Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Pinapagiba ng Quezon City Hall ang pumping station na itinayo ng DPWH sa ibabaw ng isang creek kahit tinutulan noon at napalala umano ng pagbaha sa lugar. Sinita rin ito ang pagpapatayo ng isa pang proyekto sa isang lugar na hindi bahain noon pero binabaha na ngayon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinapagiba ng Quezon City Hall ang pumping station na itinayo ng DPWH
00:04sa ibabaw ng isang creek kahit tinutulan noon at napalalaumano ng pagbaha sa lugar.
00:11Sinita rin ito ang pagpapatayo ng isa pang proyekto sa isang lugar na hindi bahay noon pero binabaha na ngayon.
00:17Nakatutok si Maki Pulido!
00:22Nang manalasa ang Bagyong Ondoy noong 2009,
00:25hindi naman binaha ang Riverside Extension sa Barangay Commonwealth sa Quezon City.
00:30Pero nang bumayo ang magkakasunod na bagyo at habagat nitong Hulyo,
00:34mabilis na tumaas ang baha na nagpalubog sa mga kabahayan at kalsada.
00:39Parang dagat.
00:40Minsan po wala pa ang 30 minutes na,
00:42kunwari sobrang lakas po ng ulan, wala pa po ang 30 minutes hanggang dito na huya.
00:46Ang flood control project na ito ang sinisisi ng mga residente.
00:50Noong 2023, kumipotan nilang ilog ng magtayo ng retaining wall.
00:55Bumabaw pa ito ng tambakan.
00:58Ito yung riprap bago itayo yung flood control project.
01:02Pero sa halip na dito mismo itayo yung retaining wall,
01:05eh sa harap nito itinayo ang retaining wall na ito.
01:08So ang sinasabi ng mga residente,
01:10ang naging resulta nito sumikip yung ilog.
01:13Maliban dyan, eh tinambakan at sinementohan yung ilalim ng ilog.
01:17Kaya ang naging resulta, bumabaw pa yung ilog.
01:21Committed na, bumabaw, tapos nagkaroon pa po ng isang matinding problema doon, sumikip.
01:26Pagdating po niya doon sa pagligo na yan, imbudo na ho yan.
01:29Sa datos mula sa DPWH, Legacy Construction Corporation ang kontratista sa 49 million peso project na ito.
01:37Sa mga construction companies na binanggit ni Pangulong Marcos,
01:40Legacy ang may pinakamaraming nakuhang flood control projects na may kabuang halaga na mahigit 9.5 billion pesos.
01:48Nagulat si Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagpatayo ng proyektong kontrabaha ang DPWH sa komunidad na alam niyang hindi naman binabaha.
01:58May mga flood control projects pala.
02:00Ang DPWH na sa nagawa sa lungsod natin na hindi pala nakoordinate sa city,
02:04na ngayon lang namin nalalaman.
02:06Definitely, nabigay na ako ng instructions sa City Engineer's Office namin na hanapin lahat ng mga project na ito
02:13at i-document lahat at i-imbestigahin natin lahat ito.
02:17Nalusutan din anya ang City Hall ng DPWH sa pumping station na ito sa Barangay Santo Domingo
02:23na itinayo sa ibabaw mismo ng creek.
02:26Ayon kay Mayor, hindi ito pinayagan ng ipresinta sa City Hall
02:29dahil hindi naayon sa drainage master plan ng syudad.
02:33Kahit sinabi niya ng City Hall na hindi ito ang tamang kontrabaha sa lugar,
02:37ay itinuloy pa rin ng DPWH ang proyekto.
02:40Dahil diyan, lumalaan niya ang baha sa Barangay Santo Domingo at mga kalapit na barangay.
02:46I feel there may be red flags.
02:48Bakit? Nung nilapit sa amin ay ongoing na pala yung construction.
02:52That feels quite devious.
02:54Nung nag-object kami, sabi namin hindi yata yan ang solusyon dun sa problema ng flooding sa lugar na yan,
03:00tinuloy pa rin nila.
03:01St. Timothy Construction naka-joint venture ang Pilastro Builders,
03:06ang kontratista sa 96 million peso project na hindi pa raw tapos
03:10dahil wala ang mismong pump.
03:12Napagalaman din ni Belmonte na para matapos,
03:15naghihintay pa ito ng dagdag na 250 million pesos na bagong alokasyon sa 2026 budget.
03:22Giba inyo na po ang inyong pinatayong infrastruktura sa gitna po ng creek
03:27dahil yan po ang nagiging sagabal sa pagdaloy ng tubig.
03:30Sa buong bansa naman, mahigit 7 bilyong piso ang na-corner na budget ng St. Timothy Construction.
03:36Batay sa SEC General Information Sheet ng St. Timothy,
03:40sa gusaling ito sa Pasig City ang opisina nito.
03:43Ito rin ang office address ng Alpha and Omega Construction,
03:47na higit 7 billion pesos rin ang nakuhang budget para sa mga kontrabahang proyekto.
03:51Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang DPWH District Office
03:56at ang kumpanyang nasa likod ng mga nabanggit na proyekto sa Quezon City.
04:00Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.

Recommended