Skip to playerSkip to main content
Nasa Portugal umano si Dating Congressman Zaldy Co na isa sa ipinaaaresto kaugnay sa substandard flood control project sa Oriental Mindoro. Handa namang humarap sa Independent Commission for Infrastructure ang idinadawit ni Co sa budget insertions na si Pangulong Marcos. May report si Joseph Morong.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nasa Portugal, Mano, si dating Congressman Zaldico,
00:03na isa sa ipinaaresto kaugnay sa substandard flood control project sa Oriental Mindoro.
00:09Handa namang humarap sa Independent Commission for Infrastructure
00:11ang idinadawit ni Ko sa budget insertions na si Pangulong Marcos.
00:16May report si Joseph Moro.
00:21Kinalawit, pinukpok at talagang pinanggigilan ng mga nagrally contra corruption kahapon
00:25ang effigy ni na Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte.
00:29Tila sila raw ang muka ng katiwalian sa kasalukuyang administrasyon.
00:34Kahit si Pangulong Marcos mismo ang nagbunyag sa mga kinurakot at guni-guning flood control project,
00:40idinawit naman siya ni dating Congressman Zaldico sa pagsisingit ng 100 bilyon ni peso sa 2025 national budget.
00:48Itinanggihan ang Pangulo sa bayahamon kay Ko na umuwi para patunayan ng bintang.
00:53Sa pag-iimbestiga ngayon ng Independent Commission for Infrastructure or ICI
00:57sa mga manumalyang proyekto, sabi ng Palasyo, handlang humarap si Pangulong Marcos kung ipatatawag
01:03basta may ipresent ng ebidensya laban sa kanya.
01:06Is the President willing to appear before the ICI if there will be evidence that will link him to those issues?
01:14Ang ICI po ay isang independent commission. Kung ano po ang maibibigay sa kanilang maliwanag na ebidensya,
01:21wala naman pong pagtututol ang Pangulo dyan.
01:23Minonitor daw ng Pangulo sa Malacanang ang mga protesta kahapon.
01:33Sabi ng Palasyo, batid daw niya ang mga panawagan at mga puna sa tagal ng imbestigasyon.
01:38Kailangan daw igalang ang due process pero tila naiinip na ang taong bayan.
01:43Nasaan na raw ang mga malalaking isda?
01:45Gaya ni Saldico na pina-aresto ng Sandigan Bayan,
01:49dahil sa substandard umunong P289M sa flood control project,
01:54ayon kay DIAG Secretary John Vic Remulia nasa Portugal, si Co.
01:58He is suspected to have a Portuguese passport acquired so many years ago.
02:04Ayun lang ang details.
02:06Nakikiusap kami sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na kung makita na rin si Saldico,
02:10kung pwede na lang picturan, padala ka agad, ipost ka agad sa internet
02:14para may idea tayo kung nasaan siya.
02:16Sabi naman ang DFA, active pa ang Philippine passport ni Co.
02:20dahil wala pang utos sa kanila na kansilahin ito.
02:23Tatlong kapwa akusado ni Co ang nasa ibang bansa rin,
02:26ang isa taga DPWH na nasa Israel, Umano.
02:29Wala pa. But we have an effort ma'am kasi may mga pulis atasya naman po kami doon.
02:34The GPNP has already redirected our pulis atasya.
02:37Habang ang dalawa taga San West at nagpaparamdam daw na sumuko.
02:41May mga kamag-anak na lumapit.
02:43Wala po silang personal na abogado and apparently parang napabayaan.
02:48So they're takot also.
02:50Yung tatlo kasing hinahanap ma'am na nasa lokal.
02:54Although nakita natin na mataas ang posisyon nila sa company yun,
03:00but dami lang po yun.
03:02So basically, they do not have the money.
03:05Hinahabol din ang gobyerno ang mga ari-aria na mga dawit.
03:08Sa biyernes, ipasusubasta ang apat na luxury vehicle na mag-asawang Pasifiko at Sara Diskaya na hindi nabenta sa unang auksyon.
03:16Pinababaan na rin ang mga presyo ng mga ito.
03:19Kung hindi pa rin daw mabibenta ang mga luxury vehicle na mga diskaya,
03:24pwede daw itong ipadirect offer o kaya naman ay sirain na lang.
03:27Sa ngayon, siko at labing limang iba paantangin ay hahablan ng ombudsman sa Sandigan Bayan
03:33kaugnay sa umunima-anumalyang flood control projects.
03:36Tuloy-tuloy ang investigasyon ng ombudsman sa iba pang inerekomenda ng ICI na kasuhan.
03:41Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended