Skip to playerSkip to main content
  • 3 weeks ago
PBBM, inilabas na ang executive order na bubuo ng independent body na mag-iimbestiga sa umano'y anomalya sa flood control projects | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Matapos ang 48 oras, inilabas na ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang Executive Order No. 94
00:07na bubuo ng independent body na mag-iimbestiga sa umano'y anomalya sa flood control projects.
00:13Tatawagin ito bilang Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:17Pangungunahan ng komisyon ng isang chairperson at dalawang miyembro na mapipili dahil sa kanilang competence at integridad.
00:24Nakasaad na mandato nito ang pagdinig, pag-iimbestiga, pagkalap ng ebidensya.
00:29Intelligence reports at iba pang impormasyon laban sa mga opisyal ng gobyerno at iba pang individual na isinasangkot sa mga irregularidad,
00:37hindi lamang sa mga flood control projects, kundi sa lahat ng mga proyektong pang-imprastruktura sa buong bansa na isinagawa sa nakalipas na sampung taon.
00:45Batay sa investigasyon ng ICI, maaari itong magrekomenda ng paghahain ng kaukulang criminal, civil o administrative cases sa Office of the President,
00:54Ombudsman, DOJ at CSC para mapanagot ng naaayon sa batas ang mga mapapatunayang tiwali.
01:00Gayun din ang pagre-rekomenda sa mga kinaukulang ahensya ng gobyerno ng mga remedyo at legislative measures para matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga kasalukuyang flood at infrastructure projects.
01:11Kabilang naman sa kapangyarihan ng ICI ang pagsasagawa ng hearings, pagkuhan ng testimonya ng mga sangkot sa isyo at pagtimbang sa mga makukuhang ebidensya.
01:21Pag-i-issue ng subpina para sa mga witness at pagkuhan ng mga dokumentong kailangan sa fact finding at investigasyon nito.
01:27Sabihan ng isang individual na naging testigo o may kaalaman sa krimeng iimbestigahan ng ICI na maaari siyang mag-apply sa Witness Protection Security and Benefit Program.
01:37Ang ICI din ang may kapangyarihang mag-rekomenda sa DOJ kung ang isang individual ay maaaring maging state witness.
01:44Maaari rin itong i-request o makuha ang mga impormasyon at mga dokumento patungkol sa mga isinagawang investigasyon mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
01:53Pati pag-rekomenda o request para sa whole departure order ay maaaring manggaling sa ICI.
01:58Kasama rin ang rekomendasyon o request para sa pag-freeze o seizure ng assets, funds, deposits at ari-arian ng isang individual na mapapatunayang konektado
02:07sa ma-anumalyang flood control at infrastructure project habang isinasagawa ang investigasyon.
02:13Mandato rin ito na madalas na magbigay ng impormasyon sa mga otoridad para sa mabilis na prosekusyon.
02:18Pag-re-rekomenda sa otoridad kung kinakailangan ng pre-emptive suspension sa mga opisyal ng gobyerno
02:23kung kinakailangan para maiwasan ng tampering of evidence.
02:26Nakasaad din sa IO na maaaring mapatawan ng administrative disciplinary action
02:31ang mga individual na tatanggi o hindi susunod sa sabpina ng walang sapat na dahilan.
02:36Bubuwiin naman ang sekretaryat ng ICI sa punguna ng isang executive director na itatalaga ng pangulo na may ranggo bilang undersecretary.
02:44Natasa naman na umasiste sa ICI ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa ilalim ng executive branch
02:49kabilang na ang DOJ, NBI, National Prosecution Service, DILG, PNP at iba pa.
02:57Buwana ng pagre-report ng ICI sa Office of the President
03:00habang naataasa naman ang DBM na humanap ng kaukulang pondo para sa implementasyon ng EO.
03:06Kenneth Pasyente
03:08Para sa Pambansang TV
03:09Sa Bagong Pilipinas

Recommended