00:00Tumaan sa tamang proseso ang pag-aresto kay retired AFP Major General Romeo Pocis
00:05kaugnay ng kasong inciting to sedition, gate ng Philippine National Police.
00:10Umalman naman ang kampo ni Pocis sa umano'y pinalabag na ilang karapatahan nito.
00:15Ang detalye mula kay Patrick De Jesus.
00:19Pagkalapag ng kanyang flight kasama ang pamilya mula Thailand,
00:23inaresto nitong lunes ng umaga sa Naiya Terminal 3.
00:26Si retired Philippine Air Force Major General Romeo Pocis sa visa ito ng warrant of arrest
00:32na isinilbi ng PNP Criminal Investigation and Detection Group NCR at PNP Aviation Security Group
00:40dahil sa kasong inciting to sedition, kaugnay ng kanyang mga naging pahayag
00:45sa mga nakalipas na protesta kontra katiwalian.
00:56Matapos nabasahan ng kanyang Miranda Rights, pinusasan ng mga pulis si Pocis.
01:02Sunod naman siyang dinala sa Camp Crame para sumailalim sa booking procedure at kinuha na ng mugshot.
01:09Kagad ding nagbayad ng piyansa sa Quezon City RTC si Pocis sa halagang 48,000 pesos
01:15para pansamantalang makalaya.
01:17Sa January 14, itinakda ang arraignment sa kaso pero para kay Pocis walang naging bali sa kanyang mga naging pahayag
01:25habang sinabi ng PNP na walang personalan ang pag-aresto sa retiradong general.
01:32Kami lamang ay nagpapahayag ng damdamin, matinding poot, galit ng mga tao na tulad ninyo, tulad natin lahat.
01:38Tayo ay nag-imbestiga, pieces of evidence were referred and forwarded to the prosecution service
01:48at ito po ay inusig at pagkatapos niyan, finding probable cause, sila po ang nagbigay dito sa ating korte.
01:59And then ating korte ay pinanigan itong resolution na ginawa ng ating prosecution service and now dilitisin siya.
02:10That's the process. Walang personalan.
02:13Umalma naman ang kampo ni Pocis sa umano'y nalabag na ilang karapatan
02:18kaya't plano nilang magsampan ang kasong administratibo at kriminal laban sa mga umarestong polis.
02:25Handa naman itong harapin ng CIDG-NCR kung saan iginiit nilang dumaan sa tamang proseso ang pag-aresto.
02:33Kanina po sa airport, repeatedly we demanded that the police respect our rights as lawyers to confer with our client.
02:45Pero hindi po kami pinagbigyan, bigla pong itinakbo rito.
02:48So we will make the people responsible to be held to account for the violation of the rights of our client.
02:58Unang-una is sila yung wala sa area.
03:02Hinahanap po yung abogado kaso they are not around during that time.
03:06At kami is andyan na yung airplano, dumating na yung si General Pocis, we have to go up para iserve yung waran.
03:14Sa isang pahayag, sinabi ng Armed Forces of the Philippines na magamat protektado ng konstitusyon ang freedom of expression,
03:22dapat ay saklaw pa rin ito ng legal bounds at anumang pahayag na nag-uudyok ng rebeliyon o sedisyon ay may pananagutan sa batas.
03:32Bilang isang profesional at non-partisan na institusyon,
03:35tiniyak ng AFP ang kanilang pagsunod sa constitutional order at pagpapanatili sa kayusan,
03:43kasabay ng panawagan sa lahat na isulong ang kanilang adhikain sa paraang mapayapa at walang nilalabag na batas.
03:52Patrick De Jesus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.