00:00Araw po ngayon ng Biernes, alamin muna natin ang sitwasyon dyan sa Simbahan ng Quiapos sa Maynila.
00:05Mula kay Denise Osorio, live. Denise?
00:11Broad, Biernes na naman at ngayong umaga dito sa Basilica Menor at Pambansang Dambana ni Jesus Nazareno.
00:19O mas kilala bilang Quiapo Church. Maraming mga deboto ang muling dumalo dito sa Quiapo Church para makipag-isa at makipag-misa.
00:30Kahit pa umuulan ngayong araw, hindi nagpapigil ang mga katoliko na pumila at makiisa para sa misa.
00:37Bitbit ang kanilang mga payong at panyo, sabay-sabay silang nagdarasal para sa kagalingan, biyaya at proteksyon ng pamilya.
00:45Kahit puno ang simbahan, hindi naman mabigat ang daloy ng trapiko dito sa kahabaan ng Quezon Boulevard, pero mamaya inaasahang bibigat ito.
00:54Samantala, kapansin-pansin ang mga bulaklak na inihandog kahapon para sa ikalimamput-apat na anibersaryo ng Plaza Miranda bombing.
01:04Noong August 21, 1971, dalawang granada ang ibinato dito sa labas ng Quiapo Church habang nagsasagawa ng campaign rally na ikinamatay ng siyam na indibidwal.
01:15Rod, sa ngayon, hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng ulan at patuloy naman pa rin ang pagdalon ng mga boto dito sa Quiapo Church.
01:25Yan ang pinakuling balita mula dito sa Plaza Miranda. Balik sa iyo.
01:29Maraming salamat, Denise Osorio.