Skip to playerSkip to main content
-Kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo sa Quirino Grandstand, nagpapatuloy ngayong araw

-Manila DRRMO: 120,000 na miyembro ng Iglesia Ni Cristo, nagpalipas ng gabi sa Quirino Grandstand

-United People's Initiative, nagsagawa ng peace rally sa EDSA People Power Monument; kilos-protesta, magpapatuloy ngayong araw

-PAGASA: Easterlies, Shear Line, Amihan at ITCZ, nakaaapekto ngayon sa bansa

-Zaldy Co: PBBM at Rep. Martin Romualdez, nakakuha ng P56B kickback mula sa flood control projects

-PBBM sa mga alegasyon ni Zaldy Co: "I don't even want to dignify what he said"

-INTERVIEW: PMGEN. ANTHONY ABERIN, REGIONAL DIRECTOR, NCRPO

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Live na kuha po yan mula sa The Manila Hotel ngayong ikalawang araw ng kilus protesta ng Iglesia Ni Cristo sa Quirino Grandstand.
00:17Justicia, accountability at transparency ang panawagan nila sa gitna ng isyo ng katiwalian sa gobyerno.
00:23Ayon sa Manila Police District, as of 9am, tinatayang 150,000 ang bilang ng mga tao sa Quirino Grandstand.
00:33Hanggang sa paglipas itong magdamag, nasa daang libo pa rin miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang nananatili sa Quirino Grandstand sa Maynila.
00:42Kanya-kanya silang latag ng mahihigaan at tent para magpahinga bago ang programa roon ngayong umaga.
00:48Balita natin ni James Agustin.
00:53Maraming mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang piniling magpalipas na magdamag sa Quirino Grandstand sa Maynila para sa tatlong araw na rally.
01:01Sa datos ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, madang alas 10 kagabi, umabot sa 120,000 ang nag-camp out sa lugar.
01:09Iisa ang kanilang panawagan, transparency for a better democracy.
01:14Kanya-kanya latag ng mahihigaan at mga tenta mga miyembro ng INC.
01:18Kabilang dyan si Gerald at kanya mga kaanak na galing pamparanyake.
01:21Kailangan po ng may pagkakaisa para po sa isinusulong na transparency for a better democracy para po sa lahat ng sambayan ng Pilipino.
01:39Bumiyahin naman ang labing-anim na oras mula sa kagaya ng pamilya ni Ruth na dumating sa Maynila kahapon ng umaga.
01:45Gusto lang namin ma-ano yung pananawagan ng pamamahala namin na ilabas yung transparency and accountability for justice.
01:56Ganyan din ang panawagan ng pamilyang ito na galing masantol pampanga.
02:00Para po sa atin. Kasi pare-pares po tayo mga Pilipino, di ba po. Hindi lang po porque iglesia o kahit ano pong reliyon.
02:08Panay naman ang ikot ang mga tauhan ng Department of Public Services sa Manila City Hall para mapanatili ang kalinisan sa paligid ng Kirino Granstad.
02:16James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:21Nagpapatuloy rin ngayong araw ang pagtitipo ng United People's Initiative sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.
02:28Kahapon, nagkaroon po ng tensyon sa kasagsaga ng kanilang peace rally.
02:32Hinarang na mga polis ang grupo ni Eric Celis na nananawagan ng pagbibitiyaw sa pwesto ni Pangulong Bongbong Marcos.
02:54Sabi ng polisya, hindi daw kasi sila kasapi ng UPI na nag-organisa ng kilos protesta.
02:59Ayon kay Celis, isang dating kongbisista mismo ang nag-imbita sa kanila roon.
03:04Kumupa naman, kalaunan ang tensyon ng magkasundo ang dalawang kampo.
03:08Kaisa ng UPI sa rally ang grupo ng mga retired generals, mga miyembro ng PDP Laban, Juan, Bangsamoro at ilang religious groups.
03:17Ayon sa Quezon City Police District, umabot sa 4,000 ang naitalang nag-rally sa People Power Monument hanggang alas 7 kagabi.
03:24Sa isang pahayag na nawagan ang UPI sa Pangulo na gumawa agad ng mga hakbang para maibalikan nila ang kumpiyansa sa Office of the President.
03:34Dapat din daw ipag-utos ng Pangulo na maisapubliko lahat ng dokumento, pag-uusap at records kaugnay sa budget allocations, insertions at fund flows.
03:45Kung hindi raw ito agad matutugunan, dapat ang nilang mag-resign na lamang si Marcos.
03:49Sabi ni Palace Press Officer at Undersecretary Attorney Claire Castro, matagal nang sinisikap ng Pangulo para maayos ang anyay o kalat na iniwan ng nakaraan.
04:04Mga kapuso, maagang inulan ang ilang lugar sa Metro Manila ngayong pungaraw.
04:10Sa kabila niyan, magiging maayos pa rin ang lagay ng panahon ayon po sa pag-asa.
04:14Sabi ng pag-asa, epekto ng Easter Lease ang ulan kaninang umaga, pero higit na asahan na magiging mainit ang panahon.
04:22Apektado rin po ng Easter Lease ang ilan pang panig ng Central at Southern Luzon kasama ang Visayas.
04:28Shear line naman ang magpapaulan sa Cagayan Province at Isabela.
04:32Higit na mataas ang tsansa ng ulan sa Palawan at Mindanao dahil sa Intertropical Convergent Zone.
04:37Umiiral naman ang hanging-amihan sa Ilocas Region, Cordillera at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley Region.
04:45Umabot po sa 17.2 degrees Celsius ang minimum temperature ngayong araw sa Baguio City, habang 25.4 degrees Celsius naman dito sa Quezon City.
04:54Tatlong video ang inilabas ni dating Congressman Zaldico matapos siyang idiin sa isyo sa flood control projects.
05:07Isa sa mga paratang ni Ko, maging sinapangulong Bongbong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez, ay kumikbak umano sa flood control projects.
05:16Balita ng hatid ni EJ Gomez.
05:18Sa ikatlo at huling video ni dating Congressman Zaldico, may isa pa siyang malaking akusasyon, laban kina Pangulong Bongbong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
05:32Isa na dito ay kay Henry Alcantara, ang DPWH boys, ang sinasabi nilang halaga sa ICI ay 21 billion.
05:40Hindi po totoo yan. Ang totoong numero ay 56 billion pesos at yung pong halaga na yan ay kay Pangulong Bongbong Marcos at Martin Romualdez na punta lahat.
05:51Sa testimonya ni dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sa Independent Commission for Infrastructure,
05:59SICO ang itinurong proponent sa 35 billion peso na halaga ng flood control projects sa Bulacan mula 2022 hanggang 2025.
06:07Giit ni Ko, wala siyang nakuhang pera mula sa flood control projects.
06:23Inaasahan na raw ni Ko na dadami pa ang mga kasong isasampalaban sa kanya.
06:27Ginagamit ng administrasyon ang buong resources ng bansa para tumahimik ako, para masira ang aking kredibilidad.
06:36Ayon pa kay Ko, sinabihan siya ni Romualdez na huwag umuwi sa Pilipinas dahil delikado raw.
06:41March 2025 pa lang, si Speaker ay nagpaparinig na sa akin sa aming meeting that he will shoot me if I will talk.
06:51At pagkatapos niyang sabihin sa akin in a phone call na, don't come home, we will take care of you,
06:58tumawag ulit si Speaker Martin at sinabihan niya ako na pag umuwi ako will be dangerous.
07:03Kasi they may hire someone to do a rub out on me or hire the police to kill me while in jail.
07:10May mga ilalabas pa raw na impormasyon si Ko sa mga susunod na araw.
07:14Sana po ay hindi nila ako mapatay bago ko mailabas ang lahat.
07:19Sa unang video na inilabas ni Zaldico noong biyernes, idinawit din niya ang Pangulo sa Umanoy,
07:25100 billion peso insertion sa 2025 budget.
07:29Tinawagan ko po si dating Speaker Martin Romualdez at nireport ko ang instructions ng Presidente
07:36to insert the 100 billion projects at sinabi niya sa akin what the President wants he gets.
07:45Sa ikalawang video na inilabas nitong Sabado, nanawagan si Ko sa Senado na imbistigahan ang Umanoy 100 billion peso insertions
07:53dahil wala raw siyang kumpiyansa sa ombudsman.
07:56Nananawagan din po ako sa Senado na imbistigahan ang 100 billion insertion ni Presidente.
08:03Alam ko po na hindi gagawin niyong butsman Rimulya ang hamon ko.
08:07Pero magaling ang Senado sa imbistigasyon at ako ay naniniwala na dahil sa kanila, lalabas ang katotohanan.
08:14EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:44Ayaw rin magkomento ni dating House Speaker Martin Romualdez sa mga paratang ni Ko
08:49dahil hindi naman pinanumpaan ang mga salaysay at hindi anya tatanggapin sa Korte.
08:54Handa raw makipagtulungan si Romualdez sa anumang prosesong naaayon sa batas.
08:59Tiwala raw siyang lalabas din ang katotohanan.
09:02Itinanggan naman ni Budget Secretary Amena Pangandaman ang paratang na tinawagan niya si Ko
09:06tungkol sa umunay utos ng Pangulo na 100 billion pesos na insertion sa 2025 budget.
09:12Gayet ni Pangandaman, lahat ng proyektong gusto ng Pangulo ay nakasaad na sa 2025 National Expenditure Program
09:19na isinumiti sa Kongreso.
09:24All appropriations ordered by the President is already in the National Expenditure Program.
09:30That is why it is called the President's Budget.
09:33We respect and strictly follow the budget process.
09:37Update po tayo sa kayusan at sigurudad ng kasabay ng nagpapatuloy pa rin kilus protesta ng ilang grupo.
09:45Kausapin natin si NCRPO Regional Director, Police Major General Anthony Aberin.
09:49Mangandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
09:53Mangandang umaga rin po at sa lahat ng mga inyong taga-subaybay.
09:58Sa inyo pong monitoring, gaano ng karami tao?
10:01Yung nakibahagi sa day 2 ng kilus protesta ng Iglesia Ni Cristo sa Quirino Grandstand?
10:07At of 11 a.m. po dito po sa Quirino Grandstand ay may estimate na po tayong alos 200,000 po
10:15na andito po ang mga kapatid po natin sa Iglesia Ni Cristo.
10:19Inaasaan po bang dadami pa ito? At kumusta po yung kaayusan at siguridad?
10:25We expect po na mag-e-increase po ito hanggang mamayang hapon
10:30and baka masorpass po yung number natin kahapon.
10:33And when it comes to security po, ay tuloy-tuloy po ang pagsisicure natin sa lahat ng area
10:40and we made some security adjustment po.
10:44So, nire-align po natin yung ibang personnel po natin sa mas malayong lugar ng Tagano
10:49na hindi na po nababahala ang mga kapatid po natin sa Iglesia Ni Cristo.
10:54Kumusta na po naman po yung daloy ng trafico sa lugar?
10:57We understand, may mga parking na nahaharangan na yung iba
11:04pero ang sabi, nasa kalya naman yung ibang mga sasakyan nila.
11:07Tama po yun. Actually po, at this moment po, isa heavy po yung mga palsada po na apiktado
11:16and sana po sa ating mga kababayan ay i-check muna po nila yung pupunta nila
11:22para matita nila yung traffic rerouting at saka mga cloud crossroads po na ini-implement po natin dito.
11:29So, iwasan na po yung lugar kung hindi naman kailangan.
11:31At doon naman po sa isa pang grupo sa White Plains sa Quezon City,
11:34nasa ilan na po yung mga dumalo at yung peace and order situation po doon?
11:38As of this moment po, based po sa report po ng ating district director doon,
11:43ay generally peaceful din po doon sa may White Plains
11:46and as of this moment, mga 500 plus na po yung mga naku-converge po doon
11:52ng mga protesters coming from UPI, from GIL at iglesia ni Christian and other group po.
11:58Sa ngayon po, bukas pa po ba yung daan sa may White Plains?
12:01Pwede pa po bang daanan yun ng mga motorista?
12:03Nakasarado po yun, kaya pinapayo po natin na mag-tignan po yung mga announcement natin dito sa mga Facebook at other social medias po
12:14para makita po yung mga traffic rerouting schemes po na ini-implement po natin.
12:18Opo. May ibang kilos protesta po ba tayo inaasahan sa mga susunod na linggo?
12:21Dito po sa may Liwasang Bonifacio, may in-expect din po tayo.
12:27At saka dito sa may Etcestrine, although dito po sa Etcestrine ay ginagawang convergence point lang po
12:33tapos pumupunta po nila sa PPM.
12:36Yun po yung mga pangunahing lugar po na pinabantayan natin, yung Liwasang Bonifacio,
12:40dito po sa Quirino Grandstand, sa PPM at dyan po sa Etcestrine.
12:44E kumusta naman po yung status inyong mga tauhan?
12:47We understand dumadamin na rin yung mga kailangang bantayan sa mga malls.
12:49Kumusta po yung mga siguridad sa iba pang mga areas na inyong binabantayan?
12:54Tuloy-tuloy po yung siguridad po natin dito sa buong Metro Manila.
12:58Iba rin naman po yung nakadeploy po sa mga nagrarally.
13:02At may mga nakadeploy din po tayo sa different convergence point po dito sa buong Metro Manila.
13:09Tuloy-tuloy po yung police visibility natin.
13:12And hindi po nagalaw yung mga naka-assign po sa estasyon ay kung ano yung patrolling
13:17at posage visibility na usual po nilang ginagawa ay doon pa rin po yung dapat nilang bantayan.
13:23Hindi po natin sila in-involve for CDM or for police security po dito sa Quirino Grandstand.
13:28Ano pong ginagawa niyong coordination dito sa mga organizers ng protesta?
13:33Para hindi niyo pa maulit yung medyo pag-iinit ng iba-ibang mga grupo
13:38habang nagsasama-sama sila dito sa mga protestang ito?
13:40Open po yung communication natin and from time to time may dumadalo po ako doon
13:48sa may leadership po ng Iglesia Ni Cristo dito sa may Quirino Grandstand.
13:51At at the same time may naka-poste na po na mga scan at yung mga security details team leader po nila
13:57may communication po tayo at may radio po sila.
14:01Doon po ako minsan nakikipag-communicate.
14:03And din po sa Quezon City, si District Director, tuloy-tuloy din po yung koordinasyon po niya
14:08sa leadership po ng UPI, sa other groups po nandyan po.
14:12Opo, sa ngayon po ba may areas of concern kayo?
14:15Either dito sa mga protest areas o iba pang lugar sa Metro Manila?
14:20Sa ngayon po ay wala po tayong areas of concern at wala po tayong directang banda sa seguridad.
14:28Although magpagayon pa man ay tuloy-tuloy po yung monitoring natin
14:33and coordination sa different intelligence unit po ng other agencies po.
14:37Baka may panawagan po kayo sa ating mga kababayan, lalo na yung mga posibleng maabala sa kanilang mga lakad
14:42o kayong mga nag-aalala dito sa mga protestang ito.
14:45Nasa inyo po ang pagkakataon?
14:47Sa ating mga kababayan po ay kung wala naman po tayong importanteng lalakarin sa araw na ito
14:53at sa mga bukas po ay mangyaring ipagpaliban na lang po kung ang inyong lakad po ay dito po sa mga apektadong lugar.
15:01Sa mga kasali po sa mga rally, sana po ay sumunod po tayo sa mga lituntuling inilatag po ng ating kapulisyahan
15:10nang sa ganun ay makaiwas po tayo ng potensyal po na problema.
15:15At sa mga PNP members po na nakadeploy,
15:18maikpit po ang piliin ng ating liberato sa pamumuna po ni Police General Silencio Nartate
15:28sa ating PNP na we must always observe maximum tolerance
15:32kaya respeto po natin ang karapatang pantao ng ating mga kababayan
15:37and at the same time, lahat po dapat ng ating aksyon ay anchored po sa Police Operational Procedure.
15:43Okay, malinaw po. Maraming salamat po sa oras na binahagi niyo po sa Balitang Hali.
15:47Thank you po at magandang umagap.
15:50Si NCRPO Regional Director, Police Major General Anthony Abirin.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended