00:00At bago tayo magtungo sa ating talakayan,
00:02hindi muna tayo ng update mula kay Assistant Secretary Albert Domingo ng Department of Health.
00:08Asik Albert, kamakailan naging issue yung pag-reach ng overcapacity ng emergency room ng Philippine General Hospital.
00:17So ano na yung mga hapbang na ginawa ng DOH para ma-address ang issue?
00:22Asik Joey, nung naglabas ng advisory ang ating UP Philippine General Hospital,
00:28agad na nag-anunsyo po ang Department of Health.
00:30Hinighlight natin na meron tayong 20 na mga DOH at GOCC hospitals sa paligid ng Metro Manila
00:36na handang tumanggap ng mga pasyente mula sa PGH at pwede rin puntahan ng ating mga kababayan.
00:42Sa awan ng Diyos, nag-post na po ang PGH noong Sabado lang po ng hapon o gabi.
00:48Bumaba na po yung kanilang occupancy mula dun sa 400% nung sila po ay nag-anunsyo na sa 98% na lamang po.
00:56Bagamat mukhang puno pa rin yan, Asik Joey, pero sabi nga namin, lalo na kami mga nagtapos sa PGH,
01:01ganoon po talaga ang public hospital, laging puno yan.
01:04So malaking pagbagsak from 400% overcapacity to 98%.
01:09Sabi nga po ni Director Gaple Gaspi, the situation is more manageable.
01:12Yan, sinabi mo na ngayon na more manageable na, pero meron pa rin banta yung sinasabing muling pagtaas nitong bilang ng mga pasyente.
01:21Yes, actually, Asika Weng, ang incubation period kasi ng leptospirosis ranges from 2 days up to 30 days.
01:28Di ba ho, naalala nyo, nung huling nagsama rin tayo, ang warning namin, mga 1 to 2 weeks,
01:33istyak na nadami po ang pasyente dahil sa baha.
01:36At nakita nga po natin ito.
01:38Ang magandang balita is, nag-report na rin po ang ating infectious diseases experts sa San Lazaro Hospital
01:44na bumaba na po yung kanilang number of cases per day.
01:48Nagpa-plato, ibig sabihin, hindi na siya tumataas, flat na siya, or pwedeng buwaba ba na rin.
01:53Ibig sabihin, ang ating incubation period, nalampasan na natin yung kasagsagan.
01:57Mabuti nila man po at yung incoming na bagyo po si Goryo, kundi po ang nagkakamili,
02:02birabantahin na rin po namin yung sinasabi ng pag-asa na hindi naman daw makakaapekto sana sa ating bansa.
02:09At kahit papano, hindi tayo makakakita ng mas maraming lepto in the next few days.
02:13Balik ako doon sa overcapacity ng ER sa PGH.
02:17Sa PGH, huwag muna kayong tatanggap o huwag na kayong tatanggap.
02:20So paano po dinadivert yung mga pasyente doon sa mga GOCC hospital?
02:25May tulong din ba na dalihin yung mga medyo mabibigat na kaso doon sa mga hospital na yun
02:31o sila yung mga pasyente yung kailangan pumunta?
02:34Asik Joey, marami kasi sa ating mga pasyente ay maaaring hindi naman moderate to severe.
02:40So pag ganyan po, pagdating pa lang doon sa PGH or doon sa mga ibang malilaking hospital,
02:45ay aming kinakausap na po, kinakausap na mga doktor na baka pwedeng ilipat sa ibang hospital.
02:50That's number one.
02:52Number two, meron po tayong mga hotline.
02:54Yung mga hotline natin, tinatawagan po ng mga ambulansya bago pa man sila pumunta.
02:58Ang mga hotline numbers natin, 0956-175-3710 at saka yung 0920-251-1800.
03:12So yun pong mga numero na yan natatawagan.
03:14In fact, yung isang network, sinubukan nila na may interview at na hindi yan announced,
03:19hindi rin namin in-expect may independent look po doon sa hotline.
03:23Sige Asek, hingin na rin kami ng update doon sa mga binuksan na leptospirosis fastlane
03:28sa Pilling Government Hospitals.
03:30Ilan po yung operational ngayon at kumusta naman yung binabahaging tulong sa kanila.
03:34Tsaka sabi mo kanina, bukod dyan sa leptospirosis, meron pa tayong binabantay na dengue.
03:39Yes, Asek Weng.
03:40Ang mga fastlanes, una paliwanag natin, ang fastlane,
03:43na limintura, ritas na dito kayo pupunta.
03:46Hindi po.
03:46Ibig sabihin po, ang mga doktor saka-nars,
03:49pag dumating po ang pasyente, may mga mabilisan isa, dalawa, tatlong tanong.
03:54Karaniwan ang tanong po dito, ano pong nararamdaman ninyo?
03:56Pag sinabi ng pasyente, may lagnat, may pananakit ng katawan,
04:00ang karaniwang tinatanong namin ng susunod, napalusong po ba kayo sa baha?
04:04Pag doon pa lang po ay nalaman namin na mukhang leptospirosis,
04:08yung pong test, binibigay na po kagad yung leptospirosis sa antigen test
04:12para doon pa lang malalaman kung confirm ba o hindi.
04:16And after that, mabilis po yung handling.
04:18Yun po yung ibig sabihin ng fast lane.
04:20Meron rin tayong mga pasyente na kailangan lang nila ng gamot.
04:23Hindi kailangan yung hospital.
04:24So 19 hospitals,
04:26o nga may hospitals,
04:27alam po, maraming salamat kay Mayor, no kay Yorme,
04:30si Mayor Iscomoreno,
04:31inutusan rin yung mga LGU hospitals ng Manila
04:34para may mga fast lane rin sila.
04:36Yung dengue,
04:37asekueng, tuloy-tuloy pa rin po yung mga dengue fast lanes
04:40kasi magkakasama yan eh.
04:42Waterborne illnesses,
04:43influenza-like illnesses,
04:45leptospirosis dengue.
04:46Mabuti, yung WI at yung D,
04:49hindi pa tumataas.
04:50Sa assessment nyo,
04:52given the number of cases,
04:54asek, Albert,
04:55kailangan pa ba ang dagdagan itong fast lanes na ito?
04:58Mukhang hindi na kailangan sa ngayon,
05:00asek, Joey.
05:01Bagamat mabilis naman po yung magdagdag,
05:03kung kailangan magdagdag,
05:04mabilis po yung,
05:04huwag po nilang mag-alala.
05:06Ang importante dito is yung pakikipag-ugnayan natin
05:08sa local government units.
05:10Dahil tulad nga nung sa Maynila,
05:12i-highlight lang po natin,
05:13nakakatulong na parang ang Manila,
05:16tumutulong sa DOH,
05:17ang DOH tumutulong sa Manila.
05:19Isang lugar lang po yan,
05:21magkakatabi yung mga yan.
05:22So, dapat ganun po,
05:23hindi laging para bang yung DOH yung aasahan,
05:26bagamat hindi kami tatanggi
05:28ano man ang mangyari.
05:30So, sa monitoring ninyo dyan sa DOH,
05:32ano na asek yung bilang
05:33ng leptospirosis cases sa bansa ngayon?
05:36Ang bilang natin asek,
05:37Weng, as of August 7,
05:40mula June 8,
05:412,396.
05:43Lilinawin ko po ito, no,
05:45dahil malamang po sasabihin,
05:46bakit yung mga ospital,
05:47pag sinumatotal yung mga numbers,
05:49para mas mataas dito.
05:51Meron mo kasi tayong verification.
05:53Yung ospital,
05:54as they come,
05:55kahit suspect pa lang ho sila,
05:56hindi pa sila confirm na leptospirosis,
05:58tinatala na kagad.
05:59Tapos, kapag na-discharge,
06:01or hindi naman na-admit,
06:02mawababa yung numero.
06:03So, i-update po namin ito,
06:05pero ito pong numero na ito,
06:06like we said kanina,
06:07pwede pang madagdagan.
06:08Dahil yung incubation period,
06:10hindi pa lumalampas yung buong isang buwan.
06:12Pero saan pinakamataas yung cases?
06:15Karaniwan sa Metro Manila talaga.
06:17In fact,
06:18yung mga listawan yung mga ospital,
06:19yung mga ospital sa Quezon City,
06:21si East Avenue,
06:22si NKTI,
06:23dahil yan po yung mga malalaking ospital,
06:25and Quezon City is the largest LGU,
06:27not only in Metro Manila,
06:29but in the country,
06:30by population size.
06:31Given na meron tayong seasonal problem na leptospirosis
06:35at perennial problem na dengue,
06:37Asek Albert,
06:38so ano yung long-term plan ng DOH
06:41para maiwasan natin yung overcrowding sa public hospitals?
06:45Magandang tanong yan, Asek, Joey.
06:46Ang lahat po ng mga ospital ng DOH,
06:48meron tayong surge plan,
06:50yung ating surge capacity,
06:53or accordion plan.
06:54Yung pong accordion,
06:55pag nakita niyo po yung musical instrument na yun,
06:57kung kailangan siyang palakihin,
06:59hinahatak, lumalaki,
07:00kung kailangan paliitin,
07:01pinapaliit.
07:02Ganon po yung ginagawa sa ating mga ospital.
07:05Kapag yung simula pa lang,
07:07yung pagbulusok ng ating mga leptopatients,
07:10na sa India,
07:11sila Pangulo,
07:12saka sila Secretary Ted,
07:13ang utos si Secretary Ted,
07:15sabi niya,
07:16yung mga elective admissions,
07:18na hindi naman emergency,
07:19dinidischarge para magkaroon ng additional na kama.
07:22Makikita niyo rin,
07:23yung Amang Rodriguez,
07:24yung mga iba pang DOH hospitals,
07:26nagkaroon sila ng mga tinatawag na COT,
07:28yung parang,
07:29parang siyang folding bed na kaman na tela.
07:32Tapos yung nakita niya sa NKTI,
07:34sa East Avenue,
07:35yung mga gym na malilinis naman,
07:37at na maaliwalas,
07:38kinoconvert into emergency wards.
07:40Pero,
07:40madagdag ko lang,
07:41importante dito yung preventive pa rin.
07:44Kaya tuwang-tuwa kami,
07:45dun sa pagbabantay,
07:46ng ating Pangulong Marcos,
07:48dun sa mga flood control projects.
07:50Kasi po,
07:50yan po yung talagang ugat,
07:52kapag may tubig baha,
07:54at may basura,
07:54merong daga,
07:56may lepto,
07:57na pupunta sa ating mga sugat.
07:58So,
07:58pag walang baha,
07:59walang basura,
08:00walang lepto.
08:02Ito yan,
08:02paalala niyo na lang,
08:03Asik Alvord,
08:04sa ating mga kababayan,
08:05lalo na dun sa mga lumusong sa baha,
08:07nitong mga nagdaang bagyo,
08:09at ito na naman,
08:10kung may paparating na naman na bagyo,
08:11ano yung gusto mo ipaalala?
08:13Na paulit-ulit natin,
08:14miss,
08:14nasabihin sa ating mga kababayan.
08:15Yes,
08:16Asik Weng,
08:17mga kababayan po,
08:18meron man nararamdaman o wala,
08:20basta na palusong,
08:21o kahit na padaplis,
08:22o kahit na talsikan,
08:23kasi pati yung mata,
08:25pati yung ilong,
08:25saka bibig,
08:26minsan yung wisik,
08:28nung tubig baha,
08:29pwede hong makapasok dyan,
08:30yung ating mikrobyo.
08:32Magpakonsulta na po,
08:33kahit walang nararamdaman.
08:34Kahit ngayon po,
08:35yung mga napalusong
08:36nung panahon nung habagat na malakas,
08:39hindi pa huhuli ang lahat,
08:40huwag nyong ibaliwala
08:42yung lagnat na nararamdaman ninyo.
08:44Huwag nyo pong antayin
08:45na manilaw ang inyong mata,
08:46o kaya mamula ang inyong ihe,
08:48o mawalang kayo ng ihe,
08:49o mag-iba ang kulay ng balat.
08:51Hindi po natin kailangang antayin yun.
08:52Kumonsulta po agad
08:53sa ating mga doktor.
08:55Okay, maraming salamat
08:56sa mga ibinahagi mong sa aming na-updates.
08:58Asik Albert,
08:59wala dyan sa Department of Health.
09:01Welcome!