugso
18:49sa may Cagayan Valley and other areas pa ng Cordillera.
18:52Okay, marami pong salamat sa inyong update na yan.
18:56Yan po naman sa pag-asa weather specialist, Benison Estareja.
19:15Balita hati ni June Veneracion.
19:22Apat na buwan ng hindi humuhupa ang baha rito sa Sicho Cabo,
19:25Barangay San Miguel Calumpit, Bulacan.
19:28Pati ang kanilang kongkretong makeshift bridge.
19:30Kahit mataas, nilubog ng tubig.
19:331.5 meters yan.
19:35Ang taas?
19:35Ang taas.
19:36O eh ngayon, lubog pa rin.
19:38Gano'n na katagal?
19:40Four months na, magpa-five months na.
19:42Hindi nyo lang nakikita pero itong aking nalalakaran,
19:46makeshift bridge ito,
19:48dito sa isang bahagi ng Barangay San Miguel.
19:53Alam nyo ba,
19:54yung tulay na ito,
19:56naipatayo gamit yung pera ng mga residente.
20:00Nagambagan sila para maski pa panoy,
20:02mayroong solusyon dun sa kanilang problema.
20:04Diyan ang gagaling yung galit ng mga residente dito
20:06dahil nababalitaan nila ngayon
20:08na bilyon-bilyong piso pala ang nawawala
20:11dahil sa korupsyon,
20:12kaugnay ng mga flood control project
20:14na dapat sana'y napapakinabangan nila.
20:17Ang kalumpit ay sakop ng
20:19First Engineering District, Bulacan,
20:21kung saan maraming proyekto ang lumalabas
20:23sa mga pagdinig na substandard.
20:25Hugot-tuloy ng mga taga rito
20:27kung hindi sana inuna ang kasakiman sa pera.
20:30Malabang, hindi ganito kalaki ang problema nila sa baha.
20:33Hindi po sana mangyari na,
20:35puro hearing lang po.
20:37Puro hearing lang.
20:38Sana po eh may managot po talaga.
20:40Maraming residente na ang umalis at inabando na
20:43ang kanilang bahay
20:44na pinaghirapanan nilang maitayo
20:46sa malinis na paraan.
20:48Ang mga naiwan,
20:49araw-araw na nagtitiis.
20:51Katulad ngayon,
20:52kahit saan ka bumaling,
20:54tobig,
20:55dahil po sa mga kagagawa ng mga korap na po na yan.
20:58Subukan po nila na itry na
21:00mamuhay ng pamumuhay namin ngayon.
21:03Baka po sakaling makonsensya po sila.
21:05Talaga ang hirap na hirap na kami siya
21:07nangyayari na yan.
21:08Hindi ko namin akalain na
21:11abot,
21:12inaburgar nga ngayon yung mga
21:14korakot na tao.
21:17Nasa dalawang pong pamilya
21:18ang nasa evacuation center ngayon ng barangay.
21:21Karamihan,
21:22hindi na mabilang kung ilang beses nang lumikas.
21:25Sila po,
21:26nagpapakasaya.
21:27Kami pong may Pilipino,
21:28nagpapakahirap po kasi.
21:30Nahirapan po talaga kami.
21:32Hindi nakakakumpleto ng isang linggo
21:34ng pasok ang mga estudyante
21:36dahil laging lubog ang kanilang eskwela.
21:39Masakit po yung nakukuha po nila
21:41yung mga pondo po ng Pilipinas dito po.
21:45Mahirap din po.
21:47June Veneration nagbabalita
21:49para sa GMA Integrated News.
21:52Sa Bicol,
21:53inaasahan mag-landfall
21:55ang bagyong opong.
21:56Sa Camarines Sur,
21:57naghahanda na ang ilang lokal na pamahalaan
21:59bago pa sumungit ang panahon.
22:02Detaly po tayo sa ulot on the spot
22:03ni JP Soriano.
22:05JP?
22:09Nako Connie,
22:10medyo sumusungit na ang panahon ngayon
22:12kasi kaninang umaga
22:13medyo maaraw pa
22:14pero sa mga oras ito
22:15Connie ay umuulan na
22:16at medyo naramdaman na natin
22:19yung kaunting hangin
22:19at pinaiiral na nga
22:21Connie ang preemptive evacuation
22:22sa mahigit at tumpong
22:24bayan at munisipyo
22:25dito sa probinsya
22:26lalo pata maraming bayan
22:28o may ilang bayan dito
22:29ang flood prone areas.
22:31At Connie,
22:31signal number 2
22:32sa Camarines Sur
22:34batay sa 11 a.m.
22:35bulitin ang pag-asa
22:36pero maayos pa
22:37ang lagay ng panahon
22:39sa ngayon
22:39o kaninang umaga lalo na
22:41pero sa mga oras ito
22:42Connie nga
22:43ay medyo umaambun na
22:44gayon pa man
22:45nakahanda na ang probinsya
22:46sa mga posibleng
22:47magiging epekto
22:47ng bagyong opong
22:48lalo na sa mga bayan
22:49na madalas bahain.
