Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00At kaugnay ng pagbubukas ng 20th Congress at iba pang issue,
00:04nakasalang sa Balitang Hali sa Senate President Cheese Escudero.
00:07Magandang umaga at salamat po sa pagpapaunlak ng panayam sa amin po dito sa Balitang Hali.
00:13Rafi, magandang araw sa iyo. Magandang hali po. Pagbati mula sa Senador.
00:19Opo. Para sa ating mga manonood, paano po ba proseso at basihan yung pagpili sa mga komite na hahawakan po ng bawat senador?
00:26Apat napot isa ang komite, Rafi, at dalawampot apat lamang ang senador.
00:32Pero usually, apat sa dalawampot apat ay walang komite.
00:37Kabilang na ako, ang majority leader, ang pro temp, at ang minority leader.
00:42By tradition, walang mga komite ang hinahawakan yan dahil officers sila ng senado.
00:47So yung apat napot apat, paghahatian niya ng dalawampung senador.
00:51So higit talaga sa isang komite, usually, ang pangahawakan ng kada senador.
00:57Ang mayuriya, ang majority, Rafi, ang nagdedesisyon yan.
01:01Ang minority naman, kaya hindi pa nagpapasya dahil hindi pa tapos mag-organize ang majority.
01:07Pag natapos na ang majority mag-organize, dun pa lamang mag-organize ang minority.
01:12Wala pong kinalaman yung seniority o yung tagal sa senado para magkaroon ng chairmanship at mga particular na komite.
01:19Ang alaman niyo, Rafi, lahat kami ay pare-parehong senador.
01:23Matandaman o bata, matagal ng nanilbihan o bago lang,
01:27hindi sinusukat ang kakayahan ng isang senador base sa haba ng oras o ikli ng oras ng kanyang paninilbihan.
01:35Dahil pare-pareho lamang naman kaming binoto ng asambayanan
01:38at pare-pareho kaming tigi-tigi sa lamang ng boto sa senado.
01:42E ano pong mangyayari dun sa limang minority senators na walang committee chairmanship
01:46at doon sa siyem na committee pa na wala pang chairman, kailan po ito mapupunan?
01:49Lahat sila makakaroon ng komite, Rafi?
01:52Tulad ng sinabi ko, inuuna lamang mag-organize ang majority.
01:56Pag natapos mag-organize ang majority, ang minority naman ang iyo-organize.
02:01Itong senadong to, nagdaang senado man,
02:04merong komite yung mga miyembro ng minority except for the minority leader.
02:09Gaya ng nasabi ko, dahil by tradition, yung apat na officers ng senado
02:14ay usually walang komite.
02:16Maliban na lamang kumigusto sila.
02:18Okay. E reaction nyo po doon sa sinabi ng camera na
02:21bakit sila yung tinuturo nyo pinagmula ng issue tungkol sa aligasyong budget insertions
02:25doon sa 2025 national budget?
02:28Dahil kilala naman namin, Rafi, yung mga operator
02:30at kilala namin yung mga gumagalaw sa media.
02:32Kaya dagdag pa dito, mula nung ginawa namin,
02:38kung ano ang tingin naming tama kaugnay sa impeachment,
02:41eh hindi naman ako tinigilan ng mga miyembro ng camera.
02:44Hindi ko lalahatin, Rafi.
02:46Ilan lamang naman doon na purusigido at gigil na gigil
02:51dito sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte
02:55na tinayoan ko lamang naman kung anong tama
02:58at hindi naman sila ginigipit o may pinapaborang partido.
03:01So, par for the course, Rafi, kasama yan sa trabaho
03:04ng ilang taga-pangulo ng Senado.
03:06Hindi naman ako nagre-reklamo sa ginagawa nila
03:09dahil alam ko naman kung anong totoo at anong hindi.
03:12Nabanggit nyo po yung impeachment trial ni VP Sara Duterte.
03:14May general consensus na po ba kayo mga senador?
03:17Ano na po mangyayari?
03:18Ang consensus namin ay ito ay pagpapasyahan namin sa August 6,
03:23a date certain ang sinet po ng Senado
03:26para sa ganyan ay mapag-aralan, makapag-muni-muni
03:29ang mga miyembro ng Senado kaugnay sa napakabigat na desisyong ito.
03:34At yung desisyon mismo, 97 pages excluding the concurring opinions of the other members of the Supreme Court.
03:43At hindi naman po lahat ay nag-aral ng abogasiya kung kailangan mabigyan ng konting panahon pa.
03:50Ako nga, humihingi din ako ng konting panahon pa sa aking kabakasamahan.
03:53Kaugnay ng pagbabasa at pagunawad dun sa desisyon bago namin igawad ang aming pagpapasyah kaugnay nito.
04:01Meron akong personal opinion at pananaw,
04:04pero syempre ang mananaig pa rin ay ang pasya ng mayuriya ng Senado sa pamamagitan ng botohan, Rafi.
04:11Mahalaga po ito, magiging President na ika nga.
04:13Pero komento po kasi ng ilang legal experts,
04:15hindi dapat nahahadlangan ng Korte Suprema ay yung mandato ng Senado
04:18na maglitis at magpasya tungkol sa impeachment case.
04:21Ano pong masasabi nyo tungkol dito at magiging bagi po kaya ito na diskusyon?
04:25Rafi, yung mga legal expert na sinasabi mo ay pabor sa impeachment at kontra kay VP Sara.
04:33Artisano na yan. Bakit ko sinabi yan?
04:35Nung aming binaba yung order ng Senado,
04:38na sinasabi namin at tinatanong namin ng Kamara,
04:40nag-comply ba kayo sa one-year ban o hindi?
04:44Ang mga kritikong yan ang sinabi,
04:47walang pakialam ang Senado sa one-year ban.
04:50Walang pakialam ang Senado sa konstitusyon.
04:53Korte Suprema lamang ang pwede magpasya.
04:55Ngayong nag-decide naman ang Korte Suprema,
04:58ang sinasabi nila ay ang Senado dapat huwag sunod din ang Korte Suprema.
05:02Ay ang Senado dapat sole judge ng impeachment.
05:05Sila lamang dapat magpasya.
05:07Hindi naman ganun ang batas.
05:08Hindi naman yan nagbe-bend depende sa interes at gusto mo.
05:13Depende sa panig na kinabibilangan mo.
05:15Ang batas ay batas.
05:17Ang konstitusyon ay konstitusyon.
05:19Sang-ayon man tayo o hindi sa disisyon ng Korte Suprema,
05:23marapat lamang at dapat.
05:25Lalo na ako bilang abogado at officer of the court.
05:28Dapat galangin yan.
05:30Okay, abangan po natin yung diskusyon dyan po sa Senado
05:33at yung magiging pasya ng inyong mayorya.
05:36Maraming salamat po, Senate President Cheese Escudero.
05:38Maraming salamat, Rafi.
05:39Maraming salamat muli sa ating mga tigasabaybay.
05:41Gunun.
05:42Salamat po.
05:43Maraming salamat po.
05:48Maraming salamat po.
05:49Maraming salamat po.

Recommended