Skip to playerSkip to main content
Kinumpirma ng DPWH sa Senate Blue Ribbon Committee na may mga hinihinalang ghost flood-control project sa Bulacan. Pina-subpoena naman ng komite ang ilang malalaking contractor na nang-ghost o hindi sumipot sa pagdinig. May report si Mav Gonzales.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kinumpirma ng DPWH sa Senate Blue Ribbon Committee na may mga hinihinalang ghost flood control projects sa Bulacan.
00:07Pinasabpina naman ang komite ang ilang malalaking contractor na ng ghost o hindi sumipot sa pagdinig.
00:14May report si Mav Gonzalez.
00:18Ang pader na ito nagsisilbing pananga ng mga taga-barangay San Pascual sa Hagonoy, Bulacan,
00:24sakaling tumaas ang tubig mula sa ilog.
00:26Pero puto lang ilang bahagi nito, kaya ang tubig pumapasok sa barangay.
00:31Dito po sa kalsada dyan sa amin, hanggang dito.
00:34Hanggang bewang, lampas bewang.
00:35Oo, sa kalsada naman doon, ay sa pasokan naman sa amin, dito naman ho.
00:39Hanggang dibdib naman?
00:40Oo.
00:41So hindi po nakatulong yung ginawa?
00:43Ay, hindi ho, kasi hindi naman dire-diretso ito ho.
00:46Sabi ng Alkalde ng Hagonoy, 3 billion pesos ang halaga ng flood control projects sa kanilang bayan.
00:52Pero ipinagtataka niya kung bakit tila bungi ang mga proyekto.
00:55Imbis po na sa tatlong oras o dalawang oras ay nagsasubside na ang tubig,
01:01ngayon po natatagalan ang pagbaba ng tubig.
01:05Kung sakali po na may ganito sanang klase na mga programa,
01:10sana po ay well-coordinated sa mga local government unit.
01:15May po ang nakakaalam higit sa lahat kung ano po ang kalalagayan ng aming bayan.
01:20Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa isyo ng flood control projects,
01:24hindi lang mga palyadong proyekto ang nabunyag.
01:27May hinihinalang ghost projects din,
01:29particular sa First Engineering District ng Bulacan.
01:32My office received reports that there are ghost projects in the municipalities of Kalumpit,
01:38Malolos, and Hagonoy in the province of Bulacan.
01:41Can you confirm this?
01:42Yes, Your Honor.
01:43And the contractor allegedly,
01:48Wawaw Builders, correct?
01:50That's correct, Your Honor.
01:53Sabi ng DPWH, mula 2022 hanggang 2025,
01:5785 projects na nagkakahalaga ng 5.91 billion pesos
02:01ang nakuha ng Wawaw Builders sa Bulacan.
02:04Sa buong bansa, 9 billion pesos ang kontrata ng Wawaw.
02:07Iniimbestigahan na ito ng DPWH,
02:10pero nire-relieve na ni Sekretary Manny Bonoan
02:12ang buong District Engineer Office.
02:14Was there a senator or a congressman who inserted that for that particular area?
02:21Well, we'll just have to find out, Your Honor.
02:23Kabilang ang Wawaw Builders sa 15 contractors na pinatawag sa pagdinig,
02:27pero walang dumating mula sa Wawaw at sa 7 pang kumpanya.
02:31Pinasabpina ng komite ang 8 contractors,
02:33nakasama sa mga pinangalanan ni Pangulong Marcos
02:36na pinakamalalaking kontratisa ng gobyerno sa flood control.
02:39May I move for the issue 1 of subpina
02:43to those absent invited resource persons,
02:48particularly yung mga contractors, Mr. Chair,
02:51to require them to be present in the next hearing.
02:56I so move, Mr. Chair.
02:59I think the motion is in order.
03:04No objection?
03:06Motion is carried.
03:07I recommend to our Senate President Pro Tempore
03:13to subpoena the owners of the corporations,
03:17not merely representatives.
03:20Kasi na subukan na natin dito yan,
03:22pag representatives,
03:24wala hong isasagot ho yan.
03:25Tanong naman ni Senator Allan Cayetano,
03:28paano nakalusot ang ghost project sa DPWH?
