Skip to playerSkip to main content
-Office of the Ombudsman: Nasa mabuting kalusugan ngayon at isa't kalahating taon nang walang cancer si Ombudsman Remulla

-Michael Sager at Ohm Pawat, tila magka-duo sa first meetup nila sa isang event

-PBBM, binigyang-diin ang kooperasyon ng ASEAN at South Korea sa 26th ASEAN-Republic of Korea Summit

-Lalaki, nanloob sa isang apartment unit; mga alahas at pera, natangay

-Ilang special guests, naghatid ng katatawanan sa 2nd part ng 30th anniversary special ng "Bubble Gang;" mga bagong miyembro, ipinakilala

-Paggamit ng voice recorder ng fur baby para manghingi ng pagkain, kinatutuwaan online


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Naglabas ang Office of the Ombudsman ng statement o pahayag tungkol po sa lagay ng kalusugan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
00:09Kasunod po yan ang sagot ni Remulia sa isang panayam na na-diagnose siyang may leukemia habang nagpapagaling sa heart bypass surgery noong 2023.
00:19Sa nabanggit na panayam, sinabi rin ni Remulia na sumailalim siya sa chemotherapy at bone marrow transplant gamit ang dugo ng kanyang anak.
00:27Ito ang niya ang nakatulong sa kanyang pagaling.
00:31Ayon sa Office of the Ombudsman, isa't kalahating taon ng walang cancer si Remulia.
00:37Dagdag nito, ang pahayag ni Remulia kaugnay sa kanyang kalusugan at leukemia diagnosis ay nasa past tense o dati nang nangyari.
00:46Tinutukoy rao ni Remulia ang kanyang karanasan bago pa man siya naging Ombudsman.
00:51Tiniyak ng Office of the Ombudsman na nasa mabuting kalagayan si Remulia para gawin ang kanyang trabaho tulad Anila ng pagpapanagot sa mga sangkot sa isyo ng flood control.
01:02Tila nakahanap ng bagong kaduo si ex-PBB housemate at sparkle star Michael Seger, kay Thai actor Om Pawat.
01:15Ipinose ni Michael sa IG ang kanilang new handshake round ni Om.
01:20Smiling with giling ang atake ng dalawang actors.
01:23Nagkasama si na Michael at Om sa isang event sa Malaysia.
01:27Good vibes na kaagad ang hatin ng first collab video ng dalawang actors.
01:33Pinusuan naman niya ng Thai at Pinoy fans.
01:37Update po tayo sa ilang pulong na dinaluhan ni Pangulong Bongbong Marcos sa 2025 ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
01:45May ulat on the spot si Mariz Umali.
01:48Mariz?
01:49Conny, katatapos nga lamang ng 26th ASEAN Republic of Korea Summit na unang pagpupulong sa ikalawang araw ng 47th ASEAN Unrelated Summits.
02:05At sa kanyang intervention speech ay binigyang diin ni Pangulong Bongbong Marcos ang mas tumitindiraw at mas gumagandang ugnayan at kooperasyon ng ASEAN at ng Korea
02:16pagdating sa siguridad, kalakalan at kalikasan.
02:23Ipinunto ng Pangulo ang suporta ng South Korea sa cyber security ng rehyon sa pamamagitan ng ASEAN Cyber Shield Project na layong magpalakas sa kakayahan ng mga eksperto sa cyber security sa Timog Silangang, Asia.
02:34Kinikilala rin niya ang mahalagang papel ng Korea sa kooperasyong pandagat na aniay nakabatay sa rules-based international order at sa ongklos.
02:43Inihayag din ang Pangulo ang pag-asa ng Pilipinas na makasama ang Korea at Estados Unidos sa pagko-co-chair ng ASEAN Regional Forum Workshop laban sa iligal at unreported pati na rin ang unregulated o IUU fishing.
02:56Bilang bansang madalas tamaan ang kalamidad, pinuri ng Pangulo ang ASEAN Standards and Certification for Experts in Disaster Management o ASCEND na pinundohan ang ASEAN-Korea Cooperation Fund na layong patasi ng antas ng hakayahan sa disaster management sa buong rehyon.
03:10Sa usaping pang ekonomiya, tinanggap ng Pilipinas ang negosasyon para sa pag-upgrade na ASEAN-Korea Free Trade Area bilang hakbang sa pagpapalakas ng ugnayang pangkalakalan at sa paglabang sa lumalaganap na proteksyonismo sa pandaigdigang ekonomiya.
03:25Pinuri rin ni Marcos Jr. ang ASEAN-Korea Center sa pagkapatuloy ng mga programa para sa MSMEs at startups gaya ng ASEAN-Korea Startup Week.
03:35Suspeto naman ng socio-cultural, pinasalamatan ng Pangulo ang mga programa ng Korea na nagtataguyod ng pagpapalitan ng kultura tulad ng ASEAN Rock o Republic of Korea Film Community Program, ASEAN-Korea Music Festival at Connect ASEAN.
03:50Binigyan pansin din ni Marcos Jr. ang ambag ng Korea sa mga inisyatibong pangkalikasan kabilang ang Clean Air for Sustainable ASEAN o CASA at ASEAN-Korea Cooperation for Methane Mitigation na nagtataguyod ng malinis na hangin at pangmatagalang kaunlaran.
04:05Koning sa ASEAN-US Summit naman na nangyari kahapon, bigyan ko lang din kayo ng highlights kasi ibinigay na o ipinalabas na ito sa media.
04:13Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Estados Unidos sa matatag nitong suporta sa pagtataguyod ng payapang mga karagatan sa rehyon.
04:22Binanggit ng Pangulo ang ASEAN Regional Forum Training Series at Best Practice Manual on International Ship and Port Facility Security Code na co-shared ng US bilang isang mahalagang inisyatiba upang palakasin ang kakayahan ng industriya ng pagpapadala at maritime sa ASEAN.
04:37Ipinahiyag din ni Marcos ang pag-asang makasama ang Estados Unidos at South Korea gaya na nabanggit ko kanina sa workshop.
04:44Gayunpaman muling binigyan din ng Pangulo ang kanyang matinding pagkabahala sa mga mas mapanganib daw naman ni Obra at sa pilitang aksyon na humahadlang sa mga lehitimong aktibidad ng Pilipinas sa West Philippine Sea
04:55na anyay labag sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award.
05:01So Connie, ito mismo ay sinabi ni Pangulong Bumbo Marcos sa harap ni US President Donald Trump.
05:07Aniya patuloy raw na may mga insidente na naglalagay sa panganib at of course naglalagay sa panganib sa ating mga manging isda.
05:19At sinabi rin niya na sa kabina nito ay tiniyak ni Marcos na mananatiling matatag, kalmado at determinado ang Pilipinas sa pagpapatupad ng declaration on the conduct of parties in the South China Sea
05:32at sa pagtatamo ng isang makabuluhang code of conduct.
05:35So Connie, kasalukuyan ang nagaganap itong 28th ASEAN Plus 3 Summit naman kasama ang China, Japan at Korea
05:44at bukas magtatapos na ang 47th ASEAN and Related Summits sa pamamagitan ng isang closing ceremony at handover of the ASEAN chairmanship sa ating bansa.
05:56Na tayo na kasi ang susunod na mag-share ng ASEAN Summit sa susunod na taon.
06:01At yan ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa Kuala Lumpur, Malaysia. Balik sa'yo, Connie.
06:06Maraming salamat, Mariz Umali.
06:09Ito ang GMA Regional TV News.
06:20Muli kam ang panloloob ng isang lalaki sa isang apartment unit sa Cordoba dito sa Cebu.
06:26Sa kuha ng CCTV, makikita ang isang lalaki naka-itim at nakabonet na pumasok sa unit.
06:33Dumiretso siya sa isa sa mga kwarto.
06:35Maya-maya lang, nasa may pintuan na ang lalaki.
06:39Nandoon na pala kasi ang may-ari hanggang sa sumigaw ang babae.
06:43Tinutukan daw siya ng baril kaya siya napilitang ibigay ang kanyang wallet at mga alahas.
06:49Pero itinapon daw niya ito palabas.
06:51Tumalun daw mula sa terres ang sospek at pinulot ang mga gamit.
06:55Bago ang insidente, may lalaki raw na nakatanaw sa kanilang terres at nag-alok ng pag-deliver ng tubig.
07:02Hinala naman ang anak ng bitima.
07:04Isa sa mga nag-deliver sa kanila ng tubig ang nanloob.
07:08Dahil tila pamilyar daw ang kanilang asos na lalaki.
07:11May dalawa ng persons of interest ang pulisya.
07:14Patuloy pa itong iniimbestigahan.
07:16Full of laughter ang second part ng Anniversary Special Episode ng Bubble Gang.
07:35Finally, napanood na in one frame ang pagpapatawa ni na comedy genius Michael V.
07:41at unkabogable star Vice Ganda.
07:44Ang kanilang paandar, agawan sa bulaklak.
07:47Kasama rin nila si Cherie Solomon.
07:49Special guest din sa special episode, si former PBB collab edition housemate Esnir.
07:55May special appearance din, si 24 Horas anchor at resibo host, Emil Sumangil.
08:01Na nakaharap si Emil maangil ng agresibo.
08:04More happiness ang dapat abangan dahil ipinakilala na rin ang mga bagong kabobble
08:09na maghahatid ng katatawanan sa inyong weekend.
08:12Yan sina Jonah Ramos, Ali Alday, Aaron Maniego, Erica Davis at Karts Udal.
08:19Mapanood ang Bubble Gang tuwing linggo, 6.10pm sa GMA.
08:23Kinatutuwaan ang estilo ng paghingi ng pagkain ng isang aso sa Los Baños, Laguna.
08:35May pagkademanding daw kasi.
08:38Eh baka naman kasi gutom lang talaga.
08:44Baka gusto niyo akong pakainin.
08:45Baka gusto niyo akong pakainin.
08:47Ayun o.
08:48Baka nga naman kasi gusto niyo siyang pakainin.
08:51Baka lang naman daw.
08:53Meet Mojo, ang 5-year-old Pomerania na ayaw magpagutom.
08:57Sa tulong ng voice button na may recorded messages,
09:00tinuruan siyang pindutin yan kung dudumi o kakain.
09:04Eh, ang mukhang favorite niya, yung for the food.
09:07Siyempre.
09:09Bukod dyan, marunong din mag-play ng tricks si Mojo para sa snacks.
09:12Kaya ang video ni Mojo may mahigit 5.8 million views na online.
09:17Talaga namang...
09:18Trending!
09:20Super cute ni Mojo.
09:21Ang galing doon ah.
09:22O talaga mawiwiwi liyatang pakainin pag gano'n ito.
09:25Kuro.
09:25Kuro.
09:26Kuro.
09:26Kuro.
09:27Kuro.
09:27Kuro.
09:28You
Be the first to comment
Add your comment

Recommended