Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sumungod ang mga polis sa dalawang subdivision sa Fairview, Quezon City.
00:04May sumung kasi na may mga nang-aangkin umano ng abandonadong bahay at nananakot ng residente.
00:10Nakatutok si Jomera Presto.
00:15Pinasok na mga tauhan ng Quezon City Police District o QCPD ang subdivision na ito sa North Fairview, Quezon City, kagabi.
00:22Kasunod ng reklamo na may mga nakapasok na land grabber at inaangkin ang mga abandonadong bahay rito.
00:27Mayroon din umanong grupo na tila tinatakot ang mga residente.
00:32Dito medyo nahihirapan sila na medyo iba-ibang mukha na rin yung nakakapasok sa kanila.
00:38Parang hindi sila, wala yung safety nila parang nakokompromise.
00:46Pahigit 150 pulis ang nag-iikot sa bawat kanto at sulok ng dalawang magkarugtong na subdivision.
00:51May ilang residente rin ang sinita dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo na walang dalang lisensya.
00:56Ang lalaki namang ito na nakaupos sa bangketa at may bitbit na dalawang helmet, sinita rin ang mga pulis.
01:02Depensa niya, nagpapahinga siya at malapit lang ang kanilang bahay.
01:06May ilang kabataan din ang sinita dahil naglalaro pa sa labasan kahit hating gabi na.
01:10Ayon sa QCPD, walang nahuli sa operasyon pero iniimbestigahan pa nila mga reklamo ng mga residente.
01:16Posibleng may protector daw ang grupo na nananakot sa mga residente.
01:20Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
01:25Nailipat na sa Correctional Institution for Women si dating Bambantarlak Mayor Alice Guo.
01:32Ang Sabir of Jail Management and Penology, pasado las gis kagabi, itinurn over si na Guo at dalaw pa niyang kapwa-akusado.
01:38Hinatulan silang guilty sa kasong qualified trafficking, kaglay ng Bamban Pogo Hop.
01:44At sinintensyahan na makulong ng habang buhay.
01:47Mananatili sila ng 60 araw sa Reception and Diagnostic Center bago ihalo sa iba pang persons deprived of liberty.
01:54Pina hindi kumikilos ngayon sa dagat, ang Bagyong Wilma.
02:00Ang latest siyahatid ni Amor Larosa ng GMA Integrated News Weather Center.
02:05Amor.
02:05Salamat Ivan mga kapuso, simula po ngayong gabi po sibling tawirin na ng Bagyong Wilma, ang bahagi ng Visayas.
02:16Huling naman tayo ng sentro ng bagyo sa coastal waters po yan ang Canabid Eastern Samar.
02:21At taglay po nito ang lakas ng hangin na abot sa 45 kilometers per hour.
02:24Bugso naman na nasa 55 kilometers per hour.
02:28At sa ngayong mga kapuso ay halos hindi po yan gumagalaw.
02:31Pero posibli pang magkaroon ng pagbabago sa pagkilos nito sa mga susunod na oras.
02:36Ayon po sa pag-asa, sa Eastern Samar o sa Northern Samar, ang unang landfall, itong Bagyong Wilma, anumang oras.
02:43At sunod po nito ang tatawirin itong iba pang bahagi ng Visayas hanggang bukas, araw po na linggo.
02:48At pagsapit ng lunes, ay posibling dumaan naman yan dito sa northern part ng Palawan.
02:53Pusibli naman na by Tuesday ng hapon ay nasa labas na po yan ng Philippine Area of Responsibility.
02:59Pero patuloy po natin imonitor ang magiging pagbabago.
03:03Sa ngayon, nakataas ang wind signal number one sa Sorosugon.
03:06Ganon din sa Masbate, including Tikau and Buryas Islands.
03:10Ganon din sa Romblon, southern portion ng Oriental Mindoro, southern portion ng Occidental Mindoro,
03:15northernmost portion ng Palawan, kasama rin po ang Kuyo, Kalamiyan at Cagayancillo Islands.
03:20Nakataas din ang wind signal number one dyan po sa northern Samar, eastern Samar, Samar, Biliran, northern and central portions ng Leyte,
03:30northern at central portions ng Cebu, kasama po ang Bantayan Islands at pati na rin ang Camotes Islands.
03:36Ganon din po dito sa northern portion ng Negros Oriental.
03:40Wind signal number one din ang nakataas dyan naman sa northern and central portions ng Negros Occidental,
03:45Gimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, kasama po ang Kaluya Islands.
03:51Sa mga nabanggit na lugar, posible pa rin po makaranas ng malakas na bugso ng hangin na may kasamang mga pag-ulana.
03:57Pero mga kapuso, hindi lang po bagyong Wilma ang makaka-apekto sa ating bansa
04:01dahil magpapaulan din yung shear line at pati na rin itong hanging amihan o yung northeast monsoon.
04:07Ganon din ang localized thunderstorms.
04:09Base po sa datos ng Metro Weather, ngayong gabi pinakamaulana dito sa Bicol Region,
04:15ganon din sa malaking bahagi ng Visayas at ng Mindanao,
04:18pati na rin sa ilang bahagi ng northern at pati na rin po ng central and southern Luzon.
04:23Bukas ng umaga, mataas din ang chance ng mga pag-ulana sa ilang lugar dito,
04:28sa May Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Calabarzon, Mimaropa
04:33at pati na rin dito sa Visayas, lalong-lalo na sa western portions.
04:38At mga kapuso, linggo ng hapon, malaking bahagi na ng ating bansa ang makakaranes sa mga pag-ulana.
04:43Kasama pa rin po dito ang northern at ang central portions ng Luzon,
04:47gaya ng Cagayan, Isabela, Quirino at ng Aurora,
04:51pati po ang Bicol Region, southern Luzon,
04:53so kasama pa rin ang Calabarzon at Mimaropa.
04:55Ganon din ang malaking bahagi ng Visayas at ng Mindanao.
04:59May mga malalakas sa buhus ng ulan,
05:01kaya naman po paghandaan pa rin at maging alerto sa bantanang baha o landslide.
05:06Dito naman sa Metro Manila, mataas din po ang tsansa ng ulan bukas,
05:10kaya mag-monitor din po ng advisories na ilalabas ng pag-asa.
05:15Yan muna ang latest sa ating panahon.
05:16Ako po si Amor La Rosa.
05:18Para sa GMA Integrated News Weather Center,
05:20maasahan anuman ang panahon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended