00:00Magandang gabi Pilipinas!
00:02Bayan iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06ang lifestyle check sa mga opisyan ng gobyerno,
00:09particular sa mga sangpot sa kadudadudang flood control projects.
00:14Pinatitiyak din ng Presidente sa mga ahensya ng gobyerno
00:17na dapat gawing transparent at walang pinapanigan ang investigasyon.
00:23Siniguro rin ang Balacanang na masasampahan ang kaso
00:27ang mga responsable sa mga anomalya, kalyado man o hindi.
00:31Yan ang ulat ni Kenneth Paciente.
00:36Matapos ang pag-iinspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:39sa iba't ibang palpak na flood control projects,
00:41hindi na nito naitago pa ang pagkagalit.
00:45Kaya bilang bahagi ng target ng pamahalaan na mapanagot
00:47ang mga nasa likod ng maanomalyang proyekto,
00:50ipinag-utos na ng Pangulo ang lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.
00:53Hakbang ito para masilip kung may korupsyon ba
00:56sa mga taong maaaring sangkot sa mga maanomalyang proyekto.
00:59Sakop daw nito ang mga ahensyang may kinalaman sa mga flood control project.
01:03Kaya uunahin na ang mga opisyal ng DPWH.
01:06Sa bawat ahensya, mayroon naman po na pwedeng magkaroon ng lifestyle check.
01:10Ang ombudsman pwede mag-initiate.
01:12Ang BIR pwede mag-inspect, magkaroon ng lifestyle check.
01:18Sa bawat ahensya na may sakop sa kanya, DPWH, pwede rin po.
01:22So yun po, kung sino po yung may ahensya na dapat magkaroon ng pag-lifestyle check,
01:26gawin po nila.
01:27Bagaman binigyan ng kalayaan ng bawat ahensya na gawin sa kanilang sariling mga institusyon
01:31ng lifestyle check, pinatitiyak ng palasyo na dapat maging transparent at non-partisan
01:36ang gagawing pag-iimbestiga.
01:38Nagsalita na po kasi ang Pangulong.
01:40So dapat ang bawat ahensya ay tumupad sa kanyang tungkulin.
01:43Asahan po natin dapat at bigyan po din natin sila ng karampatang tiwala
01:48at kapag pinakita din tayong anomalya sa kanilang pag-iimbestiga,
01:53magiging pasyonable rin po ang kanilang magtatrabaho
01:55at malamang masama rin sila sa pag-iimbestiga.
01:57Kinumpirma rin ang palasyo na natanggap na ng Pangulong mga dokumento
02:00mula kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong
02:02patungkol sa mga diumanoy palpak na mga flood control project.
02:05Bagaman hindi na idinitalya pa ng palasyo kung ano-ano ang nilalaman ng dokumento,
02:09bukas naman daw ang Pangulo na makausap si Mayor Magalong.
02:12Kahit naman po sino ay open ang Pangulo,
02:15kung ito naman po ay patungkol sa mga anomalyang flood control project.
02:18So kahit sino po, lalo-lalo po si Mayor Magalong,
02:23welcome po ang Mayor para makausap ang Pangulo. Patungkol po dyan.
02:28Muli namang tiniyak ng Malacanang na magpapatuloy
02:30ang masusing investigasyon sa mga proyekto
02:32at siniguro na masasampahan ng kaso ang sino mang indibidwal,
02:35kaalyado man o hindi ng gobyerno.
02:38Pero kailangan din daw dito ang tulong ng ibang ahensya.
02:40Sa ginagwa pong pag-iimbestiga ng Pangulo dito,
02:43ito naman po ay hudyat na rin po
02:45para sa mga ibang government agencies
02:48like COA, BIR, LGUs, Bureau of Customs,
02:53na magkaroon po ng pag-iimbestiga dito.
02:55Maraming po tayo nakikita na maraming nagkakaroon ng luxury cars.
02:58Malamang, malamang ay dapat makikita rin po ito ng BOC
03:01kung ito po ba ay bayad sa mga taxes na required.
03:05At sa mga LGUs po, kung makikita po natin
03:07na itong mga contractors na ito,
03:09mga kontratista na ito,
03:11ay napakalaki ng mga proyekto
03:14at malaki ang kanilang kinikita.
03:16Tingnan po nila kung ito po ay naaayon din
03:19sa mga mayor's permit or business permit
03:23na kanilang binabayaran sa LGUs.
03:25Pati po sa BIR.
03:26Hindi rin daw lahat ng nagtatrabaho sa DPWH ay tiwali.
03:30Sagot yan ng Malacanang sa pahayag ni Sen. Panfilo Laxon
03:33na One Big Criminal Syndicate umano ang ahensya.
03:36Kaya nga po hindi nagbabanggit agad ang Pangulo
03:39kung sino man agad ang involved dito
03:42dahil ayaw niya pong makasagasa
03:44ng mga inosenteng tao na hindi naman involved.
03:47Kung yan po ang pananaw ni Sen. Laxon,
03:49tandaan po natin hindi naman po lahat ng tao sa DPWH
03:52ay maaaring involved.
03:53At katulad ng ginagawa po ng Pangulo Marcos Jr.,
03:57pinapaimbestigahan niya po lahat
03:59para po malinis at maiayos
04:02kung anong po ang naging pagkakamali
04:03sa mga maanumalyang flood control projects.
04:07Sa ngayon, umaabot na sa 9,020
04:09ang bilang ng mga report na naipadala
04:11sa Sumbong sa Pangulo.ph
04:13at muling hinikayat ng pamahalaan
04:15ang publiko na makiisa
04:16para mapanagot ang mga nasa likod
04:17ng palpak na proyekto.
04:19Sa harap ng mga development
04:21sa imbestigasyon sa mga maanumalyang
04:23flood control projects,
04:25sinabi ng palasyo na nananatili
04:27ang tiwala ni Pangulong Marcos Jr.
04:29kay DPWH Sekretary Manuel Bonoan
04:31at sa ngayon,
04:32hindi pa raw napag-uusapan
04:34ang pagpapalit ng liderato sa DPWH.
04:38Kenneth Pasiente
04:39para sa Pambansang TV
04:41sa Bagong Pilipinas.