00:00Patuloy ang mahigpit na paalala ng Quezon City LGU
00:03kaugnay sa tamang paghahanda at epekto ng baha sa mga komunidad.
00:08Yan ang ulat ni J.M. Pineda.
00:12Madalas nakakapaganda ang pamilya ni Nanay Flora sa tuwing bumabaha sa kanilang lugar.
00:17Pero nagulantang umano sila nitong hapon ng August 30
00:20dahil minuto lang ay umangat na agad ang tubig sa malapit na creek sa kanilang bahaya.
00:25Ang laki talaga agad. Pasok talaga sa amin, dyan, mga kapitbahay namin.
00:32Sa loob ng bahay ninyo, pumasok ko ba o hindi naman?
00:36Ano, nila dyan ko ng harang. Kung wala akong harang, pasok talaga.
00:40Papasok na yung tubig?
00:41Papasok ang tubig.
00:42Ano ang itsura ng tubig na? Sabi nyo kanina.
00:44Maitim. Itim-itim na parang malangis-langis ba?
00:48Minsan, ninenerbius ako kasi nga pag tindyan na yung tubig,
00:52diyan pero mababasa ang mga gamit.
00:54Ang kapitbahay naman niyang sinanay Sinayda.
00:57Bagamat hindi gaanong inaabot ng baha ang bahay,
01:00matindi pa rin ang kanyang pag-aalala sa mga kapitbahay
01:02na minsan daw bubong na lang ang natitirang kita sa mga kabahayan.
01:06Siyempre po, matatakot kami. Hindi mang kami binaba.
01:09Natatakot kami para sa kanila kasi tumataas talaga yung tubig.
01:13Kabilang ang ilang lugar sa Quezon City,
01:15isa lumulubog sa tuwing malakas at tuloy-tuloy ang ulan sa Metro Manila.
01:18Nito mga nakarang taon nga,
01:20umaabot ng lagpastao ang bahas sa ibang mga residential areas.
01:24Minuto lang ang bibilangin,
01:25lumulubog na agad ang mga kabahayan.
01:28Ang mga malalaking kalsada,
01:29gaya ng Commonwealth Avenue at Elliptical Road,
01:32hindi rin pinapatawad ng matataas na baha.
01:35Ang Quezon City LGU,
01:36patuloy naman ang paalala sa kanilang mga residente,
01:39lalo pa at maraming mga kabahayan
01:40ang nakatirik sa tabing iloga.
01:42Sa kanilang website,
01:44nakalagay dito ang mga tamang gawin bago,
01:46habang at pagtapos ng baha.
01:48Kabila nga dyan ang pananatili ng mga residente sa kanilang bahay
01:51at manood o makinig na mga ulat panahon.
01:54Kailangan rin umanong maghanda ng Emergency Go Bag
01:57at maghanda na rin ang Emergency Evacuation Plan.
02:00Kung sakali namang tumas na ang baha,
02:02umakyat na umano sa mas mataas na lugar at manatili muna dito.
02:06Maganda rin daw na magmonitor ng sitwasyon ng panahon.
02:09Iwasan rin umano ang paghawak sa mga dekuryenteng bagaya.
02:12Paalala pa nila na huwag lumangoy at maglaro sa baha.
02:16Huwag na rin umanong tangkain at tumawid sa mga sapa o iloga.
02:19Pagtapos naman ang baha,
02:21iwasan muna ang pagbubukas ng main switches sa bahay o mga appliances.
02:25Simulan na rin daw ang paglilinis ng mga bagaya
02:27na nalubog sa baha na maaaring kontaminado ng mga sakita.
02:31Kung sakali naman daw na lumikas,
02:33huwag agad bumalik hanggat hindi pa idinedeklarang ligtas ang lugar.
02:36Kapag may emergency, pwede umanong tumawag sa QC Hotline 122
02:41at manatiling alerto sa mga posibleng mangyari.
02:44J.M. Pineda para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.