00:00May hawak paumalong mga ebidensya si dating DPWH District Engineer Henry Alcantara sa Flood Control Scam
00:07bukod sa kanyang naging pasabog sa pagdinig ng Senado.
00:11Yan ang ulat ni Daniel Manalastas.
00:15Matapos ang mga revelasyon ni dating DPWH Bulacan Engineer Henry Alcantara
00:21sa investigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon
00:24kung saan idinawit niya ang ilang kasalukuyan at dating opisyal ng gobyerno
00:28sa anomalya sa flood control at umano'y pagtanggap na mga kickback.
00:33Kung tatanungin si Senado Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson
00:37may pinanghahawakan daw si Alcantara.
00:39Merong record na hawak.
00:41Hindi ito yung parang say so na bahala na si Batman.
00:45Pero nililaw ni Lacson na hindi niya alam kung anong eksaktong ebidensya
00:50ang hawak ni Alcantara.
00:52Pero sa Department of Justice niya raw ito ibinahagi.
00:54Wala nga kaming kinalaman sa kanyang apidavit.
00:57I was just informed.
00:59I was just being updated over the weekend
01:01na merong such and such plan to appear and tell all.
01:07Isa sa nadiin ni Alcantara ay si Rep. Zaldico.
01:11Malaking tanong ngayon, ipapatawag din ba ang kongresista sa susunod na hearing?
01:15Pero muling iginiit ni Lacson ang inter-parliamentary courtesy.
01:19To send an invitation or even a subpina.
01:23Hindi proper.
01:25Regardless.
01:26Kasi yan ang tradisyon ito.
01:27Pero to compel to invite and worse to issue a subpina.
01:32Kung tatanoy naman si Sen. Erwin Tulfo, hinggil kay Coe.
01:36Ang problema, wala siya rito.
01:39I mean, he's out of the country.
01:41Actually, ang magiging role na lang namin, to my understanding, yung Blue Ribbon is for legislation, native legislation, yung ginagawa ng investigasyon.
01:53So lahat ng mga pieces of evidence na nakalap namin, iti-turnover namin sa ICI.
01:57Bukas inaasahang posibleng dumalo na rin si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa pagdinig na isa rin sa mga idinadawit ni Alcantara.
02:08Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.