00:00Hindi may iwasang madismayaan ni DPWH Secretary Vince Disson
00:04ang bungad sa kanya ng mga ghost projects sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
00:09Ayon kay Governor Humerlito Dolor, ilan sa mga manumaliang proyekto sa probinsya
00:13ay tila pinaghahati-hatihan ng iba't ibang kontraktor.
00:16Ang detalye sa report ni Bernard Ferrer.
00:21So where is the diet? Where is it? Where is the flood control?
00:25Ito ang dismayadong tanong ni DPWH Secretary Vince Disson
00:29nang mabistong wala namang pala sa mapa ang tatlong flood control projects
00:33na nakasaad sa 2025 General Appropriations Act para sa Oriental Mindoro.
00:39Ang purpose ng gaa na specific na ganyan is para nga malaman natin kung saan yung proyekto.
00:48Kaya tayo may line item budgeting.
00:50Para may detaila dyan enough na para makita ng tao o malaman na mayroon ba o wala.
00:57Non-existent ang istruktura ng proyekto sa Panggalan River, Tubig River at Katwiran River sa Bayan ng Nawhan.
01:03Ibig sabihin, walang itinayong proyekto kahit na ginaso sa ng gobyerno.
01:08Guni-gunito, walang proyekto na ako nakikita dito. Siguro naman, walang nag-hallucinate natin dito.
01:13Baka meron may third eye sa inyo na may nakikita ang flood control dito.
01:16Lalo pag nadismaya sa Secretary Dyson ang matuklasang hindi tumagal ng isang taon,
01:21ang 1.5 kilometrong megadike project sa barangay Tagumpay.
01:25Basa sa plano, dapat ay may lalim na labindalawang metro ang naturang dike.
01:30Ngunit sa aktual na inspeksyon, tatlong metro lang ang lalim neto.
01:34Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor,
01:37tila hinati-hati ang iba't ibang contractor sa halip na isang bidding lang.
01:40Ang mga contractor niyang sabing proyekto ay ang St. Timothy Construction Corporation,
01:45Elite General Contractor and Development Corporation,
01:48at Sound West Construction and Development Corporation.
01:51Dahil dito, ipinag-utos sa Secretary Dyson ang agarang pagpapatigil sa konstruksyon ng proyekto sa barangay Tagumpay.
01:58Meron tayo lang pattern na nakikita natin halos pare-pareho yung mga dates na sinasabi ni Gog ngayon.
02:06Yung magkakasunod na araw, yung magkakasunod na notice to proceed, magkakasunod na payment,
02:15may pattern tayo nakikita.
02:17Nag-urgent request sa Secretary Dyson sa Department of Justice
02:20na maglabas ang Immigration Lookout Bulletin Order
02:22laban kinadating DPWS Secretary Manuel Bonoan,
02:26dating Undersecretary Roberto Bernardo,
02:28Candaba Pampanga Mayor Rin Manlake,
02:31at ilang opisyal ng MBB Global Properties Corporation.
02:34Ayon sa kalihim, mahalaga ang ILDO,
02:36lalo na ngayong gumugulong embesikasyon sa Sabuatan sa Flood Control Projects.
02:41Bernard Ferrer, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.