00:00Kakasuhan rin ng DPWH sa ombudsman ang mga opisyal at kontraktor na sangkot sa ghost project sa Oriental Mindoro, si Bernard Ferrer sa Sentro ng Balita Live.
00:15Angelique, na-secure na ng DPWH ang mahalagang dokumento kaugnay ng umano'y regularidad sa flood control projects.
00:22Pag-isikap ito ng kagawaran na makipagtulungan sa Independent Commission na magsasagawa naman ng malalimang imbesigasyon sa nasabing kontrobersya.
00:35Muling tiniyak ng Department of Public Works and Highways or DPWH ang kahandaan nilang makipagtulungan sa Independent Commission na magsasagawa ng masusing imbesigasyon sa maumanay regularidad sa flood control projects.
00:47Ayon kay DPWH Secretary Vince Dyson, na-secure na nila mga mahalagang dokumento mula sa DPWH Central Office, kabilang ang mga proyekto na isinagawa mahigit sampung taon na ang nakalilipas.
01:00Ngunit i-ginit ni Secretary Dyson na kinakailangan pang ma-secure ang iba pang mahalagang dokumento mula sa mga regional at district offices.
01:07Habang hindi pa nasisimulan o nagsisimula ang Independent Commission, inihayag ni Secretary Dyson na paigtingin ng DPWH ang paghahain ng mga kaso laban sa mga umunoy tiwaling opisyal at kontratista.
01:20Sa susunod na linggo, nakatakdang ihain ang kalawang kasong kriminal sa Office of the Ombudsman laban sa ilang opisyal ng kagawaran at mga kontratistang sangkot sa umunoy ghost projects sa Oriental Mindoro.
01:32Kabilang sa mga kontratistang tinukoy ay ang San West Construction and Development Corporation, St. Timothy Construction Corporation at Elite General Contractor and Development Corporation.
01:44Ngayong araw naman, nakatakdang lagdaan ni Secretary Dyson ang dismissal order para kinadating Assistant District Engineer Bryce Erickson Hernandez at Construction Section Chief JP Mendoza ng Bulacan District Engineering Office
01:58na sa pagkakasangkot sa umunoy irregularidad sa mga flood control projects sa Bulacan.
02:04Tingayak ni Secretary Dyson na gagawin ang kagawaran ng lahat ng hakbang upang mabawi ang pondong na ilaan sa mga ghost projects at mapanagot ang lahat ng sangkot dito.
02:14Angelique, may ipagpulong din sa Secretary Dyson sa Anti-Money Laundering Council kaugnay naman sa posibilidad ng pag-freeze sa assets ng mga sinasabing sangkot sa nasabing anomalya.
02:24Sa susunod na linggo din ay bibisita, Secretary Dyson sa La Union at Baguio.
02:30Angelique?
02:31Okay, so busyng busy.
02:32Si Secretary, maraming salamat, Bernard Ferrer.