22:51Dito sa Environment Disaster
22:52Management and Emergency
22:53Response Office
22:54o EDMERO
22:55inaayos na ng mga
22:56taga-Filipin Army
22:57ang antena
22:58at iba pang gamit
22:59para sa mga backup
23:00na linya ng komunikasyon
23:01para sa mga gagawin
23:02nilang operasyon.
23:03Nagpupulong na rin
23:04ang mga Emergency
23:05Response Office
23:06ng probinsya
23:07at pinaiiral na
23:08ang preemptive evacuation
23:10bago pa maramdaman
23:11ang epekto
23:11ng bagyong opong
23:12na ayon sa pag-asa
23:13ay mag-uumpis
23:14ang maramdaman
23:15ng justo
23:16ang epekto sa
23:17vehicle region
23:18bukas hanggang
23:18Sabado.
23:19Sa mga nakaraang
23:20bagyo kasi
23:20Connie
23:21at mga kapuso
23:22na may pag-uulan
23:23may mga bayan
23:24sa probinsya
23:25ang nakaranas
23:26na mga matinding
23:26pagbaha
23:27kagaya ng
23:28Bato,
23:29Iriga,
23:29San Fernando,
23:30Nabua
23:31at iba pa.
23:32Mga bahaging labis
23:33na nakaapekto
23:34sa kabuhayan
23:34at kaligtasan
23:35ng mga residente.
23:37Sa Naga City
23:37naman ay maayos pa rin
23:38ang lagay ng panahon
23:39hanggang kaninang tanghali
23:41pero may mga establishment
23:42na ang naghahanda
23:43na nagkalagay na
23:44ng mga harang
23:45sa mga pintuan
23:46at may mga establishments
23:48ang hindi na muna
23:49nagbukas
23:50para bigyang daan
23:51ang mga staff
23:52nitong makauwi
23:52at makapaghanda
23:54sa bagyo.
23:55Lalo pat may mga bahagi rin
23:56ng Naga City
23:57ang nalubog din
23:58sa baha
23:59nitong mga nakalipas
24:00na bagyo
24:01at habagat.
24:02At sa mga oras
24:03na ito nga Connie
24:03ay nararamdaman natin
24:05na paunti-unti
24:06umihip na yung hangin
24:07at talagang
24:08activated na
24:09ang operasyon
24:10ng mga ibat-ibang munisipyo
24:11rito para matiyak
24:12ang kaligtasan
24:13ng kanilang mga kababayan.
24:15At yun muna ang latest.
24:16Balik muna sa iyo Connie.
24:17Maraming salamat
24:18JP Soriano.
24:23Mainit na balita.
24:25Naglabas na ng pahayag
24:26si Marikina First
24:27District Representative
24:27Marcy Cudoro
24:28kaugnay sa tatlong
24:29sexual complaints
24:30na sinampalaban sa kanya
24:31ng dalawang pulis.
24:33Tinawag niya
24:33ang malisyoso
24:34at hindi totoo.
24:36Giit ng kongresista
24:36gawagawa lang
24:37ang mga aligasyon
24:38laban sa kanya
24:39para daw sirain
24:40ang kanyang reputasyon.
24:41Palagay ni Cudoro
24:42may tumatrabaho
24:43sa mga anyay
24:44politically motivated
24:45na pag-atake sa kanya.
24:47Wala pa raw
24:48natatanggap
24:48si Cudoro
24:49na kopya
24:49ng mga reklamong
24:50isinampalaban sa kanya
24:51ng mga complainant
24:52na dating membro
24:53ng kanyang security team.
25:01The phone continues
25:02sa hearing segment
25:03ng Kapuso Gag Show
25:05na Bubble Gang.
25:06He reveal na
25:07kung sino
25:08ang gaganap
25:08na kasama
25:09ni Michael V.
25:10as Shala Dismaya.
25:12Say hello
25:14to EA Guzman
25:15ang gaganap
25:16na Corny Dismaya.
25:18Ano kaya
25:18ang pasabog niya
25:19tungkol sa
25:20birth control
25:21projects nila
25:22ni Shala?
25:23From duo
25:24to trio
25:24naman
25:24ang mga senador
25:25na aabangan.
25:27Makakasama na
25:27ni na senador
25:28Marco Lecta
25:29at Espada
25:30si senador
25:31Tolpu.
25:33Gagampanan niyan
25:33ng Bubble Gang
25:34member na si
25:35Paulo Contis
25:36at may isa
25:37pa raw makiki
25:38miau-miau.
25:40Este,
25:41saw-saw
25:41sa kulitan.
25:43Meet
25:43Kong Kikoy
25:44played by
25:45Cocoy De Santos.
25:46Heto ang
25:47pasampol
25:47sa kwelang
25:48iahatid
25:48ng Bubble Gang
25:49this Sunday.
25:50Sa lahat
25:54na nakaupo
25:55subukan nyo
25:58naman
25:58tumayo
26:00para
26:01miau-miau-miau-miau-miau.
26:04Naniiwala ako
26:05sa freedom of speech
26:06kaya gagawin ko
26:07anong gusto kong
26:07gawin.
26:07Sa lahat
26:08hindi naman
Be the first to comment
Add your comment

Recommended