00:00At kasabay ng epekto ng bagyong isang at tabagat, binaha nga ang ilang lugar sa Metro Manila dahil sa malakas ng mga pagulan.
00:09Ilang lungsod din ang nagsuspindi ng pasok sa parlan ngayong araw.
00:13Parikanatan, report pala kay Dennis Osorio.
00:16Dennis.
00:18Yes, Aljos, sa lakas ng ulan at ilang minuto lang nakalipas, lubog kaagad sa tubig baha ang ilang mga lugar dito sa lungsod ng Maynila.
00:28Kabilang na ang munisipyo, ang ilang mga pangunahing kalsada, kalahating gulong hanggang gatuhod na ang lalim, tulot ng bagyong isang.
00:37Isa na ang kahabaan ng TM Calao Avenue, kung kaya't nagtabuhol-buhol na ang mga sasakyan dahil mayroong ilang tumirik na.
00:46Ang mga nastranded, kinailangan ng puntahan ng rubber boat dahil hindi na rin kinakaya ng sandbag na harangan ang pagtas ng tubig.
00:54Ayon sa Manila Public Information Office, Puros Baha ang mga lugar sa Maynila.
01:00Lagpas gutter ang Pedro Hill Walkway, Taft Avenue tapat ng NBI, Taft Avenue Parking, Taft Avenue sa tapat ng Adamson hanggang TM Calao Avenue,
01:10Quirino Station Walkway at yung parte sa harap ng Vito Cruz at Manila City Hall.
01:16Hanggang tuhod naman sa Padre Fauron Street hanggang intersection nito.
01:20Samantala, hindi na passable sa maliliit at magagaang sasakyan ang Taft Avenue at Padre Fauron.
01:28Gayun din sa Pasay, ang Edsa Rojas Boulevard northbound.
01:32Kalahating gulong na ang taas ng tubig kaya hindi na rin ito madadaanan ng mga light vehicles.
01:37Habang passable pa ang Andrews Avenue westbound dahil gutter deep pa lang ang taas ng tubig doon.
01:43Sa Paranaque naman, binabahan na rin ang kahabaan ng Dr. A. Santos at ang bahagi sa tapat ng Paranaque National High School
01:51ay hindi na rin ito madadaanan ng lahat ng mga klase ng sasakyan dahil lagpas gulong na ang taas ng tubig dito.
01:59Samantala, sa Makati, gutter deep ang northbound ng Rojas at Buendia at gayun din ang Edsa Shaw Boulevard tunnel northbound.
02:07Kung kaya't passable pa rin ito for all types of vehicles.
02:10Nagsimula nang magbigay ng libreng sakay ang ating kapulisan para sa mga nastranded nating mga kababayan dito sa Maynila.
02:18Ang ibang pribadong pickup truck tumutulong na rin at nagpapasakay sa likuran ng kanilang sasakyan.
02:25Nagdeklara na rin ng walang pasok para sa lahat ng antas ng public at private schools simula ngayong hapon sa mga sumusunod na lungsod.
02:34Ang mga lungsod ng Makati at Valenzuela, kanselado ang pasok para sa mga preschool hanggang senior high school at may pasok pa rin ang kolehyo.
02:54Ang lungsod ng Maynila, Muntinlupa City, Mandaluyong City, Pasig City at Pateros naman suspended ang in-person classes pero posibleng itunoy via alternative learning delivery.
03:08No face-to-face classes for all levels sa Hala-Hala, Rizal at gayon din sa preschool to senior high school ng Santa Cruz, Laguna at Santa Rosa City, Laguna.
03:19Sa Albay naman, wala na rin face-to-face classes sa lahat ng antas para sa public at private at magsishift ito sa learning alternative methods.
03:28Samantala, Aljo, mayroon din tayo magandang balita para sa mga naapektuhan ng biglaang suspension ng classes dahil sa malakas na pagulan sa Metro Manila.
03:38Inanunsyo ng Department of Transportation na mayroon na rin libreng sakay sa LRT1, LRT2 at MRT3 simula kaninang 12 noon ngayong araw.
03:49Yan ang pinakauling balita mula rito sa Maynila. Balik sa'yo, Aljo.
03:53Maraming salamat, Denise Osorio.