03:30Sa DE, it's a district engineer project
03:33or the regional office says kompleto to.
03:37Pag nag-report siya sa ASSEC,
03:39titignan ba nung ASSEC?
03:40Yun yung gusto namin maklarify
03:42para alam namin kung sino ipatatawag namin.
03:44Meron po yung Quality Assurance Unit
03:46in all levels, Your Honor.
03:48If the project is being implemented by the district,
03:52then the Quality Assurance Unit of the district
03:54will be the one to make the report.
03:56Pino na rin ng mga senador
03:57kung bakit may flood control project
03:59sa mga hindi naman talaga binabaha.
04:01Suwestyo ni Sen. Bam Aquino,
04:03ang 243 billion pesos na pondo
04:06para sa flood control sa 2026 national budget
04:09ilipat sa mga munisipyong
04:11tukoy nang madalas binabaha.
04:13Sinita naman ni Sen. Wynn Gatchalian
04:14ang mababang kapitalization ng mga kontraktor
04:17na nakakuha ng bilyong-bilyong pisong
04:19flood control projects.
04:20Gaya ng MG Samidan Corporation
04:22na mahigit 5 billion piso
04:24ang nakuhang kontrata.
04:25Kahit 250,000 pesos lang
04:27ang paid-up capital.
04:28Ang QM Builders naman,
04:301.25 million pesos ang paid-up capital.
04:33Pero mahigit 7 billion pesos
04:34ang nakuhang kontrata.
04:36QM Builders.
04:38Ang kanyang contract is 7.3 billion.
04:41Pero ang kanyang capitalization
04:42is 1.2 million.
04:45So ang punto ko ho,
04:46meron ho talagang mga tao
04:49na linalaro po
04:51yung pre-qualification stage.
04:53Sagot ng may-aring ng QM Builders,
04:55dalawa ang kumpanya nila.
04:57Isang hardware store at isang construction
04:58na pareho ang pangalan.
05:00Siguro raw,
05:01para sa hardware store
05:02ang nakuhang financial statements
05:03ng Senador.
05:04Ang sinasabi niyo,
05:05meron siyang 40 billion pesos.
05:07Yung NFCC,
05:08kinukumpute ng times 15 yun,
05:09Mr. Che.
05:11Halimbawa,
05:12may 1 billion ka sa banko.
05:15Pwede ka sa 15 billion.
05:17Kaya kami mong kontrata
05:18hanggang 40 billion.
05:20Pero uminit ang ulo
05:21ni Blue Ribbon Committee Chairman
05:22Sen. Rodante Marcoleta
05:23nang sabihin ng QM Builders
05:25na wala pa silang
05:26nagawang proyekto sa gobyerno.
05:27Hindi ka pa nakagawa ng project?
05:30Hindi pa.
05:31Kasi yung nag-asawa ko ng 1991,
05:33nag-upisa kami sa hardware.
05:34Yung maliit na hardware,
05:36nag-itintalang bambo,
05:37mag-ano'n eh.
05:38Bakit nasama ka sa 15 contractors
05:41sa listahan ng Pangulo?
05:44So sinasabi mo,
05:45mali ang Pangulo.
05:46Gumawa na tayo ng
05:47Pride-Contra practice?
05:49O ngayon,
05:49gumawa ka na naman.
05:50Ano ba talaga yung totoo?
05:55Baka hindi ka makauwi sa araw na ito.
05:57Nagsisinungaling ka na naman eh.
05:59O kanina,
05:59sinabi mo,
06:00hindi ka pa nakapagumpisa eh.
06:03Meron akong hawak na martilyo rito,
06:05sinasabi ko sa'yo.
06:06Mr. Chair.
06:07Huwag kang tatawa-tawa
06:08kasi hindi nakakatawa ito ah.
06:11Mr. Chairman.
06:12Dito lang nagsisinungaling ka na eh.
06:15Sa huli,
06:15pinasumiti na lang ng komite
06:16ang financial statements ng kumpanya.
06:19Mav Gonzalez,
06:20nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:23Huwag magpahuli sa mga balitang
06:25dapat yung malaman.
06:26Mag-subscribe na
06:27sa GMA Integrated News
06:28sa YouTube.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended