Skip to playerSkip to main content
- Tubig galing sa bundok, dumaloy sa NIA dam sa Davao Del Sur


- Sen. Dela Rosa, inaming sa kaniya galing ang draft resolution para ibasura ang impeachment complaint vs VP Duterte nang walang paglilitis


- Mag-anak, patay matapos sumalpok ang sinasakyang kotse sa kasalubong na truck


- Construction worker, umusok ang katawan matapos makuryente


- In Case You Missed It: 5-minute response time; "Mount Kamuning" papalitan


- Ilang motorista, stranded dahil sa umapaw na ilog sa Bukidnon


- Maliliit na isdang Monamon na inanod sa dalampasigan, pinagpiyestahan ng mga residente


- Michelle Dee, nakagat ng kanyang aso sa mukha

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00State of the Nation
00:05Rumagasa ang kulay tsokolate na tubig sa dam ng National Irrigation Authority or Administration o NIA.
00:21Ang tubig galing sa bundok sa Bansalan Davao del Sur.
00:25Nagmistulang waterfalls ang lakasang pagbagsak ng tubig.
00:29Kasunod yan ang mga pagulan doon kahapon.
00:32Wala namang natanggap na ulat ng mga binahang barangay ang NBRMO Bansalan.
00:37Nagpaalala sila sa mga nakatira sa gilid ng ilog na maging alerto sa ulat.
00:41Pusibling yain sa Senado sa mga susunod na araw ang isang resolusyong nagpapabasura sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte nang hindi dumaraan sa paglilitis.
01:06Kasunod yan ang pag-aamin ni Sen. Bato de la Rosa na galing sa kanya ang kumakalat na draft resolution.
01:13Tinutulan niya ng ilang senador at House prosecutors.
01:16May report si Mav Gonzalez.
01:17May nakita na kayong ganong reseser?
01:21Noong una patay mali siya pa pero kalaunan kinumpirma ni Sen. Bato de la Rosa na sa kanya nang galing ang draft resolution na usap-usapan ngayon sa Senado.
01:34That's my own initiative.
01:37Ang laman nito, pagpapabasura sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte nang hindi dumaraan sa paglilitis.
01:45Sa draft resolution na walang pirma at pangalan ng may akda, nakasaad na dahil hindi maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment trial ng BSE,
01:54wala na oras ang kasalukuyang Senado para talakay ng articles of impeachment dahil pa-adjour na sila sa June 13.
02:00At dahil sa timing ng pag-transmit ng Kamara sa kanila ng impeachment complaint, dapat nang i-deklara ng Senado ang de facto dismissal ng impeachment case.
02:10Tiwala si de la Rosa na makakakuha ng suporta ang resolusyon. Kung kailan niya ito ihahain?
02:15Meron bang gusto mag-input eh.
02:18Kung hindi kayon, baka next week.
02:20Ang ibang mga kasama namin, may mga ibang draft.
02:22So, siguro i-incorporate yun kung ano yung magagandang provision doon sa kanila mga draft para mapaganda yung final version at magiging acceptable sa lahat.
02:37Kung pwedeng makuha ang suporta ng lahat ng karamihan.
02:42Sabi naman ni Sen. President Cheese Escudero,
02:44Ano mang kumakalat na resolusyon na wala namang author na pinakita lamang din sa akin na media ay ika nga mere scrap of paper unless may mag-file niyan, unless may mag-author niyan, unless pagdibatihan niyan, at unless pagbotohan niyan.
03:00Agad nilinaw ni de la Rosa, walang kinalaman dito si Vice President Sara Duterte.
03:05Si Sen. Aimee Marcos, nabasa na raw ang mga draft resolusyon at humihiling siya ng kokos o pribatong pag-uusap ng lahat ng senador.
03:14There's so many options and so many malabo.
03:17Kaya gusto natin yung pinakasangayot sa batat at yung pinakamabilis din.
03:26Kaya dapat pag-isapan ng maigi.
03:28Sa oras na maihain ang resolusyon at madala na sa plenario, pagbabotohan ng mga senador kung tatanggapin ito o hindi.
03:36Nauna ng sinabi ni Escudero sa anumang mosyon, masusunod ang kagustuhan ng mayorya na labing tatlo o higit pang senador.
03:43Kung may kwestiyon, maaari itong iakyat sa Korte Suprema.
03:47Pero para kina Sen. JV Ejercito at Alan Peter Cayetano, kailangang dinggin ng Senado ang impeachment case na mandato ng saligang batas.
03:55Walang choice ang senador. We have to carry out our constitutional duty.
04:01Ang resolusyon, tinutulan ng ilang House prosecutors.
04:04Tulad ni Batangas 2nd District Rep. Jervil Luistro, bukid nun 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores, at Manila 3rd District Rep. Joel Chua.
04:13That is unconstitutional. They are violating their constitutional mandate.
04:19Bensahin naman ni incoming Partialist Rep. Laila Dilima na kasama rin sa House prosecutors.
04:24To the Senators, enough with the dribbling. You are not the spectators. You are the court. Let the trial begin. And let the evidence be laid bare.
04:46Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng kampo ng vicepresidente tungkol sa resolusyon.
04:51Pero sabi ni VP Sara, pinag-aaralan na raw ng kanyang mga abugado ang pag-question kung pwede bang ipagpatuloy sa 20th Congress ang kanyang impeachment trial na nagsimula sa 19th Congress.
05:02Kina-question din namin yan, yung pag-croft over from the 19th to the 20th Congress.
05:10Ang pagkakaintindi ko ay madaming procedural lapses na nangyari na labang sa Constitution.
05:18Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:21Nasawi ang isang estudyante ang pasahero matapos sumalpok ang sinasakyang van sa isang puno.
05:31Diadon na spot naman ang isang mag-anak o mag-anak matapos bumanga ang kotse sa kasalubong na truck.
05:37May report si Mark Salazar.
05:39Wasak ang kotse na ito nang pumailalim sa isang truck sa Malungon, Sarangani, kaninang madaling araw.
05:48Ayon sa motoristang nakasaksi sa aksidente, nag-overtake ang kotse at napunta sa outer lane.
05:54Tila na walang umano ito ng kontrol nang bumalik sa linya hanggang sa bumanga sa kasalubong na truck.
06:01Mayroon dyan bagong asphalt na porsyon na sa gitna ang asphalt.
06:05Then ang outer lane is yung siminto.
06:09Nahulog ang kotse doon sa siminto din ibinalik.
06:12Kaya pumunta sa kabilang lane yung linya ng tinwheelers, yung truck.
06:16Dead on the spot ang pamilyang sakay ng kotse, kabilang ang tatlong taong gulang na bata.
06:22Hawak na ng puli siya ang driver ng truck.
06:26Tumagilid naman ang ambulansyang iyan sa panolukaan ng Rojas Boulevard at Mia Road sa Paranaque.
06:32Makikita pa ang driver sa loob ng sasakyan.
06:35Inakyat na mga rumisponding pulis ang ambulansya at tinulungan ng driver at medical staff na sakay nito.
06:42Mabuti na lang hindi sila labis na nasaktan sa aksidente.
06:46Patay naman ang isang estudyanteng lalaki.
06:50Matapos bumanga sa natumbang puno ang sinasakyang van for hire sa Tayasa, Negros Oriental.
06:56Critical ang lagay ng driver at dalawa pang babaeng pasahero.
07:00Sa inisyal na investigasyon, posibleng nakatulog ang driver.
07:04Inaalam din kung may prankisa ang van.
07:07Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng driver.
07:12Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:16Pasintabi po, sensitibong video ang inyong susunod na mapapanood.
07:22Nakuryente sa ginagawang gusali ang isang lalaking construction worker sa Cebu City.
07:27Umusok ang katawan ng lalaki habang nakadapa sa bubong.
07:34Hindi agad siya nilapitan dahil sa kuryente sa kanyang katawan.
07:38Maya-maya, makikitang namimilipit na siya sa sakit.
07:41Nailigtas siya ng responding barangay at tauha ng Bureau of Fire Protection.
07:46Ayon sa response team ng barangay, tumama ang bit-bit na baka ng lalaki sa isang high-tension wire.
07:52Nagtamu siya ng second-degree burn at nagpapagaling na ngayon sa ospital.
07:56Hindi nagbigay ng pahayag ang may-ari ng building na pinagtatrabahuan ng lalaki.
08:01Paalala ng otoridad lalo sa mga may ginagawa malapit sa mga kable ng kuryente,
08:06mag-ingat at umiwas sa mga high-tension wires o sumangguni muna sa mga elektrisyan bago ito galawin.
08:195-minute police response time na isipatupad ni bagong PNB Chief Nicholas Tour III sa Metro Manila.
08:26Ito raw ang middle ground sa nauna niyang idineklara na 3-minute response time at sa standard na 7 minuto.
08:33May mga police community presence at police boxes rin ay papasara para madagdaga ng mga police na nagpapatrolya sa kalsada.
08:40Footbridge sa Edsa, Quezon City na binansagang Mount Camuning dahil sa tarik nito, pinagigiba ng Pangulo.
08:49Tear it down and build a better one.
08:51Naaram niyang deka-dikada na tagagang ganito, ayusin naman natin para sa mga kababayan natin, para mas madagi.
08:57Planong ipalit ang mas mababang footbridge na ilalagay sa Camuning Station ng Edsa Carousel.
09:02Lalagyan din ito ng elevator at inaasang sisimulan ngayong taon.
09:06Pano kala para sa 200 pisong umento sa sahod kada araw na mga minimum wage earners sa pribadong sektor,
09:17lusot na sa Kamara.
09:18172 ang pumabor, walang tumutol.
09:21Habang isa ang nag-abstain.
09:23Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:27Isang low-pressure area ang pusibling mabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw ayon sa pag-asa.
09:36Pero kahit walang bagyo, inulan at binahana ang ilang lugar sa Mindanao.
09:41May report si Ian Cruz.
09:42Umapaw na ang ilog sa bahang ito ng National Highway sa San Fernando Bukidnon kahapon.
09:56Ang ilang motorista, matapang na lumusong sa rumaragasang baha na inabot ng isang oras bago humupa.
10:04Sa palimbang Sultan Kudarat, malakas din ang pagragasa ng baha sa kalsada.
10:08Maraming bahay ang binaha.
10:15Sa Kalinang Davao City, kahit hanggang binti na ang baha, tuloy pa rin sa pamamasada ang ilang sasakyan.
10:22Inabutan na rin ang tubig ang ilang establishmento.
10:25Sa malapatan sa Rangani Province, nanawagan ng ilang residente na makumpuni na ang nawasak na riverbank doon.
10:34Ayon sa pag-asa, ang muling pagbabalik ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang nagdulot ng masamang panahon sa ilang bahagi ng Mindanao.
10:44Sa Luzon, hanging habagat naman ang magdadala ng maulat na panahon na may kalat-kalat na ulan.
10:50Magpapaulan din ang localized thunderstorms sa iba pang bahagi ng bansa.
10:55Sa rainfall forecast ng Metro Weather, mataas ang tsansa ng ulan bukas sa malaking bahagi ng bansa, pati na sa Metro Manila.
11:04Ayon sa pag-asa, isang low-pressure area ang pusibling mabuo sa silangan ng bansa sa mga susunod na araw.
11:11Ngayon, mababaraw ang tsansa nito na maging bagyo.
11:14Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:18Biyayang may tuturing ng mga residente sa tabing dagat sa Banggi, Ilocos Norte, ang napakaraming isdang inanod sa Pampang.
11:27Tumatalon pa ang maliliit na isdang Monamon.
11:30Kaya tila tumatalon din sa tua ang mga residente dahil may pangulam na raw sila.
11:36Pinagpiestahan at kanya-kanya silang hapon.
11:38Pati mga bata, namulot din.
11:40Sa unang tingin, di mapapansin ang mga isda sa buhangin, kaya gumamit na sila ng mga flashlight.
11:46Michelle D. may paalala sa fellow dog owners matapos makagat ng kanyang aso.
11:57Never underestimate dog bites no matter how much we love our fur babies.
12:03Sa kanyang Instagram post, kita ang mga kagat sa kanyang mukha.
12:06Payo pa ng Sparkle Beauty Queen.
12:08Act quick.
12:09Gaya raw ng ginawa niya.
12:11No worries.
12:12Love pa rin daw niya ang kanyang baby girl.
12:16Nagpakilig naman ang mga OFW sa Hong Kong si David Licauco.
12:25Para yan, sa Kapangyawan Friendship Festival 2025 na bahagi ng Philippine Independence Day Celebration
12:31katuwang ng GMA Pinoy TV, GMA Live TV at GMA News TV.
12:39Looking happy rin si Bea Alonzo.
12:42Recently, napansin ng netizens na tila napapadalas na makita silang magkasama ng businessman na si Vincent Coe mula sa Bangkok Airport.
12:52Sa isang malaking event ng kumpanyang pag-aari ng pamilya ni Coe.
12:57Sa group picture na ipinost ni Heart Evangelista.
13:00Hanggang sa birthday celebration ng road manager ni Bea na si Nina Ferrer.
13:04Tanong tuloy ng netizens, soft launch na ba ito?
13:14Grammy Award winning singer Jessie J may early breast cancer at nagsabing magfufokus muna sa nalalapit na operasyon.
13:23Aubrey Carampel nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:26Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak ng paglilingkod sa bayan.
13:34Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.
13:56Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended