00:00Malaking tulong para sa mga government employee ang dalawang araw na libreng sakay ng MRT3 at LRT2 para pangdagdag sa kanilang budget.
00:10Kahapon pa lamang ay umabot na sa halos 10,000 ang naservisyohan nito.
00:16Si Denise Osorio sa Sentro ng Balita.
00:18Sa ikalawang araw ng libreng sakay sa LRT2 at MRT3 para sa government employees, inaasahang mas dadami ito ngayong araw ng biyernes.
00:30Naitalang 3,533 ang kabuuang foot traffic ng mga government employees sa LRT2 kahapon.
00:38Sa LRT2, hindi na kailangan pumila ang mga kawanin natin sa gobyerno para kumuha ng card.
00:43Ipakita lang ang inyong valid na government agency ID sa guard at papapasukin na kayo sa designated gate.
00:51Ganyang kabilis ang proseso para sa ating mga government employees para sa libreng sakay ngayong ika-125th anniversary ng Philippine Civil Service.
01:02Malinis, maayos at malamig sa loob ng tren.
01:06At hindi nila hinahayaang magsiksikan ang mga tao kahit rush hour.
01:10At dahil sa bilis ng biyahe, mas maginhawa tayong nakaabot sa ating pagtutunguan.
01:16Walang stress at may oras pa akong magkape.
01:19Malaki rin ang savings na naitutulong ng libre sakay sa ating mga public servants.
01:24Tulad ni Janika Ann, mula antipolo hanggang tagig, halos 50 pesos ang matitipid niya sa dalawang sakay na pagbiyahe.
01:32Bali sa ano kasi LRT, 23 hanggang ditong Cubao. Tapos MRT naman to tagig is 24 pesos. So nakatipid ako ng 47 pesos.
01:41Aniya, hindi man siya nakalibre kahapon ng umaga, madadagdag niya ang sobrang pamasahe para sa susunod na linggo na aabot ng 150 pesos.
01:52Nagpapasalamat po kasi syempre kahit papano malaking bagay na din sa mga government employee na makakabawa sa kanilang pamasahe araw-araw.
02:00Si Raymond naman, inaabot ng tatlong oras mahigit ang pagbiyahe mula Rizal hanggang Cubao.
02:07Pero nitong nakaraang dalawang araw, wala pang alasay si Medya, nakarating kaagad siya sa opisina.
02:13Actually, very thankful kami kasi yung, lalo na kapag maaga, during the rush hour, mas napapabila since iba yung akses ng mga government employees.
02:23Dahil nga ka dun sa libre na transport for LRT.
02:27Inaasahan ni Raymond na mas mapapaigting pa ng pamahalaan ang transportation programs para sa lahat.
02:33For two days, since around 25 yung sa par-ride ng LRT from Marikina Pasig hanggang Cubao, so that's 100 pesos.
02:43Malaking tulong na rin siya, pandagdag sa baan.
02:45Sana po hindi lang yung mga government employee yung mabigyan din po ng ganitong akses.
02:49Sana po mas mapaayos pa rin natin yung transport system natin para yung mga normal o yung mga mamamayan Pilipino din ay makaranas kung gaano kabilis, kung gaano kaayos yung ating transport system.
03:02Iba naman ang kalakaran sa MRT 3 dahil kailangan kumuha muna ng magnetic card mula sa assigned clerk at pumirma bago makapasok.
03:10Ganito nila binibilang ang ridership ng mga libre sakay.
03:14Tulad ng LRT 2, walang aberya, dire-diretsyo rin lang.
03:18At pagdating sa pagtutunguhan, ibibigay lang ang card sa guard para makalabas.
03:22Umabot naman sa 6,698 ang total government workers' ridership para sa MRT kahapon.
03:30Paalala ng mga opisyal ng LRT 2 at MRT 3, siguraduhin hindi pa expired ang government agency ID na ipapakita sa mga guard.
03:39At hanggang ngayong araw na lang ito, pero buong araw pa rin makakalibre ng sakay.
03:44Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
03:48Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.