00:00Itinanggi ni Sara Descaya na dawit ang kanyang kumpanya sa ghost flood control projects
00:05nang humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
00:09Ilan pang contractor at district engineer ang sumalang at nasabon sa pagdinig?
00:14May report si Sandra Aguinaldo.
00:18Ang Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation
00:22tinukoy mismo ni Pangulong Marcos na pangalawa sa top 15 contractors
00:26na may pinakamaraming flood control projects.
00:29Si Sara Descaya ang may-ari nito.
00:31Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee,
00:34itinanggi ni Descaya na dawit ang kanyang kumpanya sa anumang ghost flood control project.
00:39May ghost project?
00:42Wala po.
00:43Definitely.
00:43Dahil pag meron kami madiscover na may ghost project, pakukulong kita rito.
00:48Wala po talaga.
00:49Naungkat ang sinabi niya sa isang interview
00:52kung paano at kailan sila nagsimulang pumaldo sa kanilang construction business.
00:56Kailan po kayo unang nagkaroon na kumita ng billion sa construction industry?
01:02Sinasabi niya sa interview niyo, noong DPWH na kami.
01:05We have been in the construction business for 23 years.
01:09So I would presume that in the 23 years, pwede naman siguro kami po kumita.
01:14Sabi ni Descaya, splice umano ang video ng interview.
01:17Yung billion, when I said DPWH, because prior to that, we were in local government.
01:24They spliced the video that was taken of me and just mentioned the DPWH.
01:31Tanong ni Sen. Bato de la Rosa, kailan ba sila nagsimulang mang-contrata sa DPWH?
01:37Sometime in 2012, we started with DPWH.
01:40Siguro mga 2016 onwards.
01:44Please make sure of your answer.
01:45Yes po, 2016 onwards po.
01:472016 onwards?
01:48Yes po.
01:49Naungkat din ang apat tapong magagarang sasakya ng mga Descaya.
01:52Anya, 28 lang ang luxury vehicles nilang pamilya.
01:56Sa kumpanya naman daw ang iba na service vehicles ng mga engineer.
02:01Ang balita ko, dun sa interview mo, binili mo yung isang Rolls Royce dahil nagandahan ka sa payong.
02:06Tama ba?
02:10Sir, yes po.
02:11Saan mo binili?
02:12Sa dealer po.
02:14Hindi ka nag-import?
02:16No po.
02:17Saan niyo gagamitin yung 28 kotse na luxury cars?
02:20I have four kids that use it all the time.
02:23You bought that from the taxpayer's money?
02:26No po.
02:26Oh man.
02:27Hindi po.
02:28Huwag na tayo mag-lokan dito.
02:31Iginiit ni Descaya na tanging Alpha and Omega na lang ang kanyang pagmumayari at nag-divest na sa iba.
02:36Pero inamin din niyang may kaugnayan pa rin siya sa walong construction company na may government contracts.
02:42So, you confirm?
02:44Lahat ng sum na yan.
02:45Kayong pagmumayari.
02:46Kayo, ikaw ang mayari.
02:49Tama?
02:50Part owner po.
02:51Ipinakita ni Senadora Riza Ontivero sa mga calling card ng asawa ni Descaya na si Curly sa iba't-ibang construction company.
02:58Kalaunan, naungkat na ang ilang kumpanya ay pagmamayari ng kamag-anak o empleyado niya.
03:04Kinwestiyon din ang mga senador kung paano na pagsabay-sabay na mga kumpanya ni Descaya ang daan-daan government projects.
03:10Ang Alpha and Omega halimbawa, nakakuha ng 71 projects noong 2022.
03:16Gate ni Descaya, wala silang kapit sa DPWH para makakuha ng maraming project.
03:21Magkano binibigay mong porsyento o advance sa mga tiga DPWH para mabigyan ka ng proyekto?
03:28Wala po ako binibigyan sa DPWH po.
03:32Baka may ipakita ko sulat sa iyo.
03:36Maming ka na.
03:37Wala po ako talaga.
03:39Kasi hindi po ako nakikipag-transact with the DPWH.
03:43At the end of the day,
03:43Pag nagsinungaling ka,
03:48ipapakita ko yung sulat.
03:51Imino mo.
03:53Di ba umabot hanggang 40%?
03:55Sa DPWH wala po akong kausap talaga.
03:58Tinanong naman ni Senador Bonggo si Descaya
04:00kung totoong nakapartner na nila
04:02sa proyekto ang kumpanyang nakapangalan
04:04sa kanyang ama na CLTG Builders.
04:07Ms. Descaya,
04:08hindi po kita kilala.
04:12Alam mo ba ang proyekto ninyo na
04:14naiulat kasi ngayong araw, ngayon lang,
04:17na joint venture niyo raw po ang CLTG?
04:222017?
04:24I think so, yes, before.
04:25Doon ay pinunto ni Go na kailanman
04:28ay hindi siya nakikialam sa kumpanya ng kanyang pamilya.
04:31If meron pong deficiencies at meron silang pagkukulang,
04:35ako mismo po ang magre-recommenda
04:37sa committee ng ito na kasuhan sila.
04:40Kahit kamag-anak ko,
04:42kahit involved sa kahit na anuman pong pagkakamali,
04:47kasuhan niyo po sila.
04:49Si Rabundin ang may-ari ng Wawaw Builders
04:52na iniuugnay rin sa ilang ghost projects sa Bulacan.
04:55I invoke my refusal incrimination in your honor.
04:58Okay.
04:59Can you repeat your answer?
05:00Wow.
05:00Dahil may mong asapin po na kakasuhan
05:02yung mga contractor ng DPWH po
05:04at parte ng ulat ng Senado
05:06na mag-recommend na na paghahain
05:08ng kaso laban sa resource person,
05:10ang payo na aking mga abogad
05:11ay huwag magsalita sa panahon na ito.
05:13It is only answerable by yes or no, Mr. Arevalo.
05:16Bene-verify pa po namin in your honor.
05:18Question din kung paano
05:19nakakubra ng 58 flood control projects
05:22sa halagang 5 billion pesos.
05:24Ang MG sa Medan Construction
05:26gayong General Engineering A lang
05:28ang kategorya nito.
05:30Ibig sabihin,
05:30hanggang 300 million pesos lang
05:32ang bawat proyekto pwedeng gawin.
05:34Nakakakuha ka ba more than
05:35or up to 300 million?
05:38Ay, hindi po, hindi po, dear honor.
05:40Kasi pag ang ginawa mo,
05:42bin-recap mo,
05:44ito yung splitting of contract.
05:48Kalimbawa, 500 million.
05:51Ang ginawa mo in cahoots
05:53with the DPWH district engineer,
05:56100, 100, 100,
05:58o inisplit mo yung contract,
06:00then you were able to circumvent the law.
06:02Malalaman po namin yun eh.
06:05Inamin naman ni dating
06:06Bulacan 1st District Engineer,
06:08Henry Alcantara,
06:09na ilang flood control projects
06:10sa Bulacan
06:11ang di makita
06:12o ghost projects
06:13o may problema.
06:14Aniya,
06:15nang marinig
06:16ang State of the Nation
06:17address ng Pangulo,
06:18nagpa-audit siya
06:19sa mga dating tauhan
06:20sa mga flood control projects
06:22sa Bulacan
06:22na sina-engineer
06:23Bryce Hernandez
06:24at isang engineer galang.
06:26Inireport daw nila
06:27kay dating DPWH
06:28Secretary Manuel Bunuan
06:30ang problema.
06:32Pag-amin ni Alcantara,
06:33may kapabayaan siya
06:34ng magtiwala
06:35sa pirma ng mga tauhan niya
06:37kaya pumirma rin siya
06:38sa kontrata at proyekto.
06:40Isa pang inamin ni Alcantara.
06:42So,
06:42nagkakasino po kayo
06:43si Bryce Hernandez.
06:44Inamin ko po,
06:44Mr. Chair.
06:46So,
06:47sa inyong paglalaro,
06:49bukod doon,
06:50yung lifestyle,
06:52balita ko nga,
06:53sana pag dumati
06:53si Bryce Hernandez,
06:54Mr. Chair,
06:55pang-issuean nyo na po
06:56siguro ng waranta pa rest,
06:58ay
06:58mga ilang beses
07:00ko kayo naglalaro
07:01sa isang buwan,
07:04yung grupo nyo po.
07:06Mga dalawa
07:07hanggang tatlo po,
07:09Mr. Chair.
07:10Wala si Hernandez
07:11sa pagdinig,
07:12kaya pinapasight
07:13in contempt
07:14ng mga senador.
07:15I-issuehan din
07:15ang show cause order
07:16at posibleng ipa-aresto
07:18ang may-ari ng
07:19High Tone Construction
07:20and Development Corporation.
07:22Sandra Aguinaldo
07:23Nagbabalita
07:24para sa GMA
07:25Integrated News.
Comments