Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Aired (September 14, 2025): Hindi mawawala sa handaan ang pansit na pampahaba raw ng buhay. Pero ang pansit sa Palawan, kakaiba daw ang sahog dahil kinukuha pa raw ito sa buhangin?! Ano kaya ito? Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Kapag may salo-salo ang pamilya o barkada man,
00:04hindi kumpleto ang handaan kung walang pansit.
00:09Laging present na itinuturing na pampahaba ng buhay.
00:14Pero may kakaibang pansit daw sa palawan
00:17na laging sariwa at buhay na buhay bago lantakan.
00:23Gumagapang-gapang sa buhangin.
00:25Bilis ng kamay at lakas ng loob ang gamit para hulihin.
00:35Tila isang dangkal na bulate o uod ang itsura.
00:39Yan ang wak-wak.
00:44Sa bayan ng Araceli sa Palawan,
00:47ang pambatong pansit hindi raw gawa sa mahahabang hibla ng noodles,
00:53kundi hinuhuli pa raw sa buhangin sa dalampasigan
00:57ng manging isda at kawander natin si Tatay Lucibar.
01:04Panghuhuli raw talaga ng kuratsya,
01:07isang uri ng alimango ang pinagkakakitaan niya.
01:11Pero dahil matumal ang huli kapag low tide,
01:15sumasideline siya sa pungunguha ng wak-wak.
01:18Elementary pa lang nung ako'y kasama ng lolo ko,
01:21yung pinapain pala namin sa isda ay wak-wak.
01:24Waktu pa ang pangunahing pamain lang.
01:26Hanggang sa natuto ako manguha ng wak-wak.
01:29Ang wak-wak ay isang uri ng sunworm o mas kilala bilang peanut worm.
01:35Mahaba, manipis, malambot na parang gelatin.
01:40Mahirap mahuli dahil kasing kulay ng puting buhangin.
01:44Ang pinakaunahan na part ng body niya,
01:48humahaba yan eh.
01:50Yun ang lumalabas doon sa surface.
01:53Siya na ang kukuha, mayroong mga tentacles yan.
01:56Kumukuha siya ng mga pagkain niya.
01:58Potentially, magka-harbor din sila ng mga parasite
02:02or ibang organismo na maaring pumasok sa kanila
02:06dahil naniniraan sila sa natural environment.
02:09Sa pangunguhan ng wak-wak, kutsilyo at siksik
02:14o manipis na patpat ang dala ni Tatay Lucibar.
02:18Ganito pag-hukay oh.
02:20Siksik pala ito.
02:21Gamit natin pangkuhan ng wak-wak.
02:23Karaniwang lalim ng isang wak-wak.
02:25Abot hanggang siko lang ang lalim yan.
02:27Pang-wak-wak muna tayo.
02:29Ito kasi magandang hanap buhay ito.
02:31Pagtaglakas, makakasiguro ka ng ulam.
02:35Dapat daw kasi, mabilis ang pagkuhan ng kamay
02:38at pagtusok ng siksik.
02:40Madali raw kasing lumubog at magtago ang wak-wak.
02:44Ito medyo maliit lang siya kasi hibata pa siguro ito.
02:52Kapag sinuswerte nga naman,
02:54umaabot daw ng kalahating timba ang wak-wak na nahuhuli nila.
02:59Pagka malakas ang panahon, hindi kami makapangisda.
03:02Yun, kami ng wak-wak.
03:06Noong sa unay, pang-ulam lang, katagalan, binibinta na rin.
03:10At pagkatapos manghuli ng wak-wak ni Tatay Lucibar,
03:14ang kanyang anak naman na si Stephanie,
03:16ang toka sa pagluluto.
03:18Isa sa kanyang specialty, panset na wak-wak.
03:22Noong una po, naibahan talaga kaming kumain ng wak-wak
03:24kasi para siyang uod yung mukha po ng wak-wak.
03:27And then sabi po ni Papa,
03:28itry nyo lang kung masarap.
03:30Tinry namin kumain ng wak-wak.
03:31And nasarapan po kami.
03:33So far po, wala namang incident po na masakit yung tiyan.
03:37Mabusisi ang paglilinis ng wak-wak.
03:40Kailangan itong isa-isahin at hatiin sa gitna.
03:44Saka babalik ta rin para matanggal ang dumi at buhangin sa loob nito.
03:48Ilagay na natin ang sibuyas, bawang, wak-wak.
03:56Pagkatapos, igisa ang mga rikado.
03:59Wak-wak na ang magsisilbing noodles na pansit.
04:02Lalagyan naman ng pampalasa.
04:04Oyo at pamintang.
04:07Kapag kumulo na, ilalagay na ang oyster sauce at mga gulay.
04:16Luto na ang pansit na wak-wak.
04:18Di naan ko masyadong malat.
04:23Malambot ko talaga siya.
04:25Yan, maganda yung pagkaluto niya.
04:28Malamis naamis po.
04:29Malambot po siya.
04:30Parampusit po siya.
04:31Ang wak-wak o sandworm.
04:34Yummy ba or yucky?
04:36Yummy po.
04:36Ang wak-wak ay mayaman sa protina.
04:42At ang klase ng protina nito ay maganda sa katawan.
04:45So wala naman siyang naitalang mga nakakalasong taglay.
04:52Para kay Stephanie at Tatay Lucibar,
04:55walang dudang yummy ang wak-wak.
04:58Na hindi lang basta ulam ha.
05:00Kung hindi, nagtatawid sa kanila ng gutom kung matumal ang biyaya ng dag.
05:06Na hindi, nagtatawid sa kanila.
Comments

Recommended