Skip to playerSkip to main content
-Inarestong mining executive na si Joseph Sy, tila Alice Guo Part 2, ayon kay Sen. Hontiveros

-KWF: Maraming kabataan, mas bihasa sa English dahil kulang ang pagtuturo ng Filipino at mga katutubong wika sa bahay at eskwelahan

-4-man crew, papasok sa isang 3-D printed na bahay para sanayin ang sarili sa Mars exploration

-Online seller na nagbebenta umano ng beep cards sa mas mahal na presyo, arestado

-District engineer na nanuhol umano kay Batangas Rep. Leandro Leviste, sinampahan na ng reklamo

-28-anyos na nangholdap umano sa isang Indian national, arestado; tumangging magbigay ng pahayag

-Halos 2,000 gagambang gagamitin daw sa sabong, naharang sa General Santos International Airport

-DILG sa pag-alis kay PGen. Torre bilang PNP Chief: Not an easy choice, but made in the national interest

-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA

-Ilang 80s at 90s OPM songs, tampok sa pelikulang "One Hit Wonder" na pinagbibidahan nina Khalil Ramos at Gladys Reyes

-Mga kalbo, nag-showdown para tanghalin na "Baddest Baldie"


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Alice Go Part 2
00:02Ganyang inilirawan ni Sen. Riz Anteveros ang kaso ng mining executive na si Joseph C.
00:07Na inaresto kamakailan dahil sa pamimeki umano ng mga dokumento para palabasing isa siya ang Filipino.
00:13Nananawagan naman ang Philippine Nickel Industry Association na palayayin na si C.
00:16Dahil iligal daw ang pag-aresto at pagkulong sa kanya.
00:20Narito ang aking report.
00:25Nang dakpin ng mga otoridad noong Huwebes ang negosyanteng si Joseph C.
00:28Iginit nilang na meke siya ng mga dokumento para palabasing Pilipino siya at nakakuha ng Philippine passport.
00:34Very similar doon sa case ni former Bamban Mayor Alice Go.
00:39Parang Alice Go Part 2 nga raw ito, sabi ni Sen. Riz Anteveros.
00:43Pero mas naka-alarm rao na ayon sa kanyang source,
00:46nakapasok si C sa Philippine Coast Guard Auxiliary Unit noong 2018 sa ilalim ng nakarang administrasyon.
00:52Binigyan pa siya ng honorary rank na auxiliary commodore
00:54sa ahensyang tagapagbantay pamandi ng seguridad sa ating karagatan.
00:58Isiniwalat din yung Anteveros na noong 2016 state visit sa China ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,
01:04nakipagsosyo umano ang kumpanya ni C sa isang Chinese state-owned enterprise para sa pagbimina sa Palawan.
01:09Punto niyong Anteveros, isa ang Palawan sa mga strategic locations sa territorial dispute ng Pilipinas sa China.
01:15Tanong ng Senadora, ano ang totoong agenda ni C?
01:18Simpleng negosyo lang ba? O may lihim pa siyang layunin?
01:22Tingin ni Anteveros, kung totoong nagpapanggap na Pilipino si C, dapat agad siyang imbestigahan ng Senado.
01:28Dapat daw malaman kung paano niya nakuha ang kanyang Philippine documents at kung sino ang tumulong sa kanya.
01:34Si C ay chairman ng isa sa pinakamalaking nickel mining firm sa bansa.
01:37At ang gate ng Philippine Nickel Industry Association, iligal ang pag-aresto at pagkulong sa kanya kaya dapat nang palayain.
01:44Pilipino na raw si C at ang kanyang citizenship ay pinagtibay mismo ng dalawang ruling ng BI.
01:50Pero sabi rin ng BI noong isang linggo, tugma ang fingerprints si C sa fingerprints na isang Chinong may hawak noong long-term visa at alien certificate registration identity card.
02:00Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni C.
02:04Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:07Pagdilay-lilayan ngayong buwan ng wika.
02:16Maraming kabataan daw ang mas bihasa ngayon sa English kaysa sa Filipino at mga katutubong wika.
02:22Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, may kakulangan kasi sa pagtuturo ng sarili nating mga wika sa loob ng tahanan at eskwelahan.
02:30Bombarded din daw tayo ng mga wikang banyaga mula sa online content na nababasa at napapanood.
02:37Sa kabila nito, intact o buo pa rin naman daw ang linguistic integrity ng wikang Filipino batay sa pagsusuri ng UNESCO.
02:45Halos lahat ng mga Pilipinong may kakayahan ay nakakaunawa o nakapagsasalita naman daw ng Filipino.
02:52Paalala lamang ng KWF, pwedeng mamatay ang wikang hindi ginagamit.
02:57Apatapong lengwahe sa Pilipinas ang nanganganib ng maglaho sa ngayon.
03:03May bahay daw sa Amerika na dinisenyo base sa mga kondisyon ng planetang Mars?
03:14Yan po ang True Health and Performance Exploration Analog o CHAPEA.
03:19Matatagpuan ang 3D printed na bahay sa Johnson Space Center ng National Aeronautics and Space Administration o NASA.
03:27Para po ito sa mga nagsasanay para sa exploration ng Red Planet.
03:31Sa October, papasok na ang ikalawang batch ng four-man crew sa CHAPEA.
03:36Sa loob ng isang taon, sasanay nila ang mga sarili sa living condition ng Mars.
03:41Tututukan doon ang kanilang pag-adapt sa limited na pagkain at tubig, pati ang kanilang exercise regiment.
03:48Ang simulated missions, bahagi ng paghahanda ng NASA sa kanilang goal na makapagpadala ng crew sa Mars sa taong 2030.
03:58Wow na wow!
04:02May nahuli ang mga otoridad na iligal na nagbibenta ng beef cards sa mahal na presyo.
04:07Detail tayo sa ulat on the spot ni Oscar Oida.
04:09Oscar?
04:12Yes, Rafi, arestado sa entrapment operation ang 32-anyos na online seller na si alias Kate
04:18dahil ang iligal na pagbibenta ng beef cards na sobrang mahal kumpara sa regular na presyo.
04:24Ayon sa Cyber Satellite at Intelligence Unit, nadiskugbe ang Facebook post ng suspect
04:29na nag-aalok ng beef cards sa halagang P1090 kada isa, malayo sa orginal na P30.
04:35Nang makumpirma sa DOTR na di ito otorizadong distributor, ikinasang entrapment operation itong Agosto 15.
04:43Isang polis ang nagpanggap ng buyer at nakipagkita sa suspect kung saan nasamsam ang limampung pirasong beef cards.
04:51Naharap si alias Kate sa paglabag sa Access Device Regulation Act, Consumer Act at Cybercrime Prevention Act.
04:59Samantala, tinundi na ng DOTR ang driver ng sakyan nag-viral sa Kawit-Kavite matapos itong umandar habang may traffic enforcer na nakasampa sa HUD.
05:10Ayon sa enforcer, nasa sampu hanggang labing limang minuto silang nagpaikot-ikot bago huminto ang sakyan.
05:17Inaasikaso na ng DOTR ang pagpaparevoke ng lisensya ng driver na naharap din sa reckless driving at direct assault.
05:25Balak ng DOTR na magpatupad ng chain campaign laban sa mga pasaway na driver sa pamamagitan ng pagpapaskil ng pangalan at litrato ng mga lumalapak.
05:36Pero sa ngayon ay pinag-aaralan pa raw ang legality ng pagpapatupad nito.
05:41Raffi?
05:42Maraming salamat, Oscar Oida.
05:44Update na po tayo sa paghahain ng reklamo ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste sa isang district engineer na umunay nagtangkang manuhol sa kanya.
05:55May ulat on the spot si Ian Cruz. Ian?
05:59Yes, Tony. Katatapos na panganoon itong inquest laban sa DTV Village District Engineer na si Adelardo Calalo.
06:06Dito yan sa Provincial Prosecutor's Office ng Batangas. Dito yan sa Batangas City.
06:11At akong sa informasyong nakuha natin mismo, Colonel Giovanni Cibano, ang Provincial Director ng Batangas Police, Corruption of Public Official at Paglabag sa Antigrap and Corrupt Practices Act.
06:22Ang mga reklamong umiharap laban nga sa District Engineer, itong representative Leandro de Garda Leviste.
