00:00Sa pagdating ni Pangulo Marcos sa Cambodia para sa kanyang state visit, kakamustahin niya ang Filipino community roon.
00:07At mula sa Phnom Penh, Cambodia, nakatutok live si Jonathan Andar.
00:12Jonathan?
00:15Pia, susday o greetings mula rito sa Phnom Penh, Cambodia.
00:21Alas 5 ngayon ng hapon dito at rasado ng isang oras kumpara dyan sa Pilipinas.
00:26Sa dito ko ngayon sa noob ng isang hotel at ang nasa likod ko ay yung mga overseas Filipino workers dito na kukumustahin mamaya ni Pangulong Bongbong Marcos bilang bahagi ng kanyang tatlong araw na state visit dito sa Cambodia.
00:43Alas 4 ng hapon oras sa Pilipinas, dumating sa Cambodia si Pangulong Bongbong Marcos kasama si First Lady Liza Araneta Marcos.
00:51Sukli ito ng Pangulo sa state visit sa Pilipinas ni Cambodian Prime Minister Hun Manet noong Pebrero, ikalawang beses na rito sa Cambodia ni Marcos.
01:00Nagpunta rin siya rito noong 2022 para dumalo sa ASEAN Summit.
01:04Sa mga kalsada ng Pinong Penh, nakahilera ngayon ang mga watawat ng Pilipinas at ang litrato ng Pangulo ng unang ginang at ng hari ng Cambodia na si Norodom Sihamoni.
01:14Bukas, makikipagpulong ang Pangulo kay Cambodian Prime Minister Hun Manet.
01:17Tatlong kasunduan ang pakay niyang makuha rito sa higher education o kolehyo, air services at laban sa transnational crimes.
01:25Gaya ng mga Pilipino na nabibiktima ng human trafficking at ginagawang scammer dito sa Cambodia.
01:30Makikipagpulong din siya sa mga business leader dito para pag-usapan ng pamumuhunan ng mga negosyante sa Pilipinas at Cambodia.
01:37Sabi ng Department of Foreign Affairs o DFA, umaasa silang sa pagtatapos ng state visit, darami ang mga turistang Cambodian sa Pilipinas at mapalalakas ang pag-iexport dito ng mga produktong Pinoy.
01:48Sabi ng ating ambasador sa Cambodia na si Flerida Ann Camille Mayo, nasa 10,000 na ang mga Pilipino rito as of 2024.
01:56Karamihan mga guro, mga supervisor sa mga pabrika at mga misyonero.
02:00Pia, sa mga oras na ito ay nasa 500 na yung mga Pilipino na nandito sa venue.
02:11Darating po si Pangulong Bambuang Marcos dito, 7.30 ng gabi, oras dyan sa Pilipinas.
02:16Silo mo na ang latest mula rito sa Pinompen, Cambodia. Balik sa'yo, Pia.
02:21Marami salamat, Jonathan Andal.
02:23Tinangay na Agos ng Kansalakan River ang dalawang estudyante sa Gihungan City, Negros Oriental.
02:34Naiyap ang kumukuha ng video habang naghihintay ng tulong.
02:37Ayon sa kapitan ng barangay sa lugar, maayos lang kalagayan ng dalawa.
02:41Nasagip sila ng kumapit sa ugat ng puno.
02:44Sinisisi ng kapitan sa pangyayari ang hindi natapos na spillway doon na halos 5 milyong piso raw ang pondo.
02:51May kasira-sira na rin ang mga nakatambak na imburnal na para sa proyektong sinimulan noon pang nakaraang taon.
02:58Anya, kamakailan lang muli, nang hinginang tulong sa kanya ang DPWH First Engineering District para ituloy ang proyekto.
03:07Sinisikap pa naming makuhang panig ng DPWH First Engineering District, kaugnay nito.
03:12Nasa bansa na ulit si dating PCSO General Manager at Retired Police Colonel Royina Garma matapos i-deport ng Amerika.
03:23Nakatutok si Salima Refran.
03:28Kasama ang ilang escort mula U.S. Immigration dumating sa bansa Sabado ng gabi,
03:33si dating PCSO General Manager at Retired Police Colonel Royina Garma.
03:38Din-eport ng Amerika si Garma pabalik ng Pilipinas.
03:42Siya po ay isang deporte galing sa USA.
03:45At meron po din report sa atin na subject din po siya ng Interpol hit.
03:52So since earlier this year, she was detained po upon her arrival sa USA.
04:00At nag-apply din po siya for asylum.
04:03However, we are still trying to verify and validate kung ano ba talaga ang basis ng pag-deport.
04:11Meron po tayong report na dahil po ito sa pag-deny ng kanyang asylum request.
04:17However, we have not yet gotten any official document to confirm the same.
04:21Nobyembre noong isang taon, umalis si Garma kasama ang anak pa Amerika.
04:27Sa gitna ng mga pagdinig ng House Squad Committee,
04:30kaugnay ng kampanya kontra iligal na droga ng Administrasyong Duterte.
04:34Sinabi niyang inutusan siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin sa buong bansa
04:40ang Davao model ng drug war.
04:42Nakaalis ng bansa si Garma bago pa naglabas ng ILBO o Immigration Lockout Bulletin Order sa kanyang pamahalaan
04:49at ang paghahain laban sa kanya ng mga reklamong murder at frustrated murder
04:54para sa pagpatay kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.
05:00Dahil walang warrant of arrest kay Garma, malaya siyang nakaalis ng airport
05:05at hindi kinustudiya ng mga otoridad.
05:07Ang abogado ni Garma nakausap sa cellphone ng kliente kagabi.
05:37Sabi ng Department of Justice, makipag-usap sa kanila si Garma.
05:49Bukas daw ang kanilang kagawaraan kung nais itong ihayag ang kanyang mga nalalaman pa
05:54sa pagpatay kay Barayuga at sa drug war.
05:58Kung meron pa pong ibang personalities na kasama po dito sa kaso na ito,
06:04we hope that she can also give that.
06:06In that case, pwede naman po siyang i-discharge as a state witness
06:10kung meron pa siyang ibang kasama at hindi na siya ang magiging most guilty sa kaso.
06:18Para sa GMA Integrated News, Sanima Refrain, Nakatutok 24 Horas.
06:24Cain
06:24Pwede
06:28Pwede
06:29Pwede
06:30Pwede
06:30Pwede
06:30Pwede
06:45Pwede
Comments