Skip to playerSkip to main content
  • 29 minutes ago
Kahalagahan ng Undas sa kulturang Pilipino

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa pag-alala ng ating mga yumao, sigurado may makanya-kanya tayong paraan para maparamdam natin yung pagmamahal natin sa
00:07kanila.
00:07At mahalaga rin na mas makilala natin ang mga kultura-tradisyon na bahagi na ng pagdiriwang ng undas noon pa
00:13man.
00:14Para pag-usapan yan, kasama natin si Dr. Nestor Castro, Culture and Fofalo Anthropologist.
00:20Welcome po sa Rise and Shine Pilipinas. This is Profi, together with Jules. Good morning.
00:26Maganda umaga sa inyo, Profi at Jules.
00:28Dr. Castro, simulan po natin. Pwede niyo po bang ipaliwanag sa amin kung saan ba nagsimula itong pagdiriwang ng undas
00:36sa Pilipinas?
00:39Bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol sa Pilipinas,
00:44ang mga Pilipino meron ng pagpapahalaga sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak, lalong-lalo na yung mga nakatatanda.
00:54Naniniwala kasi ang mga sinuunang Pilipino na mga matatanda na yumauna ay nagiging mga anito na kanila rin sinasamba.
01:04Pero nung dumating ang mga kastila, siyempre inintroduce nila ang kristyanismo sa Pilipinas.
01:11At medyo binago nila ang ating paniniwala na hindi dapat sinasamba yung mga anito,
01:20kundi yung mga santo.
01:21At dito na inintroduce yung todos los santos na tinawag nating undas dahil sa salitang Espanyol na onras,
01:34ibig sabihin pag-onor, pag-gunita, pagpaparangal.
01:39So, masasabi natin ang undas na pinapractice natin ngayon ay paghahalo-halo ng katutubong paniniwala,
01:51katolisismo, at pati na rin ang introduction ng West na Halloween.
01:57May kaibayan po ba ang undas dito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa?
02:01Iwanan na po, ano po ito?
02:02Ah, naku. Ibang iba. Pero malaki ang similarity sa practice sa Mexico.
02:10Kasi dapat alalahanin na nung panahon ng Kastila,
02:15ang Pilipinas ay pinapamahalaan ng Espanya sa pamamagitan ng Mexico.
02:21So, sa Mexico meron silang Dia de Muertos o yung araw ng mga patay.
02:26Kung kailan, tuwing November 1, ay nagpupuntahan din sila sa sementeryo,
02:33nag-aalay ng bulaklak, nag-aalay ng pagkain, nag-iinuman,
02:37mga nakamaskara sila, may ganong similarity.
02:43Although ang konting kaibahan sa Mexico,
02:46sa Mexico ang mga bulaklak ay ang required ay marigold.
02:51Ito ay mga tilaw na bulaklak.
02:53Sa atin, kadalasan puti dahil ito ang simbolo ng purity
02:58at pati na rin ang pagluloksa sa panahon ng may namatay.
03:08So, parang ang Mexico ang pinakamalapit
03:11at doon sa ibang mga bansa, iba naman,
03:14alibawa naman sa Amerika, sa Europa,
03:17ang practice na nila ay yung Halloween,
03:19kung saan merong trick or treat,
03:22naglilibot ng mga bahay, ang mga bata,
03:25at naghihingi ng mga candy, pera, at iba pa.
03:29Doc Castro, nabanggit niyo po kanina,
03:31na actually first time ko rin narinig yun,
03:34na may inner history pala,
03:36yung paniniwala ay yung mula sa pagkamatay ng mayumaon natin,
03:40nagiging anito sila.
03:41So, balikan po natin yung kontekso na yan,
03:43yung mga katutubong paniniwala tungkol sa undas.
03:45Siguro pag-usapan natin dito, Doc Castro,
03:47kamusta yung naging transition ng Pilipinas
03:50mula doon sa katutubong paniniwala na yun
03:52as to pagpasok ng impluensya ng mga Kastila?
03:58Napakinggan ko kanina si Father Dom,
04:01at with due respect sa simbahang katoliko,
04:06ang maraming Pilipino ay hindi lubos na nauunawaan
04:11yung religyosong konteksto.
04:13Alam ko, isa itong religyosong event,
04:16pero ang dumimo pa sa kanilang isipan,
04:19ano ba yung ginagawa ng aming mga ninuno?
04:22So, halimbawa sa Ilocos,
04:24kahit hindi panahon ng undas,
04:27habang sila'y kumakain,
04:29meron silang itinatabing pagkain
04:31na tinatawag nilang atang.
04:33Ito ay pagkain na nakalaan sa mga yumaong mga kamag-anak
04:38o magkasama sa bahay.
04:40So, yung katutubong practice ay naroon pa rin.
04:44So, kapag tinanong mo ang maraming Pilipino sa ngayon,
04:48bakit kayo pumupunta sa sementeryo,
04:51ay maaaring magkakahalo ang kanilang sagot.
04:55Sa katunayan, hindi nga nila madistinguish yung
04:58All Saints Day at All Souls Day.
05:01Kasi, para sa kanila,
05:04ay ang mga lolo ko naman,
05:06ay para mga santori naman sila.
05:08Sila ay sinusunda namin ang kanilang mga pangaral
05:12at mga kanilang mga karanasan.
05:15Hindi kaya, Dok,
05:17pwede bang isipin natin
05:18na yung para ang ginagawa ng Pilipino ngayon,
05:21ng mga Pilipino,
05:22it's an unconventional way
05:24kung paano nagkakaroon ng pag...
05:27Pananampala tayo sa mga anito,
05:29pero ito naman sa mga mahal natin sa buhay.
05:32Kasi minsan, may mga kamag-anak
05:33o may mga Pilipino na
05:34idadasal nila through doon
05:36sa kanilang yung maang mahal sa buhay,
05:38na ibulong sa Diyos
05:39kung ano yung mga gusto nilang sabihin sa Panginoon.
05:42Hindi kaya,
05:42it's in business na nawala,
05:44ang nangyari ay
05:45it's the modern way or unconventional.
05:48Tell us more, Dok.
05:51Naniniwala ako sa sinabi ko,
05:53parang nagpapatong-patong lamang
05:55yung mga paniniwala
05:56at hindi lubusang nawawalan talaga.
06:00Yung mga Espanyol kasi,
06:02para mapabilis ang conversion ng mga Indiyo,
06:07pumatong lang sila
06:08kung ano yung talagang pinapaniwalaan
06:11ng mga Pilipino.
06:12So yung mga dating mga pangalan ng bathala,
06:16halimbawa si Lalaho na bathala ng pag-aani,
06:20naging si San Isidro Labrador
06:23na santo naman ng mga magsasaka.
06:29So,
06:30madali tuloy na natanggap ng mga Pilipino
06:33kasi hindi totally tinatapon yung dati nilang paniniwala.
06:38Sa aming mga anthropologists,
06:41ang tawag namin sa klase ng kultura
06:44na meron tayo sa Pilipinas,
06:46ito ay isang syncretic na culture.
06:50Ibig sabihin,
06:51may pagsasanib ng makakibang elemento
06:54galing sa katutubo at galing sa labas.
06:59Dr. Castro,
07:00as we wrap up this interview,
07:02siguro pag-usapan natin lastly,
07:04paano natin ma-ensure na mapapanatili natin
07:08yung mga tradisyong katutubo
07:09as well as yung mga ibinigay sa atin
07:11ng mga Kastila,
07:12magiging ng mga Amerikano
07:13sa pag-alala natin sa mga yumaon natin
07:15up until in the present and in the future?
07:21Naniniwala naman ako
07:22na ang lahat ng kultura nagbabago.
07:25Walang kulturang statiko.
07:27So magbabago at magbabago
07:29ang practice natin ng undas.
07:32Mapapansin natin yung mga Gen Z,
07:35iba ang kanilang mga practice na,
07:38pupunta sila sa sementeryo
07:40pero para makipagkita sa barkada
07:42o kaya para lang sundin
07:46yung kagustuhan ng kanilang mga magulang.
07:48Ang maipapayo ko,
07:50kinakailangan din yung mga magulang,
07:53mga lolo at lola
07:54na isasalin sa mga bata,
07:58sa mga nakababatang henerasyon,
08:00ano ba talaga ang nasa likod ng undas?
08:03At meron itong mga aral,
08:06una,
08:06pagpapahalaga sa pamilya,
08:09paggalang sa mga matatanda,
08:12pagiging espiritual na mga Pilipino.
08:15So, yung pagbuklot-buklot,
08:18kasi hindi lang naman pagpunta sa sementeryo,
08:21panahon yan ng mga family reunions,
08:25yung pagpapahalaga sa pagkain
08:29habang nagtitipon-tipon.
08:32At idadagdag ko,
08:35gunitain natin,
08:36hindi lang yung yumaong mga kamag-anak,
08:39kundi iba pang mga yumao
08:40na nag-contribute sa ating klipunan.
08:44So, naandyan ang buhay ng ating mga bayani,
08:47pati ang buhay ng ating mga santo.

Recommended