00:00Ito, umuha tayo ng updates sa sitwasyon ngayon sa Quiapo, sa Maynila.
00:04Nagbabalik si Bernard Ferrer live. Bernard?
00:08Audrey, lalong kumakapala ang mga deboto na nandito sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus,
00:16Nazareno, para nga magsimba at mag-alay ng panalangin habang hinihintay nila ang pagbabalik ng andas.
00:24Audrey, sa kasalukuyan nagpapatuloy ang banal na misa sa Quiapo Church at nagbibigay na ng komunyon sa ating mga kababayan.
00:35Taimting na nakapila yung mga kababayan natin habang tatanggap at tumatanggap, kasalukuyan tumatanggap ng komunyon.
00:42Sa bahagi naman ng Quezon Boulevard, halos hindi na mahulugan ng karayom yung mga kababayan natin na hinihintay ang pagbabalik ng andas sa Quiapo Church.
00:54Audrey, simula kaninang umaga, nakita natin yung mga kababayan natin na halos magdamagnang nag-antabay dito sa Quiapo Church
01:03ang ilan sa ating mga nakausap, mga kabataan na may kanya-kanyang debosyon, may kanya-kanyang kwento, may kanya-kanyang panata.
01:12Lalo ng ilan sa kanila minana ang debosyon mula sa kanila mga lolo, lola, mga magulang.
01:19Ang ilan nga sa ating nakausap, ipinagpapatuloy na nila yung debosyon na nakagisna nila sa kanilang lolo mula pa sa pagkabata.
01:29Ang ilan naman may mga panalangin na dininig, lalo na yung mga estudyanteng nagpulang satwesyon,
01:35or kaya may mga pinagdadaanan sa buhay.
01:38Ilan din sa ating nakita kanina, Audrey, ang mabagal na usad ng andas.
01:43Ilan sa ating mga kababayan ay nasaktan sa pagpupumilit na makalapit sa andas.
01:50Kanina nasaksihan natin yung sobrang bagal yung nasa Kesson Boulevard ito.
01:56Halos inabot ng isang oras bago makapasok ang andas sa Arlegui Street.
02:01Sa mga oras na ito, binabagtas na ng andas yung Arlegui Street Corner, Cancer Street.
02:06At umaasa nga yung mga otoridad na mapabilis yung pagpusad ng andas
02:13upang maibalik ito sa Quiapo Church sa lalong madaling panahon.
02:20Sa ngayon pa rin, hindi madaanan ang Kesson Boulevard para sa ating mga motorista.
02:26Kaya pinapayuhan na dumaan sa mga itinalagang alternatibong ruta.
Be the first to comment