- 2 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Vice President Sara Duterte, dumalo sa pagdinig ng Kamara sa budget ng kanyang tanggapan
-PAGASA: 2 Low Pressure Area, nagpapaulan sa halos buong Luzon at Visayas
-Benguet Agri-Pinoy Trading Center Facility, binaha dahil sa malakas na ulan
-PAGASA: May 70% tsansang magkaroon ng La Niña mula October-December 2025
-DPWH Sec. Vince Dizon at ICI Special Adviser Mayor Benjamin Magalong, nag-inspeksyon sa ilang flood control projects sa La Union
-Mga miyembro ng Independent Commission for Infrastructure na mag-iimbestiga sa flood control projects, nanumpa at nagpulong na
-Sen. Jinggoy Estrada, handa raw pabuksan ang kanyang bank accounts matapos idawit sa flood control projects
-Operasyon ng LRT2, balik-normal na matapos magkaaberya kagabi
-Batangas 1st Dist. Rep. Leviste, naghain ng karagdagang reklamo kay dating DPWH Engr. Calalo
-Quezon City LGU: 2 flood control projects na nagkakahalaga ng P118 million, nadiskubreng pininturahan lang
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-PAGASA: 2 Low Pressure Area, nagpapaulan sa halos buong Luzon at Visayas
-Benguet Agri-Pinoy Trading Center Facility, binaha dahil sa malakas na ulan
-PAGASA: May 70% tsansang magkaroon ng La Niña mula October-December 2025
-DPWH Sec. Vince Dizon at ICI Special Adviser Mayor Benjamin Magalong, nag-inspeksyon sa ilang flood control projects sa La Union
-Mga miyembro ng Independent Commission for Infrastructure na mag-iimbestiga sa flood control projects, nanumpa at nagpulong na
-Sen. Jinggoy Estrada, handa raw pabuksan ang kanyang bank accounts matapos idawit sa flood control projects
-Operasyon ng LRT2, balik-normal na matapos magkaaberya kagabi
-Batangas 1st Dist. Rep. Leviste, naghain ng karagdagang reklamo kay dating DPWH Engr. Calalo
-Quezon City LGU: 2 flood control projects na nagkakahalaga ng P118 million, nadiskubreng pininturahan lang
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00VICE PRESIDENT SARA DUTERTE
00:30Hindi Anya no-show ang vice-presidente gaya ng mga naunang naiulat.
00:35Pinaaprobahan ng OVP ang budget nila para sa susunod na taon na mahigit 902 million pesos.
00:42Ni-waive ng vice, ang parliamentary courtesy na tradisyonal na ibinibigay sa tanggapan ng presidente at vice-presidente.
00:50Kabilang sa mga unang tinanong sa kanya ang tungkol sa mababang obligation rate ng OVP.
01:00Ayon kay Vice President Duterte, natagalan ang pagsisimula ng ilang proyekto dahil naging matagal daw ang pagbibigay ng dokumento na kinakailangan sa procurement.
01:08Tumanggi naman ang vice-presidente na sagutin ang tungkol sa kontrobersyal na confidential funds ng tanggapan.
01:14Sinagot din ni Vice President Duterte ang tungkol sa kanyang mga naging personal travels abroad.
01:19Aprobadaan niyo ng Office of the President ang kanyang travel authority o ang dokumento na kinakailangan para makabiyahay ang isang government employee.
01:26Wala raw ginastos ang gobyerno sa kanyang mga naging biyahe.
01:31Ang iba pang detalya ay ihatid namin maya-maya.
01:40Dalawang low-pressure area na ang nagpapaulan sa halos buong Luzon at Visayas ngayong Martes.
01:45Namataan ang pag-asa ang unang LPA, 540 kilometers, Kanlura ng Koron, Palawan.
01:50Ito yung sama ng panahon na nagpaulan sa ilang bahagi ng bansa nitong weekend.
01:55Patuloy na nagpapaulan ang trough o extension ng nasabing LPA dito sa Metro Manila, Mimaropa Region at sa nalalabing bahagi ng Central Zone, Calabar Zone at ng Visayas.
02:05Pusibli ngayong hapon ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang sama ng panahon.
02:09Ang pangalawa naman at bagong LPA, namataan 220 kilometers silangan ng Daet, Camarines Norte.
02:17Apektado nito ang Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Aurora, Quezon Province, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Quirino at Nueva Vizcaya.
02:28Tumaas ang tsansa ng nasabing LPA na maging bagyo.
02:32Sa mga susunod na oras, uulanin ang halos buong bansa kasama na po ang Metro Manila base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
02:40Pusibli ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
02:45Bukod sa dalawang LPA, asahan po sa ilan pang panig ng bansa ang ulang dulot ng Easter Lease o kaya ang mga local thunderstorm.
02:52Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory sa Tarlac, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Bataan, Zambales at ilang panig ng Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Quezon Province.
03:08Tatagal ang babala hanggang alas 12.30 ngayon pong tanghali.
03:14Malakas na ulan ang naranasan sa ilang bahagi ng bansa.
03:17Sa La Trinidad, Benguet, binaha ang Benguet Agri Pinoy Trailing Center Facility.
03:26Sa kasagsagan niya ng malakas na ulan doon, kanya-kanyang salba ang mga magsisaka para hindi mabasa at mabulok ang kanilang aning gulay at iba pang produkto.
03:35Sa Mayoyaw, Ifugao, nagka-landslide sa ilang kalsada dahil sa masamang panahon.
03:41Isinara muna ang kalsada para sa clearing operation.
03:45Nagka-landslide din sa ilang kalsada sa Dingalan Aurora dahil din po sa masamang panahon.
03:51Nagsasagawa na rin ang clearing operation.
03:53Sa kasagsagan ng malakas na ulan, itinuloy pa rin ang paglibing sa barangay Santo Angel sa Santo Cruz, Laguna.
04:07Sinoong ng mga nakapaglibing ang bahang kalsada hanggang sa umabot sila sa simenteryo.
04:14Naging problema pansamantala ang naipong tubig sa paglalagakan ng kabaong.
04:19Natapos din naman ang paglibing.
04:21Binalot naman ng putik ang Isulan-Senator Ninoy Aquino Highway sa Sultan Pudarat.
04:27Pahirapan tuloy ang biyahe ng ilang motorista.
04:30Ayon sa pag-asa, Easter Lease ang nagpapaulan sa Ifugao, low-pressure area naman sa Aurora, trough ng LPA sa Laguna.
04:39Habang hanging habagat naman ang nagpapaulan sa Sultan Pudarat.
04:42Itinaas na ng pag-asa ang La Niña Alert sa bansa.
04:49Ayon sa pag-asa, may 70% chance ang magkaroon ng La Niña mula October hanggang December 2025.
04:56Maaari pa raw yang tumagal hanggang February 2026.
04:59Ibig sabihin, posibleng mas marami sa karaniwan ang mga bagyo at posibleng mas marami ang ula na dala ng habagat, low-pressure areas, easter lease, shear lines at intertropical convergent zone o ITZZ.
05:14Maagaagang abiso mga kapungso, saan na ho ay makapaghanda ang publiko.
05:19May init na balita, ininspeksyon ni Department of Public Works and Highway Secretary Vince Dizon at ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang ilang flood control projects sa La Union.
05:35Sinuri nila ang tatlong proyekto sa mga bayan ng Naguilian at Bawang.
05:39Ayon kay Dizon, nakalagay sa kanilang records na kumpleto na ang mga nasabing proyekto pero hindi pa tapos ang kanilang naabutan.
05:47I-validate daw nila kung parehong proyekto ang nasa kanilang records sa kanilang tinuntahan.
05:52Ayon kay Magalong na Special Advisor at Investigador ng Independent Commission for Infrastructure,
05:57dapat magkaroon ng database ng mga proyekto ng bawat kontratista ang bawat lugar.
06:03Ang iba pang detalye, ihatid namin maya-maya lang.
06:08Nanumpana ang mga miyembro ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na mag-iimbestiga sa maanumalya o manong flood control projects sa bansa.
06:17Pagkatapos manumpa, isinagawa ang unang pulong ng mga miyembro ng ICI.
06:22Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, araw-araw magpupulong ang ICI para mapabilis ang imbestigasyon.
06:28Saklaw ng imbestigasyon ang lahat ng infrastructure projects sa nakalipas na sampung taon
06:33para daw matukoy ang ugat ng umunay korupsyon sa gobyerno.
06:37Ang Special Advisor na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong,
06:41ibibigay raw ang mga nakalap niyang ebidensya sa flood control projects para makatulong sa ICI.
06:47Nagkainitan ng ilang senador sa plenaryo kahapon,
06:52kaugnay sa mga isyong lumitaw sa imbestigasyon ng maanumalya o manong flood control projects.
06:57Sina Senador Jingo Estrada at Joel Villeneva,
06:59nagsabing handa silang pabuksan ang kani-kanilang bank accounts matapos idawit sa isyo.
07:05Narito po ang aking report.
07:09Para patunayan daw na walang katotohanan ng aligasyong kumikbak siya ng 30% sa mahigit 300 milyong pisong flood control project,
07:16may handang gawin si Senador Jingo Estrada.
07:18Ako I'm open to an investigation.
07:21In fact, Mr. President, ngayon pa lang kahit hindi pa nagkocomment sa Blue Ribbon Committee ni Sen. Laxon,
07:27ngayon pa lang, I'm willing to sign any waiver to open my bank accounts.
07:32I don't know with Sen. Joel, maybe we'll also conform with my idea.
07:38Ang aligasyon, binitawan ni Engineer Bryce Hernandez,
07:41dating Assistant District Engineer ng Bulacan 1st District Engineering Office,
07:45sa pagdinig ng kamara nitong Martes.
07:47Nakontem sa Senado si Hernandez noong pagdinig ng Blue Ribbon Committee noong lunes.
07:51Noong Martes, inilipat siya sa PNP Custodial Center matapos siyang umapailan ng proteksyon sa kamara
07:56dahil sa pangambaraw sa kanyang siguridad.
07:59Pero kinabukasan, nagmosh siya sa Estrada na ilipat si Hernandez sa Pasay City Jail,
08:03bagay na inuprobahan sa plenaryo.
08:06Matapos malipat sa Pasay City Jail si Hernandez,
08:09naghahain ng petisyon ng kanyang kampo para sa Rito Famparo
08:11para may sa ilalim siya sa Witness Protection Program at mayibalik sa PNP Custodial Center.
08:17Humarap sa Pasay RTC Branch 112 si Hernandez para sa inihahain niyang petisyon.
08:22Sa sulat naman ng legal counsel ni Hernandez, umapailan sila na ibalik siya sa Senado.
08:26Ngayong may bagong tiwala ro sila sa ilalim ng liderato ni na Senate President Tito Soto
08:31at Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Ping Lakson.
08:34Kung papayagan doon nila si Hernandez na manatili sa Senado,
08:37patunay ito na handa ang Senadong harapi ng mahirap na katotohanan.
08:41Agad din naprubahan ni Soto ang hiling ng kampo ni Hernandez
08:43at inaasang maaharap siya ulit sa Blue Ribbon Committee.
08:46Hirit naman ang Sen. Joel Villanueva na inakosahan din ni Hernandez ng pagtanggap ng kickback,
09:03nakapagtataka dahil plenario ang nagdesisyon na ilagay siya sa Pasay City Jail.
09:07Si Bryce na naman na anya ang nasunod.
09:09Dagdag ni Sen. Rodante Marcoleta na dating Blue Ribbon Committee Chairman,
09:12ang naturong committee lang ang pwede magtalaga kung saan ididetay na isang witness na cited in contempt.
09:18Dagdag ni Sen. Minority Leader Alan Peter Cayetano, tina naging VIP witness si Hernandez.
09:23Yung oras ay nag-google din doon sa pag-uusap na bakit parang naging Sen. VIP etong si Assistant D. E. Bryce
09:31na pinag-usapan na sa Senado at meron pong motion na in-approve ng buong Senado na sa Pasay City Jail
09:40pero walang konsultasyon ay nandito na ulit.
09:44Paano siyang nasunod sa PNP custodial? Paano siyang nasunod sa Pasay City Jail?
09:49Puro ayaw niya ngayon eh.
09:52Diba? So it's a maling opinion. It's their opinion.
09:56Sa session, muling binawaltahan ni Estrada si Hernandez.
09:59Why are we giving so much importance or credence to this person who is a liar,
10:11who is the number one suspect of this corruption what is happening in our country today?
10:19Bakit? Bakit? Meron ba nagpoprotection sa House of Representatives?
10:25Naglabas din ang hinihing ang minorya na nakadirekta mismo kay Soto
10:28dahil tila hindi ro sila pinoprotektahan ng bagong mayorya.
10:32Puna ng Sen. Bato de la Rosa, tila nilaglag ni Soto ang minorya sa pagsasabing
10:36gumigimik lang sila ng kwesyonin ng minorya
10:38ang naunang pagditein kay Hernandez sa PNP Custodial Center sa halip na ibalik sa Senado.
10:43Ang Senado po, hindi po itong noontime TV show na puro gimmick ang ating tinitikap dito.
10:50Kami po ay nag-raise dito ng legitimate issues which requires legitimate atensyon.
10:56Ang pahayag na ito ng de la Rosa, hindi pinalagpas ng Sen. President.
11:00Just because I mentioned that Martin Romualdez called me, does not mean that ako'y sumunod sa kanya.
11:06The request was coming from the House of Representatives and the request was to retain Hernandez in the Congress.
11:17At doon ako hindi pumayag. Is that being tuta?
11:21Si Marco Leta, pino na rin ang mga pahayag ni Soto sa affidavit ng mag-asawang Sara at Curly Diskaya
11:26at sa pagtanggi niyang pirmahan ang rekomendasyong gawing state witness ang dalawa.
11:31Ang sabi po ninyo, with reference to the affidavit of the Diskayas, may suspecha kami na inedit yung affidavit.
11:41Mr. President, ito po ay indirect affront to the integrity of this representation.
11:52Yung lamang pong pagsuspechohan ninyo na inedit yung affidavit, papano kayo nagsuspecha?
12:02Ano po ang ginamit ninyong batayan at pagsuspechohan ninyo na maring inedit yung affidavit?
12:09Para masagot ang mga tanong, bumaba si Sen. President Soto mula sa restroom, to the rescue din ang ibang miyembrang ng mayorya.
12:15Kung gagawin silang state witness, kinakailangan buo, hindi edited.
12:25And when I've referred to edited, sila bilang mga testigo, kine-edit nila.
12:30Kung opinion ko hiningi, binibigay ko opinion ko, hindi ko tinatago.
12:34So if you don't like my opinion, I'm sorry Mr. President. But that's how it is.
12:38Sa ulipan sa matalang sinuspindi ang sasyon para mag-usap-usap ang mga senador tungkol sa pinakaugat ng isyo.
12:45Ano ba ang kapangyarihan ng Sen. President sa mga petisyong pinagbutuhan ng buong plenaryo?
12:49I believe we have reached the consensus. Mukhang hindi naman po siguro tayo mag-away na yun.
12:54No need for a vote with the minority leader and the group.
12:58I believe that better coordination na lang po.
13:01And we agreed to coordinate better with the minority floor leader.
13:05Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:10Balik na sa normalang operasyon ng LRT-2 matapos magkaberya ang isang tren nito kagabi.
13:15Batay sa inisyal na impormasyon mula kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera,
13:19bandang alas 10.30 kagabi ng Madis Caril ang pinakahuling tren na papasok sa Santolan Station.
13:26Nawala sariles ang unahang gulong nito kaya tumama ang harapang kaliwang bahagi ng tren sa kanto ng platform.
13:31Naging limitado ang operasyon ng LRT-2 hanggang kaninang umaga.
13:36Bago mag-alas 8 ng umaga, nang inanunsyo ng LRTA na normal na ang operasyon
13:40at may biyahe na mula rekto hanggang antipolo papunta at pabalik.
13:45Kawag na iyan ay pinag-utos si Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez
13:48ang pagpapatupad ng libreng sakay sa LRT Line 2 ngayong araw.
13:52Nag-high ng mga karagdagang reklamo si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste
14:04laban kay dating Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo.
14:09Kasabayan ang pag-high ng Leviste ng reply affidavit sa mga isinampanyang reklamo
14:12laban kay Calalo kaugnay sa tangka o manong panunuhol sa kanya
14:15ng dating DPWH Engineer para ipatigil ang investigasyon ng Kamara sa flood control projects.
