00:00Sama-samang kumilos ang iba't ibang ahensya ng gobyerno para maghatid ng tulong sa mga apektado ng Bagyong Wilma at Sheerline sa Albay.
00:07Ang detale sa report ni J.M. Olate ng Radyo Pilipinas Albay.
00:14Agad tumugon ang mga ahensya ng pamalaan sa pangailangan ng mga residenteng na apektuhan ng Bagyong Wilma at Sheerline sa Lalawigan ng Albay.
00:22Puspusan ang pag-alis ng makapal na putik at tibri gamit ang backhoe ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways Region 5 matapos ang landslide sa bayan ng Santo Domingo.
00:32Kagad ding tinungo ng team mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Vehicle ang mga naapektuhan ng pagguho ng lupa upang magsagawa ng assessment sa ipapaabot na tulong mula sa pamalaan.
00:45Pagbibigay ng malinis na supply ng tubig naman ang tinutukan ng Bureau of Fire Protection sa mga residenteng binaha dahil sa magdamagang pagulan.
00:53Samantala, nagsimula na rin ang Albay Electric Cooperative sa pagpapanumbalik ng supply ng kuryente sa mga kabahayan sa lalawigan matapos masira ang ilang poste sa kasagsagan ng bagyo.
01:03Alin sunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. titiyakin ang pamalaan ang tuloy-tuloy, mabilis at malinaw na paghatid ng servisyo sa lahat na naapektuhan ng Bagyong Wilma at ng Shear Line.
01:17Patunay rito ang samasamang pagkilos ng mga ahensya sa Albay mula sa clearing operations, relief assessment, water supply augmentation hanggang sa agarang pagpapanumbalik ng kuryente.
01:27Mula rito sa Albay para sa Integrated State Media, GM Olarte ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments