Skip to playerSkip to main content
  • 2 weeks ago
MIL 101 | Ano ang e-pickpocketing at paano ito maiiwasan?

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga ka-RSP, ang teknolohiya ay isang malaking tulong para sa ating lahat.
00:04Mula sa mas mabilis na komunikasyon, online banking, at mas maginhawang pamumuhay.
00:11Ngunit, hindi may kakailang ginagamit din ito sa masasamang gawain.
00:16Isa na rito ang tinatawag na e-pick-pocketing.
00:20Yan po ang tatalakay natin ngayong umaga dito lamang sa MIL 101.
00:30Mga ka-RSP, naranasan nyo na ba ang biglang pagkawala ng pera sa inyong bank account?
00:38O kaya naman, may mga transaksyong hindi nyo naman ginawa pero tuloy-tuloy na nagpaproseso.
00:44Eh, posibleng biktima kayo ng tinatawag natin na e-pick-pocketing.
00:48Ayon sa Department of Information and Communications Technology or DICT,
00:53ang e-pick-pocketing ay isang uri ng cybercrime kung saan ginagamit ang teknolohiya tulad ng
00:59Near Field Communication o NFC, Radio Frequency Identification o RFID,
01:06at SIM Cloning upang makuha ang impormasyon mula sa mga mobile device ng biktima.
01:12Ang nakatatakot dito, hindi na kailangan nakawin ang inyong wallet o card
01:16dahil kaya itong mangyari mula sa malayo at kadalasan nang hindi mo namamalayan.
01:23Ganito man o ang modus operandi.
01:25Una, target identification.
01:27Pumupunta ang mga hackers sa matataong lugar tulad ng pila sa pampublikong transportasyon
01:32o kaya sa shopping mall upang makahanap na maraming taong may RFID o NFC cards.
01:38Pangalawa, yung paggamit ng reader device.
01:41May dalas silang scanner at ito ang kumukuha ng signal mula sa ating devices o card.
01:47Pangatlo, yung scanning at capturing ng data.
01:50Kapag na-detect na ng scanner, nakukuha na nito ang mga datos gaya ng card number, expiration date, at iba pang ID details or ATM.
02:00At panghuli, sa nakawang impormasyon na gagawa nilang magtransact ng iligal tulad ng identity theft o kopyahin ang key card data.
02:10Naan ito naman ang ilang paalala upang maiwasan ng ganitong insidente.
02:14Una, i-off ang NFC function ng cellphone kung hindi ginagamit.
02:19Makatutulong ito upang hindi madaling makuha ng hacker ang data kapag nasa mataong lugar.
02:24Pangalawa, kailangan po natin maging maingat sa SIM-related issues.
02:28Dahil posibleng gamitin ng hacker ang SIM swapping para makuha ang OTP or one-time password codes.
02:36Gumamit din pangatlo ng RFID at NFC blocker.
02:40Nakatutulong ito bilang shield laban sa unauthorized scanning ng inyong cards o devices.
02:45Pangapat, magingat lalo na sa mataong lugar o pampublikong transportasyon.
02:51Dahil mas madali para sa kriminal o sa mga kriminal na magsasagawa ng scanning kapag siksika ng tao.
02:58Panglima, regular na i-check ang inyong online transactions para agad na matukoy kung may kahina-hinalang galaw sa inyong account.
03:09Laging tandaan mga ka-RSP, ang pagiging mapanuri ay pinakamabisang proteksyon laban sa cybercrime.
03:17Huwag kalimutang i-check ang inyong mga account, magingat sa paggamit ng teknolohiya at agad i-report sa mga kinawukulan ang anumang kahina-hinalang aktibidad.
03:29Yan muna at tinapag-usapan dito lang sa MIL 101.

Recommended