- 2 days ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Patuloy din ang pagdating ng mga bumibisita sa puntod ng mga yumaos sa Davao
00:05at ang sitwasyon doon at sa ilan pang sementeryo sa Mindanao
00:08sa live na pagtutok ni Arjel Relator ng GMA Regional TV.
00:12Arjel?
00:14Iyan, may ilang dumalaw rito sa Roman Catholic Semeteri
00:18ang nagsindi na lang ng kandila sa malaking cruise
00:20dahil di na nila matuntun ang puntod.
00:23Mahigpit ang siguridad dito sa libingan.
00:25Tirikman ang araw, tuloy ang pagdagsa ng mga dumalaw sa Roman Catholic Semeteri sa Davao City.
00:35May nakapwestong first aid station sa harap ng sementeryo
00:39para sa mga nahihilo o nawawala ng malay.
00:42Ang pamilyang ito, naging mini-reunion ang pagbisita sa sementeryo.
00:46Bibo po eh, lipay. Siyempre, marang banding-banding ni naman.
00:50Inanig yun, ang anniversary, date anniversary, birthday sa akong mama, anak.
00:56Pero may ilang hindi na matuntun ang puntod ng kaanak.
01:00Kaya nagsindi na lang sila ng kandila sa malaking cruise na ito.
01:04Nawala na manggod ang amuang koan.
01:06Mga minatay ka ng mga pansyon ba?
01:09Nangawala na dugay na good kaayo.
01:11Kaya wala manggod may kakoan.
01:13Wala na mo na bantayan ka itong saunag.
01:16Yung mga tinuig ganito, sir, na irinyo-rinyo lang.
01:19Oo niya.
01:20Di rin na lang may magdagkot sa dakong cruise.
01:23Kagabi, nilagyan na ng mga bulaklak ang puntod ng mga magulang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na sinadating Governor Vicente at Solidad Duterte.
01:33Sa Antonio Acheron Memorial Park na pinakamalaking sementeryo sa General Santos City,
01:38may mga church organization na namimigay ng libreng tubig at aruzgaldo sa mga bumibisita.
01:43Mahigpit na seguridad din ang ipinatupad ng kapulisan.
01:46Patuloy rin ang pagdating ng mga dumadalaw sa pinakalumang sementeryo sa Johnson.
01:52Mahigit 10,000 mga kagayano naman ang bumisita sa Cagayan de Oro City Memorial Park.
01:57Pinilahan ang libreng sakay ng lokal na pamahalaan.
02:01Hindi rin nawala ang salosalo ng mga mag-anak sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay.
02:06Para matiyak ang seguridad, nagpalipad ng drone ang Cagayan de Oro City Police.
02:11Pia, patuloy ang pagdating ng mga bisita sa Roman Catholic Cemetery
02:18at maisasagawa naman bukas na misa rito, alas 7 ng umaga.
02:23Yan ang latest. Balik sa iyo, Pia.
02:24Maraming salamat, Argel Relator ng GMA Regional TV.
02:32Mga puso, may binabantayan po ang pag-asa na isang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility
02:38at isa namang tropical depression sa labas ng bansa.
02:42Huling namataan ang LPA, 225 kilometers north-northeast ng Pag-asa Island.
02:47Ay sa pag-asa, mababa ang chance na itong maging isang bagyo sa susunod na 24 oras.
02:52Ang binabantayan namang tropical depression posibleng pumasok ng PIR bukas ng gabi.
02:57Sa ngayon, shear line ang nagdadala ng mga maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan, Isabela at Aurora.
03:04Trough o buntot ng tropical depression ang nagpapaulan sa northern at eastern samar, pati na rin sa Dinagat Islands.
03:12Nakaapekto naman ang northeast monsoon o amihan sa Ilocos region, Cordillera administrative region at atitirambahagi ng Cagayan Valley.
03:20Localized thunderstorms naman ang nagpapaulan sa Metro Manila at atitirambahagi ng bansa.
03:26Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng light to heavy rain sa ilang bahagi ng Cagayan Valley, Ilocos region at Central Luzon.
03:34May chance na naman ang light to moderate rain sa Negros Occidental, Leyte, Sarangani at Davao region.
03:41Posibleng ulanin bukas ang Metro Manila.
03:43Pahirap po sa mga dumala o sa ilang sementeryo sa probinsya ang hindi pa rin humuhupang baha.
03:50At sa isang sementeryo nga, kulay lumot na ang tubig.
03:53At mula sa Hagonoy, Bulacan, nakatutukla si Jenny Sanchez.
03:57Jenny?
03:57Pia, kung siksika ng tagpo sa mga sementeryo tuwing ang 1 nobyembre, hindi ganyan ang sitwasyon dito sa Hagonoy, Bulacan.
04:11Mula sa labas hanggang sa loob, baha ang sasalubong sa mga dalaw sa Peralta Public Cemetery sa Hagonoy, Bulacan.
04:20Nang lulumo nga ang isang nakausap namin dahil sa sitwasyon ng kanilang mga patay.
04:26Pero mga piniling, slusungin ang baha para dalawin ang kanyang yumaong ina at lola.
04:32Ang ilan namang ayaw lumusong, tumawid sa bakod ng sementeryo at umakyat sa mga nicho para makapagtulos ng kandila.
04:39May iba namang nakikiraan sa isang bahay sa loob ng sementeryo.
04:42Kahit po ganito kalaki yung tubig, di naman po mapipigil ng tubig po yung mga pagmamahal po natin kahit na di na po natin sila nakakasama.
04:56Five years na po ako hindi nakakapunta sa magula ko ngayon na lang po ulin na ulit.
05:00Gawa nga po sa sitwasyon na ito. Nakakapanlomo po talaga.
05:09Baha rin sa anim na sementeryo sa Masantol, Pampanga.
05:12Lumusong sa tubig baha ang mga dumadalaw.
05:15Sa ilang bahagi, kulay lumot na ang tubig dahil matagal nang di humuhupa.
05:20Ang mga senior citizen, inaalalaya na lang para hindi madulas.
05:24Habang binubuhat naman ang mga bata para di mabasa.
05:27Limang taon ng problema ang baha sa Masantol, busod na mga pagulan at pinalalapa ng high tide.
05:33Sa Baculor naman, ang mga dumadalaw sa Campos Santo de Baculor, sa marker na lang nakapag-alay ng kandila at mga bulaklak.
05:41Nakasulat sa marker ang pangalan ng mga yumao na natabunan ng lahar ang mga puntod nang sumabog ang Mount Pinatubo noong 1991.
05:48May mga nag-alay rin ng kandila at bulaklak sa bantayog ni na Marcelo at Gregorio del Pilar sa Bulacan, Bulacan, bilang pag-alala sa kanilang kabayanihan.
05:57Pia, balik tayo dito sa Hagonoy, Bulacan, bagaman lubog pa rin sa baha dahil palotay na ngayong hapon inaasahan ng barangay na may darating pa para humabol pagbisita sa kanilang namayapa rito sa sementeryo.
06:11At yan ang latest mula rito sa Hagonoy, Bulacan. Balik sa'yo, Pia.
06:17Maraming salamat, Jamie Santos.
06:19Level up at todo effort ang mga Halloween costume ng ilang kapuso stars na ifly next nila sa social media.
06:28May chika si Athena Imperial.
06:29Under the Sea, ang tema ng Halloween costumes ni na Jeneline Mercado at Dennis Trillo.
06:42Non-stop ang pagtawan ni Jen in her Ursula costume sa asawang si Dennis as King Triton.
06:50Kinumpleto ng pamilya ang cast ng The Little Mermaid.
06:54Naka-Princess Ariel costume si Dylan.
06:56Prince Eric naman si Jazz at Sebastian si Calyx.
07:00Mapapawish kang you're part of the world.
07:06Fierce Sea Princess this year si Sparkle Actress Kailin Alcantara.
07:11Pinupuri ng netizens ang intricate details ng kanyang makeup, prosthetics at costume.
07:16Sabi pa ng ilan, ang atake ng Team Kailin, mala, Encantadia.
07:21Little Queen of Lireo naman ang anak ng aktres na si Iza Calzado Wintel na si Deya Amihan.
07:30Like mother, like daughter, ang cute na tagapagbantay ng briliyante ng hangin.
07:36Dressed as her idol global icon naman, ang swifty na si Barbie Forteza.
07:41Kuhang-kuhan ng kapuso actress si Tete in her Eros Tour glittery bodysuit and folklore dress.
07:47Happy Halloween!
07:52Dancing to Taylor Swift's Opalite naman si E.A. Guzman at Shira Diaz
07:57in their vibrant gummy candy costumes for this year's Trick or Treat.
08:02Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings!
08:08Silipin natin ang sitwasyon sa ilang sementeryo sa Malabon at Quezon City ngayong Undas.
08:13Nakatutok live si Jonathan Andan.
08:15Jonathan!
08:17Ivan, kung makikita mo sa likod ko, ang dami ngayong tao dito sa may Bagbag Cemetery,
08:26sa Navalichan sa Quezon City, kung kailan gumabi, tsaka sila dumagsa.
08:30Ito pong mga nakikita nyo sa likod ko, ito yung mga papasok ngayon doon sa loob ng sementeryo.
08:35Diyan po at sinichek kung meron silang dala mga pinagbabawal.
08:38Balambawal po kasi sa loob, yung mga vape, matutalim na bagay, lighter, pati po posporo.
08:45Kung magsisindi daw ng kandila, makusuyo na lang sa mga caretakers sa loob.
08:48Nasa 50,000 na ang mga dumadalaw rito. Ngayong oras talaga ang dumagsayo mga tao kasi kayo ng tanghali, alam mo, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
08:57Dumalaw ng tuyo pero umuwing basa ang mga bumisita sa Bagbag Cemetery sa Navalichas, Quezon City.
09:09Basang basa talaga. Pilagnat ako kagabi, bastos.
09:13Ano po yan?
09:14May gamot naman doon, nakareserva.
09:16Hindi kami nakatala ng payong sir eh.
09:18Palabas na kami, biglang bumagsak yung ulan.
09:20Siksikan po, maraming tao eh.
09:22Ang pamilyang ito, binalot na lang ng supot ang mga ulo.
09:25Si na Grace, nagpatuyo na lang sa tabi ng mga kandilang itinulos nila sa nicho ng kanilang mga kaanak.
09:31Magkasakit kami, hindi, nasunod na kami dyan.
09:33Tinan mo, kumakain kami, o. Sinasabawan kami ng ulan.
09:38Lumusong naman sa tubig si si Lita dahil may naipong tubig ulan sa tapat ng nicho ng tiyahin.
09:44Ulo lang, Tracy. Walang ibang tatapakan. Maghugas na lang nampasabay.
09:49Sabay sa ulan, ang buhos ng mga sasakyan at mga dumadalaw.
09:53Sunod-sunod tuloy ang kliyente ng mga nagpaparenta ng hagdanan sa mga nichong kailangan pang akyatin
09:59para maalayan ng kandila at mga pagkain.
10:05Sa Tugatog Public Cemetery sa Malabon, umiiyak si Mildred dahil hindi mahanap ang buto ng mister.
10:11Isa ang puntod ng mister niya sa mga hinukay noong 2021
10:14dahil sa rehabilitasyon ng sementeryo na hindi pa rin natatapos.
10:18Sabi ro sa kanya ng admin ng sementeryo, nasa storage area lang ang kanyang mister at ike-cremate na sa susunod na taon.
10:25Sabi ko, paano namin malalaman kung yun ang patay namin yung buto ng asawa ko?
10:30Noong inagsyumpo yung mga nakalibin dyan, meron naman po tayong mga witnesses.
10:37Sa wall of remembrance muna ang pansamantalang lapida ng mga hinukay sa Tugatog.
10:41Pero kahit dito, wala ang pangalan ng mister ni Mildred.
10:44Kaya ipinagtirik na lang nila ng kandila at inalayan ng dasal ang kanilang padre de familia.
10:49Sabi ng Malabon LGU, sa labing tatlong libong mga labi na hinukay noong 2021 sa Tugatog Cemetery,
10:55halos dalawang libo pa lang ang nakremate at nalipat na mga abo sa kolumbaryo.
10:59Ivan, hanggang alas 10 lang ng gabi bukas itong sementeryo, bawal mag-overnight.
11:13Bukas, ang opening naman nito ay alas 6 ng umaga.
11:17Sa mga pupunta po rito bukas, huwag na po kayo magdala ng sasakyan kasi sobrang traffic po sa Carino Highway.
11:22Hindi nyo rin naman mapapasok yung sasakyan nyo sa ombang sementeryo at pahirapan din po ang parking.
11:27Yan muna ang latest mula rito sa Novalichas, Yazon City. Balik sa'yo, Ivan.
11:31Maraming salamat, Jonathan Randall.
11:34Hindi lang po ang mga sementeryo ang dinagsa sa Baguio City.
11:37Ngayong undas weekend, pwede pati po yung mga pasyalan.
11:40Kaya po ang ilang kasad na bumigat ang dalaw ng trafiko.
11:43At mula sa Baguio City, nakatutuklan si Sandy Salbaco ng GMA Regional TV.
11:49Sandy?
11:50Pia, naglalaro sa 16 hanggang 20 degrees Celsius ang temperatura dito sa Baguio City ngayong weekend.
11:59Ang ilan na katatapos lang bumisita sa mga sementeryo, dumediretso sa mga pasyalan para makapag-unwind tulad na lang dito sa Burnham Park.
12:06Sa loob lang ng apat na oras mula nitong alas 7 ng umaga, nagdriple ang mga dumalaw sa Baguio City Public Cemetery,
12:16kung saan mahigit 15,000 ang nakahimlay.
12:19Hindi nawala ang salo-salo ng mga pamilyang bumisita sa puntod na mga yumaong kaanak.
12:24Habang may mga pamilya namang may tradisyon daw na sinusunod.
12:27Gaya ng pamilyang ito na abala sa pagtutupi ng mga susunuging papel na pinaniniwalaan nilang pampaswerte.
12:33Yun kasi ang nakaugalian na namin dito na pumupunta sa puntod, lalong-lala ang mga Chinese.
12:41Yun, nagbabantay ka dito.
12:45Bago magtanghali, bumigat ang trapiko sa mga daang patungo sa mga sementeryo at pasyalan.
12:50Lifted ngayong weekend ang number coding scheme sa syudad.
12:53Expect lang natin na pag-approaching tayo sa mga cemeteries natin, magkakaroon talaga ng congestion.
12:58Likewise, yung mga may dalang sasakyan, expect po natin na wala po talaga tayong maabutang parking area.
13:05Walang ipinatupad na traffic rerouting scheme ang Baguio City PNP ngayong Undas 2025.
13:10Mas pahihigpitan din daw nila ang pagpapatupad ng kanilang mga traffic ordinance,
13:14katulad na lamang ng no-parking ordinance at ang kanilang king of the road ordinance.
13:20Sa Mangaldan, Pangasinan, dag sana ang mga bumisita sa mga sementeryo alas 6 pa lang ng umaga.
13:26Mahigpit ang pag-inspeksyon sa mga dalang gamit para matiyak na walang maipapasok na mga ipinagbabawal gaya ng patalim at alak.
13:33Sa Kalasyao, Pangasinan, ang ilan sa mga dumalaw sa sementeryo may mga dala ng electric fan.
13:38May libreng sakay ang LGU lalot malayo ang parking area sa mismong sementeryo.
13:43Extended hanggang 10pm ang pagbisita sa mga sementeryo sa Kalasyao.
13:47Pia, bagamat may mga traffic build-up sa mga kalsada, ay manageable pa rin naman daw ito ayon sa Baguio City Police Office.
13:57Yan muna ang mga latest. Balik sa inyo.
13:59Marami salamat, sendi salvacion e GMA Regional Tour.
14:07Marami salamat, sendi salvacion e GMA.
14:12Marami salamat, sendi salvacion e GMA.
Recommended
6:38
|
Up next
2:40
6:57
10:30
4:52
8:56
10:33
6:44
10:17
8:48
21:50
9:55
8:58
2:32
3:55
12:38
8:55
12:20
6:11
8:42
9:55
7:40
29:42
8:14
Be the first to comment