Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:06Nag-resign bilang Special Advisor ng Independent Commission for Infrastructure si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
00:14Kasunod po yan ang pahayag ng Malacanang na i-re-review ang kanyang appointment sa komisyon.
00:19Balitang hatid ni Jonathan Andal.
00:21Mayor Benjamin Benji Magalong, Special Advisor and who will act as Investigator for the ICI.
00:32Dalawang linggo matapos i-anunsyo ang magiging papel ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa ICI o Independent Commission for Infrastructure, iba na ang sinabi ng palasyo.
00:42So liliwanagin po natin, ang pagtalaga po sa kanya ng Pangulo ay bilang Special Advisor at hindi po Lead Investigator or in any other form na pag-iimbestiga.
00:54Kinagabihan, nag-resign si Magalong sa ICI.
00:57Sabi niya sa liham na ipinadala kay Pangulong Bongbong Marcos,
01:00ang pahayag daw ng palasyo tungkol sa kanyang trabaho na taliwas daw sa nakasaad sa kanyang appointment ay nagpapahina rao sa tungkulin at mandatong ipinagkatiwala sa kanya.
01:10Nagkaroon na rin daw ng duda sa kanya bilang bahagi ng ICI.
01:14Naging malinawa niya na hindi na kailangan ng kanyang servisyo.
01:17Nag-sorry si Magalong sa mga taga Baguio dahil naging busy raw siya sa ICI.
01:23Ang pahayag na ito ni Magalong, binanggit ni Yusek Castro sa kanyang briefing,
01:27nang i-anunsyo niyang pinareview ni Pangulong Bongbong Marcos sa legal team ang pagtalaga kay Magalong.
01:32Binanggit din ni Yusek Castro na may mga puna ng pagbibigay kay Magalong ng trabaho bilang ICI Special Advisor habang siya ay mayor.
01:40Sabi ng isang labor group labag sa konstitusyon ang dalawang trabahong binigay kay Magalong.
01:46Nakasaad daw kasi sa Section 7 Article 9b na ipinagbabawal ang mga nahalal na opisyal
01:51na ma-appoint sa kahit anong opisina ng gobyerno habang sila ay nasa termino pa,
01:56maliba na lang kung payagan ng batas o required sa hinihinging trabaho ng kanilang posisyon.
02:01Binanggit din ang palasyok ang puna na posibleng umanong may conflict of interest lalot may tennis court at parking area project sa Baguio
02:09na ang kontraktor ay St. Gerard Construction Company,
02:13kumpanyang pag-aari ng mag-asawang Sara at Curly Diskaya na sangkot sa mga maanumaliang proyekto sa gobyerno.
02:21Dati nang sinabi ni Magalong na ang proyekto maayos na isagawa at alinsunod sa batas.
02:26Nilinaw din muli ni Magalong sa kanyang pahayag na walang conflict of interest.
02:31Nagbitiw raw siya para protektahan ang integridad ng ICI.
02:35Anya hindi madali ang magbitiw pero naniniwala siyang kailangan niya itong gawin.
02:40Kahit wala na siya sa ICI, itutuloy niya ang laban kontra korupsyon.
02:44Hindi pa sinasabi ng palasyo kung tinanggap na ba ng Pangulo ang resignation ni Magalong.
02:48Pero sabi ni Secretary Dave Gomez ng Presidential Communications Office,
02:53nakalulungkot ang pagbibitiw ng alkalde sa ICI.
02:56Gate ni Gomez, mas mataas sa kahit na sino ang hinihingi ng taong bayan mula sa ICI.
03:02Iginagalang daw ng palasyo ang independence ng komisyon at dapat daw hayaan ito sa pagganap ng kanilang mandato.
03:08Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended