Skip to playerSkip to main content
SANGA-SANGANG EPEKTO NG MEGA PRICE HIKE!


Hanggang P22/L ang posibleng dagdag sa presyo kada litro ng diesel sa susunod na linggo.


Sa gitna niyan at ng walang prenong pagmahal ng iba pang produktong petrolyo, tumaas na rin ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan.


Pinangangambahan din na magdulot ng medical inflation o pagmahal ng serbisyong medikal ang mahal na krudo.


Panoorin ang kabuuang report.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hanggang 22 piso kada litro ang posibleng dagdag sa presyo kada litro ng diesel sa susunod na linggo.
00:09At hindi na lang sa transportasyon at mga pangunahing bilihin mararamdaman ang epekto niyan
00:15dahil pinangangambahan na rin itong magdulot ng medical inflation o pagmahal ng servisyong medikal.
00:24Nakatutok si Maki Pulido.
00:30Nang bombahin noong Merkules, ang ilang barko na may kargang langis habang tumatawid sa Strait of Hormuz,
00:36sumipa raw muli ang presyo ng bentahan ng langis sa global market.
00:40Bago magsara ang bentahan kahapon, tumaas ng 12 US Dollars ang kada barilas ng diesel.
00:46Sumipa rin daw sa 30 US Dollars per barrel ang premium o insurance, transportation at profit margin ng oil importer.
00:54Kaya ayon sa Industry Sources, batay sa 4-day average ng mean of flat Singapore,
01:0015 to 20 pesos kada litro ang panibagong dagdag sa presyo ng diesel,
01:0513 to 15 pesos naman sa gasolina, mas mataas ang estimate ng ibang industry source.
01:1219 to 22 pesos kada litro sa diesel, 13 to 16 pesos naman sa gasolin.
01:19Inaasahang bukas pa mag-i-issue ng estimate ang Department of Energy.
01:23Pinatawag na ni Pangulong Marcos sa Malacanang ang mga executives ng oil companies para matiyak ang supply ng langis.
01:30Ang mga chopper naman, hindi na alam kung saan pa bubunot makabili lang ng pangkrudo.
01:35Mag-antay lang ako sa operator kung bawihin yung jeep, wala lang kami magawa, wala lang kami ng kabounder.
01:42Sa Batanas nga, sumipa na sa 112 pesos and 50 cents per liter ang presyo ng diesel.
01:49Pero hindi lang sa transportasyon at pagkain mararamdaman ang pagmahal ng langis.
01:54Ayon sa ekonomistang si Professor Emanuel Leco, magdudulot din ito ng medical inflation o pagmahal ng servisyong medikal.
02:01Krudo kasi ang raw material ng maraming medical equipment at supply tulad ng hiringgilya, surgical equipment, oxygen mask, kahit na
02:10gloves.
02:10Maliban dyan, dahil magmamahal ang transportasyon, tataas ang logistics cost ng mga ito na karamihan ay imported.
02:18Hindi malayo. Magkakaroon din ng direct impact agad-agarad.
02:23Although meron silang mga long-term supply agreement, nagkakaroon din sila ng hedging.
02:30Yan, tisipate na rin nila na multataas ng presyo ito.
02:35So, umunti-untiin na rin nila.
02:37Binabantayan na rin daw ng DOH ang posibleng pagmahal ng servisyong medikal at gamot sakaling magkaproblema sa supply chain.
02:44Kasi tumatas ang presyo ng lahat eh.
02:46Dahil nga sa nangyayaring gera, kailangan mag-catch up si Phila at yan ang pinapatutukan ng Pangulong.
02:50Para kay Lola Rosalina, mahal na ngayon pa lang ang magmamahal pang bayarin sa ospital.
02:57Tatlong araw nang nakakonfine ang maging isang taong gulang na apo at hindi raw nila alam kung saan kukuha ng
03:03pambayad para rito.
03:05Meron naman po yatang swa kahit konti mabawasan.
03:10Pero po kahit po naman mabawasan po yung pambayad, wala rin po.
03:14Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido nakatutok 24 o...
03:20May tatlong putsyam na payout center na tutukuyin ang DSWD para sa pamamahagi ng 5,000 pisong ayuda para sa
03:29mga kwalipikadong tricycle driver sa Metro Manila.
03:32Simula na yan sa Martes.
03:34Nakatutok si Ivan Mayrina.
03:39Sa loob ng tatlong araw, simula sa darating na Martes, March 17,
03:43target mabigyan ng tinglimang libong pisong ayuda ang nasa 139,000 na tricycle driver sa Metro Manila.
03:50Sisimulan lang sa Metro Manila, tapos then we move out of Metro Manila.
03:54Yung mga cities at yung mga areas na napakaraming tricycle drivers, lahat yan matutulungan.
03:58Sa ngayon, may 39 na payout centers na tutukuyin ang DSWD, isa sa bawat counselor district.
04:04Sa Quezon City at Maynila halimbawa dahil may six counselor districts, may anin na payout centers din.
04:09Bawat isa, target mamahagi ng isang libong benepisyaryo kada araw.
04:12Driver's license lang.
04:14Hindi na kami muna hihingi ng philsis o kung anumang idea.
04:17Driver's license.
04:18Sigurado yun yung valid, yung sabihin hindi expired.
04:21Sigurado yun yung pangalan doon ay ang nag-a-appear na pangalan doon sa talaan ng local government unit.
04:27Pagdating naman sa iba mga nasa sektor ng transportasyon,
04:30tulad ng jeep, bus, taxi, TNVS, motorcycle taxi at delivery rider,
04:35hindi na lokal na pamahalaan kundi transportation department na ang magiging katuwaan ng DSWD
04:40dahil sa kanila nang manggagaling ang listahan.
04:43Magandang balita yan sa mga nakausap naming rider.
04:46Dahil ang nawawala raw sa kanila ngayon nakita, isang kain kada araw.
04:49Habang ibang rider naman, may ibang mungkahing mas makakatulong daw sa lahat
04:53na hindi na kailangan idaan sa ayuda.
04:55Kung 5,000 lang eh, kung tuloy-tuloy yung taas ng gasolina eh, wala rin.
05:00Tanggalin na lang nila yung tax ng langis para makinabang lahat.
05:05Ang mga ganito mungkahing nasa plano rin naman ang pamahalaan
05:08pero hindi nga lang pwedeng mabilisan.
05:10Ang kapangirihang suspindihin ang excise tax sa petrolyo,
05:13nakabimbin na sa Kongreso at certified as urgent na ng Pangulo.
05:17Ang fuel subsidy naman, nahiwalay pang benepisyo para sa nasa sektor ng agrikultura at transportasyon,
05:22may kondisyon pa bago mailabas ang pondo.
05:24Ang kailangan po, ang triggering point is the $80 per barrel for one calendar month.
05:31So kapag yan nagsimula ng pagsirit ng pressionalize, March 1,
05:36antahin natin hanggang March 30 at kailangan ng certification from the Department of Energy.
05:41Ganun pa man, sabi nga ng Pangulo, huwag na natin antahin na mas lalong lumala ang sitwasyon.
05:46That's why we have to start somewhere and we have to start somehow.
05:49So yun po yung pumapasok yung DSWD.
05:5130 billion pesos ang paunang pondo mula sa DSWD na agaran na magagamit para sa mga lubhang apektado na
05:57at maring maapektuhan pa kung magtuloy-tuloy ang pagsirit ang presyo ng mga produktong petrolyo.
06:02Patuloy naman ang pagtitiyak ng DSWD na ang pondong nakalaan ay mapupunta sa mga dapat makatanggap nito
06:08at mahigpit daw nilang babantayan ang promisyon kontra sa pag-epal ng mga politiko sa pamahagi nito.
06:14Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina na Atutok, 24 Horas.
06:19Ramdam na rin sa presyo ng bigas.
06:21Ang epekto ng mataas na presyo naman ng mga produktong petrolyo.
06:26Sa gitnaan niyan, nagbabala ang Agriculture Department laban sa mga mananamantala na katutok si Bernadette Reyes.
06:39Sinuyod ni Gloria ang pretil market sa Maynila para mahanap ang pinakamurang bigas.
06:54Sa ilang pwesto kasi roon, dalawang piso ang itinaas ng kada kilo ng bigas mula nang tumaas ang presyo ng
07:02langis ngayong linggo.
07:03Tumataas po yung freight, yung tracking.
07:05Dati, yung isang maliit na 25 kilograms na bigas, ang tracking ng 20 pesos.
07:13Ngayon, 40 pesos na.
07:14So, dumoobli na siya.
07:16Hindi naman kami pwede magpalugi dahil maliliit naman kami negosyante.
07:20So, kailangan kami kumita rin kami.
07:23So, pagtaas ng gasolina, tatas din ang bigas namin.
07:26Sa pwesto ni Ruby, 52 pesos kada kilo ang pinakamurang bigas.
07:31Ang iba, lagpas pa ng 60 pesos kada kilo.
07:35Ang kawawa rito, tao. Lalo na yung walang pambili.
07:38Kasi yung dating bumibili ng dalawang kilo, ngayon kalakating kilo na lang.
07:43Batay sa price monitoring ng Department of Agriculture noong lunes,
07:47o isang araw bago ang malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo,
07:52nasa 33 pesos kada kilo ang pinakamababang presyo ng regular milled rice.
07:57Pero ngayon, nasa 35 pesos kada kilo na ang pinakamababang presyo.
08:02Sa trabaho market sa Maynila pa rin, hanggat maaari, hindi raw tinataas ni Francisco ang presyo.
08:08Maliban kung tumaas ang pinagkukuna nila ng supply.
08:12Yung tumaas po ang kuha namin, itinaas na rin namin.
08:15Pero pagka po yung dati pa namin kuha, pinaubos muna namin sa tamang presyo.
08:24Sa Mega Q Mart sa Cason City, dalawang piso rin kada kilo ang taas presyo.
08:30Gawa ng tumaas na agad ang gasolina.
08:32Dalawang piso, ganyan.
08:3455, 56, 55, 54 dati.
08:39Ayon sa Department of Agriculture, talagang magmamahal ang bigas dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
08:46Pero nagbabala sila sa mga mananamantala.
08:49Meron naman tayong mga naka-establish na batas ngayon, lalo na anti-agricultural economic sabotage law.
08:55At kung merong makikita na profiteering, hoarding, especially yung do sa dalawang aspeto na yun,
09:02definitely hahabulin sila ng DA at ng buong gobyerno.
09:07Huwag silang mananamantala, lalo na ngayon panahon ng krisis.
09:10Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatuto, 24 Oras.
Comments

Recommended