Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga na hapon po, Disgracia sa Quezon.
00:06Inararo na isang truck ang labing isang sasakyan at tatlong bahay sa Lucena City kagabi.
00:11Patay ang driver ng truck, dalawang pasahero ng nabagang tricycle at isang residente.
00:16Walo naman ang sugatan.
00:18Nakatutok si Katrina So.
00:23Nagliliyab na mga sasakyan, nayuping tricycle at nawasak na mga bahay.
00:28Ito ang bumulaga sa mga taga-barangay isabang sa Lucena City, Quezon.
00:33Matapos araruhin ng truck ang labing isang sasakyan at tatlong bahay pasado alas 11.30 kagabi.
00:41Batay sa paunang investigasyon, galing sa Bulacan at biyahing Bicol ang truck na may dalang mga fertilizer.
00:58May investigasyon, doon pa lang po sa Tayaba City ay sa wala na po siya ng kontrol.
01:03Unang inararo ng truck ang mga nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada na agad nagliyab.
01:10Sunod na natumbok ang isang tricycle na may dalawang sakay.
01:14Nagdirediretsyo ang truck at inararo rin ang mga sasakyan nakaparada sa gilid ng highway.
01:19Hanggang nasalpok ang tatlong bahay.
01:23Apat ang nasawi.
01:24Dalawang sakay ng tricycle, isang residente at ang driver ng truck.
01:29Walo naman ang sugatan at naso ospital.
01:33Nakikipag-ugnayan na raw sa mga otoridad ang employer ng truck driver.
01:37Patuloy ang investigasyon sa disgrasya.
01:41Kahit po namatay na po yung ating driver ng truck,
01:45so we are not also discounting the possibilities that there are other people who might be liable for negligence or reckless imprudence.
01:55Para sa GMA Integrated News, Katrina Son, nakatutok 24 oras.
02:04Mga kapuso ni Lindola naman na Mindanao, magnitude 6 ang lakas kagabi na ang sentro ay sa dagat sa Caguay, Surigao del Sur.
02:12Nakatutok si Argil Relator ng GMA Regional TV.
02:15Patulog na ang mag-anak na ito sa tandag City, Surigao del Sur, kagabi, nang biglang.
02:30Yumanig ang magnitude 6 na lindol.
02:33Agad na niyakap ng mag-asawa ang dalawa nilang anak.
02:36Saka lumabas na huminto na ang pagyanig.
02:40Nagsilabasan din ang mga pasyente ng isang ospital sa lungsod.
02:44Sa bayan ng Tagbina, napatayo rin mula sa higaan ang lalaking ito nang maramdaman ang lindol.
02:53Ang isa niyang kasama sa bahay, tumalon mula sa terrace, pababa sa kanilang garahe.
02:58Nagdipon sila at nagmatyag hanggang humupa ang pagyanig.
03:03Naitala ng FIVOX ang epicenter ng lindol sa dagat malapit sa bayan ng Caguay.
03:08Kita sa CCTV kung paanong inalog ng lindol ang sarisaring ito sa barangay Unidad.
03:16Naglaglaga ng ilang mga paninda sa halos labindalawang sigundong pagyanig.
03:22Nagimbal naman ang mag-anak na ito nang maramdaman ang lindol.
03:26Ayon kay U-Scooper, Sheila Mae Barshal-Humanoy,
03:30ligtas silang mag-anak pero may mga gamit silang nabasag.
03:33Wala rin na italang sugatan.
03:47May mga inilikas na residente pero pinauwi na.
03:51Dama rin ang pagyanig sa bayan ng Lanuza.
03:53Ramdam din ang lindol sa San Francisco, Agusan del Sur.
04:02Sa lakas ng pagyanig, naalog ang CCTV ito at tila idinuyan pa ang mga sasakyan sa paligid.
04:11Oh my God, boy! May pumutok!
04:14Ayon sa FIVOX, naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Northern Mindanao,
04:19Caraga, Eastern Visayas at Davao Region.
04:22Muling paliwanag ng FIVOX sa sunod-sunod na lindol sa iba't ibang bahagi ng bansa.
04:28Ang dahilan po niyan sa ating bansa ay napakaraming aktibong force sa lupa at sa dagat
04:35at ganoon din yung trends na tinatawag kung saan yung karagatan ay sumusok-sukpailin sa Pilipinas.
04:42Kada araw, kada araw may 30 earthquakes at least na nararecord ang DOST FIVOX.
04:47Para sa GMA Integrated News, our Jill Relator, nakatutok 24 oras.
04:55Bagong lindol sa Caguay at Surigao del Sur kagabi.
04:59Nagdulot ang takot ng magnitude 5.1 na lindol kahapon na yung manig naman sa Botolan, Zambales.
05:05Sa Olongapo City, lumabas mula sa isang mall ang mga Boy Scout at Girl Scout
05:09na dumalo sa isang youth forum ng naramdaman ng lindol.
05:13May mga nahilo daw sa pagyanig.
05:15Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Metro Manila
05:18na kuhana ng isang empleyadong pagyanig mula sa kanilang opisina sa Bonifacio Global City sa Taguig.
05:29Panibagong harassment ng China, binomba ng tubig at binanggan ng balko ng China
05:33ang BRP Datu Pagbuaya ng BFAR sa Pag-asa Island.
05:37Ang aksyon na higit ng China na legal, kinundi na na ating pamahalaan.
05:42Nakatutok si Nico Wahe.
05:44Pasado alas otso na umaga kanina nang simulang buntutan ng China Coast Guard
05:52at mga Chinese Maritime Milite Vessel,
05:54ang tatlong barko ng BFAR na nagbibigay sana ng proteksyon sa mga manging isda sa Pag-asa Island.
06:00Makalipas ang isang oras,
06:02CCG 5 o'clock on water cannon.
06:05Nakakuha na ng video ng Philippine Coast Guard,
06:07ang pagwater cannon ng CCG Vessel na may bow number 21559 sa BRP Datu Pagbuaya.
06:13Hanggang tuluyan ang binanggang likurang bahagi ng Datu Pagbuaya.
06:17Yung China Coast Guard,
06:19nagkaroon ng aggressive actions doon sa ating against doon sa mga BFAR vessels natin sa Pag-asa.
06:26Remember, ito yung mga vessels natin na para sa kadiwa, para sa mga bayani yung maring isda.
06:33So, they fired water cannons and then niram nila yung isang barko natin doon.
06:42So, hindi pa kumpleto yung reports but ang sabi is may damage.
06:50Ang naratibo ng China Coast Guard,
06:52Pilipinas-anila ang ilegal na pumasok sa katubigang inaangkin nila.
06:56Binaliwalaan nila ng Pilipinas ang paulit-ulit na babala ng China.
07:00Git pa ng China na ayon sa batas ang kanilang ginawa.
07:04Ang PCG at National Security Council,
07:06tinutilig sa ang panibago mapangas na aksyon ng China
07:09sa gitna ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
07:12We will remain standing on our ground.
07:15Hindi tayo magpapa-alarma sa kanilang aggressive action.
07:19Kinukundi na natin itong mga ginagawa nila.
07:22This will not deter us from fulfilling our commitment to the Filipino people.
07:27Di raw tulad ng pwersa ng China,
07:28ang PCG na natiling kalmado.
07:30Hindi nagwe-respond but remain calm.
07:34And talaga nandun pa rin yung resolve nila na panindigan yung ano yung atin at ano yung nasa lugar para sa Pilipinas.
07:44Para sa GMA Integrated News,
07:46Ngi Kuahe, Nakatutok, 24 Horas.
07:48Tapapasok lang po na malita.
07:52Suspendido ang face-to-face classes sa public school sa Metro Manila bukas,
07:57October 13 at sa Martes, October 14 ayon sa DepEd NCR.
08:02Sakop po niya ng pre-school hanggang senior high school.
08:05Ayon sa DepEd NCR dahil yan sa pagdami ng kaso ng influenza-like illnesses
08:09sa mga mag-aaral at empleyado ng mga paaralan sa iba't ibang bahagi ng bansa.
08:14Sa panahong ito, magsasagawa mga paaralan ng alternative delivery modalities.
08:19Kasabay nito, ang paglilinis ng mga paaralan.
08:22Ang Marikina, sinuspindi ang pasok sa lahat ng antas sa public and private schools sa mga parehong araw.
08:28Pag-iingat din po yan sa pagtaas sa mga kaso ng flu at flu-like illnesses sa mga paaralan sa lungsod.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended