00:00Malaking tulong sa mga kawani ng gobyerno ang dalawang araw na libring sakay sa LRT2 at MRT3 sa pagunita ng anibersaryo ng Civil Service Commission.
00:11Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:15Sa ikalawang araw ng libring sakay sa LRT2 at MRT3 para sa government employees, inaasahang mas dadami ito ngayong araw ng biyernes.
00:24Na italang 3,533 ang kabuuang foot traffic ng mga government employees sa LRT2 kahapon.
00:32Sa LRT2, hindi na kailangan pumila ang mga kawani natin sa gobyerno para kumuha ng card.
00:38Ipakita lang ang inyong valid na government agency ID sa guard at papapasukin na kayo sa designated gate.
00:45Ganyang kabilis ang proseso para sa ating mga government employees para sa libring sakay ngayong ika-125th anniversary ng Philippine Civil Service.
00:57Malinis, maayos at malamig sa loob ng tren.
01:00At hindi nila hinahayaang magsiksikan ang mga tao kahit rush hour.
01:05At dahil sa bilis ng biyahe, mas maginhawa tayong nakaabot sa ating pagtutumuhan.
01:11Walang stress at may oras pa akong magkape.
01:14Malaki rin ang savings na naitutulong ng libre sakay sa ating mga public servants.
01:19Tulad ni Janika Ann, mula antipolo hanggang tagig, halos 50 pesos ang matitipid niya sa dalawang sakay na pagbiyahe.
01:26Bali sa LRT, 23 hanggang ditong kubaw.
01:30Tapos MRT naman to tagig is 24 pesos.
01:34So nakatipid ako ng 47 pesos.
01:36Aniya, hindi man siya nakalibre kahapon ng umaga.
01:39Madadagdag niya ang sobrang pamasahe para sa susunod na linggo na aabot ng 150 pesos.
01:47Nagpapasalamat po kasi syempre kahit papano, malaking bagay na din sa mga government employee na makakabawa sa kanilang pamasahe araw-araw.
01:55Si Raymond naman, inaabot ng tatlong oras mahigit ang pagbiyahe mula Rizal hanggang Kubaw.
02:01Pero nitong nakaraang dalawang araw, wala pang alasay si Medya, nakarating kaagad siya sa opisina.
02:08Actually, very thankful kami kasi yung lalo na kapag maaga, during the rush hour, mas napapabilis since iba yung access ng mga government at once.
02:17Dahil nga ka dun sa lito na transport for LRT.
02:22Inaasahan ni Raymond na mas mapapaigting pa ng pamahalaan ang transportation programs para sa lahat.
02:28For two days, since around 25 yung sa parride ng LRT from Marikina Pasig hanggang Kubaw, so that's 100 pesos.
02:37Malaking tulong na rin siya, pandagdag sa bakat.
02:39Sana po hindi lang yung mga government employee, yung mabigyan din po ng ganitong access.
02:44Sana po mas mapaayos pa rin natin yung transport system natin para yung mga normal o yung mga mamamayan Pilipino din ay makaranas kung gaano kabilis, kung gaano kaayos yung ating transport system.
02:56Iba naman ang kalakaran sa MRT 3 dahil kailangan kumuha muna ng magnetic card mula sa assigned clerk at pumirma bago makapasok.
03:04Ganito nila binibilang ang ridership ng mga libre sakay.
03:08Tulad ng LRT 2, walang aberya, dire-diretsyo rin lang.
03:12At pagdating sa pagtutunguhan, ibibigay lang ang card sa guard para makalabas.
03:17Umabot naman sa 6,698 ang total government workers' ridership para sa MRT kahapon.
03:25Paalala ng mga opisyal ng LRT 2 at MRT 3, siguraduhin hindi pa expired ang government agency ID na ipapakita sa mga guard.
03:33At hanggang ngayong araw na lang ito, pero buong araw pa rin makakalibre ng sakay.
03:39Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.