Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mark Salazar
00:28Dagan daw para sa pagbusisi sa mga maanumalyang flood control projects
00:32ang binubuong Independent Commission on Infrastructure o ICI ng Malacanang.
00:37Pero si House Public Accounts Committee Chairman Terry Ridon
00:40may agam-agam sa pagtalaga kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong
00:45bilang Special Advisor ng Komisyon.
00:48Marami hong mga sinabi si Mayor Magalong nung una laban sa House Infrastructure Committee.
00:53Ang sabi niya una, ito po ay yung anti-moral pejorative na parang lokohan lang.
01:00Pakalawa, sabi niya nagmamaang maangan po yung mga miyembro ng komite.
01:06Tapos pangatlo, ang sabi niya ho ay mga kriminal yung mga miyembro po ng komite po na ito.
01:15Welcome naman para kay Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson ang ICI.
01:22Lalo't hindi lang flood control projects ang iimbestigahan.
01:26Hiling din ng Senador, palawigin ang sumbong sa Pangulo website
01:30para isama ang lahat ng proyekto ng lahat ng ahensya.
01:34Ang detalye ng budget mula National Expenditure Program hanggang General Appropriations Act
01:40at lahat ng amyenda at nag-amyenda ng budget hanggang sa implementasyon.
01:46Pag-uusapan daw ng House Infrastructure Committee ang susunod na hakbang kapag gumalaw na ang ICI.
01:53Pero kung si Ridon ang tatanungin, dapat nilang tapusin ang sariling imbestigasyon.
01:58Magkaiba po yung mandato ng ICI at nito po ang House Infrastructure Committee.
02:04This is an inquiry in aid of legislation so pwede po itong magtuloy-tuloy.
02:09Bukod sa sinisili pa ng infracom ang mga proyekto sa Bulacan,
02:13nakapila rin ang mga proyekto sa Benguet at Davao City.
02:17Maraming po kailangan pag-usapan pa.
02:19So yung Benguet na pinantuhan po ng Pangulo kung saan siya ay nagsalita tungkol dun sa rock shed
02:24at tungkol po dun sa rock netting, gusto rin po natin siya sa atin.
02:29Very important and very timely po kasi na magpunta rin po roon
02:33kasi nga halos sa linggo-linggo hong nagbabaha sa Davao City ngayon.
02:38So I think very important ito maging bahagi po ng pagsisiyasad po ng komite
02:43yung usapin po ng flood control ng Davao City.
02:47Marami pa rin ani ang dapat sagutin ang mga diskaya
02:50gaya ng bakit simula 2022 lang ang kanilang ibinubulgar na korupsyon.
02:55Kailangan din daw kumplituhin ang mga testigo mula DPWH Bulacan First District Engineering Office
03:01ang kanilang testimonya na nagsasangkot sa ilang senador.
03:05Kung magsabi naman ng Senator Joel at Senator Jingoy na gusto nilang magpunta sa house hearing
03:11malaya po silang magpunta po roon at ibigay po ang kanilang side law
03:18pero hindi po natin siya sila pepwersahin.
03:21Kinukuha pa namin ang panig ni Sen. Joel Villanueva tungkol dito
03:25pero sabi ni Sen. Jingoy Estrada sa GMA Integrated News
03:30hindi niya kailangan dumalo sa pagdinig ng kamera dahil mayroong sarili ang Senado
03:35at aabangan niya raw si dating DPWH Assistant DE Bryce Fernandez
03:40para gisahin sa kanyang mga paratang.
03:43Sa Huwebes itutuloy ang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee.
03:46Inaasahan ng pagbabalik ng mga testigo kabilang si DPWH Engineer JP Mendoza
03:52na wala na sa house custody simula noong biyernes.
03:56Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended