00:00Quezon City LGU, tiniyak na nakalatag na ang master plan para sa drainage system ng siyudad.
00:06Kasunod ito ng malapakang pagbaha sa lugar nitong weekend.
00:09Ang detalye sa report ni J.M. Pineda live.
00:13Rise and shine, J.M.
00:15Audrey, itong barangay Tandang Sora ang isa sa mga lugar na malalalim ang baha kapag tuloy-tuloy ang ulan dito sa Quezon City.
00:22At nitong weekend nga ay talagang lumubog muli ang lugar dahil sa lakas ng buhos ng ulan sa Quezon City.
00:30Nagmistulang ilog ang bahaging ito ng Tandang Sora noong hapon ng August 30 matapos bumuos ang napakalakas na ulan sa Quezon City.
00:40Lagpastuhod ang taas ng baha at ang mga basura ay lumulutang pa.
00:44May mga bata ding nagtatampisaw at nakalusong sa baha.
00:47Ang ilang bahagi naman ng elliptical road ay napunuri ng tubig at ilang mga motorista nga ang nastranded dahil lagpastuhod din ang baha sa lugar.
00:55Naging tsurang parking lot din ang bahaging ito sa Commonwealth Avenue.
01:00Di na rin kasi tinangkapang lumusong ng mga sasakyan sa mataas na baha.
01:04Hindi rin pinalagpas ng matinding pagbaha ang Katipunan Avenue na hindi naman na talagang inaabot ng baha.
01:11Halos kalahati na mga gulong ng kotse ang inabot ng pagbaha.
01:15Maraming mga residente ang nagulantang sa mabilis na pagtaas ng baha sa iba't ibang lugar sa Quezon City.
01:20Sabi ng pag-aasa, hindi normal ang binagsak na ulan noong Sabado ng hapon na umaabot ng 96.6mm o katumbas ng limang araw na pagulan.
01:30Kaya ang resulta, hindi kinaya ng mga drainage ang buhos ng ulan.
01:34Ang ilang mga lugar na hindi binabaha ay lumubuglin.
01:37Ayon sa QCLGU, nakalatag na ang master drainage plant sa syudad kung saan kasama nga dyan ang detention basin sa barangay Tandang Sora.
01:46Nasa ilalim nito ng isang ginagawang basketball court.
01:50May mga kapasidad itong 1,256 cubic meters.
01:55Pwede umanong mahilin tulad ito sa kalahati ng isang Olympic size na swimming pool.
02:00Nasa 160 na mga detention basin ang nakaplano ngayon na ipagawa ng QCLGU.
02:06Audrey, sa ngayon nga ay tuloy-tuloy pa rin ang pagkulan dito sa Quezon City na nagsimula pa kaninang madaling araw.
02:14Kaya naman ang DILG ay nagdeklata na rin na walang pasok sa ilang lugar sa bahagi ng Luzon.
02:21Katulad na nga niyang NCR, kasama na dyan ng Quezon City.
02:23Ang ilang bahagi rin ng mga katabing probinsya nito ay wala na rin pasok, kasulad na lamang ng Bulacan at ng Rizal.
02:30At sabi nga ng pag-asa, posible pang magtuloy-tuloy itong ulan na ito, lalo na sa western part.
02:35Kasama na nga yung NCR dyan, yung Bulacan, Rizal at ilan pang bahagi sa may kanlurang bahagi ng Luzon.
02:41Sa eastern part naman ay maulan din, Audrey, dahil doon sa LPA na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
02:50Yan muna ang latest. Balik sa iyo, Audrey.
02:51Maraming salamat, J.M. Pineda.