06:29Hindi na nagpagbigay ng pahayag sa engineer pati na yung kanyang abogado sa kanilang mabigis na pag-alis dito sa Hall of Justice dito sa Batangas City.
06:37At ayon ni Connie kay Colonel Cibano, ibabalik sa detention facility niya sa Taal-Mulisipal Police Station, ang inginyero.
06:45Kanina naman, Connie, sa paglabas niya sa detention facility sa Taal-Mulisipal Police Station, ay sinikap din natin kuhanan ng pahayag ang arrestong engineer.
06:53Ngunit tumanggi siya, tumagbigay ng anumang pahayag hanggang sa pangguting niya dito sa Hall of Justice kanina sa Batangas City,
07:01ay sinikap din natin at sinikap na makunan siya ng panig.
07:04Pero Connie, tuwing na matita natin siya, ay lumalayo at ayaw niya talagang magbigay ng anumang pahayag.
07:11Matatandaan, Connie, na viernes ng gabi nang arrestuhin ng Taal-Mulis, ang engineer, patapos nga siyang ireklamo ng umanay-panuluhon ni Congressman Ligarda na nag-iimbestiga sa iba't ibang mga proyekto ng DPWH,
07:26kontrabaha ng inang nga sa binisipin natin kahapon na nawasak noong Bagyong 15.
07:32So yan muna ang latest. Wala rito sa Batangas City, Balikto yung Hall.
07:35Yes, Ian, bukod sa kasong bribery, meron pa bang mga iba pang isasampang kaso dito sa District Engineer?
07:43Yes, Connie, yun pa lamang yung naibigay sa atin na informasyon naman ni Colonel Cibado na ang isi ng pangadaw ay yung nakaglaban sa Antigrack and Correct Practices Act,
07:54as sempre nga yung corruption or public official.
07:56Ang tanong dito, Connie, magkakaroon ba ng pakikipag-sulungan itong inginyero kung meron nang isang nalalaman,
08:06doon nga sa sinasabing nagaganap mga kababalaghan sa mga proyekto ng DPWH?
08:13Dahil sa hapon nga, Connie, nagtunta ang team nitong si Congressman Ligarda sa Bayan ng Balayan
08:18dahil may mga DT doon na natira noong Baguio Christine noong October 2024,
08:23pero yun ay natapos lamang noong 2023.
08:28So isang saun lamang natira, Connie,
08:30binunot nga yung mga chief file doon na pagkakalaman, Connie,
08:35na base sa plano, ang sinasabi ni Congressman Ligarda, dapat 15 meters yung ibinaon.
08:41Pero yung mga nabunot kahapon na mga chief file, Connie,
08:44ay may haba lamang na 3.9 meters, meron 5.5 meters.
08:48So talagang malaki ang discrepancy at malaki rin ang dapat ipaliwanag ng DPWH
08:54at ng kontratista nila doon sa area na yan sa Barangay Santol sa Balayan, Batangas
08:59at sa iba pang mga proyektong na pambaha dito sa Batangas Hall.
09:04Maraming salamat sa iyong update, Ian Cruz.
09:10Arestado ang isang lalaking 28 anyos dahil sa panguhold at umano sa isang Indian national
09:14na naniningin noon ng utang.
09:16Balita ng atin ni James Agustin.
09:21Sa kulungan ng bagsak ng 28 anyos sa lalaki, matapos mang hold up umano ng Indian national sa Calocan City.
09:28Ayon sa pulisya, naniningin ng mga pautang ang 20 anyos na biktima,
09:32nang tutukan siya ng baril ng sospek.
09:33Itong sospek natin, nilapitan siya, tapos tinutukan siya ng baril, yung replika nga,
09:40at tapos sinabihan siya na, hold up to, akin yung pera mo.
09:45Sa takot po ng biktim natin, binigay niya naman po yung hawak niyang pera, halagang 4,000.
09:52Naaresto ang sospek sa follow-up operation.
09:55Nakuha mula sa kanya ang gun replica, pero hindi na nabawi ang ninakaw na pera.
10:00Ayon po sa atin, sa barangay 14, yung sospek natin is marami na pong record na pag nanakaw,
10:08tapos mga snatching ang kinakaharap niyang mga reklamo sa barangay po.
10:14Tumangging magbigay ng pahayag ang sospek na naharap sa reklamong robbery
10:18at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
10:22James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:27Halos 2,000 gagambang pangsabong daw ang nasabat sa General Santos International Airport.
10:33Sa malayuan, akalain mo ang tingitingin na karipak na paminta lang ang mga yan.
10:38Isa-isang nakalagay sa mga pakete ang mga buhay na gagamba
10:42at itinago sa loob ng mga karton.
10:45Ipapadala sana ang parcel sa ilo-ilo.
10:47Ayon sa Jensen Aviation Police, batay sa DNR,
10:51posibleng gagamitin daw ang mga ito sa derby o sabong ng gagamba.
10:55Inaalam na kung sino ang nagpadala sa bagahe, pati na ang consigning nito.
11:00Posibleng silang maharap sa reklamong paglabag
11:03sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
11:07Samantala nasa kusodiyan na ng DNR ang mga nailigtas na gagamba.
11:15Mahirap pero kinakailangan.
11:17Ganyan inilirawan ni DLG Secretary John de Cremulia
11:20ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na tanggalin bilang PNP Chief
11:23si Police General Nicolás Tore III.
11:25With the recent developments, the President was presented with the facts
11:31and he determined that the best course of action is to uphold the role of NAPOCOM
11:37as it was intended by law.
11:40As part of this resolution, the President decided to relieve Police General Tore.
11:47Sabi ni Remulia, hindi man ito madaling desisyon,
11:51ginawa ito para sa interes ng bansa.
11:53Isa raw ang tangkang pagbalasan ni Tore sa posisyon ng ilang opisyal ng PNP
11:57na kalaunay binaligtad ng National Police Commission
11:59sa mga naging rason sa desisyon.
12:02Nakatundaw ang Pangulo sa pagkakaroon ng nagkakaisang direksyon
12:06ng kanyang buong gabinete.
12:08Naniniwala raw ang palasyo na kailangan nakaayon sa batas
12:11sa mga hakbang sa pagkipiyak ng siguridad ng bansa.
12:13Nang kunin namin ang pahayag ni Tore, no comment daw muna siya tungkol dito.
12:20Update po tayo sa lagay ng panahon.
12:22Ngayong may medium chance ng maging isang bagyo
12:24ang binabantayang low-pressure area.
12:26Kausapin po natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
12:30Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hal.
12:34Magandang umaga, o yes, sa lahat po ng ating mga taga-subaybay.
12:37Sa mga susunod ng oras ba, may posibleng nang maging bagong bagyo
12:41dahil ho dito sa binabantayan nating LPA?
12:45Sa ngayon po ay medium chance pa rin po
12:48ang development ng low-pressure.
12:50Ibig sabihin, beyond the 24-hour period pa
12:53natin ay kitang posibleng maging bagyo ito.
12:56At patuloy po tayong mag-monitor.
12:58Pero ganun pa man, yung unap na dalakasin ito
13:01ay nakaka-apekto na nga sa ilang bahagi ng lazon
13:04kaya dapat patuloy na mag-monitor din po ang mga kababayan natin
13:07hinggin sa mga instinct natin dito sa low-pressure.
13:10Oo, at kung sakaling maging bagyo nga ito,
13:13malakas mo ba ito maituturing?
13:15O kaya magpapalakas pa rin mo ba ito
13:17sa hanging habagat natin?
13:20Connie, sa ngayon, may kalapitan na kasi ito
13:23sa landmass ng ating bansa.
13:25Kung maging bagyo man ito,
13:26inaasaan natin na isang tropical depression category lamang
13:31ang ahabuti nito habang tatawid ng ating bansa.
13:34Pero ganun pa, nananatili pa rin itong bansa
13:37dahil magdadala, inaasaan pa rin natin
13:39na itong samanang panahon na ito
13:40ay pwede pa rin magdala ng mga pagulan
13:42bukog pa dyan sa magpaibayo ng habagat
13:45na siyang makaka-apekto sa nakararaming bahagi nga ng lazon
13:48sa loob ng 24 to 36 hours.
13:51Oo, sabi nyo, itong bagong bagyo kung sakasakali
13:55maaring magpaibayo sa habagat
13:58pero bakit nung bagyong isang parang hindi nito napalakas ang habagat?
14:03Well, kung matatanda natin, Connie,
14:05napakalapit na rin ito sa landmass ng ating bansa
14:07nung mag-develop.
14:09Isang low-pressure area,
14:10nag-develop naging isang ganag na bagyo
14:12at by the time na nag-issue na nga tayo ng
14:15tropical cyclone bulletin
14:17ay nakapag-landfall na ito sa ating bansa.
14:19May interaction na sa landmass ng ating bansa.
14:22Hindi po ito tulad ng mga bagyo
14:23na malayo pa lang
14:24nasa loob pa lang ng par
14:26na dito pa lang sa silangang bahagi na
14:28makakaragatan sa silangang bahagi ng lazon
14:30ay nagiging bagyo na
14:31at mas malakas ang hatak ng habagat.
14:33Kapag ang bagyo po
14:34ay nasa pinakamababang kategorya,
14:37tropical depression category
14:38at napakalapit na sa landmass ng ating bansa,
14:41mas mahina pong epekto nito
14:43kung para sa mga bagyo na malayo pa lang
14:46sa kalupa ng ating bansa
14:47ay umabot na hanggang tropical storm
14:49or typhoon category.
14:50At saan-saang mga lugar
14:52ang magiging maulan muli ngayong linggo
14:54para magabayan ang ating mga kababayan?
14:57Well, ang inaasaan po natin
14:59in the next 24 hours
15:01ay itong mga lugar dito sa silangang bahagi ng lazon.
15:05Itong Cagayan, Isabela,
15:07Lalawigan ng Aurora, Nueva Ecea, Bulacan,
15:10Rizal, Quezon,
15:11at saka yung Cadrinus Provinces
15:13makakaranas po ng mga pagulan yan.
15:15Moderate to heavy, heavy to intense
15:17dahil nga po dito sa low pressure
15:19na binabantayan natin.
15:20Ganon din po itong Lalawigan,
15:21Occidental, Mindoro, Antique at Palawan
15:24dahil naman sa pinag-iba yung habagat.
15:26At inaasaan po natin na
15:28in the next 48 hours
15:29ay posibleng
15:30mabawasan yung mga lugar na apektado nga
15:34nitong low pressure
15:35pero may mga lugar pa rin maapekto
15:37ng habagat
15:38lalong-lalong sa kandurang bahagi
15:39ng Southern Luzon at ng Visaya.
15:41Okay, marami pong salamat.
15:43Pag-asa Assistant Weather Services Chief
15:45Chris Perez.
15:49Mga mares, streaming na
15:52ang pelikulang One Hit Wonder
15:54na Pagbibidahan
15:55ni na Kalil Ramos at Gladys Reyes.
16:08Tampok yan ng several OPM hit songs
16:11noong 80s at 90s.
16:13Kwento ni Kalil,
16:14relate na relate siya
16:15sa kanyang karakter na si Entoy.
16:16First love niya kasi ang pagkanta
16:18at sa pagkanta rin siya na-discover.
16:21For a change naman,
16:22hindi kontrabida
16:23ang karakter ni
16:24Cruise vs Cruise star
16:26Gladys Reyes
16:27kundi isang supportive mom and tita.
16:31Feeling blessed si Gladys
16:32na until now,
16:33pinagkakatiwalaan pa rin siya
16:35sa pag-arte.
16:36Napapanood na ang One Hit Wonder
16:38sa online streaming platform
16:40na Netflix.
16:41Ito na nga,
16:47kapag sinabihan ka na
16:49ang haba ng hair mo,
16:50compliment yan, di ba?
16:52Pero hindi yan ang hanap
16:53na papulid na mga lumuhok
16:54sa isang contest
16:55sa Illinois, USA.
16:57Ang motto kasi nila,
16:58no hair,
16:59don't care.
17:01Kalbo,
17:02laban sa kalbo
17:03ang eksena
17:03sa Bald Up Competition
17:04sa Chicago.
17:06Mayigit-anim na po
17:06ang sumali.
17:07May natural,
17:08may ginupitan
17:09at maidinaan
17:10sa bald caps.
17:11Basta absent ang buhok
17:12sa ulo,
17:13pwedeng makipag-showdown.
17:15Itinanghal na first runner-up
17:16ang kalbong sleigh
17:18ang pag-aura.
17:19At ang kinuronahang
17:20dadess baldy,
17:22si Tom na squeaky clean
17:24ang cosplay.
17:25Nowhere to be found man
17:27ang crown ni Glory,
17:28feel na feel pa rin
17:30ang moment.
17:30Ang winner sa
17:31Kalbolympics,
17:33may premium merchandise
17:34ng mga personalidad
17:36na kalbo.
17:38Wow!
17:39Wow!
17:40Wow!
Comments

Recommended