00:00Isang sawa ang nagdulot ng takot sa Davao City, matapos itong gumapang sa isang natutulog na residente.
00:07Inang ulat ni Janessa Felix ng PTV Davao.
00:12Isang malaking reticulated python ang pumasok sa isang bahay sa Kabantian, Davao City.
00:17Kwento ng 31 years old na si Cindy. Natutulog siya noon sa sofa dahil sa init ng panahon.
00:23Nang bigla niyang naramdaman na may mabigat na bagay na nasa ibabaw ng kanyang katawan.
00:28Naramdaman niyang may malamig na gumagalaw-galaw sa kanyang mukha.
00:32Agad siyang napatayo at nagulat ng makita na sawa na pala ito.
00:35Nagising na lang ako kasi yung katawan ng ahas is nandito na sa katawan ko.
00:43And kasi feeling ko ang bigat-bigat ng pakiramdam ko eh and nakatihaya ako na natutulog sa sala namin.
00:52Agad siyang tumawag sa Central 911 upang marescue ang sawa.
00:55Sa video na kuha sa insidente, makikita ang naghahanap ng lalabasa ng sawa dahil may screen ang bintana.
01:03Kaya dahil sa takot, binuksan ni Cindy ang pinto at saka nakalabas ang sawa.
01:07Hindi na naabutan ang mga responding rescue team.
01:10Ayon kay Cindy, posibleng nanggaling ang sawa sa kanilang banyo.
01:14After noon is naghanap na siya kung saan siya makalabas.
01:20Hindi naman siya makalabas kasi ang window namin is nakascreen and yung door is nakascreen din.
01:27Hindi naman masisisi ng pribadong animal rescue center sa lungsod ang may-ari ng bahay na si Cindy.
01:33Nahayaang lumabas ng bahay ang sawa dahil sa takot.
01:36Kung nakakita po kayo ng snake, huwag niyo pong hawakan.
01:41Delikado po kasi baka venomous ang snake na pumasok sa bahay ninyo.
01:48Ayon sa kinatawan nitong pribadong animal rescue center dito sa Davao City,
01:53naiwasang hawakan ang mga ahas na maaaring makita sa loob ng kanilang bahay dahil maaaring delikado ito.
02:00Sa halip ng direkta itong hawakan ay gumamit na lamang itong improvised snake hook gaya ng mahahabang mga sticks,
02:07walis o kahit anong kahoy na pwedeng gamitin pantulak nito sa isang box sa basurahan o sa pansamantalang lagayan.
02:15Dahil constrictors ang mga sawa, posibleng pumulupot ito sa katawan o sa liig ng tao kung tangkaing hawakan, lalo na kung malaki ito.
02:23Karaniwang lumalabas ang mga ito sa kanilang lungga kapag sobrang init ng panahon,
02:27o kaya naman kapag tag-ulan dahil ayaw ng mga sawa ng tubig baha.
02:31Usually, ang snake, wala po silang intensyon na manakit ng tao.
02:39Baka lang kasi uulan that time o masyadong mainit o masyadong baka-ulan na babaka.
02:45Kaya pumasok siya para magdaghanap siya ng safe area para sa snake.
02:50Paalala ni Borja, huwag patay ng mga sawang makikita dahil hindi nila intensyong manakit
02:55at kadalasang natatakot lang din ang mga ito.
02:58Janessa Felix para sa Pambansang TV sa Bago, Pilipinas.