24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:005 children have passed away after losing their own place in Pitogo, Quezon.
00:07At the end of the day, it's a song.
00:10And now, J.P. Sariag.
00:13J.P.
00:15Ivan, here we go to a part of Pitogo.
00:21Actually, it's a part of Pitogo.
00:23At sa aking likuran, hindi na lang maaninag, Ivan.
00:26Mga kapuso, kasi madilim na po.
00:27Pero dyan po, yung bahay na binagsakan ng isang puno,
00:31lima po agad ang namatay sa insidenteng yan.
00:33At labis po ang pagdadalamhati ng kaisa-isang nakaligtas kanina.
00:42Sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ramil sa Pitogo, Quezon,
00:45dakong alasais ng umaga kanina,
00:48nabagsakan ng puno ang bahay ng Pamilaneng Kulay
00:51at siya lang ang tanging nakaligtas.
00:54Agad nasawi ang kanyang lolo, ina at amain,
00:58pati na ang kanyang dalawang nakababatang kapatid
01:01na limang buwang gulang at labing isang taong gulang pa lamang.
01:05Ang pwesto po kasi talaga nila, dito po sila sa bintana.
01:08Ayun sa bintana po, dun po tumumba yung puno po.
01:13Ako naman po, ang pwesto ko po, nandito ko sa may pinto.
01:16Kaya po, nung nagtumba, wala akong tama.
01:21Nagpasak lolo si Nikolay sa mga kabarangay at numispunde ang mga rescuer.
01:26Ayun kay Nikolay, dati nang sinubukang sunugin ng kanyang amain ang puno
01:31para di makadisgrasya kapag may bagyo.
01:34Sinunog po nung pamilya, para po maputol.
01:40Unfortunately, hindi po siya naputol din.
01:43Ito pong umaga, due to weather condition po,
01:47lumakas po yung hangin at saka yung umulan po ng kaunti.
01:51Yung pong tumba ng puno is directly po na tumama
01:55sa mismong kinatutulugan po nung mga mag-anak.
01:59Tutulong daw ang LGU sa pagpapalibing sa mga nasawi.
02:04At Ivan, sa mga oras na ito, nasa Purinarya pa
02:10ang labi ng mga kababayan nating pumanaw dahil sa incidentic ito.
02:14Sabi po ng mga tigarito,
02:16alas tres, alas kwatro na madaling araw,
02:18lumabas o lumakas ang malakas na hangin dahil sa bagyo.
02:22Alas seis nga, bago mag-alas seis nga na umaga,
02:24bumagsak ang punong ito.
02:25At sa mga oras na ito, makulimlim at umaambun-ambun pa rin po dito sa Quezon.
02:29At yan muna ang latest. Balik muna sa'yo, Ivan.
02:32Ingat at maraming salamat, JP Soriano.
02:36Abot po hanggang sa Visayas ang hagupit ng bagyong ramil.
02:40Lubog sa baha ang maraming lugar at may ilang naitalang nasawi.
02:43Nakatutok si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
02:47Marami ang stranded ng bulagain ng baha ang mga motorista sa Roja City, Capiz,
02:56sa gitna ng matinding ulan.
02:58Ang kotseng ito sa barangay Bolo, nahulog sa gilid ng kalsada.
03:02Ayon sa mga saksi, nasa gilid lang ng palayan at sapa ang kalsada,
03:06kaya madaling natangay ang mga sasakyan.
03:08Abot dibdib ang baha sa ilang barangay.
03:11Dahil sa lalim at mabilis naragasan ang tubig,
03:14naglubid at hagdan ang mga rescuer.
03:17Isang senior citizen ang isinakay sa batya para may tawid sa baha.
03:21Ang mga kalsada, nagmistulang iloga.
03:24Hindi lang masamang panahon ang hamon sa pag-evacuate at pag-rescue ng mga otoridad.
03:28Naging problema rin ang blackout sa ilang barangay.
03:31Tatlong putisang barangay sa Roja City ang binaha.
03:34Sa tala ng Roja City DRMO, umabot sa 830 na pamilya o mahigit 2,700 na indibidwal ang inilikas.
03:44Nasawi ang isang lalaking 44 anos matapos umanong malunod ng anuri ng baha ang sinasakyang motosiklo.
03:51Humupa na rin ang baha na ayon sa mayor ng Rojas ay unang beses daw na ganito katindi.
03:57Sa bayan ng Ivisan, nasawi ang isang babae matapos madulas at malunod sa sapa.
04:10May mga kalsadang di madaanan dahil sa taas ng tubig.
04:13Sa bayan ng Sigma, may bahagi ng kalsadang na gumuho.
04:16Kaya't mga motosiklo at tricycle lang ang pwedeng dumaan.
04:20Kita rin sa aerial video ng isang netizen ang kulay putik na tubig galing sa umapaw na ilog sa bayan ng panitan.
04:27Tiis-tiis sa mataas na baha ang ilang residente.
04:30At may mga motoristang stranded.
04:33May mga stranded ding motorista sa istansya iliilo dahil sa baha.
04:37Pinasok din ng tubig ang ilang bahay.
04:39Isang lalaki ang natrap nang mabagsakan ng gumuhong pader ng isang paaralan ang kanyang bahay.
04:45Dinala sa ospital ang lalaki at nasa maayos ng palagayan.
04:49Ayon sa estansya LGU, labintatlong barangay ang binaha.
04:53Umabot sa 389 na pamilya o mahigit 1,300 na mga individual ang sinagip at inilikas.
05:00Sa balasan iluilo, nagsagawa ng preemptive evacuation ng tumaas ang tubig sa kalsada.
05:06Hindi naman naging hadlang ang baha sa isang kasalan sa Barotak Viejo.
05:11Suot ang wedding gown.
05:13Pinasan ito ng isang lalaki para may tawid sa binahang overflow.
05:17Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Kim Salinas, nakatutok 24 oras.
05:26Baka puso, wala na po sa kalupaan ang bagyong ramil.
05:29Matapos itong hagupitin na rin ang bahagi ng Luzon at Visayas.
05:32Gaganda na kaya ang panahon?
05:34Alamin mula kay Amor Larosa ng GMA Integrated News. Amor?
05:38Salamat Ivan mga kapuso.
05:42Matapos tumama at tumawid sa ilang bahagi ng Luzon,
05:45nasa West Philippines na ang bagyong ramil at unti-unti nang lalayo sa bansa sa mga susunod na oras.
05:51Pero gayon pa man mga kapuso, nakataas pa rin ang signal number 2.
05:54Diyan po yan sa Central and Southern portions ng La Union.
05:57Western and Central portions ng Pangasinana, Zambales, Tarlac, Western portion ng Pampanga at pati na rin sa Northern portion ng Bataana.
06:05Signal number 1 naman dyan po sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, gano'n din sa Bingget.
06:16Kasama rin po dyan ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, natitiram bahagi ng La Union at ng Pangasinana, Aurora, natitiram bahagi ng Bataan at ng Pampanga, Nueva Ecija, Bulacana, Metro Manila at pati na rin sa Rizala.
06:29Signal number 1 din dito po yan sa Northern and Central portions ng Quezon kasama ang Pulilyo Islands, Laguna, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, kabilang po ang Lubang Islands, Oriental Mindoro, Marinduque at pati na rin ang Northern and Western portions ng Camarines Norte.
06:45Sa mga nabangit na lugar, posibleng pa rin po makaranas ng pabugsong-bugsong hangi na may kasamang mga pag-ulana.
06:51Huling namataan ang sentro ng Bagyong Ramilyan po ay salayong 85 kilometers west-northwest ng Iba Zambales.
06:58Taglay po nito ang lakas ang hangi nga abot sa 65 kilometers per hour at yung bugso naman nasa 80 kilometers per hour.
07:05Kumikilos po yan pa west-northwest sa bilis na 35 kilometers per hour.
07:10At ayon po sa pag-asa, posibleng bukas po ng umaga ay makalabas na yan sa Philippine Area of Responsibility.
07:18Pero kahit papalayo na po ang Bagyong Ramilyan, magpapaulan pa rin ang mga kaulapan niyan dito sa bahagi ng Luzon at pati na rin sa ilang lugar sa Visayas.
07:27Base po sa rainfall forecast ng Metro Weather, may mga pag-ulan pa rin bukas ng madaling araw sa ilang bahagi po ng Northern and Central Luzon.
07:34At pwede po yung maulit bago magtanghali at kasama na rin dyan ang ilang bahagi ng Calabar Zone at ganun din ang ilang lugar dito sa Mimaropa.
07:42Bandang hapon naman, pwede pong tumaas ulit yung chance ng mga pag-ulan sa malaking bahagi po yan ng Luzon.
07:49Kabilang na rin dyan itong ilang lugar o probinsya dito sa Bicol Region.
07:53Kaya dobly ingat pa rin.
07:54Sa Metro Manila, posibleng may mga kalat-kalat na ulan sa ilang lungsod sa umaga.
07:59Pero mas mataas po ang chance ng ulan sa mas maraming lugar pagsapit po yan ng hapon.
08:05Kaya magdala pa rin ang payo kung may lakad.
08:07Sa mga taga Visayas at Mindanao naman, ayon po sa pag-asa, bahagya pong mababawasan yung malawakan at yung mga matitinding ulan bukas po ng umaga.
08:15Pero pagsapit po ng hapon, may chance pa rin ng thunderstorms na magdadala ng mga pag-ulan.
08:21Lalo na dito sa ilang bahagi ng Summer and Later Provinces, Western Visayas, Negros Island Region.
08:26At pwede rin po yung maranasan sa Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, BARM at pati na rin sa Soksarjen.
08:34Yan muna ang latest sa ating panahon.
08:35Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.
Be the first to comment