Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maka na hapon po, patay sa pamamarihan sa Quezon City ng isang lalaki na may alita sa suspect na dating sundalo.
00:09Ang ugat daw ng konfrontasyon ang paninita ng biktima sa pagpark ng suspect na kanyang motorsiklo sa makipot na daan.
00:17Nakatotok si Bea Pinlac.
00:22Dali-dali tumakbo ang lalaking ito sa eskinitang yan sa Daang Tubo, Barangayupi Campus, Quezon City, Biernes ng umaga.
00:29Nakabuntot sa kanya ang isang dating sundalo na nakahugot na pala ng baril galing sa slingbang niya.
00:36Hindi na nahagip sa CCTV ang sumunod na nangyari.
00:40Pero umalingaungaw ang sunod-sunod na putok ng baril.
00:45Patay ang 31-anyos na lalaki matapos tamaan ng mga bala sa ulo at dibdib.
00:50Tumakas ang 53-anyos na suspect.
00:53Ayon sa kalapit na barangay na rumisponde sa pamamaril, sa bungad pa lang ng eskenita, nagkainitan na ang suspect at biktima.
01:23Sa inisyal na investigasyon ng pulisya, ang pinag-ugatan umano ng pamamaril,
01:34Based dun sa account ng sospek, nababanggit niya na sa loob ng isang taon, paulit-ulit na parang pili niya kinukursonata siya, pinarilinggan siya.
01:48Hanggang dumating sa punto na yun na ang kakausapin niya, nagkaroon ng konfrontasyon na isuntukan hanggat humantog sa pamamaril.
01:58Isa sa mga napag-awayan ng dalawa,
02:00Nagagalit itong biktima kapag nagpaparada ng motor itong sospek.
02:04Kasi yung daanan lang kasi, maliit lang yun, masyadong maliit.
02:09Sinita po ng biktim yung sospek.
02:12Labis ang dalamhati ng kaanak ng biktima.
02:15Wala na ang kanilang padre de familia.
02:17Hindi ko po alam na yun na po pala yung huli na makikita ko siya.
02:21Sobrang sakit po.
02:23Ang dami niya pong pangarap para sa amin, para sa mga bata.
02:26Parang tinanggalan po siya ng pangarap kung pumatay po sa kanya.
02:31Sumuko sa mga otoridad ang sospek kahapon.
02:34Malaki ang naging partisipasyon ng anak dahil mismo siya ang kumausap.
02:39Tinapon na umano ng sospek ang ginamit niyang baril.
02:42Umamin siya sa krimen.
02:44Sinabi na niya sa akin na hintayin mo ako yan.
02:46Papatayin kita ngayon.
02:47Yun na po yung ano ko.
02:49Self-defense po yung ginawa ko.
02:51Reklamong murder ang isasampa laban sa sospek.
02:53Para sa GMA Integrated News.
02:56Beya Pinlak.
02:57Nakatutok 24 oras.
03:01Magkahihulay na naaresto at target i-deport ang dalawang dayuhang sangkot umano sa sex torsion at pangahalay ng mga menor de edad.
03:10Nakatutok si John Consuta, Exclusive.
03:13Pagpasok sa mapunong bahaging ito ng isang compound sa Cebu, agad napalibutan ang dayuhan na target ng operasyon ng Bureau of Immigration Affiliative Search Unit.
03:24Pagdating sa loob ng bahay at makumpirma ang kanyang pagkakakinanlan.
03:28You have the right to remain silent.
03:32Arestado ang 62-anyos na Briton.
03:34Kung isang Briton na ito ay madalas makita na may mga kasamang bata at may mga reports din na ginagamit niya itong mga minor na ito upang kumita siya sa dark web.
03:46At binibenta niya itong mga images or videos ng itong mga batang ito.
03:50Sa pagsanhan, hinuni naman ang isang US national sa labas ng isang restaurant na ginamit daw ang identity ng kanyang kakambal sa Amerika para mataguan ang kanyang kaso.
04:01I wanted sa Amerika dahil sa panggagahasa sa kanyang minor na stepdaughter.
04:07So agad nga nakipag-coordinate sa atin yung FBI dahil napag-alaman nila na nandito nagtatago itong subject nila sa atin for almost 10 years na.
04:18So gumagamit siya ng ibang identity.
04:20So napag-alaman nga natin na umuwi pala siya dito sa bansa or nakapasok siya dito sa bansa gamit yung passport ng kanyang kakambal sa US.
04:29Pinoproseso na ang deportation ng dalawang dayuhan na kasalukoyang nakakulong sa BI Detention Facility sa Bikutan.
04:35Pero magkakaroon pa po tayo ng mas malaliman na investigasyon or follow-up investigation sa tulong ng NBI or PNP upang maalaman natin kung may iba pa silang kinakasangkutan na krimen.
04:47Sinusubukan pa namin makunaan ng pahayag ang mga suspect.
04:50Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
04:56Pumingi ng tulong si DPWH Sekretary Vince Dizon sa mga nagdaang kalihim ng ahensya para mawaksi ang korupsyon sa kagawaran.
05:12Mga insertion o mga proyektong isinisigit na mga mambabatas.
05:17Ang isa umano sa mga pinagbumulan ng katiwalian.
05:20Nakatutok si Joseph Moro, Exclusive.
05:22Napapailing na lamang si Sekretary Vince Dizon sa nangyayari sa DPWH.
05:31Ang paglilinis na kagawaran ng agenda ni Dizon sa halos dalawang oras na kulong niya sa mga dating kalihim ng DPWH.
05:37Si Rogelio Singson ng administrasyon ni dating pangulong Noy Noy Aquino at Jose Ping De Jesus sa termino naman ni na dating pangulong Cory Aquino at Fidel Ramos.
05:48Na nakasama rin ni Dizon ng chairman siya ng Tark Development Corporation.
05:53Aminado si Singson, talamak ang korupsyon sa kagawaran.
05:56Masyadong massive. I cannot imagine how massive the korupsyon inside and outside.
06:04At isa sa mga pinagmumula ng korupsyon ang mga insertion o mga proyektong isinisigit na mga mambabatas.
06:12Lower house and the cellet.
06:14Total local projects and insertions in 2025 is about 450 billion.
06:20Ang problema dyan, hindi lang yung visible insertion, ibig sabihin from NEP to GAA.
06:28Apparently, according to Secretary Bonoan, kaya na-blindsided siya in some of the projects.
06:33Because some of his regular programs were also carved out and replaced with local insertions.
06:40Kinukunan namin ng pahayag si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan pero wala pa siyang tugon.
06:45Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations noong biyernes, ipinunto mismo ng ibang kongresista na inahati ang ilang malalaking proyekto sa distrito
06:54nang hindi lalampas sa 150 million pesos para sa DPWH District at hindi DPWH Regional Office ang magpapatupad ng mga ito.
07:04Hindi lamang daw sa budget may nakawan kundi sa simula pa lamang tulad ng costing o paglalagay ng halaga sa mga proyekto.
07:11Ayon kay Dyson, kailangan ding matsyaga ng procurement, implementation at monitoring ng mga proyekto.
07:18Ayon kay dating DPWH Secretary Rogelio Singson, tama lamang daw na hiningi ni Secretary Dyson ang courtesy resignation ng mga opisyal ng DPWH bilang paunang hakbang sa paglilinis sa ayensya.
07:30Humingi ako ng tulong sa mga tao.
07:33Kaya ba sir?
07:34Who can I trust? Who are good people?
07:37You have to find the bad eggs, take them out, make them accountable.
07:41If they're as bad as Alcantara, Mendoza, and Hernandez, hindi kang dismissal yun.
07:45Kaya kang kakasuhan yun.
07:46Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong nakatutok 24 oras.
07:51Nasa Cambodia, si Pangulong Bobo Marcos para sa tatlong araw na state visit.
07:57At isa po sa mga tatalakayin, ang transnational crimes sa gitna ng pagkakabiktima ng mga Pinoy sa mga scam hub sa Cambodia.
08:05May pahaging din siya sa tila banggaan ng ehekutibo at lehislatura.
08:11Nakatutok si Darlene Cai.
08:13Thank you, Secretary Luper Samin, and all the members of the Cabinet here.
08:25I hope lumamig na yung mga ulo ninyo.
08:30But I will have to just say that I perfectly understand why you are feeling a little unjustly beleaguered.
08:39Yan ang bungad ni Pangulong Bobo Marcos sa kanyang pre-departure speech kaninang tanghali sa Villamore Air Base bago dumalo sa kanyang three-day state visit sa Cambodia.
08:49Naglabas kagabi ng pahayag si Executive Secretary Lucas Ber Samin tungkol sa mariing pagtutol ng Kabinete sa umanoy tangkang paninisin ng House of Representatives sa ehekutibo sa mga isyo ng korupsyon at mga pagkukulang.
09:02Hindi nagbigay ng karagdagang pahayag ang mga niyembro ng Kabinete na nasa pre-departure ng Pangulo.
09:06Ang state visit ng Pangulo na umalis kaninang 1.44pm ay tugon sa imbitasyon ni His Majesty Norodom Sihamoni ng Cambodia.
09:15Layon itong palakasin ang ugnayan at kalakalan ng dalawang bansa.
09:18We have seen dynamism in the partnership between the Philippines and Cambodia across key sectors.
09:26These sectors include defense and security, trade, agriculture, heritage preservation amongst others.
09:32Makikipagpulong ang Pangulo sa Pinoy at Cambodian business leaders.
09:37Tatalakayin din ang problema ng transnational crimes, lalo't isa ang Cambodia sa mga bansa sa Southeast Asia kung saan may mga nasasagip na Pilipino mula sa scam hubs.
09:46The Philippines has been a resolute partner of Cambodia in addressing both traditional and non-traditional security challenges confronting our region such as transnational crimes.
09:59Habang nasa Cambodia ang Pangulo, itinalagang official caretakers ng bansa si na Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulia at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.
10:11Para sa GMA Integrated News, Darlene Kain, nakatutok 24 oras.
10:16Haharap bukas ang Office of the President sa budget hearing sa Kamara.
10:22Sa agit na ito ng tila banggaan ng Ehekutibo at Lehislatura ng palagaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang anyay tangka ng ilang mambabatas na isisi sa Ehekutibo ang sarili umano nitong katiwalian.
10:35Nakatutok si Dano Tingkungko.
10:36Sa isang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ipinost ng Presidential Communications Office,
10:45mariin anyang tinututulan ng gabinete ang mga anyay spin mula sa ilang miyembro ng House of Representatives na nagtangkang ibaling ang sisi sa Ehekutibo sa mga katiwalian at kapalpakan ng lehislatura.
10:58Hindi raw nila kinukonsente ang anumang pag-atake sa integridad at reputasyon ng Ehekutibo at paggamit ng anyay political theatrics para i-hostage ang budget process.
11:09Sabi pa ni Bersamin wala anyang silbi ang anumang imbestigasyon kung hindi bubusisiin ang mga anyay ugat ng katiwalian.
11:17Kaya hamon niya sa Kamara, clean your house first.
11:20Ipinaliwanag ni Bersamin ang kanyang pahayag.
11:23It's as clear, as direct as that. It's not a mere innumendo. It's just a clear message that there is much to be done by them before they point a finger at the other branch.
11:36Hindi raw siya galit. Pero malian niya ang pananaw na ibalik sa kanila ang panukalang budget lalot labas ito sa prosesong inaatang ng saligang batas.
11:45They are only doing their job but one member is particularly wrong in saying that they should return to us the NEP. That is not in the constitutional order.
11:57Wala rin daw sa hinuha ng Pangulo ang anumang posibilidad ng re-enacted budget para sa 2026.
12:03Walang tinukoy si Bersamin na partikular na miyembro ng Kamara.
12:07Pero bago nito, sinabi ni Deputy Speaker Rep. Ronaldo Puno na nag-desisyon siya at ilang party leader na irekomendang ibalik ang 2026 national budget sa DBM.
12:18Sinisika pa namin makuha ang pahayag ng party leaders kaugnay sa sinabi ni Bersamin.
12:23Bilang tugon sa pahayag ni Bersamin, sinabi ni Sen. Juan Miguel Subiri na sa ngalan ng transparency,
12:29mainam na ilabas sa publiko ang mga proponent na mga insertion sa budget sa bicameral conference.
12:34Transparency din ang isinusulong ni na Sen. Panfilo Laxon at Sen. Minority Leader Tito Soto.
12:42Para makita natin, matrack natin yung mula sa paggawa pa ng NEP.
12:48Sino mo nga naglagay niyan? Bakit mo nilagay? At saka kung wala sa NEP, kung wala sa NEP, bakit mo nilagay?
12:57Kaibigan mo ba yung kontraktor?
12:58Para sa deliberasyon sa 2026 budget, suyosyo ni Soto dalhin sa plenario ang anumang panukalang amyenda sa budget para hindi lumabas na insertion.
13:08Sa isa namang pahayag na mahigit isandaang grupo mula sa iba't ibang sektor kabilang Makati Business Club, mga universidad at iba pang civil society groups,
13:16kailangan na raw nating makawala at talikuran ang sistema ng korupsyon na pumapatay sa mga Pilipino at sumisiraan nila sa tiwala sa gobyerno.
13:23Ang korup na sistema dapat ang nilang palitan ng sistema ng transparency at accountability.
13:29Nanawagan sila sa DPWH at DBM at DPWH na magconvene ng Independent Multisectoral Review Committee na binubuo ng mga civil society groups, scientists at komunidad para pag-aralan ng mga 2026 budget proposal.
13:42Nanawagan din sila na itigil na ang congressional insertion lalo sa Bicameral Conference Committee sa Pangulo at DPWH na magbigay ng full transparency sa mga flood control project ng mga nakalipas na taon.
13:56Nanawagan din sa Pangulo ang mga grupo na isa publiko ang mga dokumento sa mga proyekto para sa potensyal na participatory audit ng publiko at civil society kasabay ng Commission on Audit.
14:06Dapat din daw may managot sa katiwalian, hindi lang daw ang mga itinuturing na small fish kundi mga mastermind sa likod ng eskandalo.
14:15Para sa GMA Integrated News, Dano, Tinko, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended