- 14 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Mga hakbang kung paano babawiin ang pera ng taumbayan mula sa mga korap na opisyal, pinag-usapan ng ICI kasama ang 17 ahensya
-Taxi driver, sugatan matapos holdapin at saksakin umano ng kanyang 3 pasahero; mahigit P3,000 cash, natangay
-PBBM, bukas sa pagsasapubliko ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth
-ICI: Curlee at Sarah Discaya, hindi na makikipagtulungan sa imbestigasyon sa flood control projects
-Lalaking suspek sa kabi-kabilang pagnanakaw, arestado; tumangging magbigay ng pahayag
-P6.3M halaga ng tanim na marijuana sa Brgy. Kayapa, sinira at sinunog
-DPWH, nakikipagtulungan sa Insurance Commission para mabawi ang kahit 30% ng contract price ng kuwestyunableng flood control projects
-Sinibak na pump attendant, hinoldap ang dating pinagtatrabahuhang gasolinahan; mahigit P100,000 na kita, natangay
-Grupo ng mga lalaki, pumasok sa isang bahay at nanggulpi; wala pang pahayag at pinahaharap sa presinto para magpaliwanag
-7 sa 10 magkakaanak, sugatan matapos madiskaril ang sinakyang horror train ride
-Pulis at manager ng security agency, arestado dahil sa ilegal umanong pagbebenta ng hindi lisensyadong armas
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Taxi driver, sugatan matapos holdapin at saksakin umano ng kanyang 3 pasahero; mahigit P3,000 cash, natangay
-PBBM, bukas sa pagsasapubliko ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth
-ICI: Curlee at Sarah Discaya, hindi na makikipagtulungan sa imbestigasyon sa flood control projects
-Lalaking suspek sa kabi-kabilang pagnanakaw, arestado; tumangging magbigay ng pahayag
-P6.3M halaga ng tanim na marijuana sa Brgy. Kayapa, sinira at sinunog
-DPWH, nakikipagtulungan sa Insurance Commission para mabawi ang kahit 30% ng contract price ng kuwestyunableng flood control projects
-Sinibak na pump attendant, hinoldap ang dating pinagtatrabahuhang gasolinahan; mahigit P100,000 na kita, natangay
-Grupo ng mga lalaki, pumasok sa isang bahay at nanggulpi; wala pang pahayag at pinahaharap sa presinto para magpaliwanag
-7 sa 10 magkakaanak, sugatan matapos madiskaril ang sinakyang horror train ride
-Pulis at manager ng security agency, arestado dahil sa ilegal umanong pagbebenta ng hindi lisensyadong armas
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00We'll be right back to the investigation of the Independent Commission for Infrastructure.
00:06My Ulat on the Spot, Joseph Morong.
00:09Joseph?
00:13Yes, Susan, nasa crisis daw ang bansa dahil sa mga anomalya sa flood control projects.
00:19Galit ang taong bayan at sa pagtatraidor at ngayon ay nakabantay sila.
00:23Yan ang mga sinabi nitong si ICI Chairman, Independent Commission for Infrastructure Chairman, Retired Justice Andres Reyes Jr. kanina
00:31sa pagsisimula ng pulong tungkol sa pagbawi ng mga ari-arian ng mga personalidad na sangkot sa mga anomalya.
00:39Labimpitong ahensya, Susan, ang nasa ICI ngayon tulad ng DPWH, COA, Anti-Money Laundering Council, Bureau of Customs at iba pa
00:47para pag-usapan ng mga hakbang kung paano mababawi ang mga ari-arian ng mga personalidad na sangkot sa flood control projects
00:54ng mga maanumalya.
00:55Sa ngayon, ayon sa AMLC o Anti-Money Laundering Council, nasa 4.6 billion pesos na ang na-fifreeze nila
01:02samantalang may 5 billion piso na mga halaga ng mga aeroplano at iba pa mga air assets
01:07ang umano ay kay dating Akobi Cold Partialist Representative Saldi Co.
01:11Sabi ni Justice Reyes, Susan, ang perang ito raw na para sa ikabubuti sana ng buhay ng mga Pilipino
01:17ay ginamit ng mga korap para bumili ng mga mamahaling sasakyan, mga luxury vacation at pangsugal sa mga kasino.
01:25Trinaytor daw, ayon kay Justice Reyes, ang mga Pilipino.
01:29Samantala, ayon kay DPWH Secretary Vince Disson, iimbestigahan na ng Ombudsman at DPWH
01:34ang naging kaugnayan ng kumpanya ng mga diskaya sa kumpanyang CLTG Builders ng Amani Senador Bongo.
01:42Napaulat na nagkaroon ng joint venture ang dalawang kumpanya para sa ilang mga proyekto sa Davao noong 2017.
01:49Ayon kay Disson, ang pag-iimbestiga ay alinsunod din sa mandato ng ICI
01:53na iimbestigahan ng lahat ng mga infrastructure project sa nakalipas na sampung taon.
01:58Kasunod din ito ng pag-atras ng mga diskaya na makipagtulungan sa ICI.
02:03Sa isang panayam, sinabi ni Ombudsman na S. Crispin Rimulya, sinabi niya na tila may pinoportektahan ang mga diskaya.
02:09Sinabi naman ni Disson, hindi makakapekto sa imbestigasyon na nagtrabaho siya sa Duterte Administration
02:15bilang Deputy Chief Implementer noong COVID, Special Advisor for Flagship Project at BCDA President.
02:21Narito po ang magkasunod na payag nitong sila Justice Reyes at Secretary Disson.
02:25Imaterial. That's all immaterial.
02:31Whether I worked with someone or not, any allegation of corruption needs to be taken to the end.
02:40And that is our job here.
02:43Kahit sino, sabi ng Pangulo.
02:44We are looking at connections between the Diskayas and CLTG Corporation.
02:52Yun ang usapan namin ni Ombudsman Kagabi.
02:55Our country is in crisis. The flood control scandal is on everyone's minds every day.
03:04We are all enraged, hurt, and betrayed by what was done to deliberately manipulate our finances
03:14and only to feed the greed of not a few government officials.
03:22All those persons responsible for this may be prosecuted and jailed.
03:30But to completely heal our nation, justice is not enough.
03:36We need restitution.
03:38Susan, sa mga oras ito ay nagpapatuloy pa rin itong pulong ng ICI sa labing-pitong mga ahensya
03:47para pag-usapan nga papano ba maibabalik yung pera ng taong bayan. Susan.
03:53Maraming salamat, Joseph Morong.
03:57Hinold up na si Naksakpa, ang isang taxi driver sa Quezon City.
04:01Ang mga suspect at luniang pasahero na itinangginaman ang krimen.
04:06Balitang hatid ni James Agustin.
04:08Sa hot pursuit operation ng pulisya sa barangay Balonbato, Quezon City,
04:15na-aresto ang tatlong lalaking ng hold-up umano sa isang taxi driver.
04:18Ang 38 anyo sa lalaking biktima, sugatan matapos magtamu ng saksak sa bato katagiliran.
04:25Ayon sa pulisya, sumakay ang mga suspects sa Munoz at nagpapahatid sa balintawa.
04:29Pinilit siya na ibigay yung pera na kita niya sa kanya, tinutukan siya ng patalim nito sa lieg.
04:36Kung hindi binigay sa kanya, silaksak na siya sa likod na lieg niya, tapos tagiliran, sabay kuha yung pera sa harap niya.
04:46Sabay takbo na rin yung tatlo.
04:47Hindi na nabawi mula sa mga suspect ang mahigit 3,000 pisong pera, maging ang ginamit na kutselyo.
04:53Ayon sa pulisya, inaalam pa nila kung may ibang kasambuat ang mga suspect.
04:57Yung modus nila is dati sila na nililimos, ngayon is medyo hindi na sila contended sa ganon.
05:05Ngayon nagre-resort na sila sa, parang nag-uusap na sila, may meeting of minds na sila to come up, to come up hindi sa parang planned na pang hold-up.
05:18Dinala sa talipa pa police station ng mga suspect.
05:21Doon positibo silang kinilala ng biktima na nang hold-up umano sa kanya.
05:26Itinanggi ng tatlo mga aligasyon naban sa kanila.
05:28May po namin ginawa yun po sir, pero sumakay kami ng jeep ng asawa ko. Bigla po pinara yung jeep ng polis.
05:39Pagkaan, magkasama ka pero natulog ka, may iba-iba tulogan.
05:42Wala po akong alam dyan. Nung gabing yung bumili lang po ako ng kanin, tapos napadal lang ako sa ano na yan.
05:51Nasampahan ang mga suspect na reklamong robbery.
05:54James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:57My salon is, again, it will be available to whoever would like to, kung hingiin sa akin ng ICI,
06:15hindi siyempre bibigay ko. Kung hingiin sa akin ng ombudsman, bibigay namin.
06:19Sinabi niya ng Pangulo bilang pagsuporta sa kabang ang ambudsman Jesus Crispin Remulia na isa publiko
06:25ang Statement of Assets, Liabilities and Network o SAL-EN ng matataas opisyal ng gobyerno.
06:32Handa rin daw siyang magbigay ng kopya ng kanyang SAL-EN sa Independent Commission for Infrastructure
06:36kung hinginit man ito ng komisyon.
06:38Una nang sinabi ng Pangulo na kumpiyansa man siyang hindi masasangkot sa isyo ng mga flood control projects,
06:44Dapat pa rin daw imbesigahan ang lahat kung saan mandalhin ng ebidensya.
06:55Misguided daw ang mag-asawang diskaya, sabi ng Office of the Ombudsman tungkol sa pag-atras nila
07:00sa pakikipagtulungan sa imbesigasyon ng Independent Commission for Infrastructure.
07:05Sabi naman ng ICI, hindi makaapekto sa kanilang imbesigasyon ang pag-atras ng mga diskaya.
07:11Balitang hatid ni Joseph Morong.
07:14Mailap pa rin sa media si Sarah Diskaya nang dumating sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure.
07:27Mailap din ang asawa niyang si Curly na bantay sarado hanggang sa lumabas sila pagkatabas ng isang oras sa pagdinig,
07:34hindi sila nagpa-unlock ng panayam.
07:36Ayon sa ICI, sinabi ng mag-asawang diskaya na hindi na sila makikipagtulungan sa imbesigasyon nito.
07:43Upon the advice of their counsel, they invoked their right to self-incrimination
07:49and manifested that they will no longer cooperate with the investigation being conducted by the ICI.
07:57Ayon sa abogado ng mga diskaya, inakala na mag-asawa na mas malaki ang tsansa nilang maging state witness kung makikipagtulungan sa ICI.
08:06Pero anila, sinabi rao ni ICI member Rogelio Singson, sa isang panayam na sa ngayon ay walang qualified maging state witness.
08:14Wala pa nga kami, sa gaya ng anong nasabi ko, it's too early to tell kasi kailangan natin makuha muna yung buong picture bago tayo makarekomenda kung kailangan magrekomenda.
08:25September 19 lang, nagsimula ang imbesigasyon ng ICI.
08:29Ayon sa Independent Commission for Infrastructure o ICI, hindi rao makakaapekto sa imbesigasyon na kanilang ginagawa ang hindi pakikipagtulungan ng mga diskaya.
08:38Nasa labing anim na mga resource persons ang naipatatawag ng ICI at nakapagsumite na rin naman daw ng kanilang mga affidavit ang dalawa.
08:46Ayon sa Office of the Ombudsman Misguided o mali ang gabay sa mga diskaya, pakikipagtulungan sa gobyerno anila ang tangi magagawa ng mag-asawa.
08:56Hindi naman nakaharap sa ICI si dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo dahil daw sa sakit.
09:02Na-hospital naman itong lunes pero balik Senate detention na ulit si dating DPWH District Engineer Henry Alcantara.
09:08Isa si Alcantara sa mga sinampahan ng DOJ ng reklamang graft sa Ombudsman dahil sa monogos projects sa Bulacan.
09:15Kasama rin ang mga dating assistant district engineers na sina Bryce Hernandez at JP Mendoza.
09:21Sabi ng abogado ng dalawa umaasa silang kikilalanin ng DOJ na essential ang kanilang testimonya at ikokonsidera sila bilang state witness.
09:30Labing anim pang personalidad ang pinadadagdag ng ICI sa Immigration Lookout Bulletin.
09:36Sinisika pa namin silang hinga ng pahayag.
09:38Sa gitna ng mga investigasyon, naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na hindi iaabot sa Malacanang ang mga aligasyon kaugnay ng flood control projects.
09:47Well, I'm confident because I know what we did or did not do.
09:54But if we investigate everybody, we follow the evidence.
10:01And wherever that leads is not something that we try to direct or influence.
10:08That's why we have the ICI.
10:11Ang Pangulong nagungkat sa flood control projects sa kanyang zona noong Hulyo.
10:16Nasundan niya na magkakahiwalay na investigasyon pero makalipas ang ilang buwan, wala pa rin napapanagot.
10:21Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:26Ito ang GMA Regional TV News.
10:30Mayinit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
10:35Arestado ang isang lalaking suspect sa kabi-kabilang pagnanakaw sa Antipolo, Rizal.
10:42Chris, ano na ba yung mga ninakaw raw ng mga suspect?
10:48Susan, mga alahas, gamit sa bahay at cellphone daw ang kabilang sa mga pinunteryan ng suspect mula sa mismo mga kabarangay niya sa San Isidro.
10:57Kabilang dyan, ang nahulikam na pag-akyat bahay niya sa isang bahay roon.
11:02Umakyat ang kawatan sa veranda ng second floor at sapilitang binuksan ang bintana ng isang kwarto.
11:08Nahuli siya ng biktima habang kinukuha ang isang kwintas at mga singsing.
11:12Kaya lumabas siya sa bintana para makatakas.
11:15Ayon sa pulisya, mahigit 40,000 piso ang halaga ng natangay niyang mga alahas.
11:20Hindi na nabawi ang mga ito.
11:22Bukod dyan, nahulikam din ang suspect sa magkahihwalay na pagtakas matapos umanong magdakaw ng cellphone at amplifier.
11:30Kalaunan, naaresto ng maotoridad ang suspect na maharap sa mga reklamong theft.
11:35Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
11:38Milyong-milyong pisong halaga naman ang tanim na mariwana ang sinira at sinunog ng maotoridad sa benggit.
11:44Dalawang plantasyon ang nadiskubre sa barangay Kayapa sa bayan ng Bakun.
11:49Ayon sa maotoridad, nasa 6.3 million pesos ang halaga ng mga tanim na mariwana roon.
11:55Halos 32,000 na fully grown mariwana plants ang sinira at sinunog.
12:01Walang nahuling cultivator o caretaker sa lugar.
12:04Dalawang plantasyon din ang nabisto sa barangay Takadang sa Kibungan, Benguet.
12:09Abot naman sa 1,600 na fully grown mariwana plants ang binunot ng maotoridad sa barangay Takadang.
12:16Tinatayang nagkakahalaga ng 324,000 pesos ang mga sinirang tanim na mariwana.
12:22Patuloy ang imbesigasyon para matukoy ang mga nasa likod ng taniman ng mariwana sa lugar.
12:28Nakikipagtulungan na ang Department of Public Works and Highways Insurance Commission
12:38para mabawi sa ilang kontratista ang ilang porsyento ng contract price
12:43ng mga maanumalyo umanong flood control projects.
12:46Iimbisigahan din ang posibleng sabwatan umano ng mga insurance company at mga kontratista.
12:51Balitang hatid ni Mark Salazar.
12:53Hindi lang pagpapakulong sa mga sangkot sa GHOST o substandard flood control projects
13:01ang hinahabol ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
13:06Kailangan po yung ninakaw na pera na ginamit para pambigyan ng mga sports car,
13:14pangsugal sa kasino, pambigyan ng mga mamahaling bahay.
13:19Kailangan yun e maibalik.
13:21Kaya nakikipagtulungan na ang DPWH sa Insurance Commission
13:25para mabawi kahit 30% ng contract price
13:29ng mga proyekto sa mga insurance company na mga tiwaling kontratista.
13:3330% lang kasi ang pinakamataas na insured amount ng mga proyekto.
13:37Pagka may kaso na may ebidensya na either ito ay GHOST o napaka substandard o maanumariya,
13:48immediate po susunda na namin yun ng pagpafile ng claims under this agreement with the Insurance Commission.
13:57Ang mga insurance company naman ay pwedeng humabol sa tiwaling kontratista.
14:01Sila naman ay mayroong karapatan under the law na bawiin yung kanilang binigay na bayad sa insurance
14:07dun sa ininsure nilang kontratista.
14:10Unang siningil ang mga insurer ng GHOST project sa 1st District Engineering Office ng Bulacan.
14:17Sa Liberty Insurance, sa Travelers Insurance, tsaka Sterling Insurance.
14:24Lahat yun, iba't ibang proyekto, sumulat na kami.
14:28Yung mga tanong na biglang 30% ba lahat? Ititingnan po natin yung per project.
14:33Mahaba pong proseso.
14:35Kinukuha pa namin ang panig ng mga nabanggit na insurance company na ayon sa DPWH ay hindi rin sumasagot sa kanila.
14:42Sana, magkusa na sila.
14:45Magkusa na sila. Huwag na silang mag-legal-legal pa.
14:51Lalo na, kung lalo na ngayon na GHOST ang pinapriority natin.
14:56Sana, magkusa na sila.
14:58At, ibalik na nila yung claim na yun.
15:01Huwag na natin paabutin pa sana sa court ito.
15:03Pero, kung magmatigas sila at gabanan nila, wala tayong choice. Pasensyaan tayo.
15:10Sa ngayon, wala pa namang ebidensyang GHOST insurance company din ang ginamit sa mga GHOST projects.
15:16Pero,
15:16We're not discounting that fact. Kaya nga, ito nag-sharing kami ng data.
15:21I-imbestigahan din kung nakipagsabuatan din ba ang mga insurance company sa mga kontratista.
15:27Umapapaisip ka, paano nangyari yung natapos. At, paano hindi nalaman ng kanilang insurance company.
15:34Iingatan po namin yung parte ng kolusyon. Baka mayroon nga po ganong nangyari.
15:40Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:44Nakatayo ang lalaking niya sa loob ng opisina ng isang gasolinahan sa barangay Dadyangas, North, sa General Santo City.
15:53Maya-maya, iniabot niya ang bit-bit na bag sa babae habang hawak ang isang baril.
15:58Ipinasok ng babae sa backpack ang sandaang libong pisong kita ng gasolinahan.
16:03Sa investigasyon ng pulisya, dating pump attendant doon ang lalaking ng hold-up.
16:08Patatanggal lang sa trabaho ng suspect na sangkot-umano sa pagdispalko ng pera ng gasolinahan.
16:14Ayon sa biktima, hindi niya inakalang manghuhold up ang dating katrabaho na nakipagkwentuhan pa bago ang krimen.
16:21Tinutugis pa ng mga otoridad ang suspect.
16:25Huli ka, mang isang grupo ng mga lalaki sa pasig na pumasok sa isang bahay at nanggulpiraw.
16:31Ayon sa pulisya, nagugat ang gulo nang iwan ng kanyang live-in partner ang isa sa mga suspect.
16:38Balitang hatid ni Jun, Veneracion.
16:40Punasok ang isang bahay at nanggulpiraw na parang wala lang at nang basus pa ng isang babae.
16:50Ang grupong nakunan sa viral video na ito.
16:54Nagumpisa ang gulo nang pumasok ang lalaking ito na tigna mahinahanap.
16:58Pero bigla niyang sinampal ang pinakamalapit na lalaki.
17:04Namagitan na isang babae, pero maging siya ay sinaktan.
17:09Pumasok din ang isang nakahudi.
17:11Sinipa at inupakan ang isa pang nasa loob ng bahay.
17:14Maya-maya pa, inilabas ang nakasombrero mula sa kanyang bag ang isang gamit na mistulang baril.
17:19Saka ay tinuloy ang pananapak sa mga biktima.
17:25Ilan pang kasama nila ang pumasok at nanggulpirin sa mga biktima.
17:29Ang lalaking nakasombrero.
17:31Pinwersa naman ang pintuan ng banyo kung saan naroon ang isa pang babae.
17:36Nilapitan na tila niyapos siya ng nakasombrero.
17:39Pero kumawala ang babae at sinubukang pigilan ang pananaki.
17:43Lumabas ang dalawa pang nakatira sa bahay na pinagbunturan din ng mga sospek.
17:51Ang babaeng nakaputi, bilit-bit palabas ng mga lalaki.
17:56Ang isidente sa video na kumpirma ng PNP na nangyari sa pinagbuhatan Pasig City noong September 23.
18:02Hindi sila ka namin, validation namin.
18:06Wala naman nangyaring abduction kasi itong mga alleged sospek sa mga biktima ay magkakakilala.
18:13So may mga hindi pinagbaga kaintindihan.
18:16Sa report na nakarating kay NCI Police Chief Major General Anthony Aberin,
18:21nagugat umano ang gulo nang ang isa sa mga sospek ay iwan ang kanyang live-in partner
18:26at nagtago sa bahay ng kanyang kaibigan sa Pasig.
18:29Sumugod umano ang mga sospek kasama ang kanyang mga katropa at kinuha ang live-in partner.
18:35Sa pag-iimbestiga ng Pasig Police, hindi raw armado ang grupo.
18:39Taliwas ang makikita sa video.
18:41Lumalabas toy gun yung gamit, hindi baril.
18:45Hindi naman ito gang, parang mga local ties lang na mga parang samahan, samahan nila.
18:52Nagdito lang sila sa Pasig.
18:54Pinaharap ng pulisya ang mga sospek sa presinto para magpaliwanan.
18:57Lumalabas dito, pwede magpile ng physical injuries, pwede rin magpile ng trespassing doon sa mga pumasok.
19:07Pwede rin magpile ng wave threat at depende na lang yung mga evaluations pa namin as or yung interview namin sa mga victims.
19:15June Veneration nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:18Balik GMA Regional TV News tayo para sa maiinit na balita sa Visayas at Mindanao.
19:30Pakaibang takot ang hatid ng isang horror train ride sa Bacolod City.
19:34Sara, ano ba nangyari dyan?
19:38Susan Nadis Karil at tumagilid ang nasabing atraksyon sa perya.
19:44Sampung magkakamag-anak ang nakasakay ng mangyari ang aberya.
19:48Pita sila ang sugatan at hinimatay matapos madaganan ng mga bahagi ng ride.
19:54Ayon sa Bacolod City Police, bumilis ang takbo ng train ride sa pangatlong ikot
19:58at posibleng nawala sa balanse dahil nagpanik ang mga sakay.
20:03Sa investigasyon ng lokal na pamahalaan, walang depekto ang ride at normal naman ang takbo.
20:08Tuloy ang operasyon ng perya maliban sa nagkaaberyang atraksyon.
20:12Sinagot na rao ng pamunuan ng perya ang pagpapagamot ng mga sugatan.
20:17Tumanggi naman silang magbigay ng pahayag ng puntahan ng GMA Regional TV.
20:22Isang polis ang naaresto dito sa Davao City dahil sa iligal umanong pagbebenta ng hindi lisensyadong armas.
20:31Kasama niyang nahuliin ang isang manager ng security agency.
20:36Nakumpiska sa kanila ang limang baril, kabilang ang service-issued firearm ng polis,
20:40pati mga magasin at mga bala.
20:43Naharap sila sa reklamong paglabag sa Compressive Firearms and Ammunition Regulation Act.
20:48Sasampahan din ng administrative case ang sangkot na polis na patrolman sa Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region.
20:56Wala silang bayan.
Recommended
17:22
|
Up next
9:39
44:58
1:46:24
17:31
46:11
15:34
13:07
13:30
46:31
12:45
14:46
49:38
49:36
14:04
48:00
13:12
49:05
42:23
47:29
Be the first to comment