14:21Sinampahan din ang reklamo ang mag-asawang may-ari ng kumpanya
14:25na nagbigay umano ng mahigit 3 milyon pesos na tinutukoy ni Calalo bilang donasyon.
14:31Ayon kay Leviste, ang nasabing halaga ay 3% ng mahigit 104 milyon pesos na halaga
14:36ng ini-award na kontrata ng DPWH sa kumpanya.
14:40Hiniling ni Leviste sa Prosecutor's Office na idagdag bilang respondents
14:43ang mag-asawa at isyuan sila ng subtina para magbigay ng counter affidavit.
14:48Susubukan namin kuna ng pahayag si Calalo at ang iba pang inerereklamo.
14:55Labing pitong bilyong pisong halaga ng mahigit 300 flood control projects sa Quezon City
15:00na bayad na po ang hindi matuntohan ng Quezon City Hall.
15:06Nabisto rin ang QCLGU na dalawang proyektong kontrabaha
15:09na ginastusan ng milyong-milyong piso ang pinuntarahan lamang pala.
15:14Balit ang hati ed ni Maki Polido.
15:20Rehabilitation of Drainage System ang project title ng flood control project
15:25para sa kalsadang ito sa barangay South Triangle, Quezon City.
15:28Nang gamitin ang Quezon City Engineering Department ang Google Earth app,
15:32nakita nilang itong sitwasyon sa kalsada noong February 2024
15:35kung kailan dapat nagsimula ang proyekto.
15:38At pagkatapos ang mahigit isang taon, September 2025,
15:42makikitang ang pinagkaiba lang, may pintura na ang sidewalk.
15:46Mahigit 70 million pesos ang project cost.
15:49It appears wala talagang ginawa sa ilalim.
15:51Unless napakagaling po ng kontraktor na talagang ginayang gaya po niya,
15:55yung pag-restore ay talagang gayaang gaya po.
15:57Ito naman ang Rehabilitation of Drainage System sa barangay Tatalon.
16:02Mahigit 48 million pesos ang project cost
16:04pero pininturahan lang din ang sidewalk at pinalitan ang manhole.
16:08Kung papansinin nyo po, yung inlet,
16:10kung alam nyo po yung inlet, yung inlet ng drainage,
16:14kung saan po kapasok yung tubig,
16:15yung pinakasira niya ay exactly the same po eh.
16:18So paano nangyayari yung drainage system?
16:21Kung ang mga ito may bakas,
16:23hindi naman nila mahanap ang 35 flood control project,
16:26sabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
16:29I believe those are ghost projects.
16:30Dahil sa patuloy na paghahanap ng City Hall,
16:34lumobo na ang bilang at halaga ng mga flood control project
16:37na hindi dinaan sa City Hall.
16:39Umaabot na ito ngayon sa 331 projects
16:42sa halagang 17 billion pesos.
16:457.7 billion pesos nito,
16:47mga insertions umano
16:49at wala sa National Expenditure Program
16:51noong 2024 at 2025.
16:53Ang binigay sa amin ay scope of work lamang
16:57o yung general information lang.
17:00Hindi isinumite at hanggang ngayon,
17:02hindi pa rin isinusumite sa amin
17:05ang tinatawag na program of works
17:07na mas detalyadong impormasyon ang nilalaman.
17:11Kung nagasos lang daw ng tama
17:12ang 17 billion pesos,
17:14sabi ni Mayor Joy Belmonte,
17:15halos na kompleto na sana
17:17ang 24 billion peso drainage master plan ng syudad.
17:20O kaya, naipagawa ang higit 5,000 classroom shortage
17:24sa Quezon City,
17:25nakapagpatayo ng 350 PhilHealth Accredited Health Centers
17:29o kaya'y pabahay
17:30para sa halos 1,500 informal settler families.
17:35Mackie Pulido, nagbabalita
17:37para sa GMA Integrated News.
Recommended
13:02
|
Up next
17:51
11:30
12:27
14:04
12:32
13:30
10:35
11:39
19:32
16:53
9:20
8:52
16:01
12:01
13:58
14:14
24:03
8:24
17:49
17:31
18:23
16:43
15:14
Be the first to comment