00:00Guni-guni, ganyan inilarawan ni Sen. Ping Laxon ang anyay tila pinagtatakpang mga Ghost Flood Control Project.
00:07Yan ang ulat ni Daniel Manalastas.
00:19Pasabog ang isiniwala ni Sen. Panfiro Laxon sa plenaryo tungkol sa umano'y malawakang anomalya sa flood control projects.
00:26Sinimulan niya sa kalakaran ng mga magkakasabot umano sa katiwalian at kung paano nagpaparte-parte umano ang ilang tiwali.
00:33Halimbawa na lang daw kunwari sa isang daang milyong pisong pondo para sa flood control.
00:38Nang hinilimbawa ito ni Laxon, nasa 40% lang daw nito ang napupunta para sa pagpapatayo ng proyekto.
00:458 to 10% para sa mga opisyal ng DPWH.
00:50Swerte na daw kung pumayag ang district engineer na 6% lamang ang parte niya.
00:565 to 6% para sa mga miyembro ng Beach and Awards Committee or BAC.
01:010.5 to 1% para sa COA.
01:05Passing through or parking fee na aabot sa katumbas na 5 to 6% ng pondo.
01:1120 to 25% ang karaniwang napupunta sa pander o project proponent na politiko.
01:20Sabi ni Laxon, base yan sa kanyang mga pagsasaliksik.
01:24Pero nilinaw niyang hindi ito ang representasyon ng lahat ng kalakaran sa flood control projects.
01:29Bukod yan, inisa-isa pa ni Laxon sa kanyang presentasyon ang ilang lugar sa bansa na may mga
01:35questionably umanong flood control projects tulad na lang sa ilang lugar sa Pampanga, La Union, Oriental, Mindoro at Bulacan.
01:43We discovered a congressional representative showcasing his midterm accomplishment report
01:49covering the period from June 30, 2022 to December 31, 2023.
01:57He openly lists projects, hold your breath, funded by his office.
02:05Isa pa sa pinagmamalaki na mapag-angking congressman ay ang flood control structure sa Butas River.
02:12Ano kaya ang taglay na agimat ni congressman kung saan may multi-million projects, dumadapo ang agila.
02:21Pero lubog pa rin sa baha ang nadadapuan ng agila.
02:26Pero pinakamalala raw ang lalawigan ng Bulacan na aming maituturing na pinakanotorius pagdating sa anomalya ng flood control projects.
02:37Isa-isa raw binisita ng mga staff ni Laxon ang mga flood control projects.
02:41May ilan daw na umano'y ghost projects na tila pinagtatakpan.
02:46Gusto po ba ninyo makita ang itsura ng isang 77.199 million pesos work na riverbank protection structure?
02:56Tingnan po natin.
02:59Nasaan na nga ba?
03:02Ewan ko Mr. President dahil wala tayo makita.
03:04Hello Darcy, ang Ana and Ana, nasaan ng flood control?
03:11Napansin din ang senador ang pare-pareho umanong pattern ng proyekto sa ilang flood control projects.
03:18Makikita natin ang isang pattern ng mga proyektong guni-guni ng Darcy and Ana at Wow Wow Builders
03:25sa barangay Carillo, Abu Lalas, Iba at San Nicolás, 1st Engineering District ng Bulacan.
03:32Pare-parehong contract price, 77.199 million pesos.
03:37Pare-parehong riverbank protection structure, pare-parehong guni-guni.
03:43Inaasa ang itutuloy ang mga pagtatanong sa privilege speech ni Laxon sa susunod na linggo.
03:47Nagpaabot naman ang suporta ang kanyang mga kapwa, senador.
03:50Daniel Manastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.