Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Hanggang 35% down ng flood control project cost ang napupunta sa Kongreso at ilang kongresista ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
00:11Inilabas ni Magalong ang hatian umano sa pondo na dahilan kung bakit nagiging mababa ang natitirang pera para mismo sa proyekto.
00:19Balitang hatid ni Maki Pulido.
00:21Nagbo-volunteer si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na imbesigahan ang flood control projects.
00:30Hindi naman daw pwedeng Kongreso ang mag-imbestiga dahil parang i-imbestigahan nila ang sarili nila.
00:35People will volunteer to submit pieces of evidence, pati mga people involved, basically.
00:47Talagang maglalabas siya kasi takot din sila lahat. Alam nila na may iipit sila.
00:51Ayon kay Magalong, kalimitang moro-moro lang ang mga bidding.
00:55Ang paboritong construction companies daw ng mga politiko ay ang mga mabilis umano magbigay ng kickback sa kanila.
01:02Sabi raw ng mga nakausap niyang kontratista sa 100% na project cost, 25% umano ibibigay sa Committee on Appropriations ng Kongreso,
01:105 to 10% para sa kongresista na kung tawagin ay parking fee o pass-through,
01:153% sa Bids and Awards Committee ng DPWH, at may 3% din ang mga lumahok sa moro-moro na bidding.
01:22Kung 12% ang kita ng construction company, 30% na lang daw ang matitira para sa mismong flood control project.
01:29Ang kwento nga dyan, ang maong de-contractor, sabi niya, kung sino pa ang di pumipirma sa dokumento, siya pa ang may pinakamalaking porsyento.
01:40Sipin mo, pag nagkakaso, sinong kakasuhan? Yung mga nakapirma sa dokumento, sa kontrata, DPWH, at yung contractor.
01:50Pero yung pinakamalaking mga porsyento, ito yung mga politiko, anong sabi, paano sila masasabi?
01:57Ang Malacanang ginimok si Magalong na ilahad sa Pangulo kung anong may tutulong nito.
02:02May naiset na raw ng mekanismo ang Pangulo kung paano iimbestigahan ang mga proyektong ito.
02:07Walang timeline na ibinigay si Pangulong Bongbong Marcos bagamat na isumanon niyang mabilisan ang pag-iimbestiga.
02:12Pag diin pa ng palasyo, dapat may mapanagot sa palpak na flood control projects o kaya ay ghost projects.
02:18Ayon kay Pangulong Marcos Jr., dapat na may managot sa ganitong uri ng kapabayaan, katiwalian, at panluloko at tiyakin na mananagot sa batas ang lahat ng may sala.
02:33Nakakadismaya at nakapagtataka kung bakit napupunta sa mga pabayang contractors ang mga ganitong proyekto.
02:40Ang COMELEC, posible rin daw mag-imbestiga kaugnay ng campaign donations ng mga kontratista ng gobyerno, lalo't pinagbabawal ito ng Omnibus Election Code,
02:49kasama sa titignan ng Statement of Contributions and Expenditures o SOSE na mga tumakbo noong 2022 at ngayong taon.
02:57Tanggat hindi tapos ito yung prescriptive period, ay pwede po po kami gumawa ng lahat ng hakbang dahil nasa amin pong jurisdiction pa yan.
03:05Sa gitna ng mga issues sa flood control projects, mahigit P270 billion ang ipinapanukalang budget ng DPWH para sa taong 2026.
03:14Mas mababa ito ng mahigit P75 billion kumpara ngayong taon.
03:19Dapat ang implementing agencies po natin marunong mag-monitor ng mga proyekto to make sure na yung mga proyekto po ma-implement ng tama at saka sa tamang oras po.
03:33Sa ipinapanukalang budget, sabi ng DPWH, may mga bagong flood control project at bagong pondo para sa pagpapatuloy ng mga nasimulan na.
03:42Git ni DPWH Secretary Manny Bunuan, mahigpit ang kanilang bidding process.
03:46Yung bidding process is a very structured process. It's an open competitive bidding po.
03:52Scrutinized naman sa legal, technical and financial status of every bidder.
03:59DPWH ang pangunahing implementing agency ng mga flood control project.
04:03Direktiba sa kanila ni Pangulong Bongbong Marcos, i-blacklist ang mga palpak na kontratista sa mga flood control project.
04:10Sa labing limang contractors na inilista ng Pangulo na naka-corner ng 20% ng kabuang pondo para sa proyekto,
04:18nakita ng GMA Integrated News Research na anim ang binigyan ng PUR o kaya'y unsatisfactory rating sa Contractors Performance Evaluation System o CPES
04:28base sa siyam na government projects na kanilang ginawa.
04:32Ginawang pagsusuri ng Construction Industry Authority of the Philippines para sa mga proyekto mula July 2015 hanggang June 2025.
04:40Base sa CPES Implementing Guidelines, ang contractor na nagkaroon ng PUR o Unsatisfactory Rating
04:46ay magiging blacklisted sa paglahok sa alinmang proyekto ng gobyerno, alinsunod sa Government Procurement Policy Board.
04:53Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment