- 13 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Janet Lim-Napoles at iba pa, hinatulang guilty sa 6 counts ng malversation of public funds at 6 counts ng graft kaugnay sa PDAF Scam
-Ilang tumutulong sa mahihirap, kinilala sa 2025 Urban Poor Solidarity Week
-INTERVIEW: CHARMAGNE VARILLA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA
-Ilang itinuturing na panibagong pork barrel, inalis na sa bersyon ng Senado ng Panukalang 2026 National Budget
-#AnsabeMo? Ano'ng paborito n'yong pagkain ngayong lumalamig na ang panahon?
-Ilang Pilipinong atleta, dumating na sa Bangkok para sa 33rd SEA Games
-Sanya Lopez at Elijah Canlas, dumalo sa block screenings ng "KMJS' Gabi ng Lagim The Movie" kasama ang kanilang fans at supporters
-Tom Rodriguez sa engagement ng ex-wife na si Carla Abellana: "I wish them well. Everyone is moving on. We all deserve it"
-Pasahero at mani vendor, may instant exchange gift ng pagkain sa loob ng bus
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Ilang tumutulong sa mahihirap, kinilala sa 2025 Urban Poor Solidarity Week
-INTERVIEW: CHARMAGNE VARILLA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA
-Ilang itinuturing na panibagong pork barrel, inalis na sa bersyon ng Senado ng Panukalang 2026 National Budget
-#AnsabeMo? Ano'ng paborito n'yong pagkain ngayong lumalamig na ang panahon?
-Ilang Pilipinong atleta, dumating na sa Bangkok para sa 33rd SEA Games
-Sanya Lopez at Elijah Canlas, dumalo sa block screenings ng "KMJS' Gabi ng Lagim The Movie" kasama ang kanilang fans at supporters
-Tom Rodriguez sa engagement ng ex-wife na si Carla Abellana: "I wish them well. Everyone is moving on. We all deserve it"
-Pasahero at mani vendor, may instant exchange gift ng pagkain sa loob ng bus
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sa iba pang balita, hinatulang guilty ng Sandigan Bayan si Janet Lim Napoles
00:04at iba pa sa 6 na courts ng graft at 6 na counts ng malversation of public funds
00:08kaugnay sa Priority Development Assistance Fund.
00:11Recusing perpetua ang sentensya kay Napoles at ilad pang akusado sa 2 counts ng malversation.
00:17Batay sa revised penal code, yan ang parusa kapag lampas 8.8 million pesos ang pondong nawaldas.
00:23Hanggang 17 taong pagkakakulong naman ang sentensya kay Napoles
00:27sa tatlong counts ng malversation kung saan tig-8 million pesos na pondo ang hindi nagamit ng tama.
00:34At hanggang 7 taong pagkakakulong para sa isang kaso kung saan 1 million pesos ang nawaldas.
00:41Pinagmumulta rin sila ng 44 million pesos para sa 6 na malversation cases.
00:4644 million pesos din na may 6% ang interes kada taon
00:49ang pinasasori ng Korte Kina Napoles bilang civil liability.
00:536 hanggang 10 taong pagkakakulong naman ang sentensya kay na Napoles sa bawat count ng GRAF.
01:00Ang mga kaso ay nagugat sa mga kickback mula sa pagpondo sa bogus non-government organizations ni Napoles
01:06gamit ang PIDAF, Ninoy Benguet Representative Samuel Dangua
01:10na nasawi habang umuusad ang kaso sa Sandigan Bayan.
01:13Kinilala ng Presidential Commission for the Urban Poor ang mga tumutulong para umulad ang buhay ng urban poor
01:21o yung mga maralitang Tagalong Sud.
01:24Ang pagbibigay ng Natatanging Lingkod Maralita Award ay bahagi ng 2025 Urban Poor Solidarity Week.
01:30Kabilang ang Quezon City Government sa mga kinilala ng PCUP.
01:34Idinaos din ang Urban Poor Solidarity Week sa iba pang lugar sa bansa,
01:37kabilang nasa Cebu City, pati sa Samal Island sa Davao del Norte.
01:42Ginugunit ang Urban Poor Solidarity Week hanggang ngayong araw, December 8,
01:46alinsunod sa Presidential Proclamation No. 367.
01:50Ayon sa PCUP, layunin itong palakasin ang ugnay ng mga ehensya ng gobyerno at pribadong sektor
01:56para tulungan ang may hirap sa mga lungsod.
02:05Weather Update
02:06Weather Update tayo ngayong low-pressure area na lamang ang Baguong Wilma.
02:08Kausapin natin si Pag-asa Weather Specialist Charmaine Varilla.
02:13Magandang umaga at welcome sa Balitang Hali.
02:16Yes, magandang umaga po Sir Rafi at sa lahat po ng ating mga subaybay gayong araw.
02:21Apo, magdudurot pa rin po ba ng mga pagulan ngayong low-pressure area na lamang yung Baguong Wilma?
02:25Yes po no. Kasalukuyan pa rin nga nakaka-apekto itong low-pressure area o dating si Baguong Wilma
02:32sa may western Visayas at Mimaro.
02:35Pati naasahan na bukas, yung epekto nito ay nandito na lang sa may Palawan at Kalayan Islands.
02:41Posible po ito po ba itong lumakasurit at maging bagyo?
02:46Sa ngayon po, hindi na natin nakikita yung ganyang senaryo.
02:49More likely ay patuloy pong hihila na nga ito at malulusaw na bago pa makalabas ng par.
02:55Mga kailan po kaya ito lalabas ng PAR?
02:59Hindi na po natin nakikita na makakalabas ito ng PAR.
03:03Parang malulusaw na po siya dito sa loob ng PAR po natin.
03:06Okay. Ano pong posibleng nakaka-apekto sa paghihila ng bagyong Wilma?
03:12So unang-una po dahil prevailing yung ating hanging amihan,
03:16yung hangin po galing dito sa amihan, na-disrupt niya po yung pag-form o pag-organize
03:21na mga convective clouds nitong si bagyong Wilma.
03:25Kaya tuloyin po itong humina.
03:27Aside from that, ay naka-apekto din po yung dry air na nagagaling dito kay amihan.
03:32Kaya na-lessen yung moisture dito sa sirkulasyon nitong si bagyong Wilma.
03:38Ano pong chance na magkaroon pa ng isang bagyo bago matapos ang taon?
03:42Sa ngayon po ay at least for next week, wala po tayong nakikita na maaaring sumunod pa kay Wilma.
03:50So sana po magtuloy-tuloy na yung ganitong magandang forecast para makapagpahinga din po tayo sa sunod-sunod na mga bagyo.
03:57Eh yung lamig na nararamdaman na po natin na nag-umpisa na, hanggang kailan po kaya magpipik ito?
04:02Sa ngayon po ay patuloy pa rin yung northeast monsoon pero ang usual peak po kasi ng northeast monsoon natin ay by first quarter next year, every first quarter ng taon.
04:14So January-February, yan po yung nakikita natin peak ng northeast monsoon.
04:19Doon po sa mga lugar na talagang malamig, yung undap, yun yung inaabatan.
04:24Saan areas po kaya tatamaan ito?
04:26Especially po talaga sa bahagi ng Cordillera, dahil nga kabundukan, sasamahan pa ng malamig na panahon.
04:36So i-expect po natin na especially itong papasok na nga na taon, especially nga by January-February, minsan numaabot pa yan ng March,
04:45ay meron po tayong ma-experience na below normal na mga lalamig na temperatura dahil nga po sa pagbugsungan itong northeast monsoon.
04:54So usually Cordillera, maging dito nga po sa may Ilocos region and some parts pa ng Cagayan Valley,
05:00yan po talaga yung direktang nakaranas ng malalamig na temperatura.
05:05Ang pinakamalapit po na medyo malamig, ang Tagaytay, laging yun ang pinupuntahan.
05:09Pero sa may Taytay Rizal, malamig din po yung hangin pero dahil ho ba ito sa height nito
05:14o sa malakas na buga ng hangin doon sa area na yun?
05:18So kasalukuyan nga yung Rizal ay naapektuhan pa rin ngayon itong northeast monsoon kasama ngayon yung Metro Manila.
05:29So hanggang Metro Manila po yung abot nitong lamig na ito na nanggagaling sa area na yun?
05:35Yes po, tama po kayo.
05:37Malaking bahagi ng Calabar Zone, Metro Manila, Central Luzon, Northern Luzon, yan po ngayon yung sakop ng ating hanging amihan.
05:45Pang-huli na lamang po, paalala lang siguro sa ating mga kababayan yung mga lugar na pwedeng tamaan pa rin ng ulan.
05:50Ano pong paalala natin?
05:52So yung nakikita po natin na may mga malalakas na mga pag-ulan for today.
05:58Usually dito na nga ngayon yan sa silangang bahagi ng Northern Luzon dahil nga po yung epekto ng shear light.
06:05At magtutuloy-tuloy nga po yung epekto ng shear light at least for the next three days.
06:10So inaabisuhan po natin yung ating mga kababayan dyan since inuulan na po kahit meron pa yung bagyong si Wilma,
06:17ay patuloy pa rin po yung pag-iingat, umantabay po sa pag-asa,
06:21and hourly naman po or every three hourly yung updates natin hingiling nga sa mga heavy rainfall warnings,
06:27and patuloy din po umantabay sa mga weather advisory na nagbumula dito sa pag-asa.
06:32Kasi every day din po natin siya ni-check yan kung magpapatuloy pa ba yung galitong kalat-kalat na mga pag-ulan sa area po ninyo
06:41para magka-idea po at least kung for the next three days ina-expect ba natin na ihina
06:46o lalakas yung mga pag-ulan sa ating mga lugar.
06:49Mabuti na yung laging handa. Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Halit.
06:54Yes po, maraming salamat.
06:56Pag-asa weather specialist, Charmaine Varilla.
06:58Tinanggal na ayon kay Sen. Ping Laxon sa version ng Senado ng panukalang 2026 National Budget
07:05ang allocables o anya'y panibagong pork barrel.
07:09Bukod dito, inalis na rin daw ang ilang ayuda, pati iba pang item na pinupondohon
07:13sa ilalim ng unprogrammed appropriation, sabi ni Laxon.
07:17Hindi naman niya tinukoy ang halaga nito, pero ayon kay Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian,
07:21may halos 50 bilyong piso na inalis sa version ng Senado na pondo
07:25para sa Sagip o Strengthening Assistance for Government Infrastructure Program and Social Programs.
07:32Noong Huwebes, nang aprobahan ang Senado sa ikalawang pagbasa ang panukala.
07:36Bukas, nakatakda itong isa lang sa ikatlong pagbasa.
07:40Pagkatapos niyan, ay magkakaroon na ng deliberasyon ng Bicameral Conference Committee
07:44na ilalivestream sa unang pagkakataon.
07:47Ngayong lumalamig ng panahon, patok ng masabaw at mainit na pagkain.
07:58Oo, tama Kuya Rafi.
08:00Tinanong namin ng netizens, ano ang paborito niyong pagkain ngayong sweater weather?
08:07Para kay Wilma Kachin, aros kaldo na maraming luya ang paborito niyang pagkain tuwing malamig ang panahon.
08:15Oo, pangtanggal si Pundi niya tayo.
08:17Oo, bukang para sa atin.
08:19Correct.
08:19Ang sabi naman ni Poying Poying ay miswa na may sardinas.
08:23Si Geneline Libed naman, pares na hindi matabang at puro balat ng baka.
08:29Paborito naman ni Sunny Kalooy ang tinola na bagong katay na manok at may unlimited rice.
08:35Sarap!
08:36Talagang nakaspecify, ba?
08:38Oo.
08:38Bagong katay na manok.
08:40At unlimited rice.
08:41Rice is life.
08:42Para nga naman malambot, diba, yung karne.
08:44Oo, ikaw ko yan, paborito mong kainin.
08:47Actually, yung kwan din eh, tinola rin eh.
08:50Tinola.
08:51Na maraming luya.
08:52Na maraming luya.
08:53Kailangan natin ng luya ngayon eh.
08:55Malamig ang panahon, kaya yung boses natin eh.
08:57Matapos yung concert mo kagabi, diba?
08:59Birthday kasi ni Maring Connie ngayon.
09:02Happy birthday, partner!
09:04Mga kapuso, makisali sa aming online talakayan sa iba't ibang issue.
09:09Kung may nais din kayong maibalita sa inyong lugar, mag-PM na sa Facebook page ng Balitang Hali.
09:21Nasa Bangkok, Thailand lang ating delegasyon para sa Southeast Asian Games na magbubukas na bukas.
09:26Mula sa Bangkok, Thailand, may ulat on the spot si Jonathan Andal.
09:31Jonathan?
09:31Yes, Rafi, nandito ko ngayon sa Media Press Center sa Bangkok, Thailand.
09:37Ito po, nakikita niyo sa likod ko.
09:38Dito yung pwesto ng mga accredited media na magko-cover po ng SEA Games 2025 dito sa Bangkok.
09:45Ito po, JMA Integrated News, ang mga membro ng Philippine Olympic Committee Media na accredited mag-cover para sa SEA Games.
09:52Bukas po, gaganapin yung parada o yung opening ceremony kung saan paparada yung mga atletang Pilipino.
09:58Mangyayari po yan sa Raja Mangala National Stadium bandang hapon.
10:05Dumating na rito sa Bangkok kahapon ang Philippine cricket team at ilan pang atleta.
10:10Sa kabuuan, mahigit 1,600 ang bahagi ng ating delegasyon na pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas mula ng sumali sa SEA Games.
10:18Si na Filipino tennis star Alex Ayala at Alas Pilipinas men's volleyball team captain Brian Bagunas
10:23ang mangunguna sa parade of athletes ng team Pilipinas bilang flag bearers.
10:28Ayon kay Philippine Olympic Committee Chairman Abraham Bambol-Torrentino,
10:32target ng Pilipinas na mahigitan ang overall ranking ng 2023 SEA Games sa Cambodia kung saan panglima ang Pilipinas.
10:39Mula po rito sa Bangkok, Thailand at bilang bahagi ng Philippine Olympic Committee Media,
10:46ako po si Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
10:49Marami pang horror movie fans ang nangilabot sa Kapuso Film na KMJS Gabi ng Lagim The Movie.
11:01Present sa block screening sa Mandaluyong ang isa sa mga bida nito na si sparkle actress Sanya Lopez.
11:08Personal niyang pinasalamatan ng kanyang ever-supportive fans at supporters.
11:12Chika ni Sanya very fulfilling ang experience dahil nakasama niya si Kapuso multi-awarded journalist Miss Jessica Soho.
11:21Ito na raw ang pinakamagandang Christmas gift niya for 2025.
11:25Dumalo rin sa isa pang block screening ng pelikula sa Quezon City ang co-star ni Sanya na si Elijah Canlas.
11:32Hindi na rin pinalagpas ng fans at supporters ng aktor na makaselfie siya.
11:36Sa isang sineha naman sa Fairview, Quezon City, nagpunta si KMJS host at multi-awarded journalist Jessica Soho.
11:44Siya mismo ang nagbenta ng tickets at namigay ng free calendars sa moviegoers.
11:50Nilibre na rin niya ng tickets ang ilang staff ng sineha.
11:55May maaga pa maskong tickets din siya sa ilang dumalo sa Holiday Bazaar sa isang mall sa Makati City.
12:02O mga kapuso, huwag nang magpahuli, sugod na sa sinehan at manood ng KMJS Gabi ng Lagim the Movie ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.
12:17Mga mare, may mensahe. Si kapuso actor Tom Rodriguez sa ex-wife na si Carla Abeliana na ngayon ay engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend.
12:27Wish them well. And yun nga, I'm glad to know everyone is moving on. We all deserve it.
12:36Para kay Tom, close chapter na sila ni Carla.
12:40Hanga din daw niya ang wagas ng kaligayahan para sa dating asawa.
12:44Dagdag pa ni Tom, masaya siya na nakamove on na ang lahat.
12:48Umamin din si Tom na married na siya, pero hindi na nagbigay ng karagdagang detalye.
12:53Mapapanood ngayon si Tom bilang si Gargan, ang Diyos ng Kadiliman, Kaguluhan at Pagkawasak sa Encantaria Chronicles Sangre sa GMA Prime pagkatapos ng 24 oras.
13:05Ngayong nalalapit na ang Pasko, kabi-kabila na ang Christmas party at exchange gift.
13:15Ibahinin nyo itong pasahero at vendor sa isang bus sa Quezon City.
13:20Nag-exchange gift ng pagkain.
13:23Gina-gina nakipagpalitan ng paninda si Kuyang Mani Vendor sa pasaherong niya na may dalang pizza.
13:39Kwento ng uploader na si Marcus Dimatulak, kaibigan niya, ang nakipagpalitan sa Mani Vendor.
13:45Na-takeout daw nila ang pizza mula sa isang birthday party.
13:49Kaya for the share din sila ng blessings ng mangingi si Kuya Vendor.
13:53E mukhang satisfied naman ang dalawa sa kanilang naging food exchange.
13:57Kaya ang video may 4.7 million views na online.
14:02Trending!
14:04Ang galing, barter trade na yung dating.
14:06Oo, mani kapalit ng pizza.
14:08Diyan naman nagsimula, di ba? Wala pang pera noon, nagbabarter lang tayo.
14:11Exchange lang ng mga goods.
14:13E mukhang nabusog naman sila sa pizza dun sa birthday party.
14:16Takeout na lang nila yun eh.
14:17Oo nga.
14:18So may dessert na silang mani, o di ba?
14:20Hindi lang natin nasabi, pero meron pa silang ibang takeout for sure.
14:23Na hindi nakita ni Kuya ang mani Vendor.
14:26Oo, oo. Baka meron pa dyan, no?
14:28I-share nyo na yan.
14:29Pero ang ganda, no?
14:30Dahil syempre, Christmas is the season of giving and sharing.
14:34Yes.
14:34I-share natin ang blessings.
14:36Nakaka-good vibes.
14:36Mmm?
14:37Mm mmm.
14:37Coo.
14:41MIEPED
14:42CANADA
Be the first to comment