00:00Kabilang po sa mga tinututukan tuwing may masamang panahon ay ang kalusugan ng mga apektadong residente.
00:06Kaya naman makakapanayam natin ngayon ang tagapagsalita ng Department of Health na si Assistant Secretary Albert Domingo.
00:13Magandang hapon po, Asik Domingo. Live po tayo ngayon sa Integrated State Media Special Coverage.
00:20Magandang hapon, Angelique. Magandang hapon na rin sa lahat ng mga kababayan na nakikinig at nanonood.
00:26Yes. Ano-ano po ang mga naging paunang hakbang ng kagawaran bilang paghahanda sa Super Typhoon Nando?
00:36Opo, opo. Ang ating kagawaran ng kalusugan ay nakahanda po para sa anumang eventualidad na maaaring mangyari dahil kay Super Typhoon Nando.
00:46Alam po natin na ang pinakatama po niya sa Norte o sa Hilaga ng ating bansa, nakastandby po ang lahat ng mga DOH hospitals sa Northern Luzon area.
00:57Bibilisan ko lang po yung pagbasa.
00:59Sa Ilocos Region, nandyan po ang Conrado F. Estrella, ang ating Ilocos Sur Medical Center, ang Ilocos Training and Regional Medical Center,
01:09ang Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center, pati na rin ang Region 1 Medical Center.
01:14Sa Cagayan Valley, sa Region 2, kung saan na malakas po yung tama, meron po tayong Batanes General Hospital sa pinaka Ground Zero.
01:23Meron po tayong Cagayan Valley Medical Center, Northwestern Cagayan General Hospital, Region 2 Trauma and Medical Center, Southern Isabella Medical Center.
01:33Yung ating mga ibang region rin po, Angelique, ay meron yung mga regional hospitals, mga DOH hospitals, at lahat po niyan ay handa nga tumugon.
01:41Nakastandby rin po ang ating mga health emergency response teams.
01:45Hindi po ito lumalabas kaagad-agad dahil ang una po nating abiso kapag ito pong nag-aabang tayo at tatama ang ating bagyo,
01:52ay makinig sa preemptive evacuation.
01:55Na-monitor ko po kanina ang ating kasamaan sa gobyerno, tama po ang sinabi nila, ang lahat po ng response cluster ay on standby and alert.
02:04Okay, so marami-rami rin po itong mga hospital na ito.
02:07Sa monitoring po ninyo, kamusta naman po yung supply natin ng mga gamot?
02:12Fully equipped po ba sila para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamaya na pupunta po sa mga hospital?
02:19Opo, opo, Ms. Angelica. Sa katunayan, ang ating practice po sa ilalim ng administration natin ni Pangulong BBM,
02:27ang utos po ni Pangulong Marquez Jr. ka-Sekretary Arbosa,
02:30hindi po tayo nagde-deploy kapag may nangyayari.
02:33Bago pa man dumating ang sakuna, meron ng nakapreposisyon.
02:37Kung si DSWD may food packs, kami po may medical supplies na nakapreposisyon.
02:42Halagang 28, 28 million pesos worth ng ating mga medicines and other health essentials po
02:50para sa mga ganitong paraan ng bagyo pagka dumaan yung bagyo.
02:54Nakastandby na po, nakapreposisyon doon po sa mga tinatawag nating ground zero o maaaring nga tamaan.
03:00Maliban pa po doon na hindi natin nalagay lahat dahil alam natin na baka mamaya ay mabaha
03:05o masako na kung anong mangyayari, meron tayong contingency na nakahanda na 124 million pesos worth of medicines
03:15na nasa mga karating namang pong rehyon na maaaring ilipat doon sa mga area kung sakaling may mga pangangailangan na po.
03:23Okay, patungkol po sa ating mga healthcare worker,
03:27paano po natin masisiguro na sila'y ligtas din?
03:30Dahil siyempre naninirahan din po sila sa mga lugar na ito at maaaring sila rin mismo.
03:35Ay mabaha at maapektuhan po ng bagyo.
03:39Opo, cardinal rule po sa lahat ng mga frontliners, sa lahat ng mga medical and paramedical professionals
03:44ang sinasabi po nga safety.
03:47Kaya mahalaga po yung koordinasyon na nangyayari pang ginagawa po ng ating Office of Civil Defense.
03:52Ulitin ko lang po, hindi po nakikisama muna sa simula ang ating mga medical staff kapag tumatama po yung bagyo.
03:59Kasi ang primary responder po doon, ang ating OCD, ang ating DILG, tsaka ang ating mga bumbero, ang ating mga police.
04:06Ang mga medical po, kumbaga, nakastandby kami.
04:09Tapos pag all clear na po, emergency is over or the incident is under control, tsaka po pumapasok ang mga doktor at nurse.
04:16Kasi ayaw ko natin ma-wipe out ang ating mga healthcare workers.
04:20Kaya nakastandby po yan, ready po tayo.
04:22Opo, isa pong paalala sana, hihingi namin sa inyo para sa ating mga kababayan,
04:28lalong-lalo na yung mga maaring bahain dahil na dyan pa rin ang banta ng leptospirosis.
04:35Opo, bago tayo pumunta sa leptospirosis, Ms. Angelique,
04:38ang pinakamainam na gawin ngayon at tayo po ay nagdadidiskusyon abang papasok pa lamang ang bagyo.
04:44Hindi pa ito yung kasagsagad, baka ma...
04:46Alright.
04:50Yes po, Asek?
04:54Kailangan...
04:55Hello, hello, Angelique?
04:56Yes, go ahead. Naputo lang kayo sandali pero tuloy-tuloyin po tayo.
04:59Opo.
05:01Yes, opo.
05:02Sasabihin ko na po ulit, no.
05:03So, sa panahon po ngayon, napapasok pa lang po yung ating bagyo bago tayo pumunta sa usapang leptospirosis.
05:09Ang pinakamainam po, pag sinabi po ng evacuate, evacuate na po.
05:13Opo, nakikita po namin may mga balitan na mayroon pa pong nagpapapilit, no.
05:17Nako po, may iiwasan po ang leptospirosis kung kayo ay nasa evacuation center dahil hindi nyo na po kailangan lumusong sa baha.
05:25At actually, Angelique, sa ganitong kasagsagan ng bagyo, hindi nga yung leptospirosis ang iniisip natin dahil mga 1 to 2 weeks palalabas yan.
05:33Mas delikado po yung tayo'y malunod, o kaya tayo'y makuryente, o kaya tayo'y makagat ng mga hayop, may mga ahas o iba pa na lumulutang sa tubig kapag tumaas ko ang tubig baha.
05:44Makinig po tayo sa unang abiso, evacuate pag sinabing evacuate.
05:48Yes, totoo po yan. So may leptospirosis, may dengue, may mga kagat-kagat ng kung ano-ano.
05:54Problema rin po, yung mga maaaring makuhang mikrobyos sa tubig, yung nakakain po natin, naiinom na tubig, yung gastroenteritis.
06:05Ano po ang maipapayo naman ninyo sa ating mga kawabayan para maiwasan ito?
06:09Tama po yan. Tama po yung nga paalala yan, Angelique.
06:14Pag sa ganito po, mapa-evacuation center man, o nasa bahay, ang tubig po maaaring magkaroon ng duda sa kanyang kalinisan.
06:23Una po, ang tubig na hindi malinaw, na malabo, o kaya ay cloudy, ay iwasan po natin yan.
06:29Kung hindi po maiwasan, gumamit po tayo ng mga filter.
06:33Sa mga evacuation center, meron pong mga filter na pinapamigay ang ating DOH.
06:38At pata na rin ang ating DSWD.
06:41Meron rin po tayong mga sinasabi na mga chlorine tablets.
06:45Ito po yung mga sterilized, mga tabletas po yan.
06:48Meron pong nakalagay na direction sa pakete.
06:51Para yung pong tubig natin, mamatay yung mikrobyo.
06:54At hindi tayo magkaroon ng pananakit ng shun o pagtatae dahil sa contaminated water.
06:59Ngayon po, kung talagang wala po yung dalawang yun, ito pwede natin gawin.
07:03Magpakulo tayo, dalawang minuto pagka nagsimulang bumala yung tubig.
07:07Para alam natin, napatay yung mikrobyo.
07:09Pagkatas ang dalawang minuto, palamigin at saka inumin.
07:13Okay, sige po. Maraming salamat sa oras ninyo.
07:16ASEC Albert Domingo. Thank you po.