Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Tatlong estudyante, sugatan nang mabagsakan ng tipak ng semento mula sa isang condominium sa Quezon City | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Stable na ang kondisyon ng isa sa tatlong estudyanteng nabagsakan ng debris mula sa isang gusali sa Quezon City.
00:07Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:10Galing convenience store ang tatlong batang nahulugan ng tipak ng semento mula sa isang condominium building sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue.
00:21Magka-team ang mga bata at mag-e-ensayo sana para sa isang upcoming Rubik's Cube competition.
00:27Pero sa halip na bahay, sa ospital isinugod ang tatlong estudyante ng Don Rosses Senior Science High School matapos nga mabagsakan ng bahagi ng palitada mula sa itaas ng gusali.
00:40Agad namang umaksyon ang kamuning police station 10 kahapon.
00:44Sinara nila ang lugar para masigurong kaligtasan ng publiko habang patuloy ang investigasyon.
00:50Dalawa sa tatlong mag-aaral naging kritikal ang kondisyon at ipinasok sa intensive care unit.
00:55Nagka-trauma naman ang kanilang mga magulang kaya tumanggi muna silang makipag-usap sa kahit kanino.
01:02As of 12.42 ng hapon ngayong araw, nag-update ang pamilya ng isa sa mga bata na na-operahan na sa ulo at under observation pa rin ang anak nila.
01:12Kasalukuyang stable ang kondisyon ng isa sa mga bata at ang isa ay nasa operating room pa.
01:19Sabi naman ng doktor, wala naman sinabing negative. Magandang news namin ng doktor.
01:28So under observation siya ng 10 days kung magbubuhay siya.
01:34Dagdag pa niya. Nag-abot naman ng tulong ang Homeowners Association ng Naturang Kondominium.
01:40Pero hindi pa rin makontakt ang management ng gusali dahil nasa Amerika ito.
01:46Giit ng pamilya. Hindi pa nila maasikaso ang ibang bagay.
01:49Hindi pa ako makalabas kasi gawa ng tinututukan ko yung anak ko. Mas importante yung anak ko muna eh.
01:55Sa pamalaan, kung may maitutulong sila sa amin, sana matulungan nila kami.
01:59Lalo na sa financial. Eh ang laki na rin nung running bill namin.
02:04Tiniyak naman ang Quezon City LGU ang tulong at suporta sa mga biktima at kanilang pamilya.
02:09Inatasan din ni Mayor Joy Belmonte ang mga tanggapan na pag-aralan ang mga posibleng kasong isasampa laban sa mga responsable.
02:18Dagdag pa ng QCLGU ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan, lalo na ng kabataan,
02:24ang kanilang pangunahing layunin at sisiguraduhin nilang hindi na mauulit ang ganitong pangyayari.
02:31Nagsagawa na ng inisyal na pagsusuri ang Department of Building official upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng palitada.
02:38Inutusan din ang may-ari o administrator na maglagay ng kanopi at palitan ang lahat ng lumang palitada
02:46habang pinag-aaralan ang posibleng pananagutan ng naglagay ng telecom antena malapit sa nasiyang bahagi.
02:54Ayon sa mga residenteng nakausap sa lugar, hindi ito ang unang beses na nangyari.
02:59Basta sabi lang ng anak ko, pangalawang beses na.
03:02Kasi sabi na mama, pangalawang beses na pala yan, dati pala may nalaglag na rin.
03:07Dagdag pa nila, sadyana nilang iniiwasan dumaan sa ilalim ng naturang gusali
03:13dahil last year rin may yellow line na rin ito.
03:17Yung last year lang napasokan nila, ma'am, yun may nakikita na akong yellow line dyan.
03:24Simula noon, hindi na rin kami dumadaan dyan.
03:26Yung anak ko naman, mahatid na hinahatid ko yan saan.
03:28Dito kami dumadaan, never akong dumaan talaga dyan.
03:30Hindi nga nakikita akong luma na eh.
03:32Sinubukan naman nating makipag-ugnayan sa pamunuan ng nasabing gusali
03:36para kunin ang kanilang panig.
03:39Pero hanggang ngayon, wala pa rin silang tugon.
03:42Wala ding anumang pahayag silang inilalabas.
03:45Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended