Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00At kaugnay sa inasahang pag-ratipika sa BICAM report sa P6.793 Trillion na 2026 National Budget at iba pang mga issue,
00:09nakasalang si Senate Committee on Finance Chairman, Senator Sherwin Gatchalian.
00:13Magandang amag at welcome po sa Balitang Hali.
00:16Good afternoon, Rafi. Good afternoon sa ating mga tagapakaning.
00:20Opo, ano pong asahan ng taong bayan sa sinasabi ni House Appropriations Committee Chair Representative Mika Sonsign na people-centered budget
00:27o itong 2026 National Budget?
00:31Sumasangayon ako sa kanya, Rafi, na ito ay isang people-centered budget.
00:36In fact, ang tawag ko nga dito nung una ay budget na nakatoon sa ating human capital development.
00:44Dahil kung titignan natin yung pinaka malalaking itinaas,
00:48edukasyon, health at agriculture, ito yung tatlong sektor na malaki ang itinaas sa loob ng ating budget.
00:56Lalo na ang education. Aabot na tayo sa 1.3 trillion ang budget natin sa education.
01:02Sa classrooms alone, aabot tayo ng almost 63 billion ang classrooms natin.
01:08Kaya matutugunan na natin ang maraming mga problema ang hinaharap ng sektor ng edukasyon.
01:14Gano'n po kayong kakumpiyansa na sapat yung inilagay ng safeguards pagdating sa implementation at paggamit ng pondo,
01:20lalo na po sa ayuda?
01:21Ang pinakamahalagang safeguard para sa akin, Rafi, ay yung mga safeguard natin sa infrastruktura.
01:29Dahil sa mga unang panahon, ang mga items sa infrastructure are either lump sum
01:36o wala siyang mga detalye, walang mga station number or coordinates.
01:41Kaya dito nangyayari yung ghost project o dito rin nangyayari yung mga substandard project.
01:47Ibang mga project hindi nga mahanap kung nasaan.
01:50So itong bagong inilagay natin, magusisi lang dahil nga sa libo-libong project na nakasulat sa loob ng budget,
01:58meron na lahat ito ng mga coordinates at station number.
02:03Kaya mahanap na ito ng ating mga kababayan at makikita nila gano'ng kahaba, saan dadaan, anong barangay ang dadaanan nito.
02:11Paano po magagamit ng taong bayan yung transparency portal?
02:16Gano'ng kadali ito para sa ordinary mamamayan na mamonitor itong mga proyekto ng pamahalaan?
02:20Aminado ko, ang budget documents ay komplikado dahil napakakapal siya.
02:27Itong enrolled copy lang ay 4,300 pages at talagang isa-isa nakadetalyod yun yung ibat-ibang aspeto ng ating budget.
02:39Pero dito sa Senate Transparency Portal, naka-upload na ngayon yung umpisa ng budget, yung National Expenditure Program.
02:47Pangalawa, in-upload rin namin yung General Appropriations Bill. Ito yung dumaan sa Kongreso.
02:53In-upload rin natin yung Senate Version. Ito yung inaprobahan ng Senado.
02:57At in-upload rin natin yung BICAM.
03:00At later on, ma-upload naman yung General Appropriations Bill.
03:03Ito na yung General Appropriations Act, yung gaahan na tinatawag natin.
03:07Ito na yung tapos, yung napermahan na ng ating Pangulo.
03:10So makikita natin yung bawat proseso, ay naka-upload na yung dokumento, kasama na dito yung mga attachments.
03:17Makikita na natin dito kung paano nabago, paano nadagdagan, paano nabawasan, sino nagdagdag,
03:24sinong mga personalidad ang naglagay ng mga proyekto doon,
03:30para masundan ng taong bayan kung paano naabot natin yung final na versyon ng ating budget.
03:35So yung implementation po nito, makikita rin po ba dito sa Transparency Portal?
03:41Magandang tanong yan. Implementation, ibang bagay yan, Rafi, dahil nasa executive na yan.
03:45Kaya isang aspeto lang yung pag-a-aproba ng budget.
03:49At isang aspeto, pero mahalagang aspeto dahil nga doon sa mga nangyayari sa huling mga panahon.
03:55Kaya itong budget natin ay ginawa natin transparent, open, participative,
04:00para marinig rin natin sa ating mga kababayan kung ano pa yung mga dapat natin gawin sa proseso ng budget.
04:07At maipakita sa kanila kung ano yung aming binabalangkas.
04:10Pero yung implementation, yan ay isa rin sa mga pinakamahalagang aspeto.
04:15Dahil ngayon, aprobado na yung budget, yung susunod na hakbang dito, susunod na hamon,
04:23ay mamonitor natin yung implementation ng budget.
04:26And of course, may oversight po dito yung kongreso.
04:28Sabi po ng Pangulo, sa kanyang zona, haharangin nung ibabalik niya ang budget na malayo doon sa National Expenditure Program.
04:35Confident po ba kayo na pasado sa Pangulo itong buy conversion ng budget?
04:39Ako, 101% confident ako na ito ay sang-ayon o pareho ang direksyon na tinatahak ng executive dito sa loob na,
04:53nakapaloob dito sa budget na ito.
04:55So, nakikita ko na pareho ang direksyon ng executive at legislatura pagdating sa 2026 budget.
05:02At ito yung mga aspeto pagdating sa, tinatawag nga natin, human capital development.
05:08Education, health, agriculture.
05:10At nakikita ko yan din naman ang mensahe ng ating Pangulo nung siya ay nagbigay ng kanyang zona,
05:16na gusto niyang tutukan ang sektor ng edukasyon at aspeto ng kalusugan.
05:22Dahil nga ito ay napaka-importante aspeto para maging matibay ang lipunan natin.
05:30Very quickly po, bago pumunta sa ibang issue,
05:32ano pong pinakamalaking lesson na na-derive nyo dito sa bagong paraan ng pag-a-appruva ng BICAM?
05:40Transparent na siya ngayon.
05:41Ano po yung lesson ninyo going forward?
05:43Well, Rafi, aminado ako na hindi perfecto yung proseso, hindi rin perfecto yung budget.
05:48Lalo na yung proseso dahil talagang first time na naging open yung BICAM,
05:54first time na nagkaroon ng technical working groups,
05:56first time ina-upload yung mga dokumento.
05:59Pero yung pareho lang, kahit na first time lahat ito, in-apply namin yung dating calendar.
06:03Kaya, aminado ako na yung pag-transmit ng budget this year ay delayed.
06:09Dahil dati natatransmit yan, second week of December,
06:13natatransmit na sa executive, nare-review na ng executive,
06:16at napepermahan bago magtapos ang taon.
06:18Pero ngayon talagang aminado ko delayed dahil nga yung lumang calendar
06:22ang ginamit namin sa bagong proseso.
06:24Kaya yan ang isa sa pinaka-masasabi kong mahalagang leksyon na nakuha namin
06:29na dapat mag-adjust yung calendar.
06:31Or, tingin ko, dapat agahan yung pagbabalangkas ng budget.
06:35Hindi pwedeng gamitin na yung dating kalendaryo.
06:37At para mabusisi din po ng taong bayan.
06:40Mapunta naman po ako sa ibang isyo.
06:41Anong po reaksyon nyo sa sinasabi ni Senate President Pro Temporary Pink Laxon
06:45na merong umanong mga secretary at undersecretary na may allocable funds
06:49doon sa 2025 budget?
06:52Well, Rafi, mahirap magkomento dahil hindi ko nakita itong listahan na ito.
06:56Maraming lumalabas na listahan sa iba't-ibang news outlets.
06:59Kaya medyo hindi ko alam kung alin ang titignan.
07:03Kaya napakahirap magkomento kung ano ba talaga yung laman nitong listahan na ito.
07:09Ako personally, hindi ko nakita pa itong listahan.
07:12May mga nakita ko sa internet, but hindi ko naman alam kung totoo yun o hindi.
07:16Sige po, abangan natin itong approval ng Bycam Report.
07:19Maraming salamat po.
07:20Maraming salamat, Rafi. Thank you.
07:21Salamat po sa Senate Finance Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended