00:00Una po sa ating mga balita, inaasahang madaragdagang pa ang bilang ng mga individual na magpapasko sa kulungan dahil sa umano'y katiwalian.
00:10Ito'y kasunod ng matuklasan ng Office of the Ombudsman, ang Flood Control Project sa Davao Occidental na umano'y pinondohan ngunit naging guni-guni na lamang.
00:21Si Kenneth Pasyente sa Sentro ng Balita.
00:24Inirekomenda na ng Office of the Ombudsman na makasuhan ng malversation through falsification of public documents
00:32ang mga personalidad na nasa likod ng St. Timothy Construction Corporation dahil sa umano'y katiwalian sa mga proyekto nito.
00:39Iyan ang ibinalita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang video message.
00:43Kwento ng Pangulo, may kinalaman nito sa Flood Control Project sa Kulaman Jose Abad Santos sa Davao Occidental.
00:49Sabi niya, bagaman binuhusan ng malaking pondo, hindi anya ito kailanman nasimulan.
00:55Ito ay may halaga na halos 100 milyong piso at ipinagkaloob noong 13 January 2022 sa St. Timothy Construction Corporation.
01:06Ayon sa investigasyon, ang proyektong ito na sinasabing natapos noong 2022 ay hindi kailanman nasimulan.
01:15Sa inspeksyon ng CIDG noong 25 September 2025, natukoy na walang anumang konstruksyon sa lugar na yon.
01:25Kinumpirma ng mga indigenous peoples at barangay official sa kanilang joint affidavit na walang naganap na implementasyon ng proyekto.
01:34Dagdag pa ng Pangulo na lahat ng mga dokumentong isinumite ay mga palsifikado at hindi tumutugma sa aktwal na kalagayan ng proyekto.
01:42Pinangalanan mismo ng Pangulo ang mga sangkot dito.
01:45May mga private at public na individual na pinangalanan sa reklamo na kinabibilangan ng sa St. Timothy,
01:54si Cesara Rowena C. Diskaya at Maria Roma Angelin Di Rimando.
02:01Meron pang iba, mga ibang nasa ahensya ng DPWH na nasama rin sa kasong ito.
02:09Dahil ayon sa ombudsman, ang mga respondent ay naglabas at nag-aproba ng mga dokumentong ginagamit para sa pag-request at pag-release ng buong halaga na halos 100 milyon pesos,
02:22kahit na walang natapos o nasimulang proyekto.
02:25Ayon sa kanilang finding, ang mga respondent na ito ay kumilos ng may manifest partiality, bad faith o gross negligence.
02:33Punto pa niya, nagdulot ng on-due injury ang mga ito sa gobyerno, kaya nakitaan ng sapat na basihan para maitulak ang kaso.
02:41Ang malversation ay non-vailable.
02:45Mabigat ito dahil hindi nila mababayaran ang kanilang paglaya.
02:50Pag naisan pa na ang mga kasong ito sa korte,
02:53ang susunod na hakbang ng judisyari ay ang paglabas ng areswarant para sa mga pinangalanang individual.
03:00Kasunod nito, inatasan na ng Pangulo ang mga kinaukulan para alamin ang kinaroroonan ng mga sangkot.
03:06I have directed DILG and the PNP to ensure that they know the whereabouts of Diskaya at nung iba pa
03:13para paglabas ng areswarant ay maareston sila kaagad.
03:16Punto ng Pangulo, simula pa lamang ito ng pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian.
03:21Sa ngayon, siyam na akusado ay naaresto na at dinala sa Sandigan Bayan,
03:25habang si Resigned Congressman Zaldico at anim pang akusado ay nananatiling at large
03:30at tinutugis ng otoridad dahil naman sa anomalya sa flood control project sa Oriental Mindoro.
03:35Umpisa pa lang ito. Marami pa tayong ipapakulong at marami pang magpapasko sa kulungan.
Be the first to comment